"Ganda mo Luigi" Sigaw ng isang lalaki kaya napailing nalang ako. Ang iba ay sumangayon.
"Wag niyong ginaganyan niyan! Baka Lumambot nanaman niyan katulad nung kanina!" Tuwang Saad ni Ashley.
Sumilip ako sa salamin at Nakita ko naman ang lalaki na nasa jeep kanina. Nakikipag tawanan siya sa tropa niya bago umakbay.
"Pst! Tomboy!" Saad ni Ashley kaya napalingon ako. Tumawa ito ng tumingin din sa tinitigan ko kaagad Naman akong umiling dahil aasarin nanaman niya ako.
"Tara na tol! Cafeteria!" Sigaw nila, kinuha ko ang bag ko at isinuot ko din ang cap nagw lakad na para sumunod sakanila.
"Luigi!" Nikka shouted. Ngumiti ako bago mag lakad patungo sakaniya.
"Hey" Saad ko bago yumakap sakaniya. Rinig ko naman ang pag tawa niya bago yumakap din saakin.
"I miss you" Saad niya.
"I miss you too" Saad ko sabay ngisi. Ramdam ko naman ang kamay na humila saakin.
"Niks later nalang" Saad ko bago kindatan siya. Natawa Naman siya bago kumaway at tumango.
"Ano ba" inis na saad ko dahil sa ginagawa nila.
"Alam kong babae ang gusto mo pero bakla ka babae ka Rin no" Saad niya sabay hila saakin papunta sa kung saan.
"Ano order mo? Bilis!" Inilabas niya ang wallet niya kaya napataas ang kilay ko.
"Crush mo nanaman ako ashy, okay lang yan" I playfully winked at her before giggled.
Napaawang ang bibig niya dahil sa sinabi ko. Natawa Naman ako sa reaction niya bago sabihin ang order ko sa babaeng nasa harapan.
"Ang kapal ng mukha mo! Alam kong gwapo at maganda kang babae pero no no no" Saad niya sabay iling pa kaya natawa ako.
"Okay lang yan! Ganyan talaga ang buhay" I teased.
Iritado niya akong tinulak kaya napahalakhak ako ng dahil don. Inilapag ng babae ang order namin kaya kinuha ko iyon. Lumingon naman ang babae saakin kaya ngumisi ako.
"Ang ganda mo sa totoo lang" Saad nito kaya nahihiya akong ngumiti.
"Thank you" Saad ko sabay buhat ng tray. May ibinulong pa si Ashely sa babae bago sumunod saakin.
"Ganda ka daw? Ew" nandidiring Saad niya bago dumila pa.
Hanggang dito sa cafeteria ay rinig ko na ang boses ni Ivan at Axel na nag tatawanan kaya inis akong napalingon sakanila. Itinaas nila Ang kamay nila bago tumakbo palapit saamin.
"Penge" inis kong inagaw sa kamay niya ang tinidor bago isubo iyon sa bibig ko. Nag make face sila bago kunin ang tinidor ni Ashley at kumurot sa cake na nasa harapan ko.
"Ah talaga xel? Pakyu ka" Saad ko dahil sa ginawa niya. Tumawa Naman siya bago tumakbo papalayo.
Tumingin naman ako Kay Ivan na may panunuksong tingin. Inilagay ko ang earphone ko sa tenga ko bago sumimsim sa juice.
"May new store diyan sa gilid kakabukas lang, daanan mo malay mo may free ka" Saad ni Ashley kaya nag kibit balikat nalang ako bago tumango.
"Xel! Xel! Wait!" Sigaw ni Ivan bago umakbay kay xel na umiwas bago tumakbo papalayo. Tumingin naman ako kay Ashley na hinihintay Ang sagot ko.
"Ewan ko Ashley, Try ko bukas pormahan ko yung nag titinda" ngumisi ako ng sinabi iyon bago siya tumawa ng malakas.
_______________________________________________________________________
;)