Chereads / Millionaire Series #1: Wave Of Love / Chapter 9 - Chapter Eight

Chapter 9 - Chapter Eight

"But— I want you to be my new secretary." May halong desperado niyang sabi. Napa-kamot ako sa gilid ng ulo ko dahil nalilito ako kung tatanggapin ko ba ang alok ni Sir Clifford.

Pero gusto kong maka-sama si Miya magtrabaho sa café na sinasabi niya, isschedule ko lang ang pagtratrabaho bilang bounce ni Ate Liana.

"S-sir, Clifford. Hindi ko talaga kayang tanggapin ang alok niyo." Yukong sabi ko sa kanya. "Sorry, Sir. Okay lang po sa akin na ganito ang magiging trabaho ko hanggang sa kaya na namin ng kaibigan ko na umalis sa pagiging bounces rito."

At tumalikod ako palabas ng private room dala ang tray. Pagbaba ko galing sa ikalawang palapag, agad kong tinulungan si Miya sa paghatid ng mga order ng customer sa mesa nila.

"Mark, libre mo ko." Mahangin na sabi ni Miya kay Mark na napatingin sa kanya. "Gusto ko ng alak na hindi nakakalasing." Sabay yuko ni Miya sa bar counter.

"Bakit naman kita lilibrehan? Sino ka ba?" Tanong ni Mark kay Miya na masama siyang tinignan.

"Baka gusto mong mabatukan ulit, Mark. Kanina ka pa." Sabay taas ng kamay ni Miya kay Mark na ngumisi lang sa kanya.

"Namanata ka na bang ako bubuntis sayo, Miya?" Nakakamatay tingin ang binigay ni Miya sa kanya pero binaniwala niya lang. "Tsk. Tsk. Tsk. Sugardo akong magaganda at gwapo ang magiging anak nati—A-aray! T-tama na!"

Gigil na piningot ni Miya ang tenga ni Mark na umaaray sa sakit sa ginawa niya. "Oo. Namanata akong magpapabuntis kapag handa na ako at hindi sayo!" Lalong piningot ni Miya ang tenga ni Mark.

"A-aray! Tangina! Huwag mong hilahin palakas ang tenga ko!" Sabay hampas ni Mark sa kamay ni Miya na mas lalong nag-gigil sa kanya. "Tangina! Mawawalan ng makakagat ang mga girlfriends ko!" Sigaw ni Mark na parang iiyak na sa sakit.

Tinitignan ko lang silang dalawa dahil sa pagod. Lampas alas-dos na ng madaling araw at ngayon pa lang magsasara ang club ni Ate Liana dahil sa dami ng customer kanina.

"At saan naman kakagat ang mga gitlfriensds mo? Sa ikalawang ulo mo!?" Tanong ni Miya na ikinalingon ko sa kanya at tinignan siya.

"Putangina. Masakit iyon—"

"Anong ikalawang ulo?" Napatigil silang dalawa at tumingin sa akin. "May pangalawang ulo ka, Mark? Saan? Sa—"

"A-ang ibig kong sabihin roon, Linar." Tinignan ni Miya si Mark na kunot-noo siyang tinignan pabalik at tinignan ako. "Pangalawang ulo niya ang utak niya. Hihi."

"Pfft." Biglang napatakip ng bibig si Mark na mukhang namumula na dahil pigil niyang tumawa sa sinabi ni Miya. Tinignan ko si Miya, masama siyang tinignan.

"Ah. Akala ko, roon sa gitna ng hita niya." Napatigil silang dalawa at tinignan ako. Dahan-dahang nanlaki ang nga mata nila at dahan-dahang nagtinginan sa isa't isa.

"May problema ba, Miya? Mark?" Tanong ko sa kanilang dalawa na naka-awang na sa ere ang mga baba nila habang naka-tingin sa akin. Kunot-noo ko silang tinignan.

"W-wala, wala." Sabay ngisi ni Miya at nakita ko pang siniko niya si Mark na napa-tingin sa kanya at pinandilatan siya ni Miya ng mata.

"A-ah... A-anong gitna ng— h-hita ko, Linar." Sabay pilit niyang tawa. "Ano ka ba, Linar. Kahit ganito ako, may r-respeto pa rin ako." Ngumisi siya sabay kamot ng ulo niya.

"O-oo nga. Kahit ganyan ugali niyan, alam niya pa rin ang salitang RESPETO." Masamang tinignan ni Miya kay Mark noong diniin niya ang huling sinabi niya.

"Mark, may juice ba? Libre mo kaming dalawa ni Linar. May RESPETO ka naman e." Ngising sabi ni Miya kay Mark na masama siyang tinignan.

"Nananadya ka, Miya. Bubuntisin talaga kita, pagkatapos mong uminom ng juice." Banta ni Mark at tumalikod sa amin dahil gagawa na siguro ng juice.

Masamang tinignan ni Miya si Mark at ngumisi sa akin. "Linar, huwag ka ng lalapit sa may RESPETO kuno, pero muntik ng sinakop ang ulo mo." Sabi ni Miya.

"E, ako ba ang nagsabi ng pangala—Aray!" Malakas na sigaw ni Mark sa hampas ni Miya sa braso niya. "Sadista ka, Miya. Hali ka, bubuntisin kita." Sabay labas ni Mark sa loob ng bar counter.

