Chereads / Millionaire Series #1: Wave Of Love / Chapter 11 - Chapter Ten

Chapter 11 - Chapter Ten

"J-just... stay. Don't —leave me." Nahihirapan niyang sabi. Parang may masakit sa katawan niya na hindi ko malaman kung saan.

"Sumakit ba puson mo? Saan ang masakit? Hihilutin ko." Tanong ko sa kanya. Umiling-iling siya, tumango-tango rin ako habang tinitignan siya.

"Pwedi m-mo bang —kunin ang cellphone ko? Tawagan mo ang una sa— shit— recent call." Tumango ako sa kanya at kinuha ang cellphone sa bulsa niya.

Mabuti at walang password ang cellphone niya pero nagulat ako pagkatapos ma-slide ang lockscreen. Ilang segundo akong natigilan at hinanap ang call sa cellphone.

ID profile ko...

Nakita kong si Feri ang recent call kaya pinindot ko ang pangalan niya na agad namang nagring. Tinignan ko si Kyron na parang nasasaktan na.

"Kyron, nagriring na. Huwag kang gagalaw baka lalong sasakit." Sabi ko sa kanya. Wala akong natanggap na sagot, tinignan ko ang cellphone niya, kakasagot lang ng tawag.

[Kung sino ka man, pakilagay sarili mo sa cargo box at ako ng bahala ipadala sa Atlantic Ocean para hindi mo na ako isturbohin ang pagbabasa ko ng libro.]

"Sorry, Feri. Si Polinar ito. Kailangan ko ng tulong. Si Kyron, may sumakit sa katawan niya pero hindi ko alam kung saan kasi ayaw niyang sumagot sa tanong ko." Tugon ko sa kabilang linya.

Grabe ang salubong niya ng tawag. Kung si Miya pa ang tumawag sa kanya at ganon ang salubong niya, mura aabutin ni Feri.

Naalala ko bigla si Miya. Kamusta na kaya siya? Hindi na kami masyadong nag-uusap dahil sa sagutan naming dalawa.

[Anong ginagawa niyo? Kung bakit siya nagkaganyan? May ginawa ka ba?]

"Wala akong ginagawa, kumain lang kaming dalawa ng hamburger at manggo float tapos nagkaganito na siya. Na saan ang gamot niya?" Sagot ko kay Feri.

[Hindi curable ang pagiging addict sa taong gusto ng mga Millionaire. Baka nakikita niyang cute ka o pinakilig mo ang gago kaya umatake ang minana ng mga lalaking Millionaire sa great great great grandfather namin.]

Tinignan ko si Kyron. Ngayon ko lang napansin na namumula ang pisnge niya at pinipigilan ang mga kamay niya sa seat belt. Gusto niyang kumiwala pero nahaharangan siya ng seat belt.

"Anong gagawin ko? Baka mapano ang pinsan mo, Feri." Yumuko ako at pinaglaruan ang daliri ko. "Kasalanan ko ito. Kung hindi ko sinirado ang wind shield, hindi magkakaganito si Kyron."

Lumingon ako kay Kyron. Pilit niyang kumiwala at lalong namula ang mga pisnge niya at tenga. Ganito ba kikiligin ang mga lalaking Millionaire?

[Ha? Anong wind shield?]

Kumunot ang noo ko sa tanong ni Feri. Parang nagka-interesado ka agad siya ngayon kesa kanina na walang pakialam kay Kyron.

"D-don't... tell." Rinig kong sabi ni Kyron. Pinatay ko ang tawag dahil hindi ko alam kung anong isasagot kay Feri na nag-aantay sa kabilang linya.

"Kyron? Nawawala na ba yung sakit? Anong gusto mong gawin ko?" Tanong ko sa kanya. Pilit niyang kumiwala sa seat belt kaya tinanggal ko ang seat belt.

Tinignan ko ang harapan ng kotse, may bottled water kaya kinuha ko at binuksan. "Kyron, uminom ka muna ng tubig." Sabi ko at inabot sa kanya ang tubig.

Tinanggap niya at uminom. Kinuha ko ang panyo ko sa bag ko at pinunasan ang noo niya. Kinuha ko ang bottled water na inabot niya sa akin at sinirado.

"Okay ka na?" Tumango-tango siya. "Kaya mo bang magdrive? Kailangan mong umuwi sa inyo para mapatingnan ka ng mga pinsan mo."

"No. I'm okay." Tugon niya. "Date natin 'to, bakit ko naman sisirain dahil lang dito." Napatigil ako sa paglagay ng panyo ko sa bag at tinignan siya.

"Date?" Tinignan ko siya. Namula ulit ang pisnge niya, tumango siya at yumuko. "Ano ba tayo?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya.

Napataas ang ulo niya at tinignan ako. Nawala ang pula sa pisnge niya at tinignan ako na hindi makapaniwala. Kumunot ang noo. May mali ba sa tanong ko?

"Fuck. Busted." Rinig kong sambit niya.

Kunot-noo ko siyang tinignan. "Ha? Busted? Bakit ka naman busted?" Tanong ko sa kanya. Tinigil ko ang hindi alam ang uso sa mundo at alam pero hindi ko siya maintindihan.

