"Kyron." Tawag ko kay Kyron na ngiting lumingon sa akin at sinubuan ako ng cake gamit ang plastic na tinidor.
"Yes, my dearest." Gusto kong hampasin siya dahil sa tawag niya sa akin pero nangingibabaw ang kilig ng dibdib ko sa kanya.
Tinanggap ko ang cake na nasa tinidor. "Alam mo naman kung bakit ka nandito hindi ba?" Nguyang tanong ko sa kanya at muling tinanggap ang sinubo niyang cake sa akin.
"Yes, my dearest. I know why am I here." Sagot niya at kumuha ng tissue sa tabi niya at pinunasan ang gilid ng labi ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya.
"Nandito ka para suportaan ang kandidata niyo, hindi ba?" Takang tumango siya sa akin. "Then, ipakita mong sinuportaan mo ang kandidata niyo. Pinagtitignan na tayo sa ginagawa mo e."
Lumingon siya sa mga kandidata at ibang estudyante na pinagtitignan kami na may bahid na inggit at kilig sa mga mukha nila, nilingon niya ako. "Hindi naman sila ang niligawan ko. Ikaw naman." Balewalang sagot niya at pinagbuksan ako ng bottle water.
Hindi ko mapigilang ngumiti sa kanya dahil sa sinabi niya. Gusto kong tumalon sa kilig pero saka na, kapag ako lang ang mag-isa.
Kasalukuyang nagprapractice kami ng mga kandidata para sa darating na foundation day. Huling practice na namin at narito ulit si Kyron na araw-araw akong pinanood at sinusubuan ng cake na gawa raw ng pinsan niya.
Mag iisang linggo na rin noong nangyari sa apartment ni Ate Liana, hindi ko ka rin nakikita si Ama at Ina na pumunta roon hanggang sa lumipat kami sa condo unit ni Kyron na agad kaming tinulungan lumipat.
Akala ko hindi papayag si Miya sa alok ni Kyron pero pumayag siya dahil nakakahiyang itanggi ang grasya at kailangan na rin naming lumipat agad dahil noong lunes na kami nagsimulang magtrabaho bilang waitress sa Spring Teá Cafe.
"Break time is over." Sigaw sa amin ng pageant organizer na hinire ng paaralan para sa foundation day. Nilingon ko si Kyron at binaba ang bottle water.
"Maya ulit." Paalam ko sa kanya.
"Hatid na kita." Alok niya noong nakita niyang nahihirapan akong bumaba sa hagdan habang naka-takong. Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad at analyanan akong bumaba.
"Salamat." Pasalamat ko sa kanya at inayos ang blosa ko. Nagulat akong hinalikan niya ako sa noo, kita kong namumula ang pisnge niya.
"Uh— hi-hihintayin kita. Goodluck!" Sabi niya at mabilis na tumakbo paakyat sa kinauupuan namin. Nilingon niya ako at kumaway, kiniwayan ko rin siya at bahagyang tumawa nang binatukan siya nina Laylac at Feri kasama ang ibang pinsan niya.
"Go to your position!" Mabilis akong pumunta sa pwesto ko noong sumigaw na ang pageant organizer. Pinatugtug niya ang kanta para sa opening number namin.
"Polinar Mayordoma! Polinar Mayordoma!" Napa-iling ako sa mga pinsan ni Kyron na may dalang pompom at sumisigaw sa pangalan ko. Ngumiti ako sa kanila at nag pose sa magkabilang gilid at gitna ng intablado.
"Mayordoma! Mayordoma! Mayordoma!" Sigaw ng mga pinsan ni Kyron hanggang umabot ako sa backstage. Ngumiti sa akin si Jenny, kandidata sa Nursing Department.
"Ang lakas ng sigaw ng mga Millionaire sayo, Lina." Natatawang sabi niya at sinilip ang kinauupuan nina Kyron. Bahagya kong kinamot ang buhok ko.
"Sorry, Jenny. Sasabihan ko sila na huwag na sisigaw—"
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Natatawa lang ako sa magpinsan na yan, kasi sa dala nilang pompom." Sabay kaming tumawa sa sinabi ni Jenny pero naputol ang tawanan namin at nilingon ang kanan namin.
"Ano kaya ang feeling na buong Millionaire," sabay lingon sa amin habang may ngisi sa mukha niya. "ang sumusuporta sayo, imbes sa Engineering at Nursing Department." Patuloy ni Nina na may panunuyang ngisi at tingin sa akin.
"Nina, don't be jealous on Lina's supporters." Napalingon ang ibang kandidata sa ibang department sa amin dahil sa sagot ni Jenny kay Nina. "Ah! I know why you are jealous." May ngisi sa labi ni Jenny kay Nina na nankit ang mga mata sa kanya.
"You like Feri Millionaire, right?" Lumingon ako kay Jenny na lumingon sa akin at kay Nina na ninkit ang mga mata sa amin. "But he's not interested on you. Poor you, Nina." Nuyang sabi ni Jenny kay Nina na unti-unting ngumisi kay Jenny.
