Pagkatapos ulit magpakilala ni Irish. Agad kaming pumunta sa kotse niya at sumakay. Nasa passenger seat ako dahil nasa back seat na sina Athena at Ezra.
"What you two took so long?" Tanong ni Athena noong umatras ang kotse ni Irish na siyang namamaneho ng sasakyan niya.
"Nothing." Sagot ni Irish at nginitian ako. Inayos ko ang pagkakaseat belt bago umusad ang sasakyan ni Irish. "Where going to?" Tanong ni Irish at tinignan sina Athena sa rectangle na salamin.
"I don't know any restaurants in here." Sagot ni Ezra sa likuran ko. Naka-tingin lang ako sa gilid ko na bintana ng sasakyang ni Irish na para talaga sa kanya.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinuha at nakita ang text na galing kay Kyron. Pinag-usapan nila Irish kung saan kami kakain at wala naman akong alam na kainan kaya nireplayan ko si Kyron.
From: Kyron
Hi, my dearest. Where are you?
To: Kyron
Kasama ko sina Irish. Bakit nawala ka kahapon, Ky?
Nagtataka ako kung bakit wala si Kyron kahapon, itatanong ko sana kahapon kina Rance pero hindi ako nakakuha ng tiyempo itanong sa kanila.
Tinignan ko ang bintana, umuulan pala at kasulukuyan kaming tumigil dahil sa traffic sa harapan namin. Muling tumunog ang cellphone ko.
"Turn on the radio, Irish Hana—"
"I'm older than you, Athena Millionaire—"
"Don't care. Just turn on the radio, I'm bored." Rinig kong sabi ni Athena. Walang nagawa si Irish at pinaandar ang radio niya kotse.
From: Kyron
Who's with you? It's raining. I'm sorry about yesterday, my dearest.
To: Kyron
Wala kang kasalanan, nag alala lang ako sayo kasi bigla kang nawala. Kasama ko ang mga pinsan mo, sina Athena at Irish at ang fiancé ni Clifford, si Ezra. Nasa sasakyan kami ni Irish.
"Linar, who's texing you?" Biglang tanong ni Athena na ikinabilis ko ng lingon sa kanya na naka-taas ang kilay sa akin.
"Uh— s-si Kyron..." Halos pabulog kong sagot kay Athena at mabilis na bumalik sa kina-uupuan ko at tinignan ang reply ni Kyron na kakarating lang.
From: Kyron
Tell Irish to drive safely and if you planning to eat somewhere, we're in Cupid's Cuisines. We'll wait.
Hindi ko na nireplyan si Kyron at nilagay nalang ang cellphone sa shoulder bag ko at nilingon si Irish na fucos sa pagmaneho ng sasakyan na mabilis na umusad.
"Irish," lumingon si Irish sa akin. "Sabi ni Kyron, nasa Cupid's Cuisines sila—"
"What!?" Tanong ni Irish habang pabalik-balik ang tingin sa akin at sa kalsada. Hindi niya ata ako naririnig dahil sa lakas ng volume ng radio ni Irish sa kumakantang Athena.
Pinindot ko ang off button ng radio. Napalingon sa akin si Irish na ngising tinignan ako, nilingon ko sina Athen, kumunot ang noo niya sa akin at Ezra na napalingon rin sa akin.
"Sorry. Hindi kasi maririnig ni Irish ang sasabihin ko at baka ma-aksidente tayo." Hingi ko ng tawad at nilingon si Irish na ngumisi sa akin.
"Irish, nasa Cupid's Cuisines sina Kyron at mag ingat ka sa pagmamaneho, sabi ni Kyron." Sabi ko sa kanya at aakmang paandarin ulit ang radio dahil gusto ulit ni Athena kumanta.
"Ate Linar, kindly turn on—"
"Stop singing, Athena. Have mercy on our ears." Putol ni Irish kay Athena na inirapan lang siya. Ilang minuto kami natahimik, si Ezra ang unang nag-open nang topic hanggang sa nakarating kami sa Cupid's Cuisines.
"Let's go." Sabi ni Irish at unang lumabas ng kotse. Tumila na ang ulan at naka-park ang sasakyan niya malapit sa mismong building ng Cupid's Cuisines.
Sumunod kaming dalawa ni Ezra na bago pa lang sa lugar na napuntahan. Kasama ni Irish si Athena na unang pumasok sa lob, sumunod naman kami ni Ezra kay Irish na sumunod pumasok kay Athena.
Sumalubong sa amin ang malamig na hangin galing sa naka-sabit na aircon. "Tsumetai." Rinig kong bulaslas ni Ezra na ngumiti sa akin. Mukhang parehas kaming magiging yelo sa loob dahil sa suot namin.
Hindi ko dala ang jacket ko dahil akala ko sa gymnasuim lang ako pero hindi ko inaasahan na dito kami kakain sa malamig na kainan at mukhang ganon rin si Ezra na naka-long sleeves na hanggang siko at high waist skirt na hanggang ibabaw ng tuhod niya.
