Chereads / Millionaire Series #1: Wave Of Love / Chapter 10 - Chapter Nine

Chapter 10 - Chapter Nine

Simula noong araw na iyon. Hindi na kami masyadong nag uusap ni Miya at sina ni Mark na hindi ko alam kung bakit.

"Class, our school will celebrate 54th Foundation Day, starting monday and end to saturday. The student council will conduct the events that will be held at the gymnasium and kasali na ang Mr. and Ms. Hentai Imore College."

"So, new rules." Binibigyan ni Ms. Van na adviser namin ang mga kaklase ko tuwing dinadaan niya. "Ilista niyo sa papel na binigay ko ang pangalan na gusto niyong isali sa Mr. and Ms. Hentai Imore College. Depende sa inyo kung gusto niyong sumali o hindi."

Kinuha ko ang papel at tinignan lang ang mga klase ko na nag-usap usap, wala akong napili gustong isali sa pageant. Mukhang pwedi namang hindi pweding sumali.

Nilagay ko sa fish ball ang papel na nilukot ko at bumalik sa kinauupuan ko. Mas maraming lalaki rito kesa sa babae na mukhang bumalik lang sa pag-aaral.

"Bubuksan ko na." Sabi ni Ms. Van at binuksan ang mga papel sa fish ball. "Mukhang pinag-usapan ng maigi at pinlano." Sambit ni Ms. Van at nagsulat sa board.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinulat ni Ma'am. "So, Ms. Mayordoma. Ikaw ang presentative ng Fine Arts Department. Magtulungan kayong lahat para sa susuotin ni Ms. Mayordoma." Sabi ni Ms. Van at lumabas ng room.

"Mayordoma," Lumingon ako sa kanan ko. "Tatanungin ko si Mommy kung may available bang size na gown na susuotin mo. Sama ka mamaya sa akin, ha?" Tumango ako kay Jam na bumalik sa kinauupuan niya.

Nakalimutan kong designer ang Mommy niya at may dalawang branch sila rito sa malapit sa paaralan. Lumapit si Lance sa akin na hindi ko alam kung bakla ba o lalaki dahil sa galaw niya.

"Linar, tinawagan ko si Ate para turuan kang maglakad para sa pageant." Tumango lang din ako sa kanya. First time kong sumali ng pageant.

Sumapit ang lunch break at agad akong hinatak ni Lance papunta sa gymnasium kung saan daw nandon ang Ate niya. Sinundan ko lang siya at hindi na nagreklamo.

"Ate, nandito na si Linar." Sabi ni Lance. Nilingon ko ang Ate niya, magkasing tangkad sila at mas maputi ang Ate niya kesa kay Lance.

"Ikaw ba si Polinar Mayordoma, ang presentative ng Fine Arts Department?" Tanong ng Ate niya. Tumango ako sa kanya at agad niya akong tinignan, ulo hanggang paa.

Pakiramdam ko, hindi bagay sa akin ang uniporme ng Hentai Imore. Nasa gitna ng hita ang taas ng skirt na kulay itim at 3/4 long sleeve na kulay dirty white na may necktie na kulay itim at nalagay sa dulo ang logo ng paaralan na pinaresan ng knee sock at flat shoes.

"Naka-flat shoes ka lang? Hindi ka ng takong?" Tumango ako sa kanya at pinakita ang flat shoes ko. "Ang taas mo kahit naka-flat shoes ka at ang ganda rin ng kutis mo. Anong gamit mo?"

"Wala po. Namana ko lang kay Ina ang kutis niya." Sagot ko sa kanya na ikinatango niya. Tinignan niya ako at binuksan ang paperbag na dala niya.

"Ito muna ang susuotin mo. Magpractice muna tayo sa paglakad mo bago ang talent, Linar." Tumango ako sa kanya at inabot ang sandals na nasa 3-5 inches.

Hinubad ko ang flat shoes ko at sinuot ang high heels. Nasanay na rin ako sa high heels pero hindi gaanong kataas na gaya nito. Kaya to ni Miya dahil nasanay siya sa kanila.

Tumayo ako at dahan-dahang pumunta sa Ate ni Lance na may kausap sa telepono at biglang binaba ng makita akong palapit sa kanya.

"Dito muna tayo mag lakad bago sa stage para masanay ka." Tumango ako sa kanya at umayos ng tayo. "Sige, maglakad ka na yung alam mong lakad." Dagdag ng Ate ni Lance.

Humiga ako ng malalim at naglakad na nakikita ko sa pageant ng mga kaklase nung high school. Sinalihan ko na rin ng pose at huminto sa harap ng Ate ni Lance.