"Excuse me." Bumaling ang atensyon naming lahat sa babaeng kakapasok lang sa backstage. Nanlaki ang mga mata ko at tinignan ang suot niya. Dito siya nag-aaral?
"Is anyone know where is Kyron's girlfriend?" Gulat na tinignan ko si Jenny na kunot noong lumingon sa akin, ngumisi siya sa akin. Nag bulongan ang mga kasama namin sa babaeng kakapasok lang at mukhang isa sa kandidata dahil sa height at suot niya.
"Sino siya? Sasali ba siya sa atin?"
"Ang ganda niya naman."
"Alagang aircon ang balat, oh. Lumalaklak rin ata yan nang glutta."
"Kyron's girlfriend? I know her." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jenny kay Ezra— ang fiancé ni Clifford Millionaire.
"Really? Where is she—"
"I'm Kyron's girlfriend." Nabaling ang tingin naming lahat kay Nina na nahihiyang tinaas ang kamay niya at parang balisa pa.
Alinalangang tinignan kami ni Jenny ni Ezra na tinignan si Nina, mula ulo hanggang paa. "Y-you are... Kyron's girlfriend?" Gulat na tanong ni Ezra kay Jenny na bahagyang nilingon kami ni Jenny na may ngisi sa labi at tumango kay Ezra.
"Yes. Shock, sister-in-law?" Tanong ni Nina kay Ezra na bumago ang ekspresyon mula sa gulat na naging kalmado. Umiling si Ezra kay Nina.
"Yes. I'm shock that you lied to me." Pilit ngiting sabi ni Ezra kay Nina na estatwa sa kinatatayuan niya. Napahiya siya sa sagot ni Ezra sa kanya at rinig kong bahagyang tumawa ang ibang kandidata at si Jenny.
"Nina Cuenca lied to Clifford's fiance. I'm shock!" Natatawang sabi ni Jenny habang sapo ang tiyan niya sa kakatawa na lumakas pa. "I'm so sorry—" muli siyang tumawa na sinabayan pa ng ibang kandidata.
"Ano ba yan. Nagsinungaling na nga lang, huli pa."
"Self proclaim girlfriend ni Kyron, huli."
Lumingon ako kay Ezra na lumapit sa akin na ikinagulat ko. "You are Linar Mayordoma, right?" Tanong niya sa akin, tumango ako sa kanya at ilang na ngumiti. "Come with me, we're going to shop." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
Nilampasan namin si Nina na mukhang ngayon lang bumalik sa sarili at tinignan ako at si Ezra na tumigil ilang layo sa kanya. "By the way, I'm looking for Kyron's girl, not his self-proclaimed girl." Huling sabi ni Ezra bago kami lumabas ng backstage.
Pagkalabas namin, nasa baba na ang magpinsang Millionaire at parang may group meeting dahil sa dami nila at sa dala nilang bag at gamit nila.
"Gomenasai, we're late." Sabi ni Ezra na ikinakuha ng atensyon ng magpinsan na lumingon sa amin. Kumunot ang noo ko nang hindi ko makita si Kyron. Na saan siya?
"Na saan si—"
"Dalin', kon'nichiwa." Bati ni Clifford sabay yuko kay Ezra na bumati sa kanya at yumuko rin. Rinig naming nagsitawanan ang magpinsan kay Clifford.
"Kon'nichiwa."
"Ford, na addict ka na ata sa Nihonggo. Ipapadala ka na ba namin sa Kyoto, Japan?" Tanong ni Laylac kay Ford na ikinatawa ng mga pinsan nila.
Masamang tinignan ni Ford si Laylac. "Sipain kaya kita papunta sa China, Laylac?" Tanong ni Clifford kay Laylac na agad na tumahimik sa tanong ni Clifford.
"Anong meron sa China, Triple?" Tanong ni Feri kay Triple na nagbabasa ng libro na naka-upo sa bencher at tinignan si Feri at kaming lahat sa kanya except si Laylac at Clifford.
"Paano ko malalaman kung hindi ako barge, Feri?" Ganting tanong ni Triple kay Feri na masamang tinignan si Triple na walang pakialam sa mga pinsan niyang nagtawanan.
"Oo nga naman, Feri. Paano niya malalaman kung hindi siya barge—"
"Hola, mi amigos." Lumingon kaming lahat sa kaliwa. Nagtawanan ang mga pinsan ng kakapasok lang sa gym na binata na may suot na cowboy.
"Anong nangyari sayo, Rance? Okay ka pa ba?" Natatawang tanong ni Luke kay Rance Millionaire na may sobrerong malaki na gawa sa leather at boots na hanggang tuhod, jeans at longsleeve na hanggang siko niya at kagat ang isang piraso ng amorsiko.
Hindi sumagot si Rance, kinindatan niya lang si Luke na napamura sa ginawa ni Rance na sumaludo pa hawak pinapakita ang kagat niyang amorsiko.