Naalala ko bigla ang sinabi ni Kolin noong umiiyak siya dahil binusted daw siya ng crush niya. Nagtataka ako kay Kolin kung bakit siya binusted ng crush niya na hindi ko alam na mabubusted pala ang babae.

Sa narinig ko, kung hindi tinaggap ang panliligaw mo sa babaeng gusto mo, tawag na doon, busted. Ibig sabihin—

Nilingon ko si Kyron na naka-sandal sa driver seat. "Kyron," Tawag ko sa pangalan niya. Bakit nasasaktan ang boses ko? Lumingon siya sa akin. "Binusted ka ng crush mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ba, kapag nabusted ka. Nililigawan mo ang babaeng gusto mo?" Lumingon ako sa kanya. "May niniligawan ka na? Sino?" Tanong ko sa kanya ulit.

Bakit nasasaktan ang boses ko? Hindi ko alam kung bakit pero naninikip ang dibdib ko dahil sa tanong ko sa kanya. Pero, may niniligawan na si Kyron...

May niniligawan na si Kyron.

May niniligawan na si Kyron.

May niniligawan na si Kyron.

Bakit paulit-ulit iyon nasa utak ko? Bakit ako apektado? Kailangan ko na bang magpatingin sa doktor? Bakit naninikip ang dibdib ko?

"Meron." Sagot niya ilang minutong katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tinignan ko siya, nakatingin siya sa labas ng pintuan.

Bakit ako naluluha?

"N-nakita niya rin ba ang reaksyon mo kanina?" Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil lumingon siya sa gawi ko. Bakit ko ba iyon na sabi? Bakit nasasaktan ako?

"Kyron," Tawag ko sa kanya. Alam kong lumingon siya sa gawi ko at nakikinig. "Magkaibigan tayo, hindi ba?" Tanong ko sa kanya at lumingon sa gawi niya.

Hindi ko maintindihan ang reaksyon niya. Nagulat na may kasamang ibang reaksyon na hindi ko matukoy. Nagtinginan kami ng ilang minuto, parehas kaming umiwas ng tingin at naghari ang katahimikan sa loob ng kotse.

"I-ihahatid na kita, Linar. Baka hinahanap ka na ni Miya." Sabi niya. Tumango nalang ako sa kanya at lumingon sa tabing bintana ko.

Ayaw ko siyang tignan. Hindi ko alam ang kadahilanan. Umusad ang sasakyan habang nakatingin ako sa tabing bintana ko, hanggang sa umabot kami sa harap ng club.

Bumaba ako ng sasakyan at nagpaalam. "Salamat." Pagkatapos magpaalam kay Kyron, dumaan ako sa kabilang daan na papunta sa building kung saan doon kami pamansamantalang naninirahan ni Miya.

"Miya? Nasa loob ka ba?" Tawag ko habang kumakatok sa pintuan ng kwarto namin pero walang sumagot. Tinignan ko ang balkonahe na katabi lang ng kwarto namin.

"Miya? Nandito ka ba?" Tawag ko habang lumingon-lingon sa magkabilang direksyon sa balkonahe. Baka nasa club pa iyon pero mag aalas dyes na ng gabi, wala pa siya.

Bumalik ako sa kwarto at binuksan ang pintuan gamit ang susi na kaparehas ng susi ng kwarto. Nilagay ko ang gamit sa lagyanan ko at nagpalit ng damit.

Sinusuklay ko ang buhok ko ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang nagtext. Si Miya.

From: Miya.

Good evening, Miss. Pwede ka bang pumunta dito sa Valencia Hospital?

Agad akong nagbihis matapos mabasa ang text na alam kong hindi si Miya ang nagpadala ng mensahe. Kinakabahan ako habang nag-aantay ng tricycle dumaan sa kalye dahil baka anong nangyari kay Miya.

Agad akong pumara ng tricycle. "Kuya, sa Valencia Hospital po." Agad kong sabi noong pagkaupo ko sa loob. Mahigpit kong hinawakan ang cellphone ko.

Pagkarating sa Valencia Hospital, agad akong nagbayad sa tricycle at pumasok sa loob ng ospital. "Magandang gabi po, nandito po ba si Miya Salvador?" Agad tanong ko sa nurse na tinignan ang mga pangalan ng pasyente.

"Nasa Room 302, Miss."

"Salamat." Sabi ko at tumakbo paakyat ng hagdan papunta sa ikalawang palapag. "Room 302... Room 302..." Sambit ko habang tinitignan ang dinadaanan kong kwarto.

Umabot ako sa ikatlong palapag at nakita ang kwarto ni Miya. Agad kong binuksan ang pintuan at sumalubong sa akin ang natutulog na Miya.

Lumingon ako sa lalaking may sout na pang-doktor. "Good evening, are you Miss Polinar Mayordoma?" Tumango ako sa kanya. "I'm Doctor Vismott Valencia. Nice meeting you, Miss Mayordoma."

