"Kyron, si Linar—"
[Kung sino ka man, tumawag ka sa #8700 hotline ng St. Peter para ipatawag si San Pedro para sa libing mo at mag-order ka sa lazada ng kabaong. Bye.]
"Putangina mo, kung sino ka. Na saan ang may-ari ng cellphone— Linar!" Rinig kong sigaw ni Miya at iniwan ang cellphone sa kama niya at mabilis na lumapit sa akin. "May masakit ba sayo, Linar? Tara na sa ospit—"
"Sino ka at bakit mo ako pinipigilan, bata?"
"I'm Kyron Millionaire—"
"Kyron! Buksan mo ang pinto! Bilis!" Sigaw ni Miya na sigurado akong maririnig sa labas. Sumandal ako kay Miya dahil sa panghihina at huling nakita ko si Kyron na binuksan ang pituan at pumasok, naroon si Ama at Ina na naka-tingin lang sa akin.
"Ama..."
"Rance, tawagan mo si Baste!" Sigaw ni Kyron na siyang nagpalit ng pwesto ni Miya na pinapaypayan ako habang habol ang hininga ko.
"Sinong Baste ba? Ang daming Baste'ng Millionaire, Kyron! Huwag kang tanga—"
"Ikaw ang tanga. Malamang, si Vimott ang hinahanap." Putol nang hindi ko kilalang lalaki. Lumipat ang atensyon ko kay Kyron na tinatanong ako.
"Linar, anong masakit? Tika," lumingon siya sa mga pinsan niya. "Tawagan niyo si Vismott Baste Millionaire! Kung hindi sasagot ang baliw na yun, tawagan niyo si Laylac!" Sigaw niya sa pinsan niya.
"Yes, Your Highness." Sabay sagot ng dalawang pinsan niya na agad humarap sa cellphone nila. Lumingon sa akin si Kyron at sinandal ako sa pader sabay kuha ng notebook na katabi ng kama ko at pinaypayan ako.
"Miya, pwede ka bang kumuha ng tubig—"
"K... Kyron..." Mahinang sabi ko habang hinahabol ang hininga ko sa paperbag. May pumasok na tatlong kalalakihan na hindi ko kilala, may dala silang oxygen at mask.
Kinuha ni Kyron ang mask at pinasuot sa akin. Naiiyak na nilakhap ang gamot para sa hika. Pinanusan ni Kyron ang luha ko sa pisnge, natingin lang ako sa mga mata niya habang ginagawa niya iyon.
Dahan-dahang bumalik ang hininga ko sa normal pero naroon pa rin ang hika ko na hindi ko alam na meron pala ako at mararansan ko.
Nilagay ni Kyron ang noo niya sa balikat ko habang ang dalawang kamay niya nasa magkabilang gilid ko. "I'm scared... I'm really really scared... I'm sorry ngayon lang ako dumating."
Bumilis ang tibok ng puso ko sa bulong niya at ginawa niya. Hinalikan niya ang balikat ko bago humarap sa akin na may mababasang mga mata. Sinapo ko ang mukha niya at pinunasan ang luhang tumakas sa mga mata niya.
"Huwag... Huwag kang matakot, huwag mabahala—" Kanta ko habang sapo ang mukha niya. Pinipigilan niyang tumawa sa harap ko, lumingon sa amin ang mga pinsan niyang nagkwekwentuhan.
"Anong nangyayari, Linar? May magiging baliw na bang Millionaire?" Tanong ni Rance habang tinitignan kaming dalawa ni Kyron na nasa akin pa rin ang mga mata niya, aakma akong sasagot nang inunahan ako ni Miya.
"Meron na, matagal na. Rance Keil Millionaire, ang baliw na hinahanap ngayon ng mga doktor na tumakas mula sa Mental Hospital." Sagot ni Miya kay Rance na kumaway sa kanya.
"Good evening, Miss Salvador. Ang gwapo naman ng baliw, Rance Keil Millionaire ang pangalan." Sagot niya pero inirapan lang siya ni Miya na lumapit sa akin at umupo sa kama niya.
"Nasa kalingkingan ko lang ang pagmumukha mo, Rance. Good evening, Linar. How are you?" Tanong ni Triple na kakapasok lang ng kwarto namin ni Miya na nagrereklamo.
"Ang dami niyo na, baka may dadagdag pa."
"Gago ka, Triple." Lumingon si Rance kay Miya na nakatingin sa kanya. "Wow. Sabay tayo, magka-destiny nga kita, Miya. Twenty nine kaming lahat mag-pinsan—" Inirapan siya ni Miya.
"Paki ko, pakihanap."
"Whoaa! Talo ka, Rance." Natatawang sabi ng pinsan ni Kyron na naka-tuxedo, nangingibabaw ang tawa ang pinsan ni Kyron na natatakpan ang mga mata niya sa buhol niya.
