Chereads / Millionaire Series #1: Wave Of Love / Chapter 20 - Chapter Nineteen

Chapter 20 - Chapter Nineteen

Pagkatapos naming kumain. Hinatid ako ni Kyron sa gymnasium na madami ng laman na estudyante at relatives ng sumali ng pageant.

"Kyron, dito na ako. Pumunta ka na sa mga pinsan mo." Sabi ko sa kanya nang dumating kami sa dressing room na nakalaan para sa pageant ngayon.

Lumingon si Kyron sa akin. "No. Ihahatid kita." Sabi niya pero umiling ako sa kanya. Ayaw kong sumama siya dahil baka pagguluhan lang siya ng mga kandidata na may gusto sa kanya.

Nagseselos ka ba, Polinar?

"Hindi na. Pumunta ka na. Malapit na magsimula." Sabi ko sa kanya at mahina siyang tinulak para umalis na. Tinignan niya ako at ang bukana ng dressing room, dahan-dahan siyang tumango-tango.

"Okay. We'll cheer for you."Ngiting sabi niya at nagulat ako sa biglang halik niya sa noo ko at ngumuti sa akin. "Good luck, my dearest." Huling sabi niya at kumindat sa akin bago tumalikod at pumunta sa direksyon ng mga pinsan niya.

Namalayan ko ang sarili ko na nakangiting pumasok sa dressing room. Pumunta ako sa cubicle na para sa akin, na roon ang mag-aayos sa akin na agad akong inayusan nang maka-upo ako.

Sakto lang ang oras nabinigay para sa amin dahil nang matapos ang pag-ayos sa akin ay humudyat ang event organizer na magsisimula na ang patimpalak.

Suot ko ang ginawa ni Athena sa akin. Iyong damit sana ng kaklase ko na gawa ng Mama niya pero hindi ako pinagayan ni Athena na siya mismo nagsabi sa Mama ni Lance na ito ang susuotin kong damit.

Bodycon ang style ng damit ko na kulay pink at hapit na hapit sa katawan ko. Simple lang siya pero sumisigaw daw ang kinis ng balat ko at ganda ng mukha, sabi ng nag-ayos sa akin kanina na hinired ni Athena.

Suot ko rin ang biniling heels ni Ezra na tamang-tama sa damit ko. Ang harapang buhok ay sinintas ng nag-ayos ng buhok ko na nilagyan ng telang kulay puti. Parang naka-hair band ako sa telang sinama sa sintas ng buhok ko.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, halo-halo ang nararamdaman ko na baka matakilpo ako, kinakabahan, takot na pinanuod ng ibang tao at takot sa sentro ng atensyon ng mga tao mamaya.

"Pumila na kayo." Sabi ng organizer. Sumama ako kay Jenny na naka-tube na kumikinang kapag tumatama sa liwanang, hanggang bewang niya ang taas at pinarisan niya ng tight jeans na sobrang makinis.

"I'm nervous." Natatawang sabi ni Jenny sa akin na nasa unahan nang makarating kami sa backstage. Ngumuti lang ako sa kanya.

Ang laki rin nang earrings niya na pwedi nang maging bracelet dahil sa laki at naka-extension ang buhok niyang naka-pony tail. Sumisigaw sa ganda ang mukha niya na sinamahan ng make-up na pang-fierce.

"Candidate number three." Tawag nang Emcee sa numero ni Jenny na huminga muna ng malalim at lumingon sa akin. "Goodluck."

Nginitian ko siya. "Goodluck rin." Sagot ko sa kanya, nginitian niya ako bago siya sumalang sa intablado. Malakas ang sigawan ng mga estudyante kay Jenny na siguradong mananalo siya sa People's Choice Award.

"I'm Jennifer Entrada, 17! From Nursing Department." Pakilala ni Jennifer na ikinalakas ng hiyawan ng mga tao sa harapan ng intablado.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sasabihin ko sa harapan mamaya. Pumasok si Jenny na parang ngayon lang nakahinga ng maayos. "I'm nervous." Sabi niya bago pumunta sa akin.

"Goodluck, Linar. I'll cheer for you." Ngumiti ako sa sinabi niya bago pumunta sa kinatatayuan sa harapan ng bukana nang papasok sa intablado. Lumingon ako kay Jennifer na nakangiti sa akin.

"Candidate number four." Tawag ng Emcee sa numero ko. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa intablado na naka-ngiti. Nagulat ako sa hiyawaan na nang galing sa mga tao nang makarating ako sa gitna para sa pose.

Pagktapos ko mag pose ay lumakad ako sa ginawang tulay para pumuntansa microphone stand at ngimiti sa mga tao. Nahagip ng mga mata ko ang mga pinsan ni Kyron na nakangiti sa akin, ngumiti ako sa kanya at humarap sa microphone.

"Polinar Mayordoma, 17! From Fine Arts Department." Pakilala ko at ngumiti sa madlang hindi ko akalain na sumisigaw ng pangalan ko. Tumalikod na ako at pumasok sa backstage.

