Habang nasa sasakyan kami ni Ezra, nagkwekwentuhan kami ng kung ano-ano hanggang sa dumating kami sa mall na first time kong makapasok.
Napag-alaman ko na si Clifford ang nagturo sa kanya magsalita ng Inglis, na inutos ni Nanay Lola nang magpinsang Millionaire. Fast learner naman si Ezra kaya natuto siya agad ng Inglis at nakakaintindi rin siya ng Tagalog.
Kwento niya rin, mahilig ang magpinsan sa sports. Kaya pala may surf board at trophies si Kyron sa loob ng kwarto kung saan nandoon ako sa Mansion ng Millionaire.
"Linar," tawag ni Ezra na kumakain ng siomai. "You're spacing out. What's the problem?" Tanong niya at ginamit ang chopsticks para isubo ang siomai sa bibig niya.
Umiling ako. "Nothing. I just remember someone." Sagot ko at ginamit ang parang barbeque stick pero mabilog, matulis sa unahan at may maliit na malapad para sa hawakan ng stick, para kumain ng takoyaki na hindi ko akalain na ganitonka sarap.
Hindi naman ako marunong gumamit ng chopsticks, hindi gaya kay Ezra na nahasa sa paggamit noon dahil iyon ang ginagamit nila sa Japan.
"Someone? You mean, Kyron?" Ngising tanong ni Ezra at nilantakan ang sushi. Umiwas ako ng tingin habang ngumuyanguya ng takoyaki sa bibig at tinitignan ang mga pamilyang masayang naglalakad at namimili ng damit.
Naalala ko bigla si Ama at Ina...
"I'm sorry, Linar." Lumingon ako kay Ezra na naka-tingin sa akin, tinignan ko ang plato niya. Ubos na ang inorder niyang siomai, takoyaki at sushi, sa akin hindi pa ubos.
"Okay lang, Ezra." Sabi ko at kinuha ang plato ko. "Gusto mo? Hindi ko 'to mauubos e." Alok ko sa kanya, nanlaki ang mga mata niya sa akin.
"R-really? Thank you!" Ngiting sabi niya at ginamit ang chopsticks para kumuha ng ilang piraso ng sushi at siomai. "You are actually nice, Linar."
Napatigil ako sa pagsubo ng takoyaki dahil sa biglang sabi ni Ezra na lumubo na ang mukha dahil sa dami ng nilagay niyang siomai sa bibig. Ang cute niya.
"I thought, you're just like that girl who introduced to me that she's Kyron's girlfriend." Sabi niya na at uminom ng green tea.
"Hindi naman kami ni Kyron at hindi ko alam kung bakit ganon si Nina. First impression ko sayo sa club, akala ko mataray ka, Ezra. Hindi naman pala." Natatawang sabi ko at inubos ang siomai sa plato.
"What? You're not Kyron's girl? Then, you two are currently dating?" Namula ang pisnge ko sa tanong ni Ezra na inasar akong namumula ang pisnge ko sa sinabi niya.
"You're blushing!" Umiwas ako ng tingin kay Ezra na tumatawa sa ginawa ko. "Okay. Okay. I'll stop teasing you and enough with that topic." Natatawang sabi ni Ezra na ikinahinga ko ng maluwang.
Tumatakbo sa bilis ang dibdib ko sa tanong ni Ezra. Alam kong mahal ko si Kyron pero hindi ko pa rin tanggap na ganito kalakas ang sensitibong tanong sa akin.
"Let's go shopping!" Aya ni Ezra nang matapos ako sa kinain ko. Mamaya pa sana kami kakain ni Ezra sa Japanese Restaurant pero sabi niya kakain raw muna kami bago sumabak sa pag-shoshopping.
Pumasok kami sa Girl's Wear, tinitignan ko lang ang paligid ng mall dahil ito ang first time kong makapasok. Umupo ako sa waiting area habang si Ezra namili ng damit.
"Linar, where are you?" Tawag ni Ezra sa akin. Tumayo ako at lumapit sa kanya na nadatnan kong hinahanap ako. "There you are! Let's try this on you!" Sabi niya at binigay sa akin ang damit na napili niya.
"E—"
"No whinning like a child, Linar. We're going to try this dresses on you, okay? So, go change. Call me if you're done." Sabi niya. Hindi na ako makapalag dahil tinuro sa akin ng sales lady ang fitting room.
Nagbihis ako ng damit na pinili ni Ezra para akin at lumabas. "Ezra?" Tawag ko sa pangalan niya habang tinitignan ang magkabilang direksyon.