"Tumahimik ka, Ilias. Takpan mo din kaya ang bunganga mo, gaya ng mga mata mo." Sabat ni Rance na ikinatigil ni Ilias na tinaas ang buhok niya at tinali.
Napatawa ako nang mabahagya dahil sa tali ni Ilias. Lumingon sa akin si Kyron na kakagaling lang na pakinggan ang mga pinsan niya, kumunot ang noo niya sa akin. "Why?"
Tinanggal ko ang mask at tinignan ang mga mata niya. "Wala. Ang ganda ng mga mata mo, dearest." Bulong ko habang tinitignan ang mga mata niyang kulay kape kapang tumatama ang mga mata niya sa liwanang.
"Did you just—" Nagulat akong niyakap niya ako at nababahala kong baka marinig niya ang bilis ng tibok ng puso ko sa kanya. "So warmth..." Bulong niya habang nakayakap sa akin.
"I think— no, I'm sure what I feel... Millionaire's never think, they feel... Nararamdaman kong nahuhulog na ako sayo, Linar." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin, gulat akong tinignan siya.
Hindi matanggap ng inosente kong utak ang sinasabi ni Kyron na naka-tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit tumulo ang mga luha ko at agad siyang niyakap.
"Bakit? Why are you crying? May masakit ba sayo?" Umiling ako sa kanya habang yakap-yakap siya. Wala na ang mga pinsan ni Rance at sirado ang pintuan ng kwarto. Kami nalang dalawa na nasa loob.
"Then, what makes you cry? Is there something wrong?— binabusted mo ba ako, Linar?" Napangisi ako na hindi ko alam ang kadahilanan. Bumitaw ako sa kanya at sinalubong ang mga mata niyang nagtatanong.
Nararamdaman ko ring nahuhulog na ako sayo...
"Linar..." Kinakabahang tawag ni Kyron sa pangalan ko nang makita niyang sumeryuso ang tingin ko sa kanya. Gusto kong matawa dahil sa itsura niya ngayon pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Linar..." Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako roon at tumingin sa kanya. "Noong una kitang nakita sa Xbounce's... unang gabi mo bilang empleyado... Alam kong mali ang ginawa kong sabihan kang kumandong sa akin, halikan ka at pinaupo sa hita ko noonh gabi na yun... Pero hindi ko pinagsisihan iyon— dahil isa akong Millionaire... Millionaire na magiging addict sayo habang buhay." Bulong niya nang ikina-bilis ng tibok ng puso ko.
Gusto kong umiyak sa saya, hindi ko alam kung bakit. Kyron...
"I'm addicted, Polinar Mayordoma..." Sabi niya habang naka-tingin ang kulay kape'ng mata niya sa akin. Lumapit ako sa mukha niya at sinandal ang noo ko sa noo niya.
Pumikit ako. "Hindi ko alam... ang nararamdaman ko ngayon, Kyron. Isa akong Mayordoma... mahirap, magulo," biglang kong naalala sina Ama at Ina kanina. "ang pamumuhay ko at laking probinsya noong pumunta rito sa Maynila." Tinignan ko ang mga mata niya. "Malayo ang agwat natin— mahirap ako, mayaman ka. Alam kong kahit sino ang pweding magustohan ng isang mayaman pero hindi ang gaya ko."
Gulat na tumingin sa akin si Kyron. Ilang minuto siya natulala sa gulat at ilang beses na kumurap sa akin. "S-so... You're mine—"
"Asa. Hindi mo pa nga ako tinatanong, inaangkin mo na ako. Isa ba iyan sa galawan ng Millionaire?" Tanong ko sa kanya, pero tinatawanan niya lang ako.
"I guess... And by the way, my dearest, you're sexy when you say 'Hindi mo pa nga tinanong, inaangkin mo na ako'." Natatawang sabi niya kaya hinampas ko siya.
"But I'll court you and ready your heart. You might reach the heaven—"
"Kyron!" Sigaw ko sa kanya at tumayo sa kama. Masama ko siyang tinignan. "Ang pinsan mong si Ilias, tawa lang ang nangingibabaw, sayo..." Hindi ko alam kung ano ang idadagdag ko pero bumaba ang tingin ko sa labi niya.
Linar, ang utak mo!
Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ko ang init sa pisnge ko. Tumalikod ako at pumunta sa comfort room. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin sa comfort room, hinahawakan ko ang pisnge ko.
"Hindi. Hindi. Huwag kang ano, Polinar! Hindi mo siya gustong halikan! Maghunus-dili ka!" Sigaw ko sa sarili habang tinatampal ang magkabilang pisnge ko na umiinit.
Ginawa ko ang sadya ko sa loob at lumabas ng comfort room. Sumalubong sa akin si Kyron na naka-upo sa kama ni Miya, ngumiti siya sa akin, kaya ngumiti rin ako sa kanya.
