Chereads / Millionaire Series #1: Wave Of Love / Chapter 14 - Chapter Thirteen

Chapter 14 - Chapter Thirteen

[Mabuti naman at sinagot mo na ang tawag ko, Polinar. Na saan na ang pera ko?]

Ilang beses ako kumurap at inalala ang boses ni Ama na nasa kabilang linya. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o hindi pero baka may kailangan sila Ina at Ama.

"Ama, ikaw po ba ito? Ano pong pera ang sinasabi niyo po?" Tanong ko kay Ama na may kausap sa kabilang linya at tumawa ng malakas. Tumabi ako sa pintuan dahil may papasok sa café.

[Sige, pre— Ano? Sabi ko, na saan na ang perang sweneldo mo galing kay Liana? Sabi ni Liana noong dumaan siya rito, tapos na ang sweldohan niyo. Na saan na?]

"Ah. Iyon po ba? Nasa alakansya ko po, Ama. Nagplaplano po sana akong ipapayos ang bahay—"

[Anong ipapaayos ang bahay? Anong sa tingin mo ang bahay ko? Madaling matumba ng hangin, ha, Polinar?]

Umiling ako. "Hindi po iyon ang ibig kong sabihin, Ama. Gusto ko pong palakihin at patibayin ang bahay—"

[Aba't— sabing matibay ang bahay ko! Bakit pa ba kailangan ipapayos ha? Ipadala mo kay Kalaykay ang dalawang buwang sweldo mo, siguradohin mong hindi kulang iyan!]

"Ama—" Tawag ko sa kanya pero hindi ko na naabotan dahil pinatayan niya ako ng tawag. Binalik ko nalang ang cellphone ko sa bag at tuluyang pumasok sa cafe.

"Sino ang tumawag sayo, Linar?" Tanong ni Miya sa akin. Pilit ngiti at iling lang ang sagot ko sa kanya at sumunod sa kanya.

"Good morning, kami ang mag-aapply bilang waitress." Sabi ni Miya sa cashier na agad tinawag ang isang waitress na tinuro sa amin ang opisina ng boss nila.

Pumasok kami at ilang tanong lang ang tinanong ng magiging boss namin at sinabi ni Miss Vine, at sabi niya rin na sa lunes na ang unang trabaho namin bilang waitress.

"Thank you po, Miss Vine. Una na po kami." Paalam ni Miya kay Miss Vine na ngumiti at tumango sa amin. Lumabas kami ng opisina at cafe.

"Linar, sa wakas may trabaho na rin tayo!" Masayang sabi ni Miya at niyakap pa ako sa tuwa. Ngumiti lang ako sa kanya at parang hindi ako nasasayahan na natanggap kami sa trabaho.

"Oh, anong nangyari, Linar? Kanina ka pa kitang napapansin na malungkot ka at wala sa sarili. Bakit?" Tanong ni Miya at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

Umiling ako sa kanya. "Wala. May iniisip lang ako." Sagot ko sa kanya. Akala ko papayag si Ama na ipaparenovate ang bahay para pwedi siya roon mag-inuman kasama ang mga kumpare niya pero ayaw niyang iparenovate.

"Tara na, Miya. May gagawin pa ako e." Sabi ko kay Miya na nagtatakang tumango sa akin. Pumunta kami sa paradahan ng jeep na agad dumating at mabuti at dadaan ito sa street ng club ni Ate Liana.

"Para po!" Sigaw ko at agad bumaba kasama si Miya na inayos ang gusot niyang damit at buhok. Tahimik akong dumaan sa gilid ng club ni Ate Liana at pumasok sa building.

Nanlaki ang mga mata ko noong nakita ko si Kalaykay na nasa harapan ng aming kwarto ni Miya na kumunot rin ang noo. Agad akong pumunta kay Kalaykay na ngumiti sa akin at kumaway.

"Hi, Polinar." Lumingon siya sa likuran ko. "Ah. Sorry naka-abala ata ako sa inyo," kamot ulo niyang sabi. "Ito kasi si 'Nong Tansong e, pinapunta ako rito para kunin ang dalawang buwan sweldo mo rito, Polinar."