"Coming!" Rinig kong sigaw ni Ezra. Ilang segundo lang ay dumating na siya at may hila-hilang stainless rack na naka-hanger ang mga damit na mukhang siya ang pumili.
Tinignan ni Ezra ang suot ko. "Whoa! Princess-line dress is perfect on you!" Sigaw niya at pumunta sa akin. "Let's get that and wear this." Sabi niya at kinuha ang isa sa dress na naka-hanger sa stainless rack.
Nanlaki ang mga mata ko. "H-ha? Wala akong pambayad—"
"Silly. It's my treat and go change! I'm so excited!" Sigaw ni Ezra na parang batang pumalakpak sa tuwa. Hindi na ako pumalag pa at tinry sukatin ang lahat ng damit na pinili niya.
Lahat ng damit, kinuha ni Ezra nang magkasya at bagay sa akin. Pumunta kami sa footwear section, ang dami nang magagandang sapatos at iba-iba ang desinyo at kulay.
"We're taking this, this, that, that, that one in your left, and that one!" Lumingon sa akin si Ezra na may ngiti sa labi. "I'm so excited to see the heels I choose for you Linar!" Masaya niyang sabi. "I treat you as my sister starting today, Linar. So, ready yourself to be my baby doll sister!"
Nakalimutan kong nag-iisang anak lang siya nang mayaman na negostante sa Japan. Ang Yamaguchi Corporation and Chain of Hotels ay pinagsundo ang kanilang anak sa mga Millionaire na pinili si Clifford.
Tinry ko ang heels na pinili ni Ezra at muntik na akong matikalpo sa huling heels na pinili niya. Hihiram sana ako ng pera kay Ezra para sa damit na nagustohan ko ns kasyang-kasya kay Miya.
"You like that, Linar?" Tanong ni Ezra sa likuran ko na hindi ko alam na sumunod pala sa akin. "Go to the fitting room—"
"Hindi na. Alam ko namang kakasya 'to kay Miya." Sabi ko sa kanya at binigay sa sales lady ang damit na napili ko para kay Miya.
"Miya? Miya, the girl who shout at Rance earlier?" Tanong ni Ezra na ikinatango ko sa kanya. "Oh, she's Rance girlfriend I guess... But I don't believe Rance. She's more fiercer and strong." Patuloy ni Ezra at pumunta sa counter para magbayad.
Kinuha ko ang ilang paperbags sa counter, tig sampu kami ni Ezra na sinabing pumunta daw muna kami sa isang tindahan para bumili ng swim suit. Pumasok kami sa Wisdom Fashion Wear.
"Good day, Athena." Napatigil ako sa pagtingin-tingin ng ibang damit at swim suit na iba iba ang desinyo dahil sa bati ni Ezra sa pamilyar na boses at pangalan.
"Hi, Ate Linar!" Sigaw ni Athena at lumapit sa akin. Nagulat ako sa kanya dahil sa biglang beso niya at ngiti niya sa akin. "I missed you, Ate Linar. What you two brought here?" Tanong ni Athena at tinignan ang dala naming damit.
"You two are shopping and you two, didn't inform me?" Hindi makapaniwalang tanong ni Athena sa amin habang tinitignan kaming dalawa. "You two, broke my heart." Sabi niya habang hawak ang puso niya.
"So-sorry, Athena. Hindi namin alam na nandito ka sa mall at wala kaming kontak sayo." Hingi ko ng tawang at tinignan si Athena na stress na hinawi ang buhok niya.
"It's okay. I'm just annoyed to myself that I forgot to give my contact number to you guys. Wait a sec." Sabi niya at umalis sa harapan namin. Nilingon ko si Ezra na nagkibit-balikat sa akin at tumawa ng bahagya dahil kay Athena.
"Let's go, girls! I'm coming with you." Ngiting sabi niya habang may kinukuha sa shoulder bag niya. "Shit. Where the heck is that phone!" Inis niyang bulaslas habang palabas kami ng Wisdom Fashion Wear.
"Ezra, saan tayo pupunta? Hindi ba sa roon tayo bibili ng bibilhin mong damit?" Tanong ko kay Ezra na kasabay ko sa paglakad sa gitna ng mall.
"No. I got a text from Cli, Athena is in that store. We need an expert in fashion." Natatawang sabi niya. Nilingon namin si Ezra na hinahanap niya pa rin ang cellphone sa bag niya.
"Where the fuck is that phone!" Bulaslas niya at biglang nawala ang inis niya nang makapa ang suot niyang skirt. "There you are." Hinga niya ng maluwang. Bahagya kaming napatawa sa kanya.
"Wait, gon'na call someone—"
[Magandang gabi! Ako si Randa, ang iyong tagapangligtas na may lahing moreno sa gabi na ito! Whoever you are, please die.]