"Kaya pala wala ka kanina dahil may pakulo kang kagagohan." Kumento ni Triple na sinirado ang librong binasa at tinignan si Rance na tinignan siya.
"Pinapakalat ko pa ang morenong lahi natin mula Espaniya hanggang Tsina, Triple. Huwag kang mag-alala, dadami na ang—"
"RANCE KIEL MILLIONAIRE! Na saan ka, hinayupak ka!?" Napalingon ako sa sumigaw. Si Miya na kakapasok lang sa gym at may malalaking hakbang patungo sa direksyon namin.
"Rance, ano na naman ang ginawa mo sa kaibigan ni Linar?" Tanong ni Luke kay Rance na lumingon sa kanya at ngumisi.
"Nagparami— Aray!" Malakas na daig ni Rance sa lakas ng batok na binigay ni Miya sa kanya na puputok na nang ilang segundo. Nilingon niya si Miya na tumaad ang kilay sa kanya. "Miya? Anong ginagawa mo rito? Gusto mo pa nang round—"
"Tumahumik ka, Rance!" Nilingon niya ang mga pinsan ni Rance. "Paki-talian itong baliw niyong pinsan at self-proclaim na moreno! I-admit niyo na rin sa Mental Hospital!" Sigaw ni Miya at masamang tinignan si Rance na hawak ang batok niya habang nakangisi kay Miya.
"Huwag mo akong ngisihan, Rance! Na iinis pa rin ako sayo!" Sigaw ni Miya at nag walk-out sa gym. "Ipapapatay kita sa mga magulang ko, Rance, kapag ginawa mo pa ulit yun!" Huling sabi ni Miya bago nawala ang presensya niya sa amin.
Ilang segundo kami natahimik, walang nagsalita dahil sa sobrang gulat sa nangyari. Nagtinginan kami ni Ezra na ngumiti sa akin at sabay kaming tinignan ang magpinsan.
"Uh— Everyone, can we excuse ourselves?" Tinignan kami ng magpinsan at ngumiti sa amin. "We need to go to the mall, for Linar." Ngiting sabi ni Ezra at hinawakan ang kamay ko.
"I'll come with you—"
"No, thank you, Cli. I want to girl bonding with Linar while shopping together." Lumingon sa akin si Ezra at ngumiti. "Let's go." Alinlangang tumango ako sa kanya.
"Uh— u-una na kami." Paalam ko sa kanila at hinanap si Kyron sa kanila pero hindi ko siya nakita. Lumapit ako kay Ezra na ngumiti sa akin, dahan-dahan lang ang lakad ko dahil hindi pa ako gaanong kasanay sa takong.
"Ingat kayo sa daan, Linar. Huwag lilingon sa iba, baka may manununtok bigla." Sigaw ni Rance, nilingon ko siya at kita kong binatukan siya ni Clifford at Feri na malapit lang sa kanya.
Hindi ko na narinig ang reklamo niya dahil lumabas na kami ni Ezra na nanghintay sa kotse na naka-parada. "Sorry, I got here first. I saw someone I familliar with," lumingon siya sa pathway na patungo sa Fine Arts Department at lumingon sa akin. "but she refuse."
"It's okay, uh—" Hindi ko alam kung anong itatawag kay Ezra dahil sa kaba at takot na baka mali ang itatawag ko sa kanya. May ibang itatawag ang Hapon sa kapwa Hapon.
"Oh, I forgot." Umayos siya ng tayo at ngumiti sa akin. "I'm Ezra Yamaguchi-Millionaire, 19, I'm Clifford Samson Millionaire's fiancé and we already meet at the Xbounce's club. Nice to finally meet you, Linar." Sabi niya sabay yuko sa akin, bumalik siya sa pagkakatayo ng maayos.
"I'm— I'm Polinar Mayordoma, 17. N-nice to meet you, Ms. Ezra." Kinakabahan pakilala ko. Nahihiya pa rin akong humarap sa kanya kahit nagkasama kami kanina, ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Don't be nervous, Linar. It's just me, Ezra. I don't bite." Natatawang sabi niya, ilang akong ngumisi sa kanya. "I'm sorry about two months ago, Linar." Ngumiti ako sa kanya.
"Hindi— uh no. Wala ka namang kasalanan, Ezra." Sabi ko sa kanya. Nakakahiya sa mga estudyanteng dumadaan sa pathway na pinagtitignan kami, naka-uniform lang ako at naka-high heels kesa kay Ezra na naka-skinny jeans at high neck shirt siya. Kitang kita ang kinis at puti ng braso niya.
Naka-gladiators lang siya pero mas mataas pa rin ss akin na naka-high heels. Mukha talagang siyang modelo sa taas, kinis at gand ng kurba ng katawan. Tinignan ko ang sarili ko, may kurba naman ako at mataas.
"Mahilig ba sa matataas at may kurba sa katawan ang mga Millionaire?"