Chereads / Love in the sky / Chapter 25 - Chapter 24

Chapter 25 - Chapter 24

Napaubo ang iba kaya napapikit ako. dahan dahan kong inikot ang tingin ko ngunit nakatingin din pala sila saakin.

"Uh may mens po kasi ako kaya mag papalit po sana ako ngunit naihulog ko po ata ito kung saan" Saad ko bago tumayo at inagaw ang pantay sa kamay nito.

Tumango tango naman sila bago sumubo ulit sa kinakain nila. Nakita ko naman ang pag tawa ng kaunti ni cooper bago bumaling ulit saakin.

He mouthed 'Nice' kaya napairap nalang ako tumayo ako at tumalikod para isuot ito.

"Hey, Gusto mo bang tulungan kita?" Napalingon naman ako kay cooper na nasa likod ko ngayon. napairap nalang ako bago buksan ang kwarto nito.

"Pa Cr nalang"Saad ko bago dumeretsyo papuntang Cr at nag bihis.

Pag ka labas ko ay naabutan ko siyang nakahiga ngayon sa higaan niya bago tumingin saakin. Umiwas naman ako ng tingin bago halughugin ang bag na suot ko.

"Alcohol?" He asked.

Tumango ako bago ilahad sakaniya ang kamay ko. Tumayo naman siya at binuksan ang maliit na aparador na nasa gilid niya at ibinigay saakin.

"Thank you" Saad ko bago ibigay ulit sakaniya ito.

"I miss you so much baby ko" He husky said.

Kumalabog naman ang puso ko ng sabihin niya iyon. inihila niya ang kamay ko kaya napaupo ako sa kandungan niya. ramdam ko naman ang hininga niya sa bandang leeg ko kaya napaiwas ako ng tingin.

"Ang tagal mong nawala, Hindi ka nag paalam saakin" Saad niya sabay halik sa batok ko.

Lakas loob akong tumayo bago humarap sakaniya, unti unting nanlabo ang mata ko ng maalala ang nangyari.

"W-wala ng tayo kaya Wala ka ng karapatan saakin, kaya wag kang umastang hawak mo parin ako!"

Napayuko siya dahil sa sigaw ko. Ni Hindi ko marinig ang boses sa paligid ko.

"Malandi ako, pok pok ako! Yan! Ayan Diba Yung gusto niyo marinig? O Ayan na oh malandi ako!" sigaw kong saad bago ngumisi sa harapan niya.

"Alam mo ba kung gaano kahirap para sakin na lahat ng taong nakapalibot sayo puro lalaki? alam mo ba yung pakiramdam na gustong gusto mo makipag laro ngunit laruang sasakyan ang nilalaro nila? Yung tipong tumatanaw ka nalang sakanila dahil Wala kang ibang kalaro?" Tumulo ang maiinit na luha sa aking mga mata.

"Yung tipong hawak mo isang laruang pambabae na binibihisan o sinusuklayan ngunit napalitan ito ng isang paliit na sasakyan upang makasabay ka lang sakanila, Alam mo ba yon?"

"Hindi diba? Kaya wag kang umastang alam na alam mo ang kwento ng buhay ko!" Nangatog ang tuhod ko kaya kaagad akong napaluhod sa harapan niya.

"B-bumabalik ka ulit saakin d-dahil Hindi ka niya pinili ganun ba? Kaya ka ba nandito Kasi nakuha na siya ng iba?" parang batang Saad ko ng ikinailing niya.

"Mahal kita kaya ako nandito"

"Kung Mahal mo ako bakit mo ako sinasaktan?" piniga ang puso ko ng sabihin ko iyon.

Hindi Siya nakapag salita kaya tumayo ako ngunit nawalan ako ng balanse kaya natumba ako ngunit nahawakan Naman ni cooper ang baywang ko kaya napalayo kaagad ako.

"I love you, please don't leave me again" Lumuhod siya sa harapan ko at isinakop ang hita ko gamit ang braso niya.

Napapikit naman ako ng makita ang pwesto niya. umiiyak siya ngayon na parang bata.

"Stay with me baby please" He begged.

__________________________________________________________________________________________

:')