Hindi makapaniwala pa rin si Linar sa nakita niya kanina sa front desk na kinausap ang babae na halatang gusto ang minahal ni Linar noon.
"Hindi si Kyron 'yun, Linar. Namilik mata ka lang." Bulong ng dalaga sa sarili pero alam niyang umaasa siyang ang minahal niya ang nakitang likod kanina sa front desk.
Lumipas ang tatlong araw na pamamalagi niya kasama ang pamilya at kaibigan niya sa resort na hindi niya naisip kung sino ang may-ari ng resort na pinsan lang pala ng binatang hindi niya inamin ang totoo na mahal niya ito.
Imbes na umamin at magsama hanggang buhay, mas pinili niyang magsinungaling at saktan ang binata at sa puso niyang durog pa sa durog na maning kinakain niya ngayon.
"Hoy, ang lalim ng iniisip mo riyan." Biglang sabi ng kaibigan niyang kakarating lang ng dalawang araw lang ang nakakaraan na ikinabalik ng sarili ni Linar sa reyalidad.
"Wala. May iniisip lang ako, Miya." Sagot ni Linar. Tumango naman si Miya sa sagot ni Linar kahit iniisip niya ring kung ano o sinp ang iniisip ng kaibigan niya.
Nakaupo sila sa mahabang beach chair habang parehas silang naka-tingin sa palubong na araw at dagat na humahampas ng alon, ilang layo lang sa kanila.
"Linar, manonood ka ba bukas ng 2021 Surfing Festival?" Tanong ng dalaga sa kaibigan niya na gulat na napalingon sa kanya. "Ano ba ang iniisip mo at ilang minuto kang kinausap ang hangin?"
Umiwas ng tingin si Linar at nagdadalawang isip na sagutin ang tanong ng kaibigan niya. Sasabihin ko ba kay Miya?
"Ano— may nakita akong likuran ng lalaki. Hinala ko siya iyon." Sabi ni Linar at lumingon kay Miya na kumunot ang noo sa kanya.
"H-ha? Sino? Kaninong likuran yun? Inalam mo ba?" Tanong ni Miya kay Linar na umiling sa kanya at umiwas ng tingin at tinignan ang dagat na humahampas ng alon sa puting buhangin.
"Ayaw kong alamin. Natatakot ako." Amin ni Linar kay Miya na naintindihan ang kaibigan. "B-baka... Baka ayaw niya na sa akin... Alam mo naman ang nangyari noong araw na iyon, hindi ba?" Tanong ni Linar at lumingon kay Miya na nag-aalala sa kanya.
"Linar..." Tawag ni Miya sa kaibigan na agad umiwas ng tingin sa kanya. Nakatingin lang siya kay Linar habang inilabas ang nararamdaman nito sa araw na iyon na nasaksihan niya.
"Pitong taon na, Miya..." Nagsituluan ang mga luha ni Linar na hindi niya inabalang punasan. "P-pitong taon na... s-siya pa rin... Anong na-nangyayari s-sa akin?— Kasalanan ko b-bang... unahin ang pamilya ko?" Tanong ni Linar sa sarili habang umiiyak dahil sa sakit na naramdaman.
Yumuko si Linar sa mva tuhod niya at humihikbi. "Ma-mahal ko siya. Mahal ko siya... Pero inaksikrispisyo k-ko— ang puso ko at inuna si Ama." Lumingon siya sa kaibigan niyang naawa sa kanya at gustong damayan siya. "Mali ba ang... de-desisyon ko... Miya?" Tanong niya.
Kahit si Miya ay hindi alam ang sagot ng tanong ng kaibigan niyang umiiyak. Lumapit si Miya at niyakap si Linar na umiiyak habang naka-yuko sa tuhod nito.
"Hindi ko alam ang sagot sa tanong mo, Linar. Ikaw lang ang makakasagot niyan." Bulong ni Miya habang hinahaplos ang likuran ni Linar na umiiyak sa sakit.
Umayos ng pagkaka-upo si Linar at bumalik naman si Miya sa kinauupuan niya kanina. Ngumiti si Linar kay Miya na lalong naawa sa kaibigan dahil imbes abot langit ang ngiti nito sa kanya, pilit nalang dahil sa naramdaman nito hanggang ngayon.
"Huwag na natin yun isipin." Sabi ni Linar hanang pinunasan ang luha niya gamit ang likod ng kamay niya. "T-tapos na e..." Natatawang tumulo ulit ang luha ni Linar.
"Ang sakit pala magmahal, ano?" Tanong ni Linar sa kaibigan na tumawa dahil sa tanong niya. Tumawa rin siya sa sarili niyang tanong. "Kung alam ko pa lang ganito ang mangyayari sa akin. Hindi ko na sinubok mahalin siya at hayaan ang sarili kong sumabay sa alon ng pag-ibig niya sa akin."
