Ryder's POV
Tahimik kaming lahat habang kumakain ng hapunan na hinanda nila Tatay Manuel. Tinapos ni Heaven ang hindi pagkaunawaan nila Blade at ang pinsan nilang si Scythe. Hinayaan na lang nila ito na makasama si Lovely dahil nakikita rin namin sa kanya na hindi siya takot kay Scythe. Ngayon kami ang naiilang sa ginagawa ni Scythe kay Lovely. Nasa kandungan niya ito naka-upo habang sinusubuan ng pagkain. Kaya ang Golden Retriever nito ang nakaupo sa upuan ng dalaga.
"Ang sarap talaga magluto ni Nanay Soray. The best ang kanyang luto ever! Mas masarap pa ang luto niya kaysa kay Heaven! Hahahahahaha---aarayyy puta!"
Huminto sa pagtawa si Godee ng batukan siya ng kambal niya.
"Pakyu ka ba! Wag ka ng kumain ng mga luto ko! Kahit kailan."
Nakasimangot na wika ni Heaven sabay sunod sunod na sumubo ng pagkain. "Pero, ang sarap talaga ng luto mo Nanay Soray. The best po kayo." dagdag na sabi niya. Nag thumbs up pa siya kay Nanay Soray na tuwang tuwa silang pinapanood ni Godee. Kanina ko pa napapansin simula ng dumating kami rito sa Mountain Valley halos lahat ng tao dito ay tuwang tuwa ng makita ang kambal. I wonder, maliban sa magaganda sila at kakaiba ang awra. Ano pang dahilan bakit lahat ng tao dito ay masayang nakita sila.
"Salamat mga apo. Ngunit, hindi ako lahat nagluto niyan kundi si Lovely."
Wika ni Nanay Soray kaya lahat kami napatingin kay Lovely. Naramdaman ata nito ang mga tingin namin dahil agad itong sumubsob sa dibdib ni Scythe.
"Hey everyone! Stop staring at her! Or else I'll kill you. All of you!"
Typical attitude of Hunterose : Sobrang possessive nila sa kanilang pagmamay-ari. Magkamatayan man wala silang pakialam.
"Baliw"
Sabay na bigkas ng tatlong magkapatid. Blade, Godee, at Heaven. Halata sa mga ito ang pagka-inis kay Scythe. Lalo pa silang nainis ng ngisihan lang sila nito. Nang-aasar.
"Baby, can I sleep beside you?"
Malambing ang boses ni Scythe nang sabihin niya iyon kay Lovely. Sabay na nagbaksak ng kutsara't tinidor sa plato sila Blade at Godee. Kaya napatingin kaming lahat sa kanila. Ang sama ng tingin ng mga ito sa pinsan nila.
"Sumusobra ka na, Scythe!"
Inis na saad ni Blade. Saan na ang kalmado naming leader? Kanina pa masama ang timpla nito ng makita si Scythe.
"What's wrong with that? Tabi lang naman kami matulog. Oh, do you expecting na may gagawin kami? You know, an adult stuff?"
Ngising turan ni Scythe kay Blade na lalong kinainis nito.
"Heaven baby, pagsabihan mo yang baliw na yan. Hindi sila pwedeng magtabi ni Lovely sa iisang kama hangga't hindi pa sila kasal."
Nakasimangot na tumingin si Heaven kay Blade. Habang si Godee naman ay patango tango. Sang-ayon sa sinabi ng nakakatandang kapatid.
"Duhhhh, kuya nasa tamang edad na si Scythe at Lovely. Alam na nila kung ano man ang dapat sa hindi dapat nilang gawin kung magtabi man sila sa iisang kama. It's their choice anyway. Kung magkaroon man tayo ng pamangkin edi masaya."
Nakasimangot na usal ni Heaven. Hindi alam ang sinasabi. Patuloy lang siya sa pagkain.
"Duhhh, ayaw ko magkaroon ng pamangkin na baliw, twin. Mahirap na."
Sambit ni Godee. Masama ang tingin kay Scythe. "Pero, kung magmana kay Lovely edi ayos lang din hahahahaha!" dagdag pa niya. Isa ring baliw.
"Aish! Umayos nga kayo, wag nyong hahayaan matulog yan sa tabi ni Lovely. Kundi, papatayin ko na talaga ang baliw na yan."
Inis na wika ni Blade. At nagpatuloy na rin sa pagkain. Masama, sobrang sama ang tingin na binibigay niya kay Scythe na wala namang pakialam sa kanila. Pangisi-ngisi lang ito.
"Itokö, gusto mo pa ba ng hipon. Paghihimay kita."
