Chereads / Millionaire Series #1: Wave Of Love / Chapter 6 - Chapter Five

Chapter 6 - Chapter Five

"Sige. Review muna tayo bago tayo pumasok sa paaralan." Sabi ni Miya at umupo sa samento na upuan, umupo ako sa tabi niya at tinignan siyang chinek ang laman ng brown envelope niya.

"Good Moral Character... Ikaw, Linar? Kompleto ba ang dala mo?" Tanong niya. Nagkibit balikat lang ako sa kanya at kinuha ang nakaarang pasukan na report card niya.

99.7% Passed.

Matalino si Miya kahit ang nakikita ko sa kanya, adik sa cellphone niya at mukhang pabaya sa pag-aaral pero line of 90 ang grades niya sa unang markahan hanggang sa ika-apat na markahan.

Walang tumungtung na line of 80 sa report card niya. Ang talino niya pala!

"Mukhang nasa first o second section ako dahil sa average ng report card ko." Sabi ni Miya at kinuha ang report card niya at nilagay pabalik sa brown envelope.

"Patingin ako, ah? Ako na mag checheck. Upo ka lang diyan." Tumango ako sa kanya at tinignan mga estudyante na busy sa pag fill-up ng kurso nila.

Mukhang mamahaling paaralang ng kolehiyo ang paaralan na gusto ni Miya na gusto niya ring saan ako mag eenroll. Ang pangalan ng paaralan ay Hentai Imore College. Ito daw ang mean school ng college ng Hentai Imore, sabi ni Miya.

"Sana maging classmate-"

"Holy mother of food!" Napalingon ako kay Miya na nakatakip ang bibig niya habang nakatingin sa report card ko. Tinignan ko ang mga estudyante na napatingin sa gawi ni Miya na tinignan ako.

"Hindi ako sigurado kung magiging kaklase kita dahil dito!" Sigaw niya sabay taas ng report ko. Naguguluhan ko siyang tinignan.

"Anong meron sa report card ko?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya na ikinairap niya at tinignan ang report card ko.

Wala namang nakakgulat sa grades ko.

"Like, duh. Ang taas ng grades mo mula noong freshmen ka palang hanggang grumaduate ka!" Lumingon siya sa akin. "Hindi ako makapaniwala na ganito ka katalino! Pero mahina ka sa millenial things and words." Dismayang dagdag niya.

"Bakit ka dismiyado, Miya?"

Humarap siya sa akin. "Mamaya ko na yan sasagutin. Malilate tayo kapag sinagot ko ang tanong mo." Sabi niya habang nilagay ang report card ko sa envelope ko at hinila ako papunta papasok ng building.

"Miya, nakapunta ka na ba rito? Kasi, mukhang alam mo ang pasikot-sikot dito." Tanong ko sa kanya habang tinitignan ang dinadaanan naming mga room.

Ang laki at ang ganda pala rito.

"Dito nag-aaral si Kuya Paolo at gramaduate na siya noong nakaraang pasukan. Bumibisita rin ang kaklase ko rito kaya alam ko." Sagot niya kaya tumango ako sa kanya na tinitignan ang bawat loob ng room na dinadaanan namin sa unang palapag.

"Bakit naman kayo pumupunta rito? May inaabangan ba kayong kakilala niyo? Teacher? Principal?" Tanong ko sa kanya at tumigil kaya tinignan ko siya.

"Isali mo na rin ang Founder at Co-founder ng Hentai Imore at Dean." Sagot niya na pinagtataka ko sa kanya. Kumatok muna siya bago binuksan ang pintuan.

Admission Office.

"Good morning, Sir Bonifacio." Bati ni Miya at hinila ako papasok sa loob. May isang lalaki na nasa 30's pa lang na naka-upo sa desk. May mga estudyante rin rito sa loob.

Sinundan ko si Miya na umupo sa bakanteng upuan na hindi kalayuan kay Sir Bonifacio na binati ni Miya.

"Linar, ilabas mo ang report card mo, good moral at tranfer credentials." Tumango ako sa kanya at sinunod ang sinabi niya.

Pagkatapos, ilang sandali. Tumayo si Miya kaya sumunod ako sa kanya, ginaya ko ang ginawa ni Miya. Nilagay ko ang dala kong mga papel at binigay kay Sir Bonifacio.

"Miss Mayordoma, pumunta ka sa Photography Club pagkatapos."

"Yes, Sir." Sabay tango ko at lumabas ng kwarto. Nasa labas si Miya na naghihintay sa akin.

"Tara na. Pupunta pa tayo sa Photography Club." Tumango ako sa kanya at sinundan siya paakyat ng hagdan papunta sa ikalawang palapag ng gusali.

Naglalakad kami sa hallway ng tumigil si Miya kaya tumigil rin ako at tinignan siya.

"Wrong timing." Bulong niya at tinignan ang nasa unahan kaya sinundan ko at nakita ko ang apat na lalaki na naglalakad habang naka-himulsa ang tatlo at ang isa naman ay ilagay ang kamay sa likuran ng kanyang ulo.

"Ang gwapo talaga ni Triple!"