Tinignan ko si Miya. "Doc, bakit po na-admit si Miya? May sakit po ba siya?" Tanong ko kay Doc Vismott na tumingin kay Miya.

May gusto ba si Doc. Vismott kay Miya? Kanina pa siya tingin ng tingin kay Miya e.

"Nahimatay siya noong nasa Xbounce's Club habang naglilinis sabi naghatid sa kanya rito." Sagot ni Doc Vismott. Umupo ako sa tabi ng kama ni Miya na mahimbing ang tulog.

"Sige, mauna na ako. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan kayo ng kaibigan mo." Tumango ako sa kanya na umalis kaagad ng kwarto.

Inabala ko ang mga mata ko sa pagtingin-tingin ng loob ng kwarto ni Miya. Mukhang nasa pribadong kwarto dinala si Miya dahil sa kagamitan na nasa loob ng kwarto niya.

May mini refrigerator, pangdalawahang upuan na may mesa, sofa, t.v at aircon na karaniwang wala sa ibang kwarto rito sa ospital.

Nakapasok na ako ng ospital noong na ospital si Kro-kro na dinapuan ng mataas na lagnat. Ako ang nagbantay sa gabi dahil nag-aaral ako sa umaga at bakante si Ate Grace sa umaga sa panahong iyon.

Hindi sa kwarto natutulog si Kro-kro, nasa isang ward siya kasama ng mga ibang bata na may sakit rin na hindi nakakahawa. May kalaro si Kro-kro na ikinabilis ng paggaling niya sa lagnat na halos ikinatuloy niya ng isang linggo.

"N-na saan... ako?" Napalingon ako sa direksyon ni Miya na bumangon, tumayo ako at tinulungan siyang sumandal sa kama. "Linar? Anong ginagawa mo dito?"

Umupo ako pabalik sa upuan. "May nagtext sa akin na nandito ka raw sa Valencia Hospital at sabi ng doctor, nahimatay ka raw at hinatid ka ng kasamahan natin sa club dito. Okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

Hinawakan niya ang ulo niya. "Pasyensa ka na, Linar. Hindi ko sinasadyang papuntahin ka rito na ganon lang ang rason ng pagka-ospital ko." Sabi niya sabay tingin sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. "Ano ka ba. Mabuti nga at walang nangyari sayo ng masama. Akala ko nga, na aksidente ka noong may nagtext sa akin na nasa ospital ka, at saka, magkaibigan tayo."

Yumuko siya. "Sorry, Linar. Magkaibigan tayo pero hindi ko man lang sinabi sayo." Kunot noo ko siyang tinignan. "Sorry."

"May problema ba, Miya? Anong hindi mo sinasabi sa akin?" Natataka kong tanong sa kanya. May problema ba si Miya na hindi niya sinasabi sa akin?

Mag iisang linggo ng hindi kami nag-usap ni Miya. At hindi kami nag uusap tungkol sa problema niya o kung meron man. Hindi ako nanghihimasok ng ibang problema pero pumasok ako sa nararamdaman ni Mark kay Miya na ikina-away naming dalawa dahil sa panghihimasok ko.

Tinignan ako sa mata ni Miya. "Linar, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang mainis sayo noong nagkasagutan tayo tungkol sa nararamdaman ni Mark sa akin." Tumingin siya sa kawalan. "Totoo ang sinabi mo. Pinagtapat ni Mark ang nararamdaman niya sa akin," Lumingon siya sa akin. "Totoo lahat ang sinabi mo. May gusto sa akin si Mark na nanligaw sa akin noong isang araw, hindi ko siya sinagot dahil nalilito pa rin ako kung sino ang gusto ko o ang mamahalin habang buhay."

Hinawakan ko ang kamay niya. "Hindi mo kasalanan iyon, Miya. Ako ang may kasalanan. Naghihimasok ako sa isipan mo tungkol sa pakikitungo ni Mark sayo kaya gumulo ang isipan mo ngayon. Sorry rin, Miya. Huwag kang mag-alala, kung hindi mo pa kayang sagutin si Mark sa nararamdaman niya sayo, huwag mo nalang iyon isipin. Sigurado naman ako na maiintindihan ni Mark ang nararamdaman mo sa kanya."

Tumango lang siya sa sinabi ko. Umayos ako ng upo. "Pero, ano nga ba ang totoong nararamdaman mo kay Mark, Miya?" Tanong ko sa kanya. Alam kong hindi sigurado si Miya sa isasagot niya pero gusto kong malaman para tumigil na ako sa paghihimasok sa isipan niya.

"H-hindi ko alam... Gusto ko siya pero," Lumingon siya sa akin. "Hindi kami pwede. Malalaman ni Kuya kung sino ang lumalapit sa akin dahil sabi niya noong nakaraang araw, may fiancé ako. Nalilito ako, Linar. Hindi ko alam kung anong gagawin ko."

Tumayo ako at inayos ang buhok niya sa pagkabuhol-buhol. "Gusto ko si Mark... Pero— nangingibabaw ang nararamdaman ko kay Rance at sumasali pa sa isipan ko ang fiancé ko na mukhang pinilit nila Mommy para sa akin."