Chereads / Millionaire Series #1: Wave Of Love / Chapter 23 - Chapter Twenty-Two

Chapter 23 - Chapter Twenty-Two

Hindi gumagana ng maayos ang ulo ko sa sinabi ni Feri kanina. Parang sirang plaka ang ulo ko na inulit-ulit ang sinabi ni Feri sa akin hanggang sa naka-uwi ako sa probinsiya namin.

Pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin, agad siyang umalis at sumakay sa sasakyang nakaparada sa harapan ng condominuim at pinararurut ng mabilis.

"Polinar, kakain na." Bumalik ako sa reyalidad kung saan madaming problema nang marinig ko ang boses ni Aye Grace na hindi ko namalayang nasa harapan ko na. "Okay ka lang ba?"

Tumango ako kay Ate Grace at tumayo sa pagkakaupo. Kita ko ang pagdadalawang isip ni Ate Grace na pilit ngiting nginitian ako at inalyanan akong pumunta sa kusina nila.

"Upo ka, hija." Sabi ni Aling Perla at pinanghila ako ng upuan. Umupo ako roon at katabi ko ang anak ni Ate Grace, si Kro-kro na ngumiti sa akin at pinagpatuloy sa pagkain.

"Anong gusto mo, Polinar? Ito ba?" Tanong ni Aling Perla na tinuro ang hotdog na niluto niya, mahina akong tumango. Ngiti siyang naglagay ng dalawang hotdog sa plato ko at nilagyan rin ng kanin.

"Kain ka na, Polinar. Magpakabusog ka para may lakas ka para pumunta sa ospital." Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin perp biglang nagsituluan ang mga luha kong maiinit nang sinusubo ko ang kutsara sa bibig ko.

"Tahan na, Polinar. Magiging okay rin ang lahat." Sabi ni Aling Perla na ikinahagulgol ko ng malakas. Pilit kong pinapatigil ang luha kong tumutulo ng mabilis pero kahit anong pilit ko, hindi pa rin tumitigil ang luha ko.

"Ate Polinar." Napalingon ako kay Kro-kro habang pinunasan ko ang luha ko sa pisnge, kumuha ng kanin si Kro-kro gamit ang kutsara niya kahit nahihirapan siya humarap siya sa akin na nakangiti. "Ito na ang erplen... lalanding na."

Rinig kong tumawa sina Aling Perla at Ate Gracr kay Kro-kro na tumayo habang hawak ang kutsara at nilapit ang kutsara sa bibig ko. "Kain ka na, Ate... Baka kainin ng bulate ang tiyan mo kasi... wala silang makain." Naiiyak akong mahinang tumawa sa sinabi ni Kro-kro at tinaggap ang kutsara niya at ngumiti.

"Yehey!" Palakpak niya at kumuha ulit ng kanin na may hotdog na inislice ni Ate Grace. "Ito pa... kain ka ng marami, Ate Polinar... Para lalo kang gaganda." Ngiting sabi niya at hinawi ang buhok ko sa likod ng tenga ko.

K... Kyron...

"Bakit? May mali ba—" humina ang boses ko dahil nilagay niya ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga ko.

"Nothing." Sabi niya at inayos ang buhok ko. Namula ang mukha ko dahil naka-tingin siya sa akin habang nasa kamay niya ang mukha niya at ang siko na nasa mesa ay bilang suporta sa bigat ng mukha niya.

"Can I kiss you?" Bulong niya na sapat lang na marinig ko. Namula ang pisnge ko sa tanong niya, naramdaman kong hinaplos niya ang pisnge ko at hinawakan ang baba ko habang sumasayaw ang mata niya sa akin at sa labi ko.

"Uh—" hindi ako makasalita dahil sa bilis ng tibok ng puso ko at nahihiya dahil alam kong naramdaman niya ang init ng pisnge ko kanina na lalong namula ngayon.

Ngumiti siya na siguradong ikalaglag ng garter ng underwear. "I'm just kidding." Sabi niya at marahang hinaplos ang pisnge ko gamit ang likod ng daliri niya.

Lumapit ang mukha niya palapit sa tenga ko. "You're so beautiful and I'm addicted." Mahangin na bulong niya sa akin na alam kong sobrang pula na ng mukha ko dahil sa kanya.

Umiwas ako ng tingin kay Kro-kro nang maalala ko ang sinabi ni Kyron sa akin. Kinapa ko ang dibdib ko, ang bilis ang tibok ng puso ko parang sumali ng karera ng mga kabayo.

Linar, tumigil ka. Ikaw mismo ang nagsabi sa harapan ni Kyron na hindi mo siya gusto at ngayon, nagdadalawang isip ka sa sagot mo? Hindi ka na makikinggan ni Kyron dahil narinig niya na ang sagot mo sa tanong niya.

Tama, hindi na siya dapat isipin ngayon. Kailangan ako ni Ama at Ina ngayon at magkakabati rin kami ni Ina kapag tapos na ang pangyayari na ito na hiniling ko na sana na isang bangungot lang ito.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko habang iniisip kung anong gagawin ko mamaya bago pumunta sa ospital para bisitahin si Ama kung gising na.