Agad akong dumiretso sa cubicle para sa susunod na susuotin ko. Ang ibang kandidata na tapos na, malapit na matapos kasama na si Jenny na pinaayos ng taga-ayos nita ang sports attire niya.

Hinubad ko ang suot kong damit sa loob ng comfort room at agad na binigay sa akin ng taga-ayos sa akin ang susuotin kong attire, pagkatapos lumabas agad ako para iretouch daw ang make-up ko.

Habang inaayos niya ang buhok ko ulit, sinuot ko ang sapatos na kapartner ng sports attire ko. Hindi ko alam kung sino ang bumili at pumili ng isusuot ko, baka ang mga kaklase ko.

Pagkatapos kinuha ko ang props ko para kompleto ang suot ko. Hindi ko namalayang nakasumbrero na ako na hindi nakatakip ang ulo ko, sa noo lang. Naka-pony tail na ako hanggang bewang ko ang extension hair na kinabit pala ng taga-ayos sa akin.

"Ngayon lang ako naka-kita ng probinsyanang naka-golf attire." Napalingon kami pareho ng taga-ayos sa akin na pinagpatuloy ang spray sa buhok ko. Nakita ko si Nina na naka-tennis attire, ang ganda niya sa suot niya.

Gusto ko siyang sagutin at puriin ang ganda niya pero sinarili ko nalang iyon dahil mas maganda ihampas sa mukha niya ang dala niyang tennis racket.

Hinayaan ko siyang tignan ako ng insultong tingin. Hindi ko naman siya totoong kalaban, sa pageant lang naman ito at hindi ko ididibdib ang insulto niya.

"Miss, pinatulan mo sana 'yun." Natatawang sabi ng isang bakla, tumawa rin ang kasama niya na nag-ayos ng gamit. Nginitian ko siya.

"Gusto ko sana pero ayaw kong masira ang pageant nang dahil doon. Salamat sa pag-ayos sa akin." Ngiting sabi ko sa kanilang dalawa na nginitian ako pabalik.

"Walang anuman, Miss." Sabay nilang sagot. Nagpaalam ako sa kanila na pupunta na kay Jenny na naka-ngiti sa akin na nag-aantay sa likod ng bukana ng intablado.

"You're so beautiful, Linar." Ngiting puri niya. Tinignan ko ang suot niyang attire, volleyball attire ang pinili niya at may dala pa siyang bola. "Who choose your attire?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam. Baka ang mga kaklase ko at ang ganda mo sa suot mo, Jenny." Ngiting puri ko rin sa kanya. Nahihiyang tumawa siya at pinatalbong ang bola ng dala niyang volleyball.

"No. You're beautiful." Ngiting sabi niya at pareho kaming umayos ng tayo nang sinabi nang Emcee na papasok na kami para ilabas ang sports attire namin.

"Please welcome their sport's attire!" Sabi ng Emcee. Pumasok na kami sa intablado at muling nagsigawan ang mga tao. Nagtataka ako kung bakit kami lang ang rumarampa— naputol ang sinabi ko nang may muling pumasok na mga kandidato na nasa likuran namin.

"Round of a clause for the candidates of Mr. and Ms. Hentai Imore College." Sabi ng Emcee at nagpalakpakan ang mga tao sa amin. Pagkatapos ng ilang segundong pagtayo sa harapan, umexit na kami kasama ang kapares namin.

"Hi, Linar." Gulat akong napalingon sa tabi ko. Si Rance ba itong nakikita ko? Ilang beses kong nilinaw ang mga mata ko at nilingon si Rance na naka-golf attire rin.

"A-anong—"

"Chill ka lang, Linar. Baka mahulog ka sa morenong lahi ko." Putol niya sa sasabihin ko at kinindatan ako. "Na saan si Miya? Hindi ko nakita ang mapapangasawa ko sa hinaharap." Tanong niya sa akin na ikinakunot ng noo ko sa kanya.

"Mapapangasawa? Si Miya, mapapangasawa mo sa hinaharap?" Muling tanong ko sa kanya habang gulat na tinignan si Rance na lumingon sa akin.

"Syempre. Fiancé ko siya— Aray! Ang sakit mo ng hampas mo, Linar." Reklamo niya habang hinihimas ang brasong hinampas ko.

"'Yan din ang gagawin ni Miya kapag narinig niya ang sinasabi mo. At anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin.

"Linar, narito ako para hingin ang kamay ni Miya—Aray!" Hinampas ko siya ulit. "Oo na, oo na. Ako ang makakasama mo hanggang sa pagtanda— Aray! Ang sakit na, Linar!" Reklamo niya sa hampas ko.

"Seryusohin mo kasi, Rance." Sabi ko sa kanya. Ngusong jinimas niya ang brasong hinampas ng ikatlong beses.

"Hindi ko pala alam na sadista ka pala, Linar." Ngusong sabi niya niya at umayos ng tayo. "Kapartner mo ako sa Mr. and Ms. Hentai Imore. Ngayon pa lang kami sasalang kasi nagka-aberya." Sagot niya.

