Chereads / The Badass Twins / Chapter 23 - Chapter 22

Chapter 23 - Chapter 22

Godee's POV

Nag-umpisa na ang Outreach Program. Tuwang tuwa sila sa mga bata habang kami naman ni twin ay tinataboy ang mga batang lumapit sa'min. Mga uhogin! May mga sipon pa sa ilong!

"Twins, tumulong kayo sa pagbibigay ng pagkain sa mga bata."

Utos sa'min ni kuya. Sabay kaming umiling ni Heaven. Nagsalubong ang kilay ni Kuya pero wala naman siyang sinabi saka siya bumalik sa ginagawa.

"Blade, out of stock na tayo ng sterilize milk."

Dinig kong sabi ni Dana kay kuya.

"Ok sige magpapakuha ako. Twins, para may magawa naman kayo. Kumuha kayo ng sterilized milk doon sa clinic."

Utos muli ni kuya sa'min. Sumimangot kami ni Twin pero tumango na rin. Mahirap na baka sumabog bigla kuya namin. Hahahhahaha!

"Bakit nasa clinic nakalagay ang mga gatas?"

Tanong sa'kin ni twin. Nagkibit balikat ako. Di ko rin alam.

"Dugo ng tao yata laman ng sterilized milk nila."

"Ano yun? Sterilized blood?"

"Pwede rin. Di ba mangkukulam si Dana baka kinulam niya ang mga gatas."

Dumating kami dito sa clinic. Nasa likod lang ito ng Quadrangle. Dito pala galing iyong mga batang uhogin. At marami pa sila, may mga inuubo pa. Sobrang malubha ang kanilang kalagayan. Iisa lang ang clinic dito kaya ang haba ng pila. Tansya ko nasa isang daan ang mga batang nakapila kasama ang mga magulang nila.

Buwan yata ng uhog ngayon. Kadiri naman. Tumutulo pa mga sipon nila.

Pumasok kami ni twin sa clinic. Hindi pa pala nag-uumpisa ang check up. Kaya pala ang haba ng pila.

"Mamaya pa ang check up, Misis. Wala pa ang mga assistant ko."

Sabi ng doctor nakahiga ito sa mahabang kahoy na upuan. Nakapikit pa ang gago.

"Kahit wala kang assistant kung hindi ka isang baliw at kalahating gago. Kanina ka pa dapat nagsimula mag - asikaso sa mga pasyente mo!"

Tamad itong nagmulat ng marinig ang boses ko bago ito bumangon at umupo.

"Kayo pala, twin."

Anito. Humihikab pa si gago. Sa dinami dami ng doctor bakit siya pa ang kinuha ni kuya.

"Paano ka napadpad dito, Felon?"

Seryosong tanong ni Heaven sa kanya. Ngumisi si gago. Hindi man lang natatakot sa kaseryosohan ng kapatid ko.

"Easy, hindi ako sanay na seryoso ka, Heaven. Sabihin na lang natin na, nandito ang hinahanap ko."

Nakangising wika nito. Kung hindi ko lang kilala ang taong ito. Kanina pa ako tumakbo sa takot. Bukod sa baliw siya nakadagdag pa sa nakakatakot niyang awra ang mga crimson niyang mata. Anytime, pwedeng pumatay.

"Wag mo akong subukan, Felon. Hindi mo teritoryo ang lugar na ito kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo umalis ka na ngayon din."

Banta ni Heaven sa kanya. Hindi ito nagpatinag at lalo pang lumawak ang ngisi. Nang-aasar.

"Nandito ang nag-iisang teritoryo ko. Kailangan ko siyang makuha bago ako umalis dito."

Ngumisi si Heaven. Ngising nakakatakot. Kaya natigilan si Felon at nag-iwas ng tingin ito.

"One wrong move, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo, Scythe Felon Hunterose."

Wika ni twin pero nagmamatigas na tumingin muli sa'min si Scythe.

"Isa lang naman ang gusto kong makuha. Bakit ayaw niyo pang ibigay sa'kin?"

Inis nitong usal.

"Alam mo na ang sagot niyan, Scythe. Tsk. Saan ba nakalagay ang mga sterilize milk?"

Inis ding saad ng kambal ko. Tinuro ni Scythe ang refrigerator sa labas. Kaya, lumabas si twin.

"Surgeon doctor ka, bakit ikaw ang kinuha nila kuya? Dapat mga pediatric ang kinuha nila. Hindi ikaw na pumapatay ng pasyente."

Nakangising nagkibit balikat ito. Pinsan namin siya mas matanda lang siya ng apat na taon sa'min. Ngunit

hiwa hiwalay ang mga utak nito kaya ang hirap pagsabihan.