Sumama na rin ang timpla ng mukha ko ng marinig ko ang boses ni Moon katabi nito si Godee. Bakit ba kasama pa namin sila dito? Eh, may sarili namang Rest house ang mga taga Sullivan University.
"Sige, maghimay ka ng marami at bibigyan natin si Beautiful Ryder."
Wika ni Godee at kumindat pa siya sa'kin. Urgh! Bwiset! Kaharap ko siya kaya kitang kita ko ang bawat galaw niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na sa pagkain. Nawawalan lang ako ng gana kapag titignan ko sila ni Moon. Tsk!
Tumingin ako kay pareng Worth, mabuti pa siya katabi niya ang Heaven niya na walang pakialam na kumakain ng kung anu anong damo. Paano naman kase, ang laman ng plato nito puro gulay. Hindi ko pa ata ito nakitang kumain ng karne. Kahit doon sa Mansion ang ulam niya palagi purong gulay.
Dana's POV
Tanggal lahat ng pagod namin dahil sa napakasarap na hapunang hinanda nila Nanay Soray. She's Tatay Manuel's wife. Kasalukuyan akong nandito sa silid na para sa'kin. I want to rest na talaga. But, I need to do my proper hygiene first before going downstair. Naiirita ako sa Golden Retriever ni Lovely kanina dahil lapit ng lapit ito sa'kin at inaamoy amoy ang down there ko. Matalas ang pang-amoy ng aso kaya alam ng asong yun na meron akong bisita. Ewww. Talaga. Tapos, nabubwiset pa ako sa kambal dahil pinagtatawanan nila ako kapag lumalapit sa'kin ang aso ni Lovely. Kaya nga nagmamadali akong tapusin ang hapunan ko at pumanik na rito sa silid ko upang makapaglinis sa sarili.
"But, I forgot kasama nga pala sa pagsabog ng bus namin ang mga gamit namin. Gosh, ano nang gagawin ko? I'm sure walang mga napkins dito."
Sambit ko sa kawalan. Walang grocery store sa lugar na ito dahil nasa gitna ito ng kagubatan. So, you need to go to in syudad to buy personal things. Masyadong malayo ang market dito.
"Bakit naman kase may regla pa ako ngayon?"
Sambit ko muli. Nanlaki ang mata ko ng kusang bumukas ang bintana at biglang humangin ng malakas!
"OMG!"
Usal ko. Lumakas ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sobra. I don't know what to do. Kung lalapit ba ako sa bintana para isara ito o hayaan ko na lang itong nakabukas. But, it so dark outside na. Malalim na rin ang gabi at tahimik na sa labas maliban sa tunog ng mga kuliglig at pagaspas ng mga dahon. Kaakit akit ang lugar na ito tuwing umaga ngunit pagdating ng gabi ay super creepy na. Nakakapanindig balahibo ang kadiliman sa paligid. Napapalibutan pa ng mga puno itong bahay nila Tatay Manuel.
May pumapasok na usok mula sa bintana kaya lumapit na ako rito upang isara ito. Ngunit, natigilan ako at nanlaki ang mga mata ko ng may isang panget na nilalang ang bumungad sa'kin. Naka tiwarik ito sa sanga ng puno. At ang sama ng tingin nito pero naka ngisi siya sa'kin.
Hindi ako makakilos. Nanginginig ako sa sobrang kaba.
Ang daming pumapasok sa isip ko kung ano ang tawag sa nilalang na ito. Lalo pang nanlaki ang mata ko ng may isa pang nilalang na gumagapang sa sanga. Anyong tao sila ngunit katakot takot ang kanilang mga itsura. Hindi ko mawari. Ang isang gumagapang ay puti ang suot nitong bestida habang ang isa namang nakatiwarik ay purong itim. At ang kanilang mga mata ay matalim ang tingin habang may umaagos na pulang likido dito. Dugo!
Dahan dahan akong lumingon sa kama ko ng may narinig akong kaluskos mula sa ilalim nito.
Tripleng kaba na ang nararamdaman ko at ano mang oras ay tutulo na ang luha ko sa takot. Pikit matang sinilip ko ang ilalim ng kama!
"Hello, Dana Miller. Wanna play?"
Nakakatakot na wika ng isa pang nilalang mula sa ilalim ng kama ko! Mabilis itong gumagapang patungo sa'kin!
"AHHHHHHHHH!!!! HELLLPPPPPP MEEEEEEE!!!!"
Dumadagundong na sigaw ko. Bago ako nawalan ng malay narinig ko ang tatlong nilalang na nagtatawanan.