"Magiging balot ka talaga kapag tinamaan yang pagmumukha mo ng suntok ni Satanas!" Sigaw ni Laylac na natataranta sa harapan namin. "Bakit mo kasi hinalikan si Linar!" Sigaw ni Laylac at tumingin sa akin.
"Sino si Satanas—"
"Laylac! Laylac!" Napalingon kami sa bukana ng dressing room. "S-si— si... Si Kyron—" naputol ang sasabihin ni Triple na parang kakagaling lang sa one-thousand meter marathon nang marinig namin ang sigaw na nang galing sa labas.
"Kyron! Tama na!—"
"Hindi! Susuntukin ko yang gagong 'yan!" Sigaw ni Kyron. Kahit hindi pa tapos ang pag-ayos sa buhok ko, tumakbo patungo sa pintuan ng dressing room at nakita si Kyron na nagpumilit na kumawala sa hawak ng ibang pinsan niya na hindi ko kilala.
"Kyron, tama na!" Sigaw ko sa kanya na ikinalingon niya sa akin. May ilang taong nakatingin sa amin dahil sa kaguluhan rito sa dressing room. Lumapit ako sa kanya at muntik nang matakilpo dahil sa pag mamadali.
"Ingat, Linar—"
"Baka gusto mong mawala ang mukha mo, Laylac." Malamig na sabi ni Kyron at tinignan ako habang malakas na hinawi ang kamay niya sa pinsan niyang handang pigilan siya. "Oh, bakit nandito ka? Ikaw ang haharap sa akin dahil naawa ka sa gagong 'yun!?" Sigaw ni Kyron.
Ano ba ang problema niya? Nagalit ba siya dahil aksidente kaming nag-kiss ni Rance?
"Lumabas ka, Rance! Tanginang gago ka! Bakit mo hinalikan si Linar!" Sigaw ni Kyron at aakmang lalapit sa dressing room ng hinawakan siya ng mga pinsan niya.
"Huwag niyo akong hahawakan—"
"Tumigil ka na, Kyron. Pinapahiya mo si Linar sa mga tao." Putol sa sasabihin ni Feri kay Kyron na masama siyang tinignan.
"Ilabas mo si Rance, kung gusto mong walang pamahiya, Feri." Sigaw ni Kyron kay Feri at masama akong nilingon. Aakmang lalapit siya sa akin nang may narinig akong sigaw mula sa isa sa exit ng gymnasuim na konektado sa auditorium.
"Polinar!" Lumingon ako sa pinang-galingan ng pamilyar na sigaw. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kalaykay at Kolin na tumatakbo papunta sa amin.
"Bakit kayo nandito, Kalaykay? Kolin?" Tanong ko sa kanila nang dumating sila sa harapan ko na hinihingal at hinahabol ang hininga.
Manonood ba din sila?
"Polinar, nasa ospital si Tansong!" Sabi ni Kalaykay ay tinulungan ang kapatid niyang si Kolin na tumayo. Naguguluhan ko silang tinignan.
"A-ano?" Nauutal kong tanong habang nagsimulang tumulo ang mga luha ko sa pisnge ko. Rinig ko ang boses ni Kyron at Kalaykay pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nila dahil parang sirang plaka ang utak ko.
Nasa ospital si Tansong, Linar!
Napa-upo ako sa kinatatayuan ko at kita ko sa gilid ng mga mata ko na aakmang lalapit si Kyron pero inunahan siya ni Kalaykay na pinunasan ang luha. Nilingon ko siya. "N-na saan si... si Ama, Kalaykay?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa pribadong ospital siya dinala, walang tumanggap kay Tansong dahil sa kalagayan niya." Sagot niya habang tinulungan akong tumayo.
"Tara. Pupuntahan ko si Tansong—"
"E, paano ang sinalihan mo, Linar?" Napalingon ako kay Triple na nahuli konh nakatingin kay Kyron at lumingon pabalik sa akin.
"H-hindi na... ako sasali. Kailangan kong pumunta sa ospital." Sagot ko kay Triple na tumango sa akin. Nilingon ko sina Kalaykay at Kolin at aakmang pupunta na sa exit ng maramdaman ko ang kamay ni Kalaykay na biglang may humawi.
