Noong na discarged na si Miya, umuuwi na kami ng tunutuluyan namim. Napa-igik ako sa sakit ng tumama ang paa ko sa paa ng kama ko, umupo ako sa kama habang hawak ang paa kong natamaan.
"Okay ka lang ba? Anong nangyari sa mga paa mo? Anong— Nag-aalala ako sa 'yo, Linar!" Kumurap ako ng ilang beses bagot tinignan ang paa ko na may band aid.
Nakalimutan niyang galing siya sa ospital.
Pumunta ako sa kama at umupo. "Sa takong lang 'to. Nagpractice kasi kami ng Ate ng kaklase ko para sa pageant." Sagot ko at tinanggal ang sapatos pati medyas.
Umupo sa kama si Miya at tinignan ang paa ko. "E, bakit mo pinilit ang mga paa mo? Alam mo naman na masusugatan ka kapag pinilit mo ang hindi sanay mong paa sa takong." Sabi niya at tinignan muli ang sugat ko.
Hindi ko alam kung bakit ako ngumiti ngayon habang nakatingin ako kay Miya na pinagsabihan pa rin ako habang inuulit ang lagay ng band aid sa paa ko.
"— Sino ba naglagay ng band aid dito, Linar? Parang batang mosmos ang naglagay—"
"Miya, alam mo ba na binusted si Kyron?" Napatigil sia at tinignan ako. Inirapan niya lang ako at pinagpatuloy ginagawa niya.
"Oh? Buti hindi sumama ang timang baliw na 'yun." Bulaslas niya na ikinatawa ko. Galit pa rin siya kay Rance Millionaire. "Kapag sumama ka kay Rance, pipilitin niyang moreno siya kahit ang puti puti ng gago."
Binaba niya ang paa ko na may bagong band aid. "Magbihis ka muna bago matulog. Half day tayo bukas announce ng principal, sa hapon, pupunta tayo sa café na pinagtrabahuan ni Kuya." Tumango ako sa kanya.
Dahan-dahan akong tumayo at dahan-dahan rin naglakad papunta sa closet para kunin ang pantulog ko bago pumasok sa cr. Nagsipilyo muna ako bago nagbihis at lumabas ng cr.
Sasabihin ko sana kay Miya kung bakit binusted si Kyron ng crush niya pero nag-aaral si Miya sa kama niya, madaming papel na naka-kalat at libro sa ibabaw ng kama niya.
"Miya," ilang minuto bago ako nagsalita simula noong umupo na ako sa kama ko. Lumingon siya sa akin. "Alam mo ba kung bakit sasakit ang dibdib mo?" Tanong ko at pumunta malapit sa bintana na katabi ko lang.
Madaming ilaw akong nakikita at iyong paaralan ng Hentai Imore College. Mga sasakyan na busy pa rin sa pag-andar at musika na galing sa club ni Ate Liana.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya sa akin. Tinignan ko ang mga magagandang bituwin. Kinokonekta ang mga iyon gamit ang hintuturo ko habang naka-suporta ang isa ko pang kamay sa mukha ko.
"Kasi noong tinanong ko siya kung may nililigawan siya, ang sagot niya, oo." Lumingon ako sa direksyon ni Miya na nakatingin na sa akin. "Bakit noong narinig ko iyon, kumikirot ang dibdib ko?" Tanong ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Miya at tinakpan ang bibig niya. Kumunot ang noo ko dahil parang naiiyak na siya habang nakatingin sa akin. May ginawa ba akong mali?
"Linar," lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko na ipinagtaka ko sa kanya. "Umiibig ka na! 'Yan ang senyales ng may nagustuhan kang tao o may mahal kang tao na nalaman mong may nililigawan ng iba!" Kumunot ang noo ko sa kanya.
"H-ha? U-umiibig? Ano iyon?" Natataka kong tanong. Tinigil ko na ang pangpapanggap dahil kaibigan ko si Miya at si Mark na sila mismo ang nakaalam kung bakit.
Mahal? Ano iyon? Ngayon ko lang iyon narinig sa tanang buhay ko.
"Huwag mo na lang sagutin, Miya." Pigil ko sa kanya dahil baka guguluhin niya lang ang isip ko. " Matutulog na ako, bumalik ka na rin sa pag-aaral mo, Miya at huwag mong isipin ang salitang umiibig dahil hindi ko naman iyon alam." Sabi ko at humiga sa kama ko.
"Kailan pa ako nag-aaral, Linar?—"
Tumunog ang cellphone niya na ikinalingon niya rito at sinagot ang tawag. "Kung sino ka man, putangina mo. Busy ako sa pag eexplain ng kaibigan ko kung ano ang pag-ibig at bigla kang dumating demonyo ka. Sino ba 'to?" Inis niyang bunggad sa kabilang linya.