"Okay yung lakad na ginawa mo pero parang walang confidence at yung ikot mo kanina, pwede kang matakilpo o madapa habang ginagawa mo yun. Gagawan natin ng paraan ang pose at ikot mo." Tumango ako at bumalik sa pinanggalingan ko kanina.

Pinalakad ako ng Ate ni Lance para masanay daw ang paa ko sa taas at ang lakad ko. Buong lunch break, nagsanay ako kasama ang Ate ni Lance na kanina pa umalis.

"Aray. Ang sakit." Daig ko at dahan-dahang tinanggal ang takong sa paa ko at tinaggal ang medyas ko sabay tingin sa likod ng paa ko.

Namumula at tuwing hinahawakan ko, humahamdi. Tinaggal ko rin ang isa pang sandal pati medyas at sumandal sa likod ng isa sa bench rito sa gymnasium.

Mukhang hindi ako makakapasok mamaya dahil masakit ang paa ko. Gagawa nalang ako ng excuse letter at ipapasa ni Ms. Van mamaya.

"Linar? Ikaw ba yan?" Napalingon ako sa tuktok ng mga bench sa gym. Nanlaki ang mga mata ko, si Kyron. May dala siyang bag, mabilis siyang pumunta sa direksyon ko.

"Anong nagyari sayo? Okay ka lang ba?" Sabi niya at umupo sa tabi ko. Sinandal ko ang likod ko sa bench at tinaas ng bahagya ang paa ko.

"Masakit ang paa ko. Nagpractice kami ng Ate ng kaklase ko para sa pageant ng paaralan at ako ang napili." Sagot ko at pinikit ang mga mata ko.

"Then, she let your feet sore? Professional Trainor for pageants?" Tanong niya. Umiling ako habang nakapikit ang mga mata ko.

"Tell me her name and I'll sue her for doing this—"

"'Wag na, Kyron. Kailangan ko lang ng bang-aid at bag ko, uuwi muna ako para magpahinga." Sabi ko at sinubukang tumayo pero paika-ika ang lakad ko.

"Sit, Linar. I'll buy some medicine on your feet and get your bag." Tumango ako sa kanya at inalyanan akong umupo pabalik. "Wait me here." Tumango lang ako sa kanya.

Agad siyang lumabas ng gym patakbo at iniwan sa akin ang bag niya. Niligpit ko ang medyas at high heels habang inaantay si Kyron bumalik.

Hindi ko alam kung paano kami naging close pero alam kung mag kaibigan rin kami gaya ng sinasabi ni Miya na mukhang walang balak akong kausapin.

Agad na bumalik si Kyron na dala ang bag ko at dalawang supot na kulay puti.

"I'm sorry. Kung sumasakit ang paa mo, natagalan lang ako kasi hinahanap ko ang adviser niyo. I told her that you'll be absent this afternoon and tomorrow because your feet sore." Nginitian ko siya.

"Thank you. Magpapaalam rin sana ako kay Ms. Van na aabsent ako." Sabi ko at inabot ang bag ko. "Ito. Bayad yan sa gamot na binili mo."

"Your welcome but no need to pay me." Sabi niya at kumuha ng damit sa bag niya at inabot sa akin. "For the cover. Don't worry malinis yan." Dagdag niya.

"H-ha? Hindi. Ako na gumamot sa paa ko—"

"No. I insist. Just relax and I'll do the rest." Tumango ako sa kanya at tinakpan ang hita ko. Wala akong magawa at ayaw ko rin humaba ang usapan dahil inaantok ako na hindi ko alam kung bakit.

Habang nilagyan ng band aid ang paa ko, hindi ko namalayan na napa-pikit na pala ako at nakatulog. Nagising ako sa mahinang tapik ng pisnge ko.

"Linar? Anong nararamdaman mo?" Tanong ni Kyron habang pabalik-pabalik ang tingin sa akin at sa harapan niya. Pinakiramdaman ko ang paligid ko.

Nasa sasakyan akong umaandar at minamaneho ni Kyron na pabalik-balik ang tingin sa gawi ko. Umayos ako ng upo at pinunasan ang mukha ko at lumingon sa bintana.

"Gabi na pala? Anong oras na, Kyron?" Tanong ko sa kanya at inayos ang damit na nakatakip sa katawan ko. Mukhang papalabas palang kami ng kanto ng paaralan.

"7, the last time I check." Agad akong napalingon sa direksyon niya. "I didn't wake you up 'cause you need it and your phone keeps ringing so I picked it up." Dagdag niya.

"Sino ang tumatawag sa akin?" Tanong ko at hinanap ang cellphone ko na binili ko nung nakaraang suweldo ko sa club ni Ate Liana. Tinignan ko ang recent calls.

"Rance's ex fiancé—"

"GAGO!"