Lumingon ako kay Kyron na masamang tinigman si Kaylaykay na hawak na ni Kolin na tinanong si Kalaykay kung okay lang, tumango si Kaylaykay at sinalubong ang tingin ni Kyron.
"Don't touch her." Galit na sabi ni Kyron kay Kalaykay at mahigpit akong hinawakan. Napa-giik ako sa sakit at humiwalay kay Kyron na lumingon sa akin. "Let me hold—"
"Huwag mo akong hawakan." Sabi ko sa kanya at nilingon sina Kaylaykay at Kolin. "Tara na." Aya ko sa kanila at pumunta kay Kolin na agad akong niyakap.
Tahimik kaming lumabas sa exit sa gilid ng gymnasuim. Rinig ko ang boses ng emcee na magsisimula na ang pageant. Sumakay kami ni Kolin sa tricylce ni Kaylaykay na agad pinaandar at pinausad ang tricycle papunta sa ospital.
"Anong kondisyon ni Ama, Kolin?" Tanong ko kay Kolin na nag-aalala sa akin at hinawakan ang braso ko.
"Nasobrahan ata sa kakainom ng alak kaya sinugod siya sa ospital. Okay ka lang ba, Polinar?" Tanong ni Linar at inayos ang buhok kong matigas dahil sa hair spray.
"H-hindi..." Sagot ko kay Kolin na sinandal ang ulo sa balikat ko hanggang sa makarating kami sa sinasabing ospital ni Kalaykay. Sabay kaming tatlo pumasok sa ospital at pumunta sa ER.
Pinagtitignan ako ng mga taong nararaanan namin dahil sa suot ko pero hindi ko inabala ang suot ko, ang nasa isip ko lang ay si Ama na nasa loob ng ER. na hindi ko alam ang kadahilanan.
Umupo kami sa waiting area na kaharap ang pintuan kung na saan si Ama sa loob. Nagulat akong nakita sina Aleng Perla at Ate Grace na mukhang inaantay kami.
"Polinar." Tawag ni Ina sa akin na ikinalingon ko. Pumunta ako kay Ina para sana yakapin at damayan siya pero sumalubong sa akin ang malakas na sampal ni Ina.
"Lisa!" Sigaw ni Aling Perla nang sinampal ako ni Ina na narinig kong umiiyak. "Huwag mong saktan ang bata!" Sigaw ni Aling Perla at niyakap ang ulo ko habang nagsituluan ang mga luha ko.
Ano ang kasalanan ko?
"Huwag kang sasali rito, Perla! Labas ka rito!" Sigaw ni Ina kay Aling Perla na hinahaplos ang buhok ko at pisnge kung na saan ang sinampal ni Ina na humahapdi sa sakit.
"Pero sinasaktan mo si Polinar!" Sigaw pabalik ni Aling Perla at inayos ang buhok ko. "Polinar, masakit ba? Ipapagamot natin iyan—"
"Huwag mong hawakan ang anak ko, Perla!" Sigaw ni Ina at naramadaman ko ang kuko ni Ina na kumalmot sa akin nang winaksi niya si Aling Perla. Dinuro ako ni Ina na masama akong tinignan. "Dahil sayo na ospital ang asawa ko!" Sigaw niya sa harapan ko.
Kita ko sa mukha ni Ina ang gulo ng buhok at walang tulog simula kagabi at nadagdaggan ng pamamaga ang mga mata niya. "Putanginang bata ka! Kung binigay mo lang sana ang perang hinihingi ni Tansong, hindi sana siya nabugbog at nasaksak!" Sigaw ni Ina sa akin habang umiiyak sa harapan niya.
Ano ba ang mali ko?
"Ina—"
"Huwag mo akong matawag-tawag na Ina! Hindi kita anak!" Malakas niyang sigaw at dinuro ulit ako. "Wala akong anak na kagaya mong mana sa nakapabuntis sa akin! Ni kilay ko, hindi mo minana! Lumayas ka rito! Lumayas ka!" Sigaw ni Ina na lalong ikinaiyak ko ng malakas.