Sumalubong ang kilay niya at lumingon sa akin na ikintaka ko. "Ano naman kailangan kay Linar, Triple Millionaire? Gabing-gabi na tumatawag pa ang kampon ng— Tumahimik ka riyan, Rance. Wala akong paki kung nasa impyerno kang demonyo ka!" Napatawa ako ng mahina dahil kay Miya.
Ang ganda talaga ni Miya kahit galit siya o naiinis. Sinasabi niya na maganda ako at maganda rin ang kutis ko dahil sa puti at makinis kong hita at braso pero siya ang totoong maganda sa amin dahil kayumanggi ang kanyang balat at masasabi mong magaganda ang mga morena.
"Ano ba kailangan niyo kay Linar, ha? Matutulog na ang kaibigan ko at may klase pa kami bukas, alam niyo naman ata, mga milyonaryo?— Oh! Wala akong pakialam kung ikaw bubuntis sa akin, ipapaputol ko ang mahaba at matigas mo bago mo pa ako aanakan, Rance." Bumalik ang diwa ko sa inis na boses ni Miya na salubong na ang dalawang kilay.
Tumalikod na ako kay Miya at pinikit ang mga mata ko dahil inaantok na ako at gusto nang bumaba ng mga talukap ko sa pagod ngayong araw.
-
Pagkatapos ng klase ko, agad akong pumunta sa locker room para ilagay ang mga bondpapers na ginuhitan ko ng iba't ibang bagay at mga libro na mabibigat, pero noong binuksan ko ang locker, sumalubong sa akin ang nakasabit na I.D. sa likod ng pintuan ng locker ko.
Nilagay ko muna ang dala ko bago ko kinuha ang I.D. at tinignan kung sino ang may-ari. Sa akin pala, natandaan ko na hindi pa binigay ng guards ang ibang I.D's kasi nakulangan ng oras iprinta ang mga I.D's.
Kinuha ko iyon at sinabi sa leegan ko nang nahagip ko ang likod ng ID ko. Tinignan ko iyon, isa pang I.D. na ikinapangtaka ko dahil hindi naman dalawa ang I.D. sa iisang estudyante.
Kyron Millionaire
Nanlaki ang mga mata ko sa pangalan ng may-ari ng ID. Tinignan ko ang 2x2 picture, mas nanlaki ang mga mata ko dahil kaming dalawa ang nasa 2x2 picture sa I.D. ni Kyron.
"Bakit 'to nandito?" Natatakang tanong ko sa sarili ko. Inayos ko ang pagkakasabit sa leeg ko ang I.D. bago sinirado ang pintuan ng locker ko.
Ibibigay ko nalang 'to kapag nagkita na kami ni Kyron.
"Linar!" Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan patungo sa ground floor at lumingon sa tumawag sa akin. Si Jam na dala ang bag at isang paper habang tumatakbo sa direksyon ko.
"B-bakit, Jam?" Tanong ko sa kanya at tinignan siya na habol ang hininga dahil sa kakatakbo niya. Nakasuporta ang dalawa niyang kamay sa tuhod niya habamg hinahabol pa rin ang hininga at tinignan ako.
"Ang mga... ang mga Millionaire... hinahanap ka nila!" Habol hininga niyang sabi. Kumunot ang noo ko sa kanya na umayos ng tayo at uniporme niya. "Sumama ka sa akin." Sabi niya at hinila ako sa direlsyon kung saan ako dumaan kanina.
Hindi ako maka-angal sa kanya dahil ang bilis niyang tumakbo habang hawak-hawak ang pulsuhan ko. Maraming estudyante na tinitignan kaming tumatakbo ni Jam.
Umakyat kami sa ikatlong palapag ng building ng Arts Department. Tumatakbo pa rin kami habang umaakyat ng hagdan, nakahawak pa rin si Jam sa akin.
"Jam, nasasaktan ako." Reklamo ko sa kanya. Tumigil kami sa pag lakad para magpahinga, humingi siya ng tawad sa paghila sa akin at higpit ng pagkakahawak niya. "Bakit tayo nandito? Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habamg tinitignan ang mga rooms ng ikatlong palapag.
Nagsimula na kaming maglakad sa ikatlong palapag. "Magsusukat na si Ate sayo." Sagot niya noong paliko kami. Kumunot ang noo ko sa kanya.
Tinignan ko ang suot ko. "Ah. E, bakit mo sinabi kanina na hinahanap ako ng mga—"
"Are you, Polinar Mayordoma?"
"Is it true that you and Kyron Millionaire are in relationship?"
"What will you say about Kyron Millionaire?"
Kumunot ang noo ko sa mga babae at lalaki na may hawak na microphone at sa likuran nila ay may mga lalaking dala ang camera na karaniwang nakikita ko sa tv nina Kolin.
Nakita ko ang I.D. na nakasabit sa mga leeg nila. EJN MEDIA CORPORATION. Media? Bakit may media rito? Bakit nila binanggit ang pangalan ko?