"Saan kayo matutulog, Linar? Aalis na kayo rito, hindi ba?" Tumango ako sa kanya at kinuha ang maleta ko na nakahanda na pero ang iba ko pang gamit ay hindi ko pa na ayos.
"Hindi ko alam. Hahanap siguro kami ng apartment na malilipatan namin bukas." Sagot ko kay Kyron na tinulungan akong ligpitin ang gulo kaninina.
"Maybe, you can stay at my condo. Big space and you don't have to pay, we own the condominium." Natigil ako sa pagligpit ng gamit ko dahil sa sinabi niya.
"M-may condominuim kayo?" Ilang beses akong kumurap sa kanya. Tumango siya sa akin at umupo sa tabi ko. "A-ang yaman niyo— sobrang yaman."
"I think?" Patanong na sagot niya sabay mahinang tawa at hinawakan ang kamay ko. "And don't worry about my family's wealth and the gap. All you need to worry is how will you answer and your feelings to me, Linar." Hinampas ko siya gamit ang notebook ko at pinasok sa loob ng bag ko.
"Corny mo, Kyron." Tumawa lang siya sa akin. "Salamat sa alok mo pero hindi ata papayag si Miya na sa condo—"
"Huwag mo akong hawakan!" Rinig kong sigaw ni Miya na mabilis na pumasok sa pintuan ng kwarto, sinirado niya ang pinto pero may humarang sa labas. Hindi ko kilalang lalaki ang humarang at nilakihan ang bukas ng pinto.
"Miya, you can't get away with this." Ani ng lalaki na ikinalingon ko kay Kyron na lumingon sa akin at nagkibit-balikat. "You need to go—"
"Sabi'ng ayaw ko! Ano ba ang problema mo at ayaw mo akong tantanan. Sino ka ba, ha? Hindi naman kita kilala—"
"Luke?" Napalingon ang lalaki at si Miya kay Kyron na tumayo sa kakaupo sa kama ko. "Luke, ikaw ba yan? Alam ba 'to ni Nanay Lola?" Tinignan ni Kyron si Miya na lumingon sa kanya at sa lalaki. "We're looking you for three years now."
Natatakang tinignan ko si Luke na naka-tingin kay Kyron at si Kyron na mukhang gukat sa pinsan niya. Luke? Luke Millionaire? Hindi ba at kausap siya ni Athena noong nakaraang araw? Pero bakit three years?
"Kyron," Lumingon sa akin si Kyron. "Pinsan mo ba siya?" Tumango si Kyron at nilingin ang pinsan niya. Ito si Luke Millionaire? Tunay ngang gwapo ang mga Millionaire, sumisigaw sa kinis at karisma si Luke Millionaire.
Lumingon si Luke kay Miya na nagtatakang tinignan kami ni Kyron at kay Luke na mukhang ngayon lang bumalik sa lupa ang isip niya. Tumikhim siya at tinignan si Miya at Kyron.
"I don't know what you're talking about. Who are you?" Tanong ni Luke kay Kyron na hindi makapaniwala sa tanong ng pinsan niya sa kanya.
"Don't deny, Luke. You are Luke Millionaire and you know what I am talking about." Sagot ni Kyron at kinuha ang cellphone niya at may tinawagan, tumayo ako at lumapit kay Miya.
[Pinakagwapong Millionaire speaking— Gago ka, Triple! Ako ang pinakagwapong Millionaire— Gago, ako ang pinakagwapong Millionaire— Ako ang pinakagwapo. Nasa kalingkilingan ko lang pagmumukha niyo.]
"Hindi ko alam kung bakit ganyan ang salubong nila kung sino ang tumawag sa kanila." Bulong ni Miya sa akin na ikinangisi ko at tumango bilang pangsang-ayon.
"Nandito si Luke." Tatlong salita ang nagpatahimik sa kabilang linya. Nakatingin si Kyron kay Luke at ganon rin si Luke kay Kyron. Tumahimik ang kabilang linya.
[Bakit nandiyan siya? Bakit hindi siya dumiretso sa mansion? May problema ba sa utak ang mukong na 'yan?]
Rinig namin ang tanong ni Clifford sa kabilang linya. "Hindi ko alam. Tinatanggi niyang hindi siya si Luke, ang nawawalang pinsan natin three years ago." Sagot ni Kyron habang naka-tingin pa rin Luke.
[Nakalimutan niya ata ang address at mansion, Ford— Hindi makakalimutin si Luke, Feri. Unless ikaw 'yun—Gago!]
"Tama si Laylac, hindi malilimutan ni Luke ang address at lalo na ang mansion." Tinignan ni Kyron ng seryuso si Luke na walang emosyon ang mga mata at naramdaman ko ang tensyon nilang dalawa.
[Luke, apo. Hinahanap ka na ni Lola Nanay... Umuwi ka na rito sa mansion... Miss na kita at miss ka na rin ng mga magulang at pinsan mo... Umuwi ka na, Luke, apo.]