"Huwag mo akong iiyakan! Wala kang karapatan!" Sigaw ni Ina at malakas akong sinampal. Napalingon ako sa kanan dahil sa lakas ng sampal niya at naramdaman ko ang hapdi. "Wala kaming anak ni Tansong na kagaya mong walang puso!"
"Iyan ba sa tingin niyo, Ina? Kung wala akong puso, hindi ko sana ibinigay lahat ng pera sa inyo!" Tinignan ko siya habang umiiyak. "Kung wala akong puso, hindi sana ako narito sa harapan mo at umiiyak! Binigay ko lahat ang gusto niyo at tinaggap ang insulto na nagmula sa inyo! Anak niyo ako! Anak!" Malakas kong sigaw. "Pero bakit ako ang nagmumukhang walang puso dito sa pamilyang to!?" Naguguluhang tanong ko kay Ina.
Magsasalita sana ako nang bumukas ang pintuan ng ER. "Sino ang asawa ng pasyente?" Tanong ng doctor na lumabas habang naka-tingin sa amin.
"Ako, Doc. Kamusta ang asawa ko?" Tanong ni Ina sa doctor habang tinitignan ang dalang checklist at tumango sa nurse na agad umalis. Tinignan niya si Ina at kami nina Aling Perla, Ate Grace at Kalaykay at Kolin.
"Komplikado ang sitwasyon ng iyong asawa, Misis. Natahi na namin ang sugat niya sa tagiliran pero na apektohan ang kanyang atay na mukhang bibigay na sa sobrang dami ng alak na iniinom ng iyong asawa, Misis. Mauna na ako at tawagin niyo lang ang nurse kapag may kailangan kayo." Sabi ng doctor na umalis agad.
Kakausapin ko sana si Ina pero mukhang mag aaway na naman kami at ayaw kong ka-away si Ina na umupo sa malayong upuan at kinausap ang ere.
Umupo ako sa tabi ni Ate Grace na agad akong niyakap. Hindi alintana ang sirang make-up ko, muli akong tahimik na umiyak sa bisig ni Ate Grace na binubulong sa akin na magiging okay lang si Ama.
Hindi ko namalayang nakatulog ako habang umiiyak, nagising ako sa marahang yugyog sa balikat ko dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at ilang beses kumurap bago luminaw ang mga mata ko.
"Linar?" Umayos ako ng pagkauupo at nilingon ang katabi ko. Si Kalaykay na nakatulog rin habang ang ulo nasa pader at tinakpan lang ng sombrero niya. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.
"M-miya... Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya at tinignan ang kaliwa't kanang direksyon. "Hinatid lang ako ni Kuya rito. Kamusta ang Papa mo? Nabalitaan ko kay Rance." Tanong niya sa akin.
Yumuko ako at nagsimula na namang tumulo ang luha ko. Tumabi sa akin si Miya at niyakap ako. "Huwag mo nalang sagutin. Kumain ka na ba?" Umiling ako bilang sagot at pinunasan ang luha ko.
"Ha? Hindi ka pa kumain?" Tumango ako sa kanya ulit at nilingon si Kalaykay at bahagyang ginalaw ang tuhod niya na agad naman siyang nagising.
"H-ha?— Polinar, bakit? May kailangan ka ba?" Tanong ni Kalaykay habang pinunasan ang mukha niya at inayos ang gulo niyang buhok. "Magandang gabi." Bati niya kay Miya na binati siya pabalik.
"Kumain ka na ba, Kalaykay?" Tanong ko kay Kalaykay na lumingon sa akin at tumango.
"Gusto mo bang kumain? Bibili ako." Sabi niya at tumayo. "Anong gusto mong kainin?" Tanong niya habang inaayos ang suot niyang t-shirt na kulay itim at sombrero.
"Hindi na. Sasamahan ko nalang si Linar sa canteen ng ospital." Sabi ni Miya kay Kalaykay na naka-tingin sa akin at inaantay ang sagot ko.