"Okay lang yun, Kalaykay. At saka," lumingon ako kay Miya na naka-taas ang kilay sa akin. "Miya, ito pala si Kalaykay, kapitbahay ko sa probinsya. Kalaykay, si Miya, kaibigan ko rito sa Club ni Ate Liana." Pakilala ko sa kanilang dalawa.

Ngumiti si Kalaykay kay Miya na pumasok agad sa loob ng kwarto. "Pasyensahan mo na, Kalaykay, ah? May—"

"Okay lang 'yun, Polinar. Sabi pala ni 'Nong Tansong, nasa sampung libo ang ibibigay mo sa akin kasi ibabayad niya raw sa utang niya kay Aling Klarita." Sabi ni Kalaykay na ikinakunot ko ng noo.

"Ha? Utang? May utang na naman si Ama kay Aling Klarita? Hindi ba at binayaran ko na iyon at sinabihan si Aling Klarita na hindi na niya ipapautangin si Ama?" Tanong ko kay Kalaykay na nagkibit-balikat sa akin.

"Hindi ko alam. Basta iyon ang sabi niya." Nagtataka akong tinignan si Kalaykay na umiwas ng tingin at tinignan ang mga kwarto na may ilang kasama namin ay naroon at nagkwekwentuhan.

"Antayin mo ako rito, Kalaykay. Kukunin ko lang ang pera." Sabi ko kay Kalaykay na tumango sa akin, pumasok ako ng kwarto at nagtangpuan si Miya na kakagaling lang sa pag-sigaw sa cellphone niya.

"B-bakit, Miya? Sino sinisigawan mo?" Tanong ko sa kanya at pumunta sa closet ko. Umiling siya sa akin at padabong na nilagay ang cellphone niya at sinabunutan ang sarili.

"Putangina. Sabing ayaw kong magpakasal sa iba!" Lumingon ako kay Miya na gumagalaw na ang balikat. Nilapag ko ang alakansya ko sa kama at niyakap siya habang sinasabunutan niya parin ang sarili.

"L-linar... a-a-ayaw ko... ayaw kong magpakasal... ayaw ko." Hikbi niya. Hinagod ko lang ang likod niya para tumahan siya, hindi ko alam paano magpatahan ng tao na mag problema pero si Miya. Kaibigan ko siya.

"Shh... tahan na, Miya... Shh." Mahinang sabi ko habang hinahagod pa rin ang likod niya. Umayos siya ng upo sa kama niya at niyakap ako, hinagod ko muli ang likod niya habang siya ay umiiyak pa rin.

"Ayaw ko... Ayaw kong magpakasal sa iba... Ayaw ko." Hikbi ni Miya habang nakayakap sa akin. Alam kong basa na ang balikat ko kung saan si Miya na umiiyak muli pero binalewala ko iyon dahil kailangan ako ni Miya ngayon.

"Shh... Tahan na... Nandito lang ako, Miya... Kung ayaw mong magpakasal, sabihin mo sa mga magulang mo, kung ayaw nilang tumanggi ka, nasa iyo kung ano ang pipiliin mo. Pamilya mo o kinabukasan mo kasama ang taong na gusto nilang makasama mo habang buhay." Sabi ko kay Miya na humiwalay sa akin ng yakap at pinunasan ang luha niya gamit ang palad niya.

"Paano kung... Paano kung wala sa dalawa ang pipiliin ko, Linar?" Tanong ni Miya sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya at binigay sa kanya ang panyo ko.

"Ano ang ibig mong sabihin? Ayaw mong piliin ang pamilya mo at sa mapapangasawa mo?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan niya ang sariling luha at tumango sa akin.

"Ba-bakit? Pamilya mo sila. Pamilya mo sila, Miya. Kahit pinagsundo ka sa kanila sa ibang lalaki na hindi mo man lang nakita ng personal, pamilya mo pa rin sa kanila." Sabi ko sa kanya habang naka-tingin sa kanya.

