Chereads / Love in the sky / Chapter 20 - Chapter 19

Chapter 20 - Chapter 19

iginala ko ang tingin sa loob ng bar. maraming taong sumasayaw at tumatawa. nasulayapan ko naman ang pamilyar na lalaki kaya tumakbo ako patungo sakaniya.

"K-kuya!" Aligaga akong lumapit sakaniya dahil muntik na siyang matumba. Tumawa pa siya ng bahagya bago umupo sa upuan at tinungga ang natitirang alak. kaagad ko iyong hinila ngunit umiling siya.

"Hey, Luigi" saad niya sabay inom pa.

"Why are you here? Go home" Umiling ako dahil sa sinabi niya bago siya hatakin ngunit naramdaman ko ang hila ng kung sino kaya napalingon ako.

"Eto ba yung babae mo huh!? Ang kapal naman ng mukha mo!" Kaagad dumapo ang palad niya sa mukha ko kaya napaawang ang labi ko ng tumingin sakaniya.

"Celestina! What are you doing!?" Nagising ang diwa ni kuya dahil sa ginawa ng babae. Tumaas ang tingin ko kay cooper na madilim ang tingin saakin.

"Bakit!? Kakampihan mo siya?" Ngumisi ang babae bago humarap saakin. Lumingon naman ako kay kuya na kunot noong nakatingin sa babae.

"Ganyan ba ang isang malandi pati boyfriend ko inaagaw mo? Eto yung girlfriend mo diba cooper? Bakit hindi mo sabihin sakaniya na wag siyang umahas sa boyfriend ko?"

Mapait akong ngumiti bago idapo ang palad ko sa mukha niya. Nag tiim naman ang panga ni cooper ng humarap ako sakaniya.

"Tangina Margaux! Ano bang ginagawa mo?" Pasigaw na saad ni cooper.

Marahan niyang hinatak ang kamay ng babae bago haplusin ang mukha nito dahil sa sampal ko. Malamig ang tingin ng babae sa kapatid ko bago tumingin saakin.

"You cheated on him?"

"Pinag palit mo si k-kuya para kay cooper?" Ni hindi ko na marinig ang boses na lumalabas sa bibig ko.

"Stop it Margaux!" Bumaling ako kay cooper na sumigaw.

Kita ko ang talim at galit sa mata niya dahil sa pinag sasabi ko. Tumango lang ako bago tumingin kay kuya na nakatingin din saakin.

"Bakit hindi nalang kaya kayo? Tutal Gusto niyo naman ang isa't isa diba?"

"B-baby hindi ganun-"

"Eh ano? Pumasok ka sa buhay ko para ano? Agawin mo yang babaeng yan sa kapatid ko? Para mas makalapit ka sakaniya dahil girlfriend siya ng kapatid ko? O baka naman lumapit ka saakin dahil gusto mo pa siya?" Kumirot ang puso ko habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Kaya ba ayaw mo akong umiinom dahil hindi siya umiinom? Kaya ba ayaw mo akong nag susuot ng cap at earphone d-dahil hindi siya nag susuot ng ganun? K-kaya ba mas gusto m-mong naka d-dress ako kesa naka pants kasi iniisip mo na ako siya?"

"G-ginagawa mo siyang ako? Ganun ba? Ayan! Ayan na siya oh! Bakit hindi mo sakaniya sabihin na mahal mo pa siya!"

Nakatulala lang sila habang nag sasalita ako. Rinig ko ang hikbi ni Celestina kaya napalingon ako. Yakap yakap na nito ni kuya knox ngayon.

"Ang tagal kong inisip kung bakit moko nilalapitan noon kung bakit l-lagi mo akong sinusundo." Nanginig ang boses ko.