Tumayo ako at inayos ang damit ko. "Sabihin mo nalang sa akin kung gising na si Ama, Kalaykay." Tumango siya sa akin at umupo pabalik sa kinauupuan niya.
"Sige, Linar. Kumain ka ng marami." Pilit ngiti lang ang sagot ko kay Kalaykay at sumabay kay Miya pumunta sa canteen ng ospital.
Tahimik kaming pumasok sa canteen. "Umupo ka kung saa gusto mo, Linar. Ako nalang bibili ng makakain mo." Tumango ako kay Miya at piniling umupo sa pinagilid ng canteen at inantay si Miya dumating.
Ilang minuto lang ay dumating si Miya dala ang isang tray na agad niyang nilagay sa harapan ang kanin at sinabawang gulay na may kasamang hita ng manok at isang bottled water.
"Kumain ka na, Linar." Sabi ni Miya at nilagay sa tabi niya ang tray. Nagsimula na akong kumain dahil ngayon ko lang naramdaman na gutom na ako.
"Sino nanalo sa Mr. and Ms. Hentai Imore College?" Tanong ko habang nakatingin kay Miya na nahuli kong nakatingin sa akin.
"Si Jennifer Entrada, Nursing at Raquel Monteverde, Commerce. Tapos Ms. Photogenic ka, People Choice Award at third runner up." Mahina akong tumango-tango sa sagot niya. "Madami ngang nagtataka kung bakit na-third runner up ka e, hindi mo daw tinapos ang pageant." Patuloy ni Miya.
Tumahimik nalang ako habang kumakain. Ilang minuto kaming natahimik, ang mga nurse at customer lang ng canteen ang maingay. "Linar, sino nag punas ng mukha mo?" Tanong ni Miya sa akin na ikinakunot ng noo ko sa kanya.
"Bakit? Baka sina Ate Grace." Sagot ko sa kanya, tumango-tango siya pero alam kong hindi niya tanggap ang sagot ko. "Bakit ba?"
Umiling siya. "Wala lang naman." Pilit ngiting sapot niya kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko nang matapos, uminom ako sa bottled water.
Umalis kaagad kami ng canteen habang pabalik nang kwarto kong saan nilipat si Ama. May narinig kaming sigawan kaya nagmadali kami ni Miya pumunta sa kwarto pero agad akong pinigilan ni Miya na lumiko.
"Bakit? Gusto kong makita kung sino ang nasa harapa—"
"Na saan si Linar? Na saan siya?— Gusto ko siyang maka-usap—"
"Let's go. We need to treat your hand first—"
"No. Dito lang ako. Aantayin ko siy—"
"Sabing wala rito si Polinar e! Ano ba ang pinuputol ng butsi mo, ha! Sino ka ba—"
"Kyron!" Malakas na sigaw ko nang makitang sinuntok niya si Kalaykay na napa-higa sa sahig habang si Kyron, hinawakan ni Triple, Feri at pinsan rin nila ata na doctor.
Tumakbo ako palapit kay Kalaykay at tinulungan ko siyang tumayo. "Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya at agad siyang tumango sa akin. Nilingon ko si Kyron at masamang tinignan.
"Linar, it's not what you think—"
"Wala akong inisip kung hindi ang kalagayan ni Ama at ang problema ng pamilya namin, Kyron. Akala ko ba tapos na iyang galit mo kay Rance at sa akin?" Tanong ko sa kanya na ikinatahimik niya. "Bakit ka nandito? Kung gusto mong mag-usap tayo, pwede sa ibang araw nalang? Gusto kong magpahinga, Kyron."
Huminga siya ng malalim at yumuko. Parang namang makukuha niya ang awa ko sa ginagawa niya. Umirap ako kahit alam kong nakikita iyon ng kasama namin.
Iyon nalang ang tanging paaran na nakikita kp para itago ang nararamdaman kong sakit at para tumigil ang luha ko sa pagkakahulong.
"Feri at Triple, iuwi niyo ang pinsan niyo." Tumango si Feri at Triple sa akin. Inangat ni Kyron ang ulo niya at sinalubong ang tingin ko. "Kyron, itigil mo na ang panliligaw mo sa akin. Hindi naman kita gusto."