Tumawa si Linar nang marealize niya kung ano ang sinabi niya. Ilang minuto silang natahimik ni Miya na hindi siya iniwan hanggang lumubong ang araw at pumalit ang buwa na maliwanang.
"Linar, anong alala ang habang buhay mong itatanim mo memorya mo?" Biglang tanong ni Miya na naalala ang isang pangyayari na hindi niya rin inaasahan mangyari.
Lumingon si Linar kay Miya na ngayon lang bumalik sa sarili at sinalubong ang tingin ng kaibigan na agad umiwas sa kanya at ngumiti sa harap ng dagat.
"Ang ala-alang itatanim ko sa memorya ko, ang dagat." Ngiting lumingon si Linar sa kay Miya na masaya rin sa kaibigan dahil sa wakas ngumiti ito at kumikislap sa saya at pagmahahal si Linar.
"Kasi... Parang alon siya... at isang maliit na bangka ako na bago lang sa dagat at sinusubukang tumawid sa kabilang lupain... Sinusubukan niyang gibain ang tatag ng materyalis ng pagkainosente ko sa bagong pakiramdam na pinadama niya sa akin kasama siya... At noong tuluyan akong nagiba dahil sa alon niya, hindi niya ako iniwan hanggang sa dahan-dahan akong bumaba sa ilalim ng dagat... Pero ako mismo ang umahon..." Nakita ni Miya ang luhang tumulo sa pisnge ng kaibigan niyang kumikislap ang mga mata at may ngiti sa labi.
"Kailangan kong gumising sa reyalidad... Kapag nagpadala ako sa alon niya at hahayaang lumalim ang katawan ko sa dagat... Matatakot akong harapin at alamin kung ano pa ang mararamdaman ko sa kanya..." Lumingon si Linar sa kanya habang tumutulo na naman ang luha nito. "Ang tanga ko, hindi ba? Umahon ako kasi natatakot akong magpadala sa kanya."
Hindi alam ni Miya kung anong sasabihin kay Linar na napagod sa kakaiyak at nagpasyang bumalik sa kinaupa nitong kwarto.
"Miya?" Lumingon si Miya sa tumawag sa kanya. "Ikaw nga." Ngiting kumperma nito pero si Miya gulat na gulat sa kaloob looban niya.
"V-vismott? A-anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Miya at tinignan ang likuran ng binata pero wala itong kasama na ikinagulat niya. "B-bakit ka nandito?"
Ngumiti si Vismott, kita ang kasiyahan na nakita ang matagal niya nang hinahanap. "Just came from the farm and Nanay Lola told me to visit Feri's Resort to check someone she knew. You? What are you doing here?" Tanong ni Vismott sa kanya at lumapit sana para hawakan siya pero umatras si Miya sa kanya.
A-anong— bakit nandito siya!? Run, Miya. Run!
"Don't run again, again, again, again and again, Miya Salvador." Napatigil si Miya sa binabalak niyang takbohan ang binata pero inunahan siya nito. Nagtinginan sila sa isa't isa, siya ang umiwas at umatras sa binata.
"I-i'm not r-running—"
"You told me that years ago, Miya." Umabanti si Vismott sa kanya pero agad siysng umatras dito dahil sa takot na naramdaman at kaba kung anong gagawin sa kanya ng binata ulit. "Miya..."
"D-don't come near me!" Biglang sigaw ni Miya sa harapan ng binata na ikinagulat nito. "I swear, Vismott. I'll run again if you step near to me." Banta ni Miya sa binatang natigilan sa sinabi nito sa kanya.
"Miya..."
"I'm tired being your sex slave!" Malakas na sigaw ng dalaga na sapat lang marini ng ilang taong nagsisiyahan na ilang metro lang ang layo sa kanila. "You took advantage to me when I need to breath out Rance in my heart! You son of a bitch!" Mura ng dalaga sa kanya.
"I'm your fiancé and you'll give what I want—" malakas na sinampal ni Miya si Vismott na napalingon sa kaliwa dahil sa lakas. Nagsituluan ang mga luha ni Miya habang tinitignan si Vismott na natigil ang pag-andar ng ulo niya dahil sa sampal ni Miya.
"You are my fiance and I'll give what you want— that's bullshit!" Malakas na mura ni Miya sa harapan ni Vismott. "I'm your EX fiancé, Vismott. I cut ties with you because of Rance—"
"Then, where's Rance now? Where is he?" Natigilan si Miya sa tanong ni Vismott sa kanya habang nakatingin sa dalaga ang malamig na mga mata ni Vismott. "See? You're shouting that thief's name but you didn't know how I risk—"
"Risk? You really risk your stone heart, Vismott?" Nuyang tumawa si Miya at natatawang tinignan ang binata na seryusong nakatingin sa kanya. "Don't joke around, Vismott Baste Millionaire. I knew you. I really knew you." Sabi ni Miya habang dinuro-duro si Vismott.