Kyron, inaamin kong mali ang sagot ko sayo. Mahal kita at noong sa apartment palang ni Ate Liana ko na nalaman ang totoong nararamdaman ko sayo. Hulog na hulog na ako sayo at hindi ako magdadalawang isip na hindi hayaan ang sarili kong sumabay at aahon sa alon ng pag-ibig mo sa akin. Mahal kita, Kyron Millionaire.

-

Seven Years Later...

"Polinar, hinanda mo na ba ang dadalhin mo sa resort?" Sigaw na tanong ni Ina sa akin. Nilagay ko muna ang cooler sa likod ng bus at nilingon si Ina. Napatawa ako ng mahina sa suot niya.

Sumisigaw sa ganda pa rin si Ina, nasa 30's na si Ina pero nagmumukhang dalaga pa rin sa kayumangging balat niya at taas ng buhok na kasing kulay ng buhok ki ngayon.

"Opo! Na saan si Ama? Dadating na sila Aling Perla at Kalaykay!" Sigaw ko kay Ina inayos ang malaking sombrero na binili ko para sa kanya na gustohan niya nsman. Bumalik sa loob ng bahay si Ina na narinig kong tinawag si Ama.

Nakatira kami ngayon sa loob ng malaki at kilalang subdivision rito sa Pilipinas, ilang taon ko pinag-ipunan ito para mabili ang gustong bahay nina Ama at Ina na nagustuhan naman nila.

Dalawang palapag ang bahay, hindi gaanong malaki pero kasya ang mga bisita namin kapag may pangdiriwang sa bahay. Inayos ko ang paglalock ng likuran ng kotse bago tinulungan sina Ama at Ina na mukhang excited na pupunta sa resort.

"Excited na ako, anak. Ngayon lang kami makakapunta sa isang resort na sa picture palang ay maganda na!" Masayang sabi ni Ina at pumasok sa bus.

"Mabuti naman po at excited kayo. Ikaw, Ama? Excited ka na ba?" Ngiting tanong ko kay Ama nang makaupo siya sa unahan ng bus. Ngumiti si Ama sa akin at nilingon si Ina na naka-ngiti rin.

Nagkabati kami nina Ina nang makalabas na si Ama sa ospital. Inayos namin ang away naming magka-pamilya bago ako nangtrabaho at nagpatuloy sa pagkokolehiyo. Nagulat ako noong sinuportaan ako ni Ina at Ama sa pag-aaral ko.

Nagulat rin ako pagkatapos kong grumaduate bilang magna cum laude sa Hentai Imore College na sinuportaan ako sa paghahanap ko ng trabaho dahil biglang tumigil sa pagiinom ng alak at sugal si Ina at Ama at naghanap rin ng pang araw-araw naming gastusin.

"Oo naman, anak." Ngumiti lalo ako sa kanya dahil tinanggap niya ako kahit hindi niya ako anak. Nagpaalam ako kina Ina at Ama nang marinig ko ang tricycle ni Kalaykay.

"Hi, Kro-kro! Na miss mo ba si Ate?" Ngiting tanon ko sa anak ni Ate Grace na agad bumaba at niyakap ako sa bewang. Eleven years old na si Kro-kro at mag fifirst yeae high school sa susunod na pasukan.

"Opo, Ate. Na saan sina Nanay Lisa at Tatay Tansong?" Tanong ni Kro-kro. Pinisil ko muna ang pisnge niya bago hinalikan ang pisngeng namumula dahil sa pisil ko. "Aray. Ang sakit ng pisil mo, Ate Linar."

Tumawa ako at ginulo ang buhok niya. "Sorry, ang cute kasi ng pisnge mo e. Nasa loob sina Ina at Ama. Puntahan mo sila." Ngiting sabi ko kay Kro-kro at pinanood siyang pumunta sa bus at pumasok.

"Polinar." Lumingon ako at ngiting sumalubong ng yakap kay Ate Grace at Aling Perla na nakangiti sa akin. "Mabuti at pinayagan ka ng boss mong mag leave ng dalawang linggo." Sabi ni Aling Perla.

"Oo nga po, Nay. At saka, sulit naman ang two weeks leave ko kasi magkakasama tayo sa resort ng dalawang linggo." Ngiting sabi ko at tinignan si Ate Grace na naka-ngiti sa akin.

"Ang laki na nang pinagbago mo, Polinar. Noon nahihiya ka pa sa amin ni Mama kahit ilang taon mo na kami kasama, ngayon, milyonarya ka na." Natatawanh sabi ni Ate Grace.

"Hindi naman, Ate." Natatawang sagot ko sa kanya at napalingon sa pinang galingan ng sigaw. Si Ina na dumungaw sa bintana at lumingon sa amin.

"Perla! Halika na kayo!" Sigaw ni Ina na kumakaway sa amin. Natatawang lumingon ako kay Ate Grace at Aling Perla na tumawa ring kumaway pabalik kay Ina.

