"B-baby-"
"Kaya ka ba nasa tabi ko k-kasi i-iniwan ka niya?" Kinagat ko ang ibabang labi ko para pagilan ang iyak.
"Shut up!" Saad ko sabay hakbang patalikod dahil nag lakad siya papalapit saakin.
"M-mahal mo parin siya k-kahit tayo na? k-kaya ba tuwing pumupunta ako sa room mo puro larawan niya ang nandun? kaya ba nung hineram ko ang camera mo lagi mong hinahablot baka Kasi makita ko ulit ang mga larawan niya?"
"So tell me! B-bakit siya?" Namamaos kong saad.
"Stop being childish Margaux!" Tumango ako bago humarap sa kapatid kong hinawakan ang kamay ko.
"I'm sorry-"
"I hate you! I hate you! I hate you!" Saad ko sabay alis ng kamay ko sa palad niya. Napahagulgol ako dahil doon.
"N-nananahimik ako! Nananahimik ako! T-tapos papasok kayo sa buhay ko para lang guluhin? dahil lang sa iisang babae? Putangina niyo" Malutong na mura ko.
Kaagad namang umiling si cooper na nasa harapan ko. Kukunin niya sana ang kamay ko kaso inilayo ko iyon sa kaniya. Tumulo ang luha sa mata niya kaya napaiwas ako ng tingin.
"Nandito naman ako eh, b-bakit hindi nalang ako?" I begged before cried so hard.
"Bakit Hindi nalang ako huh? lahat naman binibigay ko sayo! lahat ng pag mamahal na gusto mo binigay ko kahit ubos na ubos na ako! Tuwing natutulog ka at sinasabi mo yung katagang 'Wag moko iiwan Celestina' alam mo ba kung gaano kasakit iyon para sakin?"
"Hindi Diba? Kasi puro sarili mo nalang ang iniisip mo! puro ikaw nalang! paano naman ako huh?" nanlulumong Saad ko.
"I'm s-sorry, ayoko na" Saad ko bago sumiksik sa mga taong naka palibot saamin. Pinaandar ko ang sasakyan bago mag drive paalis.
"Oh god! Ano bang ginawa kong mali at bakit niyo ako pinaparusahan ng ganito?"
Tamad akong nag lakad pataas ng hagdan ni hindi ko na nilingon sila mommy dahil kanina pa niya ako tinatawag. Binuksan ko ang kwarto ko bago marahang humiga sa higaan bago tumayo para mag hilamos.
"Luigi!" I heard my brother's voice.
"I'm sleepy," saad ko sabay punas ng mukha sa twalyang nakasabit. Kinuha ko ang toothbrush at sinumulang gamitin iyon. Rinig ko parin ang katok ng kapatid ko.
"Margaux Luigi!" Bored kong pinatay ang ilaw bago buksan ang pinto.
"What? Can you please stop?" Saad ko bago lumundag sa higaan at nag taklob ng kumot.
"Paki sarado nalang ng pinto kapag umalis ka" saad ko sabay pikit ng mata.
Nag pakawala siya ng hininga bago isarado ang pinto. Tinakpan ko ulit ang mukha ko dahil mag sisimula nanamang tumulo ng mga luha ko. Binuksan ko ang ilaw na nag rereflect ng universe sa buong kwarto ko.
"I hate you so m-much"
isiniksik ko ang mukha ko sa unan at humikbi. Rinig ko naman ang pag bukas ng pinto kaya kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag iyak.
"I'm so sorry baby... I love you so much" rinig kong saad ni cooper.
Minulat ko ang mata ko ng marinig ang pag sarado ng pinto. napatulala nalang ako sa kisame habang ang mga luha ko ay umaagos sa mukha ko.
________________________________________________________________________________________
:'(