"Feri at Triple, iuwi niyo ang pinsan niyo." Tumango si Feri at Triple sa akin. Inangat ni Kyron ang ulo niya at sinalubong ang tingin ko. "Kyron, itigil mo na ang panliligaw mo sa akin. Hindi naman kita gusto."
Napaupo si Kyron sa kinatatayuan niya at narinig ko ang mahinang hikbi niya. Lumapit si Feri kay Kyron na naka-yukong umiiyak. "Ky, tara. Uwi na tayo."
"A-ayaw ko... G-gusto ko pang... maka-usap si L-linar." Sagot niya at tumayo sa pagkakaupo. "Linar..." Akmang lalapit siya sa akin pero umatras ako ng dalawang hakbang.
Kita ko ang sakit sa mga mata niya. Umuwi ka na, Kyron. Gusto ko lang magpahinga. Baka ilabas ko ang ayaw kong ikalalong ikasakit mo.
"Umuwi..." Huminga ako ng malalim at tumikhim. "Umuwi ka na, Kyron." Patuloy ko at inantay siyang umalis pero ilang segundo ang lumipas, nasa kinatatayuan pa rin siya. Hindi gumagalaw.
"Polinar—" nanlaki ang mga mata ko sa muling pagsuntok ni Kyron kay Kalaykay na nabulagta sa sahig. Nakatulog sa lakas ng suntok ni Kyron.
Masama ko siyang tinignan at tinulak siya ng buong lakas. "Ano ba ang problema mo, Kyron!?" Nakatingin lang siya sa akin. "Sabing umuwi ka na e! Ang tigas tigas ng ulo. Ayaw kong magali—"
"Why the fuck you're protecting that bastard—" malakas ko siyang sinampal dahil sa sinabi niya. Gulat na napa-tingin siya sa akin at ang mga pinsan niya kasama si Miya na lumapit sa akin.
"Linar, tama na—"
"Huwag mong mumurahin ang kaibigan ko, Kyron! Wala ka bang respeto sa akin?—"
"Of course. I respect you—"
"Kung may respeto ka, hindi mo susuntukin si Kalaykay! Sino ka ba? Alam kong mayaman ka, mataas ang tingin ko sa inyo at sa mga pinsan mo pero nawala nang malaman at napatunayan kong wala kayong respeto!" Sigaw ko sa kanya.
"Linar—"
"Huwag mo akong matawag-tawag na Linar, Kyron! Hindi kita kaano-ano! Manliligaw ka lang at kaibigan ko ang sinuntok mo. Alam kong uunahin kita dapat pero— PUTANGINA! Hindi e. Hindi kita kaibigan na unang dumating at nakasama ko habang nasa probinsiya. Manliligaw lang kita at sasagutin ko na ang itatanong mo." Sabi ko sa kanya at kinuha ang bagay na pinuslit niyang isuot sa akin noong nasa Cupid's Cuisines kami.
Binato ko sa harapan niya ang singsing na lumikha ng matinis na ingay. "Hindi. Ayaw ko sayo. Hindi kita gusto at lalong hindi kita mahal." Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. "Umalis ka na. Wala na tayong dapat pag-usapan pa."
At umiwas ako ng tingin sa kanya at lumapit kay Kalaykay. "Kalaykay, Kalaykay. Gising." Pukaw ko sa kanya pero hindi siya gumising, liningon ko si Miya. "Miya, pwedi ka bang tumawag ng nurse?"
"Sure." Sagot niya. Naramdaman kong lumapit siya kina Kyron at sa mga pinsan nito. "Feri, iuwi niyo na si Kyron baka magagalit ulit si Linar." Rinig kong sabi ni Miya at agad pumunta sa nurse station.
"Sige. Vismott, kung ayaw sasama ng baliw na 'to. May injection ka bang pampatulog? Turuan mo agad. Miya, Linar, una na kami." Paalam ni Feri na hindi ko nilingon.
