Chereads / Love in the sky / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

"Ano bang ginagawa mo dyan?" Saad ni kuya shawn na tumabi saakin. Tinignan ko naman si ate Samantha na katabi din niya bago umiling.

"Bakit ka ba dyan nakatingin? Hindi yan gwapo... Tara na kain na" Hinila niya ang kamay ko bago natawa dahil sa sinabi niya.

"Happy birthday bro!"

Nilabas ni kuya shawn ang isang alak at iwinagay way iyon. Bahagya namang natawa si cooper sa ginawa nito at tumingin saakin.

"Shanghai penge! Ayun den oh!" Kuya dylan said.

I rolled my eyes bago tumingin kay cooper na nakikipag tawanan. Sinanggi naman ako ni ate Samantha kaya napabaling ako sakaniya.

"Batiin mo na" She teased.

"Uh, happy birthday" saad ko. Sakto lang para marinig niya. Lumapit naman siya sa bandang tenga ko kaya napaurong ako.

"Thanks baby" He smirked playfully.

Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Kaagad namang kumalabog ang puso ko. Tumingin ako sakaniya na nag lalakad na papunta sa kaibigan niya.

"Anyari sayo?" Siniko ako ni ate Samantha kaya natauhan ako. Ngumiti lang ako bago tumalikod sakaniya at umupo sa couch.

Lumingon ulit ako kay cooper na nakaupo sa isang upuan at hawak hawak ang isang basong alak. Napaiwas lang ako ng lumingon din siya saakin.

"Stop staring at me baby... Baka matunaw ako" Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig ang boses niya sa gilid ko.

"I'm sorry nagulat ata kita" umusog ako para makaupo siya. Umupo naman siya bago tumingin saakin.

"Fix your dress, nakikita ko ang dibdib mo" Saad niya sabay iwas ng tingin. Inayos ko naman ang dress bago umupo ng maayos.

"Oi! Cooper" Lumingon ako sa lalaking nasa tapat ko na ngayon. Moreno na mapayat at Hindi gaano katangkaran.

"CJ" pakilala niya bago ilahad ang kamay sa harapan ko, ngumiti naman ako at akmang makikipag kamay ngunit ramdam ko ang kamay ni cooper na pumulupot sa bewang ko at hinatak ako papalapit sakaniya, ngumisi pa ito sa lalaki.

Nag sorry ang lalaki bago mag lakad papaalis. Lumingon Naman ako kay cooper na nakangisi parin ngayon habang pinag mamasdan ang mukha ko.

"Why?" I Asked. Bakit ganyan niya ako itrato ngayon? Bakit ganyan siya tumitig.

"Nothing" Saad niya. Tumayo siya dahil inutusan siya ng kapatid niya.

Ilang oras din ay nakipag kwentuhan din ako kila ate Sam bago mag paalam para umuwi ngumiti nakita ko si kuya dylan na lasing na lasing na.