"Inom! Luigi!" Ngumisi ako bago itaas ang kamay para sumangayon.
"6 PM!" Habol niya pa kaya tumango lang ako. Kinuha ko ang bag para umuwi. Nakita ko naman si kuya Knox na nakaabang sa kung saan.
"Luigi!" Lumingon ako bago tumingin kay Ashley na sasabay daw.
"Kuya mo yon Diba? Gwapo ah!" Kinikilig na saad niya kaya napailing nalang ako. Pumara ako bago sumakay at kinuha ang wallet.
"Tangina naman e! Bakit ba ang likot niyo!?" Inis na saad ng kung sino sa harapan ko.
"Bayad po," Saad ko sabay bigay ng pera sa kung sino bago nisarado ulit iyon at inilagay sa bag.
"Oi! Luigi! Hi?" Tumaas ang tingin ko sa mga lalaking nakangisi ngayon sa harapan ko. Tumango lang ako bago ibaling ang tingin kay cooper na nakangisi din.
"Sama ka ah! Kita kits mamaya 6 pm bar!" Tumango ako dahil sa sinabi ni Ashely. Kumaway ako para mag paalam dahil baba na siya.
Sinuot ko ang earphone bago isuot din ang cap at pumikit. Ramdam ko naman na may umupo sa tabi ko kaya napadilat ako.
"Hey" umayos ako ng upo bago lumingon sakaniya.
"Bakit nakasimangot ang baby ko huh?" He whispered.
Hindi ako gumalaw dahil kumalabog naman ang puso ko gusto ko na sanang bumaba pero malayo pa ang bababaan ko.
"Can you please stop?"
Umiling siya sabay nguso. Pumikit ulit ako bago isuot ang earphone sa tenga ko.
"Mas maganda ka kapag walang earphone at cap" kahit nakaearphone ako ay rinig na rinig ko ang sinabi niya.
Nang huminto ang jeep ay bumaba na ako. Nakita ko naman si mommy na kumakain Ngayon sa hapag. Kumuha ako ng kutsara para makitikim din.
"Ako nag luto niyan" pag mamalaki niya kaya ngumiti ako bago mag lakad pataas ng hagdan.
"Luigi" kuya Knox said.
Inilapag niya ang sampong chocolate sa higaan ko bago kumindat. Ngumiti Naman ako bago tumawa.
"Thank you!" Saad ko sabay yakap sakaniya.
"You're welcome my baby girl" Saad niya sabay halik sa noo ko.
Isinarado ko na ang pinto bago mag bihis. Nag lagay ako ng pulang lipstick para terno ng pulang dress na suot ko. Kinuha ko na din ang sandals at isinuot iyon.
"Mom! Bar!" Paalam ko bago tumakbo palabas ng bahay dahil papagalitan nanaman niya ako. Sumakay ako sa kotse at nag maneho papalayo.
"Nice! Nakarating din!" Ngumisi ako dahil sa sinabi nila.
"Ako pa!"
May lalaking lumapit saakin kaya ngumiti ako. Kinuha ko ang kamay niyang nakalahad ngayon sa harapan ko bago hilahin ako papuntang dance floor. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa balikat niya bago sumayaw.