"Im'ma Family Doctor kaya pwede ako sa lahat."

Mayabang niyang saad. A psycho jerk. Ngumiwi ako sa sinabi niya. He's already a Surgeon Doctor at age of 20. Apat na taon na rin siyang pumapatay ng mga pasyente niya.

"Kamusta naman ang pagiging kasapi ng Monster Trio?"

Tanong ko sa kanya. Ngumisi siya.

"Fun but boring"

"Wala ka kasing magawa sa buhay kaya kung saan saan ka napadpad. Kita mo, pati itong teritoryo namin pinuntahan mo."

"I just wanted to challenge the two of you. Especially, my favorite cousin Heaven. I like her when she's bored. You know, she can kill everyone in one snap."

Nakangising wika niya. Baliw. Isa ring fanboy ni Heaven.

"Di ba sabi ko, umalis ka na. Bakit nandito ka pa rin? Gusto mo yatang paliparin kita papunta sa lungga mo."

Inis na wika ni Twin may dala siyang dalawang kahon ng Sterilized milk. Hinagis niya sa'kin ang isa. Agad ko namang nasalo ito.

"On duty pa ako kaya bawal pa akong umalis dito. Blade told me, isang linggo pa akong mananatili rito."

"So, isang linggo kang papatay ng mga tao rito?"

Inis na tanong ni Twin sa kanya. Gusto kong matawa dahil hindi niya talaga ka-vibes itong si Scythe. Naiinis siya kapag kasama ito o nakikita. Lumapit sa kanya ang pinsan namin at hinalikan siya sa noo. Sumunod ay sa'kin.

"Nah, isang linggo ko pa siyang makakasama."

"Nakita mo na pala siya"

Saad ko.

"Galing siya dito kanina. Nagpa check up siya ng mga mata niya. And guess what, guardian niya ang binigay kong retriever."

Nakangiti niyang wika. Kumunot ang noo ni twin.

"Fine, may isang linggo ka para makasama siya. At pagkatapos, umalis ka na. Wag matigas ang ulo, Scythe."

Nawala ang ngiti ni Scythe at napalitan ito ng nakakatakot na ngisi.

"Matitigas din naman ang ulo niyo pero lahat ng gusto niyo nakukuha niyo. Is it unfair, Heaven?"

"Magkaiba tayo ng pinanggalingan. Ikaw nabuhay ka sa loob ng yelo habang kami nabuhay sa pagmamahalan ng magulang namin. Kaya, tigilan mo na ang kahibangan mo."

Lalong ngumisi si Scythe sa sinabi ni twin. Hindi naman siya nagsalita at inayos ang suot niyang doctor coat.

"Mag-uumpisa na ako sa pag-che-check up. Kaya maaari na kayong umalis, twin. Have a good day."

Ngiting wika nito. Nababaliw na naman siya. Tumingin sa'kin si Heaven kaya binuksan ko ang suot kong relo. At may tinawagan.

"Magpadala ka dito ng mga iba't ibang klaseng Doctor natin. As soon as possible. Sabihin mo rin sa kanila nandito ang baliw naming pinsan."

Utos ko sa kausap ko.

"Copy, Commander."

"Hindi niyo na kailangan magpadala ng iba pang Doctor dito. I'm here already. Tsk."

"Shut up and do your work."

Sabi ni Twin saka kami umalis sa clinic.

"Ang baliw na yun, alam ba nila kuya na nagpatayo ito ng Mental Hospital para sa sarili niya."

Saad ni twin. Nagkibit balikat ako.

"He's a doctor. Responsibilidad niyang manggamot ng pasyente kaso kapag trip niya itong patayin, papatayin niya. Remember, noong sumakit ang ulo ko at nagpa check up ako sa kanya, sabi niya putulin na lang daw ang ulo ko dahil wala ng gamot."

"Yeah, he's crazy, autistic, psycho."

But, that crazy jerk has a property. A lovely blind lady. Pinoprotektahan namin ito ni twin mula sa kanya. Hindi normal na tao si Scythe dahil isa siyang baliw. Tulad ng sabi ni Heaven kanina nabuhay siya sa yelo. At age of 7, kinulong na siya sa yelo dahil sa ginawa niyang kasalanan. It's called Hailstone Prison Cell na matatagpuan sa Russia. Ginawa iyon para sa mga taong may mabibigat na kasalanan at isa si Scythe na nakulong doon. Pinalaya siya noong nag 18 years old na siya. Nakakatawa man isipin pero si Twin ang Guardian niya.