"Linar—" napalingon ako sa biglang malakas na impact ng pagkahulong. Gusto kong lumapit pero pinigilan ko ang sarili ko at lolokin.
"Tangina. Vismott, tulungan mo kami rito!" Mura ni Triple sa pinsan niyang agad na lumapit at tamad na hinawakan ang ulo ni Kyron. Masamang tinignan ni Triple si Vismott.
"Anong ginagawa mo riyan!?" Sigaw'ng tanong ni Feri kay Vismott na nagkibit-balikat lang sa kanya. "Putrigis!" Inis na sigaw ni Feri bago inayos ang suot niyang cargo shorts.
"One... Two... Three!" Sabay na bilang ni Feri at Triple bago inangat si Kyron patungo sa balikat nilang dalawa habang si Vismott naman ay nakahawak lang sa ulo ni Kyron.
Umalis silang dala si Kyron na parang ililibing na. Agad dumating si Mia kasama ang ilang nurse na agad inakaso si Kalaykay ay nagpatulomg sa ibang lalaking nurse para ilagay sa kama ng ospital.
"Linar, umuwi muna tayo." Aya ni Miya sa akin. "Mag aalas onse na." Patuloy niya at lumapit sa akin. "Sabi pala ni Ate Grace, nasa loob ng kwarto ng Papa mo ang Mama mo. Kaya pwedi mong iwan ang Papa mo."
"N-nasa loob... si Ina?" Tanong ko muli sa kanya. Akala ko umuwi na siya at bukas pa uuwi. "Kakausapin ko nalang siya... kapag maayos na ang lahat." Sabi ko at unang naglakad papunta sa exit ng ospital, agad naman sumunod si Miya sa akin.
Pagkalabas namin sumalubong sa amin ang lamig ng hangin at tahimik na daan na iilang lang kotse lang ang dumadaan. Sumunod lang ako kay Miya na pumunta sa nag-iisang sasakyan na kulay puti.
Sumakay si Miya sa harapang upuan kaya pumasok ako sa likuran ng kotse. Hindi ko alam kung anong nangyari sa katawan ko na nang nakaramdam ng malambot na upuan, kusang bumigay ang mga mata ko.
"Anong ginagawa niyo rito?" Nagising ako dahil sa boses ni Miya na parang may kausap na kilala niya. Pinakiramdaman ko ang sarili ko bago minulat ang mga mata ko.
"Gusto naming makausap si Linar." Kumunot ang noo ko sa pamilyar na boses. Tinignan ko ang kabuoan ng kwarto kung na saan ako. Nasa bahay ba ako ni Miya?
Umupo ako sa kama at ininat ang braso ko sa pagod. Iba na ang suot kong damit at mukhang binihisan ako ni Miya na narinig kong tinawag ang kausap niya. "Laylac—"
"Alam mo ang nangyari kay Kyron, Miya. Ito nalang ang magagawa namin sa pinsan namin." Rinig kong seryusong putol ni Rance sa sasabihin sana ni Miya.
Bumaba ako ng kwarto at lumabas ng kwarto at nakita sina Laylac, Rance, Feri, Clifford, Triple at dalawang mukhang pinsan nila na binata na sabay napalingon sa akin at si Miya.
"Sorry, Linar. Papaalisin ko sana sila—"
"Okay lang. Bakit kayo nandito, Rance?" Tanong ko kay Rance at tinignan isa-isa silang magpinsan. Maayos buhok nila pero bakas sa mga mukha ang puyat sa mga mata nilang lahat magpinsan.
"Linar, gusto naming kausapin mo si Kyron. Nasa dagat lang siya lagi, Linar. Ayaw makinig sa amin." Sabi ni Rance habang nakatingin sa akin.
Nasa dagat? Anong ginagawa niya doon?
"Ayaw niyang kumain, gusto niyang mag surfing. Nag-alala si Nanay Lola sa kanya at inaasahan niya ring ikaw lang kakausapin ni Kyron." Patuloy ni Triple.