"Laylac Millionaire!"

"Rance! We love you!"

"Millionaire? Sino si—"

"Tara na! Baka maabutan tayo!" Sabay hila sa akin ni Miya at tumakbo patungo sa Photography Club. Binitawan niya ako at tinignan ang loob ng room.

"Magpapapicture kami." Sabi ni Miya at umupo sa isa sa upuan na gawa sa plastic. Umupo rin ako sa tabi niya, kami lang tatlo ang nasa loob— kasali ang lalaking na naka-sandal sa mesa habang may tinitignan sa harapan niya.

"Miya? Bakit tayong dalawa lang ang mapapicture? Late na ba tayo?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya sa akin at inayos ang buhok niya at pinunasan ang pawis niya sa noo.

"Hindi. Mukhang tayo na lang ang may sadya sa kanya. Tara na, magpapicture na tayo para sa I.D natin." Sabi niya. Nilagay ko ang brown envelope sa kinauupuan ko at sumunod sa kanya.

"Ahm... Kuya, magpapapicture po kami para sa I.D." Sabi ni Miya sa lalaki na humarap sa amin na ikinanganga ni Miya at ikinatayo ko ng matuwid.

"I'm done for today. Come back tomorrow." Sabi niya habang tinitignan si Miya at tinignan ako. Napakurap-kurap ako habang nakatangpo ang mga mata namin.

Magsasalita sana ako ng may biglang bumukasnng pintuan na ikinalingon naming tatlo. Si Rance at ang mga tatlo niyang pinsan.

"Kyron, magpapaicture kami— Holy Spirit of-"

"Hoy, timang baliw! Huwag kang magmura rito." Sabi ni Miya at hinawakan ang kamay ko palapit sa kanya. "Linar, huwag mo pakinggan 'yang baliw na 'yan. Mawawala ang kainosentehan mo kung makikining ka." Kahit natataka ako kung bakit, tumango ako kay Miya na masamang tinignan si Rance.

"Oh. Really, Miss Miya Salvador?" Ngising tanong ni Rance kay Miya. "As far as I know, lahat ng babaeng makakarining ng boses ko, mawawalan ng lakas ang mga paa nila dahil sa boses kong mala-anghel."

"Baka demonyo!"

Sumalubong ang kilay ko habang tinignan si Rance na ngumisi kay Miya na lalong siyang masamang tinignan. Tinignan ko ang paa ni Miya at sa akin.

"Miya, nagjojoke ba siya?" Tanong ko sa kanya na ikinahalakhak niya ng malakas. Tinignan ko siyang tumawa hanggang sa napa-upo siya habang hawak ang tiyan niya.

"A-aray... Shit. Pfft... Sakit ng tiyan ko." Natatawa niyang sabi at tumawa ulit. Nilingon ko sina Rance.

Hindi makapaniwala ang tingin niya sa akin, habang ang pinsan niya umiiling na tinapik ang balikat niya na ikinalingon niya.

"Rance, hindi benta ang pick-up line mo sa BABAE." Diin ng huling sinabi ng lalaking naka-itim na necktie habang naka-long sleeve siya ng kulay puti.

"Laylac, isang diin mo pa. Isusumbong kita kay Nanay Lola." Banta ni Rance sa pinsan niyang umupo sa kinauupuan ko habang hawak ang envelope ko.

"Miya." Tawag ko kay Miya na nakatayo na at inayos ang damit niya. "Siya si Laylac Millioniare?" Tanong ko sa kanya na ikinatango niya.

"Oo. Bakit?"

"Ah. Kung nagwagwapohan sila kay Kyron o kay Rance, mas nagwagwapohan ako kay Laylac." Nilingon ko siya. "Morenong-moreno kesa kay Kyron na maputi lang."

"B-bakit, Miya?" Tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya habang naka-nganga ulit sa ere ang baba niya. "May mali ba sa sinabi ko?" Tanong ko sa kanya.

Umiling siya at yumuko sa tenga ko. "Ang lakas ng pagkasabi mo. Hindi ka ba aware na may tenga din si Kyron at Laylac?" Bulong niya at tinignan ang magpinsan.

"Aware—"

"Triple, Laylac, Feri," Tawag ni Rance sa mga pinsan niya na napatingin sa gawi niya. "Hindi benta ang pick-up line ko sa dilag na kaharap ko, pero ang problema..." Tinignan ni Rance ang direksyon ni Kyron na kunot-noong tinignan si Rance.

"Hindi bebenta ang lahi nating moreno dahil kay Kyron! Ikulong siya sa hawla!" Utos ni Rance sa mga pinsan niya na walang magawang sundin ang pinsan nila.

"Anong gagawin niyo?" Tanong ni Kyron at masamang tinignan si Rance. "Rance! Itigil mo nga 'yang pagiging bata mo!" Sigaw ni Kyron kay Rance na masama pa rin siyang tinignan.

"Pagiging bata ba ang pagproprotekta ng lahing moreno!?" Sigaw'ng tanong ni Rance kay Kyron na pumipiglas sa tatlo niyang pinsan na tinali siya ng panyo at pinaupo sa monoblock chair.