"You didn't risk your stone heart, Vismott. I! I risked my love for Rance! I risked! I almost die because of my risking bullshit love!" Malakas na sigaw ni Miya habang umaagos ang lalaking luha sa pisnge niya.
"Miya—"
"Don't call me my name, Vismott! You don't have a right to call me! You don't have a right to touch, to see and to talked to me with risking! Because we know, you don't have a fucking right!" Sigaw ni Miya kay Vismott na bumaba ang balikat.
"I'm the one who risked, who treat as a sex slave—"
"I didn't do anything—"
"Oh, that's bullshit, you Millionaire! You fucked me! You fucking fucked me!" Sigaw ni Miya sa harapan ni Vismott na nagulat sa sinabi sa kanya ng dalaga. "Don't be shock because you don't have a right to be shock with your doings to me!"
Habol hiningang umupo si Miya sa buhangin. Naka-tingin sa kanya si Vismott na aakmang lalapit sa dalaga nang maalala ang sinabi nito sa kanya.
Ilang minuto silang hindi gumagalaw sa pwesto nila nang magpasyang umalis si Vismott ng tahimik. Noong sapat na ang lakad niya palayo sa dalaga, humarap siya at tinignan si Miya na naka-upo sa buhangin bago umalis.
No. Don't step forward, Vismott. Be a good boy for now. She'll run again for the sixth time.
"Pagod na pagod na pagod na ako... Ang sakit pala magmahal..." Mahinang natawa si Miya habang tumitingin sa dagat dahil naalala niya ang sinabi kanina ni Linar. "Kailangan mong isakripisyo ang puso mo bago makamit ang gusto mong makamit..." Bulong niya sa sarili niya.
"Love is full of risked, Miya." Napalingon si Miya sa pamilyar na boses. Ngumiti sa kanya si Linar na kanina pa narinig ang pag-uusap ni Miya at ni Vismott. Nanlaki ang mga mata ni Miya kay Linar.
Ngumiti si Linar at umupo sa tabi ni Miya. "Huwag kang mag-alala. Hindi ko sasabihin sa iba." Napahinga ng maluwag si Miya sa sinabi ng kaibigan.
"Walang along matulin pupunta sa dalampasigan, kailangan pa niyang tumigil ng tumigil hanggang marating niya ang destinasyon." Bulong ni Linar na sapat lang marinig ni Miya na ngiting lumingon sa dagat.
"Tungkol lahat sa sakripisyo. Walang exemption. Mayaman ka man o mahirap, mataas man ang estado mo sa buhay o hindi, lalaki ka man o babae, nagmahal ka man o umasa, tungkol lahat sa sakripisyo." Bulong rin ni Miya na sapat lang marinig ni Linar.
"Anong alala ang habang buhay mong itatanim mo memorya mo, Miya?" Tanong ni Linar sa kaibigan na lumingon sa kanya at agad bumalik ang tingin sa dagat
"Secret. Baka malalaman pa ng iba kapag sinabi ko sayo." Tumawa si Linar sa sagot ni Miya sa kanya na tumawa rin kasama si Linar.
Bumalik sa katahimikan ang dalawa. Walang sumubok buksan ang kanilang buhay pag-ibig, takot na umiyak na naman at baka mapaos na sa kakasigaw at mawalan ng boses sa kakaiyak.
Lumipas ang araw ng 2021 Surfing Festival, walang balak na pupunta si Linar pero mapilit si Miya kaya sumama si Linar na wala sa loob at pinilit pa siya ni Miya na mag two piece.
"Sasama lang ako, Miya. Hindi ilalantad ang katawan ko sa festival." Inis na sabi ni Linar kay Miya na kunot noo'ng nilingon si Linar na naka-upo sa ibabaw ng kama.
"Grabe ka naman, Linar. Magbibihis lang tayo para hindi tayo ma-out of place doon at saka wala kang itatago, ang ganda ng kutis mo. Sigurado akong madaming lilingon sayo! Kaya dali na! Suotin mo na 'to!" Pilit ni Miya kay Linar na napilitang kunin ang two piece sa kamay sa kaibigan at nagbihis sa loob ng comfort room.
"Ayan! Ang ganda mo!" Sigaw ni Miya kay Linar na inayos ang lace ng panty sa pagkatali at ginawang ribbon. Hinila ni Miya si Linar sa harap ng malaking salamat at nagpicture sila sa harapan gamit ang cellphone ni Miya.
"Bestfriend goals!" Masayang sabi ni Miya at pinindot ang shutter ng camera. "'Yan! May picture na tayong dalawa." Masayang sabi ni Miya habang tinitignan ang picture nila sa cellphone niya.
