"Hey! Stop the car!" I joked.
Ngumisi siya ng nakakaloko bago paandarin ulit ang sasakyan.
"Mama mo stop" He teased.
inirapan ko siya bago tumingin sa paligid. Maganda ang pagka hubog ng tala habang ang buwan naman ay bilog na bilog na ani mo'y kumikinang sa kalawakan.
"Baka kunin ka na niyan ni lord" Saad niya sabay tawa pa.
Inirapan ko siya kaya napatawa pa siya. nag ring ang telepono ko kaya napatingin ako kay cooper na nakatingin na rin saakin.
"[Hello?]" kabadong Saad ko.
"[where are you Margaux Luigi!]" Daddy Shouted.
kaagad pumintig ang puso ko ng dahil doon. humiga ulit ako bago itapat ulit ang cellphone sa tenga ko ngunit ihinila iyon ni cooper.
"[Good Evening Sir...]" Kinausap niya si daddy habang nakatingin naman ako sa kawalan.
"Here" Saad niya sabay bigay ng telepono saakin.
"Ano Sabi? Nagalit ba?]" I asked.
umiling siya bago hawakan ang kamay kong nanlalamig. ngumisi siya ng tumingin sa salamin nasa harapan namin habang nakahawak parin sa kamay ko.
"So saan tayo pupunta?" pag tataka ko dahil malayo na ito sa bahay namin.
"Palawan" simpleng saad niya ng ikinamilog ng mata ko.
Napahawak ako sa labi dahil sa sinabi niya. Napailing naman siya ng makita ang itsura ko.
"Wala akong damit" Sumimangot ako.
"We will buy there" Saad niya sabay sulyap muli saakin. tumango naman ako bago ayusin ang upo.
Binuksan ko ang mata ko dahil sa sikat ng araw na tumambad sa mukha ko. Nakita ko naman si cooper na naka pamaywang at may kinakausap na lalaki sa labas.
"Oh hi miss" Saad ng morenong lalaki kaya ngumiti ako.
"Hey baby" Saad ni cooper sabay hawak sa bewang ko at hinatak ako papalapit sakaniya.
"I'll go ahead" Ani ng lalaki bago tumalikod at nag lakad paalis.
Tumingin naman ako Kay cooper na nakatingin din saakin. kinuha ko ang bag sa sasakyan at iniayos ang gamit iyon bago lumabas upang sundan si cooper.
"Let's go" Saad niya sabay lakad papalapit saakin. hinawakan niya ang kamay ko bago sinimulang mag lakad.
Kinuha niya ang susi sa kamay ng babae bago ibigay saakin. kinuha ko naman iyon bago siya sundan.
"Dun ka sa harapan, dito ako" Saad niya kaya tumango naman ako. binuksan ko ang pinto bago pumasok.
"How much ba? this room?" I asked.
"15k one night" Saad nito ng ikinamilog ng mata ko. shocks ang mahal Mahal ah.
"Sana one room nalang kinuha mo" Saad ko dahil medyo mahal ang isang silid. kaagad naman siyang umiwas ng tingin bago umiling.
"I respect you as much I respect my mom and my sister"
patago akong ngumiti bago sumulyap ulit sakaniya. kaagad siyang nag iwas ng tingin bago tumalikod at nag madaling nag lakad papasok sa kaniyang silid.
"Shit!"
Kinuha ko ang bag at naglakad nakita ko naman ang bagahe kaya binuksan ko iyon. puro damit pang babae kaya napalingon ako sa pinto.