"Hoy, timang baliw. Bulang ka ba? Hindi mo ba nakikita ang sarili mong balat?" Mewang tanong ni Miya kay Rance. "Ang puti-puti ng balat mo at pinipilit mong moreno ka! Ano ka, may lahing amerikano na moreno?"

"Miss Salvador, ang tawag roon. Half American at Half Filipino. Tsk. Hindi mo ba alam yun?" Bara ni Rance kay Miya na masama siyang tinignan.

Susugod sana siya kay Rance pero hinawakan ko ang braso niya. "Bitawan mo ko, Linar. Babatukan ko lang tong timang na to. Para ma alog minsan ang utak niyan sa kahibangan." Inis na sabi ni Miya.

"Huwag na. Hayaan mo siya. Ganyan talaga ang mga may lahing bagyohin ang utak at bibig." Sabi ko na agad siyang napatingin sa akin ng gulat.

"Boom!" Triple.

"Panes." Laylac.

"Boom! Boom!" Feri.

"Panes. Panes." Kyron.

Masama silang tinignan ni Rance at nilingon ako. "Miss, gusto niyong magpapicture hindi ba?" Tumango ako sa kanya. "Pakawalan mo siya." Utos ni Rance sa mga pinsan niya.

"Wow." Laylac.

"Ang galing." Feri.

"Tinali niyo ko, tapos pakakawalan?" Kyron.

"Aba, matindi." Triple.

Nagtinginan kami ni Miya. "Pakawalan mo ng tatlo niyang pinsan at tinignan ako. "Huwag mong igalaw ang kamay mo, baka sumakit ang kamay mo." Sabi ko at tinaggal ang panyo sa kakatali.

Mukhang ayaw ni Rance o ng tatlo nilang pinsan pakawalan si Kyron na mukhang siya ang magpipicture para sa I.D ng paaralan.

Kinuha ko ang camera at inabot sa kanya. "Gusto namin magpapicture ni Miya para sa I.D." Pomwesto ako sa harapan ng kulay puting tela at hinarap siya na iniready ang camera niya.

Tumango si Rance at ang tatlo niyang pinsan sa likod ni Kyron na may ginagawa sa camera niya. Lumapit si Triple at Laylac kay Kyron.

"Kyron, ako na pipicture." Sabi ni Triple na ikinasalubong ni Kyron ng kilay niya sa pinsan niya. Kinuha ni Laylac ang camera at binigay kay Triple.

Hinila ni Laylac si Kyron sa tabi ko. Nasa kaliwa ako at siya nasa kanan. "Diyan ka. Huwag kang gagalaw." Sabi ni Laylac at tumayo sa tabi ni Triple.

Tinignan ko si Rance na tumabi kay Miya na masama siyang tinignan habang naka-ikis ang braso nita sa kanyang dibdib.

"Miss, huwag titingin sa iba, baka manuntok bigla." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Triple na umiling lang kay Laylac ns tinignan ang camera.

"Anong ibig niyang sabihin?" Tanong ko kay Kyron na walang emosyon na humarap sa camera. Tumingin ako sa harap ng camera at ng smile.

"One... Two... Three... Tapos na." Anunsyo ni Triple. "Ito ang magiging I.D mo, Miss." Ngiting sabi ni Triple sa akin sabay pakita ng camera sa akin.

Seryuso ang mukha ni Kyron habang naka-ngiti ako. Tinignan ko si Triple. "Hindi pwedi 'yan. Hindi naman pwedi na iisa ang I.D namin ni Kyron." Sabay tingin ko kay Kyron na naka-tingin sa amin.

"At dahil ayaw akong pansinin ng isa diyan... Ito. Yan ang ID ni Kyron." Sabay abot ni Rance ng I.D sa akin. "Hindi siya makakapasok rito kung wala 'yan."

Tinignan ko ang I.D ni Kyron. Ang gwapo ni Kyron sa I.D picture niya, kung ikukumpara iyon sa kanya. Mas gwapo siya sa personal kesa sa picture.

"Sabi pala ng Dean, hindi pweding paglaruan ang I.D picture." Napalingon ako kay Kyron na kinuha ang camera kay Triple na agad binigay ang camera niya at pumunta sa tatlo niyang pinsan.

"Feri, itago mo si Triple mamaya sa mansion. Baka masusuntok to mamaya." Natatawang sabi ni Rance kay Feri na nagbabasa ng libro.

"Ibabalot ko rin ba ng foam? Para kung makita siya agad, diretso human punching bag na." Sagot ni Feri sabay lipat ng pahina ng libro niya.

"Maghahanda na rin ako ng bulaklak." Sabi ni Laylac sabay tingin kay Kyron na umiwas ng tingin sa akin.

"Ako na magsabi kay Nanay Lola sa nagyari sa kanya." Sagot ni Kyron at tinignan ako bago tinapat ang camera sa mukha niya.

"Ang gentleman! Siya na nga manununtok, siya pa bahala sa nagyari sa pinsan natin." Ngiting sabi ni Rance at tinignan si Miya na masama siyang tinignan.

"Eyes here, baby."