Chereads / Love in the sky / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

"Margaux!" Mommy Shouted Lumingon ako bago lumapit sakaniya.

"It's Luigi mommy not Margaux" Saad ko sabay bored na umupo sa upuan. Kinuha ko ang plato at nilagay sa tapat ko.

Bumukas ang pinto at nilabas iyon ni daddy, hawak niya ang Cellphone niya at may kinausap. Tumatango tango ito bago patayin.

"Good Morning" Saad nito bago umupo. Tumango lang ako at sumubo.

Nang matapos na ako ay kinuha ko na ang bag ko at nag lakad pataas ng hagdan para pumunta sa kwarto. Inayos ko ang uniform at binaba ang paldang maiksi at kinuha ang itim na cap na nakalagay sa taas ng lamesa.

"Wala si Mang Edgar" Saad ni daddy kaya tumango ako bago mag lakad paalis. Isinuot ko ang cap at isinukbit ang bag sa likod.

"Luigi!" Inis akong lumingon dahil sa sigaw na ni Ivan na tumatakbo papunta sa akin.

"Pare! First time nating mag commute ah" Saad niya nag lakad nalang ako papuntang pasadahan ng jeep at tumayo para mag hintay. Isinuot ko ang earphone.

"Luigi! Sabay ako!" Ashely said tumango lang ako at umayos ng tayo.

Ilang minuto den ay pumara na ako. Sumakay na kami sa sasakyan at inalis ang bag sa likod para ilagay sa hita ko.

"Gago ka!" Nag sitawanan ang mga kalalakihan sa harapan ko kaya itinaas ko ang Isa tingin ko at tumambad ito sa isang lalaking seryoso nakatingin saakin.

Kita ko namang lumipat si Ashley sa kabilang side kaya Wala na akong katabi. Lumingon naman ako sa lalaking tumabi saakin. Ibinigay niya ang panyong hawak niya bago lumapit saakin at bumulong.

"Masisilipan kana miss, paki ayos ang palda mo" seryoso ang tono niya bago umusog ng kaunti. Rinig ko naman ang tukso ng mga kaibigan niya. Inilagay ko ang panyo sa hita ko bago ipatong ulit ang bag.

"Dalawa pa sa kanan!" Sigaw ng isang lalaki kaya nag usugan sila. Umusog naman ang lalaki, nang dumikit ang balat niya sa balat ko ay naground ako.

"Close your legs" He whispered.

Kaagad akong Umupo ng maayos bago umiwas ng tingin at tinuon nalang iyon sa daan. Ilang minuto den ay bumaba na ako.

"Lumambot ka ata?" Pang aasar ni Ivan na kakababa lang din sa jeep. Ngumisi ako bago mag lakad paalis.

Bored akong umupo sa upuan at iniayos ang damit, Pumasok ang isang gurong babae bago inilibot ang tingin sa loob.

"The girl at the back! Paki Alis ng cap" Saad niya.

Alam kong Ako ang tinutukoy niya kaya inis kong inalis iyon bago hawiin ang mahaba kong buhok. Rinig ko naman ang sigawan kaya napairap ako.

"What is your name?" The professor asked.

"Luigi" Saad ko at tumayo. Ngumiti Naman ang guro bago tumango.

"Full name please"

"Margaux Luigi Zandeja" Tumango siya bago lumingon ulit saakin. Sumingkit ang mata niya para usisain ako.

"Kapatid mo si Shawn?" She asked.

"Cousin" Saad ko sabay upo. Sinimulan na niyang mag turo kaya inilabas ko ang notebook at ballpen para simulan din mag notes.