Tinignan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin. "Ano? Anong pamilya ko sila? Pamilya ba ang tawag sa mga taong sarili at negosyo lang ang inaatupang? Pamilya ba ang tawag sa mga taong sila ang nanghanap ng mapapangasawa mo na hindi mo man lang mahal at kilala, Linar? Pamilya ba ang itatawag ko sa mga magulang ko?" Sigaw ni Miya sa akin.

Tumayo ako at kinuha ang alakansya ko bago lumapit sa pintuan ng kwarto. "Oo. Pamilya sila, Miya. Kahit pinapunta ka sa Maynila para magtrabaho na halos maghubad ka na para kumita ng malaki, kahit tumawag sila, hindi para kamustahin sila, para tanungin kung na saan na ang sweldo mo. Pamilya pa rin ang tawag roon, Miya." Sabi ko bago lumabas ng kwarto naming dalawa.

"Oh? Anong nangyari sa loob, Linar?" Tanong ni Kalaykay at tinignan ang pintuan ng kwarto. Umiling ako sa kanya at binigay ang sampung libo kay Kalaykay na agad tinanggap.

"Kalaykay, sabihin mo kay Ama na kung may kailangan sila ni Ina, tumawang lang sila sa akin para ibigay ang kailangan nila." Sabi ko kay Kalaykay na alalang naka-tingin sa akin.

"Hindi ka ba napapagod sa mga magulang mo, Polinar? Kasi kami— sa buong probinsya natin, kami ang napapagod para sayo." Sabi ni Kalaykay at nilagay sa lagyanan ang pera at binulsa.

Ngumiti ako kay Kalaykay. "Hindi. Pamilya ko sila, Kalaykay. At saka, maraming salamat sa pag-alala niyo sa akin, Kalaykay. Ikamusta mo ako kina Aling Perla at Ate Grace." Tumango siya sa akin.

"Oo. Basta alagaan mo sarili mo, Polinar. Ako malilintikan ni Aling Perla at Ate Grace kapag hindi mo inalagaan sarili mo." Natatawang tumango ako sa kanya. "Una na ako, Polinar." Paalam niya at kumaway sa akin.

"Bye, Kalaykay! Ingat sa pag-uwi!" Sigaw ko sa kanya habang kumakaway sa kanya. Noong nawala na siya sa paningin ko, pumasok ako ng kwarto. Naka-higa na si Miya sa kama niya at natutulog.

Tahimik akong kinuha ang tuwalya at damit sa closet ko bago pumasok sa comfort room para maglinis ng katawan. Lumabas ako ng comfort room at tulog pa rin si Miya.

Napagod ata sa kakaiyak.

Kinuha ko ang mga gamit ko sa bag para mag-aral dahil may quiz kami bukas kahit sabado na. Kailangan ko ring sabihin kay Ate Liana na titigil na ako sa pagtratrabaho sa Club dahil magtratrabaho na kami ni Miya sa Spring Tea Café.

Pagkaupo ko sa kama ko, tumunog ang cellphone ko at tinignan ang ID caller. Agad kong sinagot ang tawag nang makita ang pangalan ni Ama.

[Polinar...]

"I-ina? Bakit?" Tanong ko kay Ina sa kabilang linya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa tono ng boses ni Ina na parang kakagaling lang sa pagtakbo.

[Huwag kang lalabas. Huwag kang lalabas sa kwarto mo. Huwag. Malilintikan kita, Polinar.]

Nagtataka akong tumango ng ilang beses sa sinabi ni Ina sa kabilang linya. "O-opo, Ina. Hindi po ako lalabas ng kwarto. Bakit, Ina? May nangyari ba sa sugalan ni Ama—"

Lumingon ako sa pintuan nang may narining akong katok mula sa bukana ng kwarto. Tumayo ako at pumunta na sana sa pintuan nang marinig ko ang pamilyar na boses na ikinatigil ko.