"Nandito kami para sumama sa amin sa beach kung na saan si Kyron na nagsusurfing." Dagdag ng hindi ko kilalang binata na pinsan rin nila.
"H-hindi ako samama... Pupunta pa ako sa ospital." Sagot ko sa kanila na narinig kong dismayado sila sa sagot ko. "Pasyensa na."
Bumuga ng hangin si Clifford. "Okay lang. Na iintindihan namin yun. 'Yun lang ang pinunta namin rito, Linar. Miya, pasyensa sa abala. Una na kami." Paalam nina Clifford na tinapik ang balikat ni Rance at Feri bago tumalikod.
Sinirado ni Miya ang pintuan at humarap sa akin. "Halika na. Mag agahan na tayo." Aya niya. Simunod ako sa kanya papunta sa kusina at umupo sa kaharap niya.
"Miya, na saan tayo?" Tanong ko sa kanya habang kumukuha ng kanin at ulam gamit ang serving spoon. Kumuha rin siya ng kanin at ulam na malaking hotdog.
"Nasa condo tayo ni Kuya. Malapit lang ang condo niya sa ospital, kung saan na-admit ang papa mo." Tumango tango akong ngumunguya sa sagot niya. "Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya na biglang naisip ko.
Okay ba ako?... Mentally, hindi. Na ospital si Ama at kailangan kong maghanda ng pera para sa hospital bills. Physically, gusto kong matulog ng buong araw dahil sa puyat.
"Linar?" Agad akong bumaling kay Miya na nag-alala sa akin. Ngumiti ako sa kanya at muling pinagpatuloy ang pagkain ko. "Gusto mo bang pumunta sa ospital? Sasama ako sayo."
"Hindi na muna. Siguro nandoon si Ina at baka mag-away lang kami sa loob ng kwarto ni Ama na baka magising." Sagot ko at tinapos ang pagkain ko.
"Ahh, sige. Kamusta ang pisnge mo? Mahapdi pa ba?" Tanong niya ulit at nilagay ang kusina ang mga plato namin. Tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit sa lababo para hugasan ang ginamit namin.
"Hindi naman." Sagot ko at hinugasan ang baso at kutsara. "Bakit?" Tanong ko kay Miya na alam ko na nasa likuran ko.
"Wala. Nung nakatulog ka kagabi, nilagyan ko ng yelo ang pisnge mong namumula." Sagot niya. Tumahimik nalang ako at tinapos ang hinugasan ko at nilagay sa rack.
Nanood kami ni Miya ng T.V habang kumakain ng popcorn hanggang sa nakatulog siya sa balikat ko. Tinapos ko ang pangatlong palabas na pinanood namin ni Miya at pinahiga siya ng maayos sa sofa.
Bumalik ako sa kwarto na kung saan ako natulog at kinuha ang kumot at kinumot kay Miya na mahimbing na natutulog. Hinanap ko ang shoulder bag ko, baka dinala ni Miya.
Nakita ko ang shoulder bag ko sa tabi ng T.V stand. Kinuha ko iyon at kinuha ang cellphone sa loob. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang dami ng text at missed calls ng cellphone ko.
1,500 New Messages
3,000 Missed Calls
Binuksan ko ang cellphone ko at binuksan ang message app at ikinalaki ng mga mata ko.
Kyron [1,000]
Linar, I'm so sorry. Please, talk to me. 6:30am
Laylac [50]
Linar, pwedi mo bang kausapin si Ky... 3:23am
Rance [10]
Please, talk to Kyron. I beg you. 2:46am
Athena [63]
Ate Linar, Where are you? 2:34am
Triple [84]
Linar, kausapin mo si Kyron. Nakikiu... 1:22am
Feri [46]
Kausapin mo si Kyron, Linar. 1:00am
In-off ko ang cellphone mo at hindi na inabala ang missed calls. Inayos ko ang shoulder bag ko at nilingon si Miya.
Tatawagan nalang kita, Miya.