"Sorry. Ayaw ko kasing hindi ako seneryusong sagotin e, maayos naman ang pagtanong ko sayo at binibiro mo pang hihingin mo ang kamay ni Miya at ikaw ang makakasama ko hanggang buhay." Hingi ko ng tawad sa kanya.

"Okay lang yun, Linar." Ngiting sabi niya sa akin. Ang gwapo ni Rance kapag naka-ngiti, sigurado akong madami itong malolokong babae. "Ang importante ay mahalaga— Aray!" Daig niya at tinignan ako. "Bakit mo hinampas sa akin iyang club? Ang sakit, Linar." Reklamo niya habang hinihimas ang tama ng hinampas kong paa niya.

"Ikaw kasi, binibiro mo na naman ako." Reklamo ko din sa kanya. Bahagya siyang tumawa sa sinabi ko. Inayos ko ang club na dala ko, parehas kami ni Rance na inayos ang short niya.

"Linar, hawak ka sa balikat ko." Taka ko siyang tinignan. Inayos niya ang sombrero niya at lumingon sa akin. "What? Lika ka na, magsisimula na." Sabi niya tumabi ako sa kanya, kaharap si Jenny.

"Candidate number four." Tawag ng Emcee sa amin ni Rance na siyang naglagay sa kamay ko sa balikat niya, taka ko siyang tinignan habang papasok kami ng bukana ng backstage sa intablado.

"Smile, Linar." Taka kong nilingon si Rance na nagpose. Tumalikod ako sa madla, nilagay ang may kamay sa kanang balikat ni Rance na ngising hinawakan ang dulo ng sobrero niya kaya bahagya akong tumawa para ipamukha na ienjoy kami sa golf.

Humiwalay kami ni Rance at nag pose sa magkabilang dulo ng stage gamit ang clubs na dala namin bago muli kaming nagtagpo at sabay na pumunta sa unahan ng stage kung saan naroon ang microphone.

Nagpose muna kaming dalawa, naka-tingin ako sa dulo ng gymnasuim habang nakahawak ang kamay sa sobrero ko nang bahagyang sinayaw niya ang club sa ilang layo lang sa sahig at inimagin kong malayo ang narating ng golf ball.

Pero hindi golf ball ang nakita ko, kung hindi ang mga kilay na malapit nang sumalubong, ilong na parang labasan ng usok mula sa factory, bagang na matigas kung hahawakan mo iyon ngayon at ang mga matang bumubuga ng lamig, kasing lamig ng Mt. Everest.

"Rance Kiel Millionaire, 18." Pakilala ni Rance sa harap ng microphone at pinaglaruan ang club at ngiting nilingon ako.

"And Polinar Mayordoma, 17." Pakilala ko rin at pinaglaruan ang club sa ere at nilingon si Rance habang naka-ngiti.

"From Fine Arts Department!" Sabay naming sabi ni Rance sa harap ng microphone. Malakas ang sigawan ng mga tao, halos babaeng estudyante ang sumisigaw na mukhang galing pa sa ibang paaralan at nanonood lang ng pageant ngayon.

"Linar, ikiss mo ako sa pisnge." Bulong ni Rance, agad nanlaki ang mga mata ko at nilingon siya para itanong kung bakit pero hindi ang mukha o pisnge ni Rance ang sumalubong, ang labi ni Rance.

Mabilis kong iniwas ang mukha dahil sa gulat, ganon rin si Rance. Nagulat ako sa biglang sigawan ng mga babae na parang umiiyak ang sigawan nila sa amin.

Umayos kami ng tayo kahit naiilang kami sa isa't isa at normal na naglakad pabalik sa backstage para hindi mahalatang gusto na naming umi-exit at parang ganon rin ang iniisip ni Rance.

"Putrigis." Hindi makapaniwalang sabi ni Rance na nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa akin nang makarating kami sa cubicle. "Mapapatay ako nito, Linar."

Umupo ako at agad na inayusan. "Ako rin, Rance. Ang lamig ng tingin sa akin ni Kyron at nadagdagan pa sa..." Dahan-dahan kong nilingon si Rance na laglag ang panga sa ere na sinalubong ako.

Mabilis kaming umiwas ng tingin sa isa't isa. Bumalik ako sa pagkakasandal sa upuan at humungi ng tawad sa taga-ayos sa akin na ngumiti lang sa akij at pinagpatuloy ang ginagawa nila.

"Rance!" Napalingon kami pareho sa bukana ng dressing room, kasama ang ilang kandidata na nakatingin rin. "Balutin mo ang sarili mo ng bubble wrap!" Sigaw ni Laylac na patakbong lumapit sa amin.

"Ha? Bakit? Bakit ko naman ibabalot ang sarili ko sa bubble wrap, hindi naman ako balot—"

"Magiging balot ka talaga kapag tinamaan yang pagmumukha mo ng suntok ni Satanas!" Sigaw ni Laylac na natataranta sa harapan namin. "Bakit mo kasi hinalikan si Linar!"