"You didn't bring any jacket, Linar?" Tanong ni Ezra sa akin noong paakyat kami sa ikalawang palapag, sinundan namin sina Athena at Irish na may hinahanap.
Umiling ako sa kanya. "Hindi e. Nakalimutan ko." Sagot ko sa kanya at nginitian siya. Lumingon siya kina Athena at Irish na nasa mesa na may pamilyar na lalaki na naka-tayo sa harap ni Irish.
"Me too, Linar, and I'm hungry!" Natatawang sabi niya kaya napatawa rin ako sa kanya. "Let's go, Linar. They looking at us." Sabi ni Ezra sa akin at unang naglakad patungo sa mesa.
Sinundan ko si Ezra patungo sa mesa. Tama nga si Ezra, naka-tingin sa amin ang mag pinsang Millionaire na naka-upo sa mesang nilapitan nina Irish at Athena na naka-upo na.
"Ma-magandang araw." Bati ko sa magpinsan noong naaa harapan na ako ng mesa nila. Naiilang ako sa kanila dahil nakatingin sila sa akin lalo na si Kyron na ngumiti sa akin.
"Maganda araw rin, Linar." Halos sabay na bati ng magpinsan. Ngumiti sila sa akin kaya nginitian ko sila at tatabi sana kay Laylac pero nakuha ang atensyon ko at sa mga pinsan niya sa tikhim na nang galing kay Kyron.
"Uh— Linar, doon ka tatabi sa tabi ni Kyron. Baka may ma-black eye at naka-lipstick na kulay dugo mamaya." Natatawang sabi ni Feri na siyang ikinatawa ng malakas ni Rance.
"Prevention is better than cure." Bumingisngis ang mga pinsan ni Kyron na masamang tinignan si Laylac na ngising aso lang sa kanya.
Bumilis ang tibok ng puso ko habang palapit sa tabi ng kinauupan ni Kyron. Umupo ako sa upuan katabi si Kyron na katabi si Athena at Feri, kaharap namin sila Rance, Irish, Ezra at Clifford at nasa magkabilang dulo ng mesa na sina Triple na katabi namin ni Rance at Laylac na katabi sina Clifford at Feri.
Hinayawakan ko ang magkabilang braso dahil sa lamig na naramdaman. Lumingon sa akin si Kyron at tinigna ang braso ko. "Why? Are you cold?" Yukong tanong sa akin ni Kyron at tumango sa kanya.
Yumuko rin ako pabalik sa kanya, malapit sa tenga niya bumulong ako. "Oo. Nakalimutan kong magjacket e." Sagot ko sa kanya at bumalik sa kinauupuan ko. Mabuti at walang naka-kita sa aming dalawa.
Lumingon ako kay Kyron na hinubad ang jacket niyang kulay itim. "Here. Isuot mo iyan. Baka magkasakit ka." Sabi niya. Tinanggap ko ang jacket niya, ang lamig na kasi at hindi ako sanay.
Hinawakan niya ang buhok ko para hindi maipit sa jacket. Nginitian ko siya pagkatapos isuot ang jacket niya na amoy ng pabango niya. "Salamat." Pasalamat ko sa kanya.
"You're welcome." Sabi niya at nilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko na ikina-init ng pisnge ko dahil sa ginawa niya.
Ang bilis ng tibok ng puso ko sa ginawa niya. Gusto kong sumigaw sa kilig pero ginawa ko nalang sa utak ko dahil nakakahiya. Pero mas bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala kong kasama pala namin ang mga pinsan ni Kyron.
"Huwag kayong PDA, Kyron." Biglang sabi ni Laylac na agad siyang masamang tinignan ni Kyron. May galit ba si Kyron kay Laylac? Kanina pa silang ganyan.
"Don't so bitter, Laylac. Find someone to do with your bitterness in life." Singit ni Athena kay Laylac na inirapan lang siya. "Where's the owner of this freaking cuisine. I'm hungry!" Sigaw ni Athena sabay hampas ng kamay niya sa mesa.
Nqgsitinginan ang ilan sa mga kumakain kay Athena na inis na hinawi ang buhok niya na tinamaan si Feri na inis na hinablot ang buhok ni Athena.
"Kung gusto mong iflip ang buhok mo, parang model ng palmolive, Athena. Hindi ka papasa dahil sa lakas ng hawi mo!" Sigaw ni Feri at tinapon ang buhok ni Athena sa mukha niyang masamang tinignan si Feri.
"Hindi naman ako mag a-audition, Barge. And I don't care if iflip my hair like this." Sabi ni Athena at muling hinawi ang buhok niya at muling natamaan ang mukha ni Feri. "It's not your hair, by the way."
Tinawanan si Feri nina Laylac, Rance at Clifford, masama silang tinignan ni Feri. "Huwag niyo nga akong tawanan. Kapag tinawanan niyo lalo, lalala ang utak nang feelingerang—"
"Maganda." Irap na patuloy ni Athena kay Feri na inayos ang polo niya at tinignan si Athen, mula ulo hanggang paa.
