"Nag aaral ka pala?" May pag ka insultong Saad ni Ashley sabay baling saakin. Ngumiwi ang bunganga ko ng tumingin sakaniya.
"Hindi" sarkastikong saad ko.
Napalingon ako sa lalaking pormadong nakatayo sa harapan ng bookshelves habang nakaakbay naman sakaniya ang Isa pang lalaki. Kita ko naman ang ngisi na nabuo sa labi niya dahil sa binulong ng lalaki.
"Coops!" Ashley shouted.
Lumingon ang lalaki sa gawi namin. Itinaas niya ang kamay niya at tumango kay Ashley bago humarap ulit sa bookshelves na nasa gilid niya. Kinuha niya ang limang libro bago pumunta sa librarian.
"Name?" Librarian asked.
"Coperious Xavier De Vera" Saad niya sa mahinang Boses napataas naman ang kilay ko dahil sa pangalan niya unique huh.
Iginala ko ang tingin sa shop na sinabi ni ash kahapon nasa tabi lang daw netong iskwelahan na ito. Wala Naman akong nakitang bago kaya nag lakad nalang ako sa Isa pang store na lagi kong pinupuntahan.
"Pst! Pogi" I flirty said.
Lumingon ang lalaki at ngumising tumitig saakin kinuha ko ang ilang snacks at ipinatong iyon sa harapan niya, kinuha naman niya iyon at binalot sa plastic.
"Utang nanaman yan?" Pang aasar niyang kaya dahan dahan akong tumango.
"Promise babayaran ko den" I said and pouted.
Rinig ko ang bell na tumunog kaya lumingon ako, kita ko naman si coops na nag lalakad papasok. Iginala niya ang mata niya sa loob bago huminto ito saakin. Nag lakad na siya patungo sa may refrigerator at kumuha ng dalawang inumin.
"Libre kita gusto mo?" Wala sa sarili kong tanong bago taasan Siya ng kilay. Natigilan naman ito dahil sa tanong ko.
"Hindi ka pa nga nag babayad e!" Sigaw ni Kyle kaya nilakihan ko siya ng mata.
"Hindi ka nag babayad?" His deep voice make me froze.
"Huh? Nag bayad na ako baliw!" Tumingin ako kay kyle na ngumisi bago umiling. Inilagay na niya sa Plastic ang dalawang inumin bago kunin ang pera sa palad ni coops at Idinikit na niya ang resibo sa plastic.
"Mag Kano utang niya?"
"Hindi Naman lalagpas ng 1000" nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nito. Feeling ko nasa 200 lang ang utang ko.
"How much?"
"999" laglag panga ko siyang tinignan dahil sa sinabi nito. Binuksan naman ni coops ang wallet niya at ibinigay ang dalawang libo kay kyle.
"Pag nag utang ulit siya ayan na ang bayad"
"Thanks by the way" Saad ko sa lalaki. Tumaas ang gilid ng labi niya bago tumango at tumalikod.
Sumakay na siya sa kotse niya bago mag maneho papalayo. Rinig ko naman ang ubo ni kyle kaya napalingon ako sakaniya.
"Akala ko ba tomboy ka? Crush mo yon?" Tanong ni kyle kaya umiling ako.
"Baka lalaki to" Saad ko sabay ngisi pa bago tumingin ulit sa dinaanan ng lalaki.
"Bakla ka oi!" Saad niya sabay talikod napatawa Naman ako sa inasta niya bago kumaway para umalis.