Napalingon ako sa gawi ni Kyron na may tanggal sa tenga niya at binulsa sa pantalon niya. "Sino yung sumigaw? And Rance ex? Sino? Wala akong kilalang ex ni Rance." Tanong ko kay Kyron.

"Nothing. And it's Miya. She's calling you to make sure if you are okay and she'll tell your boss that you'll be absent for tonight." Tumango ako sa kanya at pinatay ang cellphone ko. At tinignan ang light pose na dinadaanan namin.

"Ahm. Linar, are you hungry?" Tanong niya sa akin. Pinakiramdaman ko ang tiyan ko kung gutom ba o hindi. Hindi ako kumain nung tanghalian dahil sa practice at nakatulog pa ako.

"Pwede? Hindi kasi ako kumain ng tanghalian at balak ko ring sanang kumain pagkatapos mong lagyan ng band-aid ang paa ko pero— nakatulog ako. Sorry." Yukong sabi ko sa kanya.

Ayoko ring ang nangyari pero nakatulog ako at wala akong nagawa kung hindi umupo rito at yumuko habang humihinge ng tawad sa kanya.

"No. It's okay and don't feel guilty what happen this afternoon." Sabi niya at naramdaman kong huminto ang kotse. Umangat ako ng tingin sa kanya. "Anong gusto mong kainin, My Lunar?"

"Hmm. Gusto ko yung may mangga na may parang puting mayonaise ba yun? Ah— basta para siyang juice pero mangga ang flavor." Sagot ko sa kanya na ikinatawa niya. "Anong nakakatawa?"

"Nothing. Ahm—You mean, manggo float?" Nagkibit-balikat lang ako sa kanya dahil hindi ko alam ang kung yun ba ang tawag sa gusto ko talagang tikman tuwing dumadaan kami sa jollibee ni Kalaykay.

"Miss, three manggo float, four fries and two hamburgers with cheese." Sabi niya sa babae na agad na tumango kay Kyron na lumingon sa akin. "What?" Tanong niya sa akin.

Nilagay ko ang dalawang tuhod ko sa kinauupuan ko at dumukwang kay Kyron na tinitignan ako, nilagay ko ang dalawang kamay ko sa isa sa hita ni Kyron at isa kinauupuan niya.

"Ah— Miss, dagdaggan niyo na rin mo ng isang coke float." Sabi ko at tinaas ang wind sheild. Lumingon ako sa gawi ni Kyron na tumatawa sa akin. "Bakit? Gusto mo rin?"

"You added the order or you made it an alibi to close the wind sheild?" Tanong niya. Bumalik ako sa kinauupuan ko. "Someone's jealous."

"Sound proof ba to?" Tanong ko sa kanya. Alinlanga siyang tumango. "Kung ang someone na 'yan ay ako, no, I'm not jealous because of the stare of that sales lady. Gusto ko lang isirado, hindi pwede 'yun?" Tanong ko sa kanya.

Alam kung hindi niya tatanggapin ang sagot ko. Selos na ba tawag sa ginawa ko? Oo, nag alibi akong dagdaggan ang order ni Kyron para isirado ang wind sheild niya.

Selos na iyon?

"Kyron, open minded ka?" Tanong ko sa kanya. Mukhang nagulat siya sa tanong ko. Ilang segundo niya akong tinignan at tumango sa akin.

"W-what do you mean by open minded?" Utal na tanong niya at tinitignan ang wind sheild at sa harapan niya. Para siyang na hot-seat sa tanong ko.

"Hindi ako gagawa ng kung ano rito lalo na iyang iniisip mo." Napalingon siya sa akin. "Nagtatanong lang ako at para ka ng na hot-seat sa tanong ko. 'Wag mo na nga lang intindihin ang tanong ko." Sabi ko nalang.

Katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa dumating ang order namin at agad na nagbayad si Kyron at tinabi ang kotse sa medyo madilim na lugar.

"Let's eat." Sabi niya at inabot ang inorder namin sa back seat at nilagay sa cup holder ang apat na inumin na inorder ni Kyron.

"Manggo float pala ang tawag sa sinasabi ko kanina." Sabi ko sa sarili at binuksan ang takip ng manggo float at uminom. "Hmm. Ang sarap. Thank you pala rito, Kyron."

Hindi ko siya narinig na sumagot kaya nagpatuloy akong uminom ng manggo float at hamburger na may cheese na ilang minuto lang ay naubos ko kasabay ng manggo float.

"Ang sarap ng manggo— Kyron? Anong nangyayari sa 'yo? Nabilukan ka ba?" Tanong ko sa kanya. Umiiling siya sa akin at sinenyasan akong dito ang ako sa kinauupuan ko.

"J-just... stay. Don't —leave me."