Chereads / Love in the sky / Chapter 18 - Chapter 17

Chapter 18 - Chapter 17

He pushes his wet hair back, Tumayo siya para lumapit saakin tumatagaktak ang tubig ng bumaba ang tingin ko sa katawan niya hanggang sa V line niya kaya kaagad akong umiwas.

"You look like my sister" Saad niya sabay tawa pa.

"Ganyan na ganyan siya kapag si kuya Shawn nakikita"He Chuckled before sit beside me.

Tumango ako bago humarap sakaniya. Nakita ko naman ang kitang sa mukha niya habang nakatingin saakin.

"Gusto gusto mo talaga ang kapatid mo huh" I smiled.

Ngumiti naman siya bago tumango. hinawakan niya ang kamay ko at ikinulong iyon sa darili niya.

"Pero mas gusto kita yie..." Saad niya ng ikinatawa ko. tumayo ako bago siya hilahin.

Nag lakad na ako papasok sa room para maligo. ilang oras din ay natapos na ako kaya humilata na ako kama. rinig ko naman ang pag bukas ng pinto kaya napalingon ako.

"Here..." Saad niya sabay bigay saakin ng blower. kinuha ko naman iyon bago umupo.

"Can you help me?" Saad ko sabay bigay sakaniya ng blower. pumwesto Naman siya sa likod ko bago tumingin sa salaming nasa harapan namin ngayon.

Sinuklay niya ang buhok ko bago gamitin ang blower. napapikit naman ako dahil sa init na lumalabas dito. ilang minuto den ay natapos na kaya tumayo na ako.

"Let's go" Aya niya sabay hawak sa kamay ko.

nag lakad kami sa gilid ng dagat. madilim na ngayon at kitang kita ang kumikinang na mga tala at bilog na buwan

"You are the brightnest star in my sky" Saad niya kaya inilagay ko ang ulo ko sa balikat niya habang nakatingala sa kalawakan.

"Ikaw ang perlas na gustong gusto kong makuha mula sa karagatan at ipag damot sa iba"

"Wake up Margaux!" minulat ko ang mata ko at tumingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

"10 minutes" Saad ko sabay patong ng unan sa mukha ko. rinig ko naman ang pag tawa niya kaya pumikit ako.

"Hey baby uuwi na tayo" He whispered.

bored akong tumayo at pumuntang Cr para maligo. medyo mabigat pa ang pakiramdam ko at parang hinahatak pa ako pababa ng tubig.

"Baby are you okay?" Kumatok siya kaya tumayo ako ng maayos bago buksan ang pinto.

"Tara na iuuwi na kita" Saad niya sabay upo sa tabi ko. hinawakan Naman niya ang bewang ko habang inaayos ko naman ang gamit ko.

"I love you"

Binuhat niya ang luggage bago isarado ang pinto. Nag lakad na ako pababa at ngumiti sa mga taong nadadaanan namin.

"Baka mauntog ka" Saad niya sabay lagay ng kamay sa tuktok ng ulo ko. nang makasakay na ako sa sasakyan ay kaagad na rin siyang sumakay.