"Excuse me Engr. Lewis" napatigil ako sa pag sasalita ng marinig ko ang pamilyar na boses. Dahan dahan akong lumingon sa lalaking nakatayo na sa gilid ko.
Bahagyang namilog ang mata niya ng makita ako. Rinig ko naman ang pag ubo ni Ashley kaya napatingin ako sakaniya.
"Engr. Lewis, pinadeliver daw po"
Lumingon ulit ako sa may pinto bago kunin ang pinadeliver ko para saamin ni Ashely. Binuksan ko naman ang wallet ko at binigay sakaniya. Umawang ang labi niya habang nakatingin saakin kaya ngumiti ako.
"Miss Zandeja!? Omaygad!" Ngumiti ako sa lalaki bago tumingin kila Ashley na nakatingin din saakin.
"Pwede po pa picture? Crush na crush ka ng anak ko Maam" pag mamalaki niya kaya ngumiti ako bago pumwesto sa tabi niya. Ngumiti ako sa camera bago niya pindutin iyon.
"Thank you po" saad ko sabay mag lakad papunta sa lamesa. Ibinaba ko ang plastic bago tumingin ulit sakanila.
"Miss Zandeja si Engr. De Vera nga pala" May pang aasar pa sa boses niya kaya ngumiti ako ng sarcastic bago humarap kay cooper na nasa tabi ko.
"H-hey, Good Afternoon Engr." Saad ko bago ngumiti sakaniya. Napatigil naman ito bago tumingin ulit saakin.
"Good Afternoon." He coldly said.
Ibinaba niya ang blueprint sa lamesa kaya kinuha ko ang salamin ko. Inihubad ko ang mask at coat bago ipinatong iyon upuang nasa tabi ko.
"Sumexy ka pre" Saad ni ivan na kakapasok lang sa pinto napangisi naman ako dahil sa sinabi niya. Ipinatong niya ang braso niya sa balikat ko bago tumingin saakin.
"Pre... Mahal na ata kita" Napalingon Kaagad ako kay cooper na nakakuyom ang kamao. Rinig ko naman ang tawa ni ivan kaya isiniko ko siya.
"Engr. De Vera!" Matalim ang tingin ni cooper ng lumingon ito kay ivan. Bahagya bumaba ang tingin nito sa kamay ni ivan na nasa balikat ko.
"Can you please take your hand off on her shoulder?" Magalang na saad niya bago tumingin ulit sa kamay ni ivan na nasa balikat ko.
"Alright" Saad ni ivan sabay taas pa ng kamay.
Ngumisi ang lalaki bago tumingin saakin. Napaiwas naman ako bago tumingin kay Ashley na seryosong nakatingin sa blueprint.
"I'll go now! Luigi, Ashley" saad nito bago itaas ang kamay at kumaway. Ngumisi pa ito sa lalaki bago kumaway.
"Siraulo talaga yon" Saad ni Ashley sabay ngisi pa.
"Xel!" sigaw ko kaya napatingin naman ito. ngising lumapit saakin bago halikan ang pisngi ko.
"Luigi,"
Tumayo ako para pantayan siya. Nakita ko naman ang ngising nabuo sa labi niya bago hatakin ang bewang ko. napailing nalang ako bago mag lakad para pumunta sa couch.
"I'll go now, thank you..." rinig kong saad ni cooper bago tumango kay Ashley na nakangiti na ngayon.
"No problem" Inirapan ko naman siya ng makita ang pag silip niya saakin.
_______________________________________________________________________________________
;)