"Rance, stop that." Irap na sabi ni Athena habang pumuntay sa amin ni Ezra nang lakad. "Ford's fiancé and Kyron's soon to be girlfriend are with me. Don't find us. If anyone do, please go to hell and die." Sabi niya sabay patay ng tawag.
Binalik ni Athena ang cellphone sa shoulder bag niya at ngumiti sa amin na parang walang nangyari. "Let's go!" Ngiting sabi niya at pumunta sa isang kilalang tindahan ng damit at sapatos.
Bumili sila ng damit na susuotin nila para sa pageant, manonood daw ang buong Millionaire na ikinagulat ko mula kay Athena. Ang Lola nila ang isa sa magjujudge para sa pageant kaya kinakabahan ako kahit wala pa.
Nagplano din ang magpinsan na magbeach pagkatapos nagpegeant sa sabado. Kaya sila bumili ng swim suit dahil wala na raw silang maisusuot dahil nagamit na nila ang ibang swim suit nila. Binilhan nila rin si Miya na isasama ko sa beach sa darating na sabado.
Nagkwekwentohan kami tungkol sa mga sarili namin, anong gustong klase ng damit, bag, tela, sapatos hanggang sa dumating kami sa topic ng mga pinsan ni Athena.
"Anong gusto ni Kyron?" Biglang tanong ko kay Athena na tumigil sa kinakain niyang ice cream at si Ezra na tumingin kay Athena na ganon rin at sabay tinignan ako na may ngiti sa labi.
Anong mali sa tanong ko?
"Si Kuya Kyron? Uh— he likes morena girls like you, Ate Linar. His first girlfriend is Jennifer Entrada," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Athena. "You know her, right? She join the pageant for Mr. and Ms. Hentai Imore College."
Si Jennifer Entrada? Si Jenny? Maputi si Jenny, makinis, mataas at higit sa lahat, mas hulma ang kurba ng katawan niya kesa sa akin.
"What's the reason why they broke up?" Tanong ni Ezra na lumingon sa akim at ngumiti, ilang akong ngumiti sa kanya. Iyon rin sana ang itatanong ko at nagtataka bakit sila naghiwalay.
Nagkibit-balikat si Athen at kumain ng ice cream. "I don't know. Siguro— because Jennifer is too good for Kyron and hey, don't be sad, Ate Linar. She didn't know that we have that 'addict syndrome' thingy to our love ones." Pahabol ni Athena.
"Oh. About that addict syndrome thing. Sometimes, Clifford do something wierd and mumured something 'addict syndrome'. What's with that?" Takang tanong ni Ezra kay Athena na ngumisi sa amin.
"He's falling." Ngising sabi ni Athena. Tinignan naming dalawa si Ezra na namula ang pisnge at mabilis na umiwas ng tingin sa amin. "Is Kyron Millionaire, the surfing addict is finally falling deep, Ate Linar?" Tanong ni Athena sa akin.
Nagkibit-balikat ako sa kanya. "Hindi ko alam, Athena." Sagot ko sa tanong niya. Hindi ko alam kung gaano kahulog si Kyron sa akin, sabi niya mahal niya ako at liligawan niya ako. Hindi naman ibig sabihin na malalaman ko kung gaano kalalim ang hulog ni Kyron sa akin, hindi ba?
Kung kaya mag-antay ni Kyron na sumapit ang birthday ko, kung saan pwedi na ako magboyfriend sa tamang edad ko, sasagutin ko siya pero magpapaalam muna ako kina Ina at Ama.
Baka magagalit sila sa akin na may boyfriend ako habang nag-aaral sa kolehiyo at sila ang mga magulang ko. Kailangan pa nila ang pahintulot na pwedi na ako magboyfriend dahil hindi ko pa naman alam ang buong proseso ng salitang kasintahan.
"The owner of this gorgeous number you dial is currently busy right now. Please go to hell later. Thank you." Pareho kami ni Ezra na kakabalik lang sa kassulakuyan dahil sa sinabi ni Athena na nasa kabilang linya ng cellphone niya.
[Athena...]
Umirap si Athena. "What? I'm busy, whoever you are." Sagot ni Athena sa kabilang linya.
[I-it's Nicholas...]
Kumunot ang noo ni Athena at bahagya kaming nilingon at nginitian. "I'm not interested. Bye—"
[W-wait! Wait! I— uh... I... I think... I like you... and—]
Tulalang pinatay ni Athena ang tawag habang nanlaki ang mga mata ni Athena at mumula ang buong mukha at dahan-dahan tinakpan ang bibig niya.
"Fuck... Addict syndrome..."