"Hala! Tara na! Magsisimula na!" Biglang sigaw ni Miya na ikinagulat ni Linar na wala sa sarili at masamang tinignan si Miya. "Huwag ka na sumimangot, pupunta na tayo!"
Walang magawa si Linar kung hindi ay sumama kay Miya. "Sana nandoon si Vismott." Sabi ni Linar na ikinatahimik ni Miya, lihim namang ngumisi si Linar nang naramdaman na nawala ang galak ni Miya.
Habang naglalakad papunta sa nasabing festival, tahimik lang silang nanglalakad. Pinagtitingnan rin sila ng mga taong dinadaanan nila na hindi nila inabala.
Pagkarating nila, madaming turista ang naglalakad at inienjoy ang festival. May nagtuturo paano tumayo sa surfboard kapag nasa alon na ang surfboard, may face painting rin, at iba pang related sa surf sports.
"Try natin 'yung face painting." Aya ni Miya kay Linar na sinang-ayunan naman ni Linar at agad na sumunod kay Miya sa pumunta sa face painting stall at pumila.
Pinag-titignan sina Miya at Linar ng mga ibang kalalakohan na naka topless at mga kababehan. Naka-white two pieace si Linar na ang strap at nasa likuran ng leeg niy at likod, at si Miya naman ay naka-strawberry two piece at may sun glasses sa ulo niya.
Kinuha ni Linar ang sun glassses ni Miya at sinuot dahil sa hiyang naramdaman, pinag titignan siya ng ibang kalalalkihan na nakitang nakatingin sa suot niya. Umupo si Miya sa upuan at pumili ng design na gusto.
"Ito. Parehas kami ng kaibigan ko." Sagot ni Miya sa artist na naka-top less na tumango sa kanya. Pinturahan ng artist ang pisnge ni Miya at ni Linar.
Pagtapos, nang pasyang maglakad-lakad ang dalawa. Tumatawa sila habang naglalakad pero napatigil si Linar sa paglalakad ganon rin si Miya na natatakang nilingon si Linar at tinignan ang tinignan ng kaibigan.
Bumilis ang takbo ng dibdib ng maliit na bangka nang muling nakita niya ang along iniwan niya sa gitna nang dagat at piniling bumalik sa dalampasigan dahil sa takot na may iba pa siyang mararamdaman sa alon.
Napahinto rin rin ang alon nang muling nakita ang maliit na bangkang hinahanap hanap niya sa dalampasigan para anyahang muling lumusong sa alon niya.
Hindi mapigilan ng binatang ngumiti habang naka-tingin sa babae na natigilan rin at unti-unting ngumiti sa kanya. Kita ng binata ang isang luhang tumakas sa dalaga na umiiyak sa saya dahil muli niyang nakita ang kanyang alon.
Kumikislap sa saya ang mga mata ng binata at abot langit ang ngiti sa labi niya habang patakbong pumunta sa direksyon ng dalaga. Ganon rin ang dalaga, kumikislap ang mga mata at abot langit ang ngiti habang patakbong pumunta sa direksyon ng binatang tumatakbo.
Nakangiti si Miya sa kaibigan niyang muli niyamg nasilayan ang maganda at abot langit nitong ngiti ng kaibigan. Isa sa tinuguriang lihim na pang-aakit ang ngiti ng kaibigan dahil sa ganda ng kurba at natural nitong kulay ng labi.
Tumatakbo ng puno ng kasiyahan at pagmamahal si Linar habang nakatingin sa binatang tumatakbo sa direksyon niya. Habang tumatakbo, akala niya sasalubongin siya ng mainit at mahigpit nitong yakap.
Natigilan siya sa pagtakbo nang nilampasan siya ng binata. Ilang segundo siyang natulala sa ere at dahan-dahang nilingon ang tinakbuhan nito. Nagsituluan muli ang malalaking luha ni Linar nang makita si Kyron na kasama ang maliit nitong bangka.
Morena, sumisigaw sa kaganda, mataas ang ilong, at perpekto ang kurba sa katawan, puno ng huhusga sa sarili si Linar habang tinitignan ang binatang tumatawa kasama ang babaeng mahal nito.
Parang piniga ng malalakas na kamay ang puso ni Linar habang nakatingin sa kasiyahan nang dalawa. Tinanggal ni Linar ang sun glasses niya habang tinitignan niya ang likuran ng binatang nakita niya sa front desk noong isang araw.
"Mahal kita... Kyron Millionaire... I'll treasure your face... your smile... and your beautiful eyes... I'll treasure everything. And I'm grateful that I'm the first boat in your wave of love..." Bulong ni Linar habang tinitignan si Kyron na hawak kamay naglalakad kasama ang babaeng mahal nito.