"Na saan ang maganda diyan? Wala akong nakikita." Kumento ni Feri at nilingon si Laylac. "Laylac, nakikita mo ba ang kagandahang sinasasabi ng babaeng 'to?" Tanong ni Feri habang tinuturo si Athena.
Seryusong tinignan ni Laylac si Athena. "Don't stare at Laylac." Ilang beses ako kumurap bago nilingon ng bahagya si Kyron na nakatingin sa akin.
Umayos ako ng pagkakaupo. "Hindi ko naman siya tinititigan, Kyron." Sagot ko sa kanya at naramdamang kumulo ang tiyan ko sa gutom. Nahihiyang lumingon ako kay Kyron. "Sorry."
"Hindi ka pa kumain?" Bulong tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya at pilit na nginitian siya. Na sabihin na okay lang ako, kahit nagugutom na talaga ako.
"Ate Linar," lumingon ako kay Irish. "Anong gusto mong orderin?" Tanong ni Irish. Nagulat ako na marunong pala siyang magtagalog, akala ko englishera talaga siya at nakakaintindi lang ng Tagalog.
"Huwag ka na mag-order, Irish." Napalingon kaming lahat sa bagong boses na nagmamay-ari ng binatang may dalang dalawang tray. "I'm tired." Sabi niya at nilagay ang tray sa mesa sa harapan ni Triple at Rance.
Hindi ko siya kilala pero parang pinsan rin siya nina Kyron na naka-tingin sa akin. Lumingon ako sa kanya. "Bakit? May mali ba—" humina ang boses ko dahil nilagay niya ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga ko.
"Nothing." Sabi niya at inayos ang buhok ko. Namula ang mukha ko dahil naka-tingin siya sa akin habang nasa kamay niya ang mukha niya at ang siko na nasa mesa ay bilang suporta sa bigat ng mukha niya.
"Can I kiss you?" Bulong niya na sapat lang na marinig ko. Namula ang pisnge ko sa tanong niya, naramdaman kong hinaplos niya ang pisnge ko at hinawakan ang baba ko habang sumasayaw ang mata niya sa akin at sa labi ko.
"Uh—" hindi ako makasalita dahil sa bilis ng tibok ng puso ko at nahihiya dahil alam kong naramdaman niya ang init ng pisnge ko kanina na lalong namula ngayon.
Ngumiti siya na siguradong ikalaglag ng garter ng underwear. "I'm just kidding." Sabi niya at marahang hinaplos ang pisnge ko gamit ang likod ng daliri niya.
Lumapit ang mukha niya palapit sa tenga ko. "You're so beautiful and I'm addicted." Mahangin na bulong niya sa akin na alam kong sobrang pula na ng mukha ko dahil sa kanya.
Ang bilis ng tibok ng puso ko parang sumali ako sa patimpalak ng mga kabayo sa probinsya namin. Mahigpit ang hawak ko sa saya ko dahil sa kilig at sa nararamdaman ko kay Kyron.
Ito ba ang panliligaw ng isang Millionaire?
Naka-tingin kami sa isa't isa habang lumalayo ang mukha ni Kyron. Nginitian ko siya ng buong pagmamahal at inaamin ko na hulog na hulog na ako sa nangangalang Kyron Millionaire.
Nginitian niya rin ako at kita ko sa mga mata niya na may namumuong luha sa mga mata niya habang ngumingiti sa akin. Muli siyang yumuko at bumulong sa akin na ikinapula ng mga pisnge ko.
"Kyron, uso lumipat ng mesa." Lumingon si Kyron sa boses na nagmamay-ari ng binatang mau dalang tray kanina. Nakatingin lang ako kay Kyron habang sumasagot siya sa pinsan niya.
Parang sirang plaka ang ulo ko dahil sa bulong niya kanina at mukhang ngayon lang bumalik sa pag-andar ang ulo ko nang narinig kong tumawa si Kyron kasama ang mga pinsan niya.
"No. It's not the time yet." Sagot ni Kyron sa pinsan niya at lumingon sa akin. Namula ang pisnge ko nang maalala ang binulong niya kaya mabilis akong umiwas ng tingin at umayos ng pagkaka-upo.
"Are you okay?" Tanong ng hindi ko kilalang boses. Inangat ko ang ulo ko at nakitang naka-tingin ang magpinsan sa akin kasama si Ezra na naka-ngiti sa akin. Tumango ako sa kanya.
"O-okay lang ako." Pabulong kong sagot. Halos hindi ko marinig ang boses ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko nang hinawakan ni Kyron ang kamay ko na parang wala lang at nagsimulang kumain.
Paano ako magiging okay kung ganito ang isang Kyron Millionaire? Sa simpleng bulong at galaw niya, nakakapag bilis ng tibok ng puso ng isang Mayordoma?
"I'm addicted, Polinar Mayordoma."