"Let's go" He said.
Tumayo naman ang ate niya bago hatakin ako, tumayo naman ako at sumabay sa lakad nilang mag kapatid.
"Ice cream" Turo ni Ate Sam sa kapatid niya. Tumango naman ang lalaki bago lumingon saakin. Kaagad akong umiwas ng tingin.
"Two rocky roads and one vanilla please" ngumiti ito sa babae bago ibigay ang pera sa lakad nito. Nakaupo na si ate Sam ngayon sa upuan.
"Kumain kana, tunaw na ang ice cream mo" Cooper whispered.
Napalingon ako sakaniya bago tumango. Tinignan ko ang tunaw kong ice cream bago kainin iyon.
"Tom's world kami" aya ni ate Sam bago hawakan ang kamay ko. Tumango naman ako bago tumingin sakaniya.
"Faster... Baka hindi mo yan maubos" bulong niya pa.
"Tara na!" Aya ni ate Sam sabay hatak ng kamay ko. Tinignan ko ang ice cream na nasa harapan ko. Hindi ko nga siya naubos.
"Nahiya ka ba sa kapatid ko?" May nanunuksong saad niya kaya napailing nalang ako.
"Uh Hindi naman" Saad ko.
Kumuha ako ng coins sa palad niya at nag laro sa basketball. Nalaglag ang limang bola kaya kinuha ko iyon. Binato ko ang isang bola sa basket at na shoot iyon.
Halos tatlong oras na rin kaming nag laro kaya nag sawa na din sila. Tinawagan na ni ate Sam ang kapatid niyang nag lalaro. Bubuksan ko sana ang cellphone ko kaso lowbat na.
"Hatid ka na namin" isinabit ni ate Sam ang kamay sa braso ko kaya lumakad na kami pababa.
Sumakay na kami sa kotse nila bago sabihin kung saan Ang bahay namin. Nang tumigil na sila sa tapat ng bahay namin ay kaagad akong bumaba.
"Thank you po uh a-ate Sam... Uh k-kuya" damn it! Nakita ko naman ang bahagyang pag taas ng gilid na labi ni cooper.
"Bye Luigi" dinig ko pang Saad ni ate Samantha ngunit hindi ko na sila nilingon at pumasok nalang sa gate.
"where did you go?" Natigilan ako ng marinig ang boses ni kuya Knox na nakapamaywang sa harapan ko.
"Ah! Si ate Sam! Girlfriend ni kuya Shawn" Saad ko sabayw tango pa.
"Where did you go?" Pag pupumilit niya pa kaya napakamot nalang ako sa ulo ko.
"SM" tumango siya bago tumalikod at pumasok sa loob.
"Sino kasama?" Napatalon ako ng marinig ulit ang boses niya. Hinawakan ko ang bandang puso ko bago humarap sakaniya.
"Kapatid niya" simpleng saad ko bago umakyat sa kwarto. Binuksan ko ang telepono ko at bored na humiga sa higaan.
Ashyiee:
Kilala ko na siya teh! Kyle Daniel!
Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Anong gwapo sa tindero na yon e Hindi nga nakikisabay sa mga trip ko nilalaglag pa ako.
Marguigi:
Panget yon wag ka dun!
Ashyiee:
Pa eo kana teh! Libre ko ;)
Natawa Naman ako sa sinabi niya. Kinuha ko ang clamp at itinali iyon sa buhok ko. Bumukas ang pinto at nilabasan iyon ni kuya Knox.
"Let's eat, bumaba kana" masungit na saad niya bago mag lakad pababa. Tumayo Naman ako at kinuha ang charger para I charge ang lowbat na cellphone ko.
Rinig ko naman na may kausap si kuya na nakapamaywang ngayon sa harapan ng hagdan. Inis niyang pinatay ang tawa at bored na bumaba. Tumingin ito saakin kaya nag lakad na ako pababa. Inakbayan niya ang balikat ko habang nakatayo Naman ako sa gilid niya.
"Kelan ka umuwi?" I asked.
Rinig ko ang pag tawa niya. "Kanina lang miss me?" He asked. Ngumuso ako bago tumango.
"I miss you too"
_____________________________________________________________________
:)