"Oh, siya. Papasok na ako sa loob ng bus, may ichichika pa ako kay Lisa tungkol kay Hernandez! Grace, tulungan mo si Kalaykay, Kolin at Polinar, ilagay ang gamit natin sa bus. Maliwanang?" Sabi ni Aling Perla kay Ate Grace at agad pumunta sa bus at pumasok sa loob.

"Opo, Ma. Tara na, Polinar. Ilagay na natin ang gamit namin at bus." Natatawang sabi ni Ate Grace, natatawang tumango ako at tinulungan sina Kalaykay at Kolin na ngumiti sa akin.

"Uy, Polinar." Bati ni Kolin sa akin habang pareho naming buhat ang malaking bag nina Ate Grace. "Kamusta ang trabaho, Linar?" Tanong niya at binuksan ang likuran bus kung saan naroon ang ibang malalaking gamit na dadalhin namin.

"Nakakapagod pero iyon talaga e. Para na rin kina Ina at Ama." Ngiting sagot ko at nilapang ang malaking bag sa likuran ng bus. Lumapit ako sa unahan kung saan sa driver na kinana pa nag-aantay.

"Okay na ba ang lahat?" Tanong ko sa kanila. Nagsitanguan sila at sabay sumigaw ng 'oo'. "Wala kayong naiwan? Dalawang linggo tayo sa resort." Tanong ko muli sa kanya.

"Ay! Oo may nakalimutan ako, anak!" Lumingon ako kay Ama, ganon rin sina Aling Pole at Ina na napatigil sa pagtatawanan.

"Anong nakalimutan mo, Tansong?" Tanong ni Ina sa kanya. Nagtatakang lumingon si Ina sa akin, kumunot ang noo ko kay Ina.

"Nakalimutan kong sabihin sayo kung kailan ka mag-aasawa?" Napatawa kami sa tanong ni Ama na ikinahampas ko ng noo ko.

"Uh— Manong, tayo na po sa resort." Sabi ko sa driver na tumango sa akin. Nang makaupo ako sa kaliwa ng bus, agad umandar ang bus at umusad.

Rinig ko ang kwentohan nila na ikinangiti ko ng wala sa oras dahil masaya akong excited sila sa resort na sikat ngayon at ngayon ay makakasama ko na ang buong pamilya ko at sina Kalakay.

Hinayaan ko silang mag-ingay papunta sa resort na ilang oras lang ang byahe. Noong dumating kami, agad kong pumunta sa front desk ng resort para sa reserved kong apat na kwarto'ng cottage.

"Hello, Ma'am. Welcome to FLucas Beach Resort. How can I help you?" Tanong ng babaeng naka-kulay puting blouse at may ribbon sa harapan niya na kulay pula.

"May reservation ako rito. Polinar Mayordoma ang pangalan." Sabi ko sa babae na agad tinignan ang computer niya. Tumango siya sa akin at ngumiti.

"Four rooms po, Ma'am?" Tumango ako sa kanya. "Pakilagay nalang po ng pangalan niyo rito, Ma'am at pirma niyo." Sinunod ko ang sinabi niya at ngumiti sa kanya. "Enjoy your stay, Ma'am."

"Thank you." Sagot ko sa babae bago kinuha ang apat na susi at umalis. Lumabas ako at pumunta kina Ama at Ins na namangha sa resort.

"Ina, ito ang susi ng magiging kwarto niyo. Nandiyan rin ang numero ng kwarto niyo, para hindi kayo mawala kapag hinahanap niyo ang kwarto niyo." Sabi ko at binigay kay Ina, Ate Grace at Kolin ang susi ng magiging kwarto nila.

"Kita nalang tayo sa function hall. Doon." Tinuro ko ang malaking kubo na may ilang empleyado na may kanya-kanyang ginawa. "Tuwing almusal, hahatiran tayo sa kwarto ng pagkain. Tuwing tanghalian at hapunan, pwedi kayong pumunta sa iba't ibang kainan rito sa resort. Huwag kayong mag-alala sa bayad ng kinain niyo, bayad na iyon lahat." Sabi ko sa kanila.

"Ang gustos naman pala rito, Polinar." Ngumiti ako kay Aling Perla sa sinabi niya at umiling.

"Pinag-ipunan ko naman lahat ito, Nay Perla. Ihahatid ko nalang kayo sa magiging kwarto niyo." Sabi ko sa kanila at ngumiti. Binuhat namin ang mga gamit namin na nakalabas na sa bus na babalik kapag uuwi na kami.

Isa-isa ko silang hinatid sa kwarto nila. Gawa sa kahoy ng niyong at nipa ang kwarto at kumpleto lahat ang kailangan namin sa loob ng kwarto.

Magkatabi lang kwarto nilang tatlo at sa akin ay pinakamalayo na halos katabi na ang private land na sobrang lawak. Nilapang ko ang dalang dalawang maleta ko at pumunta agad sa comfort room para magbihis.

Pagkatapos mag bihis, lumabas ako ng kwarto. Pumunta ako sa front desk para sabihin ang magiging almusal namin sa loob ng dalawang linggo. Tinitignan ko ang message app ko nang marinig ang pamilyar na boses, inangat ko ang ulo ko at ikinalaki ng mga mata ko.

"K-kyron..."