Lumabas ako ng condo ng Kuya ni Miya habang tinitext si Kalaykay. Pumasok ako sa elevator at pinindot ang pinakamababang button na may letrang G o Ground Floor sa mga palabas na nakikita ko.
Pagkarating sa baba, dumiretso ako sa bukana ng building at inantay si Kalaykay na tinext ko ang pangalan ng condominuim na tinanong ko kay Miya kanina.
"Polinar." Tawag ni Kalaykay. Bumaba ako ng hagdan ng building at sumakay sa tricycle ni Kalaykay. "Uuwi ka na sa condo na tinitirhan mo?" Umiling ako sa kanya.
"Pupunta muna tayo roon para kunin ang gamit ko at pera na pambayad sa ospital. Uuwi ako sa probinsiya." Sagot ko kay Kalaykay na nakatingin sa akin ng ilang segundo bago tumango sa akin at pinausad ang tricycle niya.
Noong dumating na kami sa building, nakita ko ang pamilyar na sasakyan na nakapark sa harap ng building. Iniwas ko ang tingin ko at pumasok sa elevator sabay pindot ng floor.
Kinuha ko ang card at tinapat sa pintuan na agad bumukas. Pagkabukas agad kong tinungo ang kwartong hinihigaan namin ni Miya at kinuha ang maleta. Nilagay ko lahat ang damit at ibang gamit ko, nilagay ko lahat sa paperbag ang lahat ng hindi sa akin.
Nasa sampong paperbag ang naligpit ko, kasama ang mga sapatos na binili nina Ezra at Athena. Nilagay ko ang lahat ng paperbag sa ibabaw ng kama at tatawagan nalang si Miya kung anong gagawin niya rito.
Kinuha ko ang maleta ko at sinukbit ang bag ko habang palabas ng kwarto. Pinatay ko muna ang lahat ng ilaw ng sala bago tuluyang sinirado ang pintuan na hindi ko na mabubuksan dahil sinama ko na sa paperbag ang key card.
Bumaba ako ng elevator at nanlaki ang mga mata ko sa sumalubong sa akin sa labas. Dali-dali akong bumaba ng hagdan at lumapit kay Kalaykay.
"Bitawan mo siya, Feri!" Sigaw ko kay Feri na kwinelyohan si Kalaykay na nakatingin lang kay Feri na galit siyan tinignan. "Feri! Bitawan mo si Kalaykay!"
Lumingon sa akin si Feri kaya hinila ko ang kamay niyang hawak ang kwelyo ni Kalaykay, pero malakas ang hawak ni Feri at hindi ko matanggal-tangal.
"Huwang kang iintrada, Linar!" Tinignan niya si Kalaykay. "Dahil sa gagong 'to, hindi na kumakain si Kyron! Kung hindi ka sana nakialam sa away nilang dalawa ni Linar, maayos sana ang kalagayan ni Kyron!" Sigaw niya sa harapan ni Kalaykay.
"Feri! Sabing bitawan mo si Kalaykay!" Sigaw ko sa kanya na ikinalingon niya sa akin. "Ano ba ang problema mo at nakisali ka sa away namin ni Kyron—"
Binitawan ni Feri si Kalaykay na agad inayos ang kwelyo niya, humarap sa akin si Feri na galit ang mga mata at matitigas niyang panga dahil sa galit. "Tangina naman, Polinar Mayordoma! Pinsan ko ang pinag-usapan rito! Hindi na siya kumakain at natutulong dahil sa sinabi mo kagabi! Wala ka ba talagang pakialam kay Kyron!?" Sigaw niyang tanong sa akin. Tinignan ko lang siya at ganon rin siya sa akin habang hinihingal siya sa mabilis niyang pagsalita.
"Kung hindi mo naman pala gusto si Kyron, bakit mo siya pinayagan manligaw sayo at pinaasang sasagutin mo siya?" Tanong niya na ikinatigil ng isip ko sa pagtratrabaho ulo ko. "Walang ginawang masama sayo si Kyron pero pinamukha mo siyang lahat ng nangyari ngayon, kasalanan niya."