"Ahm... Hindi ko po—"
"What's the commotion?" Lumingon ako pati na rin ang mga media sa likuran ko. Nanlaki ang mga media at nagkagulo dahil sa biglang pagsipot ng babae na nasa 60's na.
Ang ganda niya pa rin kahit may wrinkles na sa mukha niya at ang taas niya. May kasama siya na may dalang malalaking bag na bitbit nila. Nasa anim sila.
"Excuse me, I'm here to find Kyron's rumor girl." Sabi ng matandang babae at dahan-dahang umalis kasama ang anim na kababaehan, hindi sila ginulo ng mga media na pinipicturan lamang siya.
Dahan-dahan akong hinila ni Jam kahit dinumong na kami ng media. Pumasok kami sa sa pinasukan ng matanda na ikinakunot ko kay Jam. "Bakit tayo nandito? Akala ko ba sa Ate tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
Lumingon ako sa tinitignan ni Jam. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakatingin sa amin ni Jam ang lahat ng tao na nasa loob ng room ng SC, pati ang matanda na nakita namin ni Jam kanina.
Lumapit si Rance sa akin at tumango kay Jam na umalis. Natataka ko siyang tinignan. "Rance, bakit ako nandito? Bakit mo pinaalis si Jam?" Tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ang braso ko na ikinatingin ko sa kanya.
"I'm sorry, Linar. Hindi ko sinasadya." Kumunot ang noo ko sa kanya at tinignan ang mga kasama niya. Nahagilap ko sina Feri, Triple, Laylac at Sir Clifford na na umiwas sa aking ng tingin. Lumingon ako kay Rance.
"Bakit? Anong ibig mong sabihin?" Taka kong tanong sa kanya. Yumuko siya at tumabi sa kaliwa ko. Naguguluhan ako kung bakit ako nandito at pinaalis si Jam na hindi ko alam kung bakit.
"Lola," si Triple. Lumingon ang matandang babae kay Triple. "Can't we just talk with Kyron personally? May karapatan pa rin siya, Lola. She's his girl," lumingon si Triple sa akin at lumingon sa Lola niya. "We can't touch Kyron's girl without his consent, Lola."
Lumingon ako sa matanda na nakaupo sa swivel chair na kaharap naming lahat ngayon. "Triple, is this important matter and even his conssent is not included. Miss," nagulat ako sa pagtawag niya sa akin at tingin niyang hindi ko matukoy kung ano. "You are?"
Umayos ako ng tayo at tumikhim ng ilang beses. "A-ako po si... Ako po si Polinar Mayordoma, Ma'am." Sagot ko sa kanya at kinuyom sa likod ko ang kamay ko sa kaba na naramdaman.
"Oh? You are the girl who interviewed by the EJN Media Corporation?" Pinagpawisan akong tumango sa kanya at nilingon ang mga ibang pinsan ni Rance. "I see. Rancey, call Kyron. Tell him that his girl is in danger. Let's see if it is true about the news that his girl is just a rumor." Seryusong utos niya kay Rance na tumango sa kanya.
"Nanay, Rance po hindi Rancey. Sa moreno kong to—"
"Hindi ka magkaka-asawa." Ang Lola na nila ang nagtapos sa sasabihin ni Rance. Napatakip ng bibig ang mga pinsan ni Rance na masama silang tinignan. Ang iba, nag aalibi na sumisipol, ang iba nagtatawanan na parang may nakakatawang joke at ang iba, piniligilang tumawa.
"Tumahimik ka, Clifford. I know that you let Ezra to stay at the hotel." Napatigil sa pagtawa ng mahina si Clifford sabay tingin sa Lola nila na tumaas ang kilay sa kanya, mabilis siyang umiwas at may sinabi na hindi ko maintindihan.
"Yuko-yuko." Natatawang sabi ni Rance, tinignan siya ng masama ni Clifford. Umilingawngaw ang malaks na tawa ni Rance sa loob ng SC, kalaunan tumigil rin siya. "Lola Nanay, may bago pong pangalan si Clifford—"
"Gago ka, Rance!"
"Ano iyon, apo kong amerikanong moreno?" Ngiting tanong ng Lola nila Rance at Clifford na masamang tinignan si Rance at magsasalita na sana nang unahan siya ni Rance.
"Sasakyan po, Lola Nanay." Ngising sagot ni Rance sa Lola nila na tinignan si Clifford na agad umiwas ng tingin. "Alam niyo po rin ba, sumasakay din po si Ezra sa sasakyan." Ngising dagdag ni Rance na ikinasama lalo ng tingin ni Clifford sa kanya.
"Malamang, apo ko. Sasakay si Ezra sa sasakyan, hindi ba, Ford?" Namula ang tenga ni Clifford na tinakpan ang magkabilang tenga niya. Si Rance naman, mahinang tumatawa sa tabi ko.
"Ford, bakit namumula ang tenga mo—"
"Tumahik ka, Ba—"
"Na saan si Linar?!"