"Polinar! Lumabas ka riyan! Potangina mong bata ka! Hindi lang sampung libo ang sweneldo mo sa loob bg dalawang buwan! Lumabas ka riyan!" Malikas na sigaw ni Ama at katok mula sa pintuan.

Lumingon ako sa kama ni Miya na mukhang nagising sa sigaw ni Ama. "Polinar? Bakit may sumisigaw?" Lumingon siya sa pintuan, kung na saan si Ama na sumisigaw ng pangalan ko.

"Polinar! Potangina, kung ayaw mo itong buksan sapilitan akong papasok riyan!—"

"Tansong, umuwi na tayo—"

Bumilis ang tabo ng dibdib ko nang marinig ko ang boses ni Ina. Kaya ba siya tumawag sa akin dahil nandito si Ama? Ano ba ang nangyayari?

"Tumahimik ka, Lisa! Pinapadala natin iyang anak mo rito kay Liana upang ibigay niya lahat ang perang swineldo niya kay Liana. Ano ba ang silbi ng batang iyan kung hindi niya mabigay ang gusto ko?" Tanong ni Ama kay Ina.

Bumaba ang ulo ko sa tanong ni Ama mula sa pintuan. Nagsituluan ang mga luha ko nang maramdaman ko ang yakap ni Miya.

"Ano b-ba ang pagkukulang ko? Bi-binigay ko... lahat nang makakaya k-ko... A-ano pa..." Mahinang hikbi kong tanong sa sarili ko. Hinagod ni Miya ang likuran ko habang pinapatahan ako.

"Makikita rin iyan nang mga—"

"Potangina, Polinar! Buksan mo itong pintuan kung ayaw mong masira ito ngayon—"

"Tansong, uwi na tayo. Wala riyan si Polinar—"

"Nandito iyang anak mo, Lisa. Alam kong nariyan siya sa loob at ayaw lumabas dahil alam kong may tinatago siyang pera sa atin! Tayo ang mga magulang niyan, tayo nagpapakain, nagpadamit, at pinatira ko pa sa bahay ko at ayaw niyang ilabas ang perang hinihingi ko? Anong klaseng anak mong iyan, Lisa? Anak mo pa ba iyan!?"

Lalong dumami ang mga luha ko habang yakap-yakap ko si Miya na hinahagod ang likuran ko. Parang piniga ng malalakas na kamay ang dibdib ko sa sinabi ni Ama.

"Linar, tumahan ka na... Shh..." Patahan ni Miya nang sinisinok na ako sa mga luha ko ilang minuto lumipas. Sumisigaw pa rin si Ama at Ina na pinapatigil si Ama, habang ako ay naka-upo sa kama at hinahabol ang hininga.

Mabilis akong lumanghap ng hangin pero walang pumapasok sa ilong ko. Humawak ako kay Miya na alam ang sitwasyon ko ngayon at mabilis na kinalaykay ang bag niya.

"Shit! Bakit hindi mo sinabi na may hika ka!?" Tanong ni Miya at kinuha ang paperbag sa loob ng bag niya at notebook. Lumapit siya sa akin at binigay ang paperbag at pinaypayan ako.

"Huminga ka diyan." Nag-aalangang tanong ni Miya sa akin. Tinapat ko ang paperbag sa bibig ko at ilang beses hinabol ang hinga habang pinapaypayan ako ni Miya.

"Polinar! Tanginang bata ka! Wala kang silbi! Kung hindi lang ako naawa sa asawa ko, noong nasa tiyan ka pa niya pinatay na kita! Bakit pa ba kita hinayaang lumaki, kung hindi man lang maiibigay ang kailangan ko!? Lumabas ka riyan at ibigay mo ang pera ko!" Malakas na sigaw ni Ama na ikinahabol ko ng hininga habang umiiyak.

"Huwag mong pakinggan ang papa mo, habolin mo lang ang hininga mo sa paperbag. Magfucos kang huminga." Bahagya akong tumango sa kanya at hinabol ang hininga habang pinapaypayan ako ni Miya na may pinipindot sa cellphone niya.

"Kyron, si Linar—"