kaagad kong kinuha ang paper bag na pinadala ni kuya shawn kanina. Nakasarado ito kaya hindi ko na binuksan pa.
"Mom! Aalis na ako" Saad ko bago pumasok sa sasakyan nag hihintay naman si Mang Edgar.
"Kuya Edgar! Hi po" Ani ko ng makarating na ako sa tapat ng kotse. Ngumiti naman ito at pinag buksan ako ng pinto.
"Saan Tayo ma'am?"
Ibinigay ko ang maliit na papel na ibinigay ni kuya shawn kanina. Kinuha Naman niya ito bago mag simulang mag drive. Nasa tapat na kami ngayon ng malaki na bahay kaya lumabas na ako at pinindot ang door bell.
"Excuse me ma'am sino po sila?" Napabaling ang tingin ko sa guard kaya ngumiti ako.
"Uh pinapabigay po ni kuya Shawn Kay ate Samantha?" Hindi ako sigurado kung ayun ang pangalan niya. Tumango naman ito at tinawag ang babae.
"Miss Sam! May nag hahanap po sainyo" sigaw ng guard napatingin ang babae bago mag lakad papunta sa pwesto ko.
"Uh, pinapabigay ni kuya shawn" I shyly said. Ngumiti naman ito bago kunin.
"Pasok ka, ikaw si luigi Diba?" Tumango ako bago pumasok sa bahay nila. Tumingin naman ako kay mang Edgar bago tumango.
"Upo ka," Saad niya inilibot ko ang tingin ko at maganda nga ang bahay nila.
"Tomboy ka?" Nabulunan ako sa sarili kong laway dahil sa tanong niya. Kaagad naman siyang tumayo at kumuha ng tubig at ibinigay saakin.
"Uh, bi?"
Tumango siya bago tumingin sa taas. Tumaas din ang tingin ko sa lalaking bored na nag lakad pababa ng hagdan. Naka sando at short lang siya pero ang lakas parin ng dating niya.
"Xavier! Lika!" Tawag ni ate Sam lumingon naman ang lalaki bago tumango. Napako ang tingin niya saakin bago umiwas ng tingin.
"Pinsan ni kuya shawn mo" pakilala ni ate Sam. Napapikit ako ng mariin bago nag lakad patalikod.
"Cooper" Nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko bago ngumiti ng nakakaasar.
"L-luigi" nauutal kong saad. Ngumiti naman ito bago tumalikod at nag lakat papunta sa kung saan.
"Sama ka? SM tayo" aya ni ate Sam kaya napatango nalang ako. Lumaki ang ngiti niya dahil sa sagot ko.
"Yon! Alam mo ba kung naging lalaki ako naging crush kita" Tumawa siya dahil sa sagot niya bago Tumango tango.
"Totoo nga!" Pag pupumilit niya kaya tumawa nalang ako para siyang baliw.
"Nag kagusto kana sa lalaki?" Tanong niya kaya marahan akong Tumango.
"Syempre, Babae parin naman ako" saad ko bago ngumiti sakaniya ilang oras din kaming nag daldalan hanggang sa bumaba na ulit ang kapatid niya.