"Mark—"

"Excuse me." Napalingon kaming tatlo sa kanan naming dalawa ni Miya. "Excuse me, Is Clifford Millioniare visited here?" Tanong niya at tinignan ang kabuoan ng club na wala nag customer.

"Opo, Ma'am." Sagot ko. "Mukhang umalis na po siya dahil kanina ko pa siya nakita sa loob ng private room." Dagdag ko na ikinataas ng kilay niya.

"Anatano namae wa nandesuka?" Biglang tanong ng katabi niya, ikinakurap-kurap ko bigla at tinignan si Miya na nagkibit-balikat lang at masamang tinignan si Mark na salubong ang kilay sa kanya.

"Huwag kang mag-Nihonggo, Ezra. Nasa Pilipinas tayo at hubarin mo nga iyang, winter jacket mo! Nagiging violet na labi mo dahil diyan." Sabi ng katabi nag-Japanese kanina at humarap sa akin.

"I'm sorry, Miss. Galing kasi siya sa Japan and she immediately asked where our Ani is," Nilingon niya ang mga upuan at nilingon ako pabalik. "And I thought he's here. Gomennasai." Sabay yuko niya.

"Okay lang po iyon, Ma'am." Nilingon ko ang katabi niya na nag-make face sa akin agad. "Mukhang hindi niya iyon sinasadya." Sabay ngiti ko sa katabi niya.

"Ezra! Don't bring that expression in here, especially at the mansion!" Sita niya sa katabi niya na inirapan lang siya. "Nagmumukha kang baliw at abnormal sa mukha mo kanina."

"Pfft. True." Dinig kong sabi ni Miya. Masamang siyang tinignan ng naghahanap kay Sir Clifford. "Mark, hindi ba?— pfft."

"Ka-ano-ano niyo po si Sir Clifford?" Tanong ko sa kanya ns ikinalingon niya sa akin at tinignana ang katabi niyang nakatingin rin sa kanya.

"Watashi wa kon yaku sha—Clifford Millionaire." Kumurap-kurap ulit ako dahil hindi ko naiintindihan ang ibig niyang sabihin. Lumingon ako sa katabi ng nag-Japanese.

"She say—" Biglang nag-ring ang phone niya. "Sagutin ko lang to, ah?" Tumango lang ako at pumunta kina Miya.

"—Che! Ipakain mo iyang tenga mo sa mga girlfriends mo. Baka mabawasan ang kahanginan mo sa katawan." Rinig kong pikong sabi ni Miya kay Mark na tumatawa lang.

"Nagseselos ka ba sa mga girlfriends ko, Miya?" Lumingon si Miya kay Mark habang masama siyang tinignan. "Sabihin mo lang, kung gusto mong hiwalayan silang lahat." Ngising dagdag ni Mark na ikinabatok ni Miy sa kanya.

"Aray! Sakit talaga nagbatok mo—pero mas masakit kapag manhid nagustohan mo." Bulong ni Mark na rinig naman namin ni Miya na lumingon sa akin.

"Linar, huwag mong isaksak sa utak mo kung ano ang manhid. Baka iba ang masagot nito." Masamang tinignan ni Miya si Mark na hinihimas ang batok niya.

"Linar."

"Hmm?"

"Ganyan ba ang utak mo? O, pinipilit mong ganyan?" Tanong ni Mark na ikinatigil ko at tinignan siya. Sinalubong niya ang tingin ko, yumuko at pinaglaruan ang darili ko.

"Anong ibig mong sabihin, Mark? Ganyan na siya, inosente sa uso ng mundo. Pati nga OOTD, hindi niya alam e. Hindi ba, Linar?" Napayuko ako lalo sa sinabi ni Miya.

Ayaw kong sabihin sa kanila pero nahuli na ako. Akala ko tatagal ang pagpapaggap kong ganito. Inangat ko ang ulo ko at tinignan sila, isa-isa.

"Sabi ni Ama, wala naman akong pakialam sa paligid ko. Hinahayaan ko lang husgahan sila ni Ina at hindi sila pinagtanggol sa mga maling tsismis sa amin." Yumuko ako. "Kaya, sabi ni Ama. Ipagpatuloy ko ang pagpapanggap na hindi ko alam ang nasa paligid ko, dito daw ako magaling at magagamit ko raw ito rito sa club ni Ate Liana, dahil wala naman akong pakialam pati sa anong gawin ng customer sa akin."

"May pakialam ako, may alam ako sa paligid ko. Alam kong mali ang magpanggap sa ibang tao pero hindi ko kayang suwayin ang sinabi ni Ama. Malalaman niyang hindi ko ginawa ang sinabi niya dahil may taga rito ring umuuwi galing sa amin at sasabihin kay Ama ang nagyayari sa akin rito." Dagdag ko.

[—hoy, Joan. Umuwi na kayo rito. Kanina pa nagprapractice ang sasakyan ng Nihongo dahil kailangan niya raw iyon para maka-usap at maintindihan iyang made in Japan niyang fiancé."]

"Alright—"

[Baka, Rance— Gago ka, Ford! Hindi ako baka! Sa ganda ng lahi kong to!? Baka!? Manahimik ka diyan at ipagpatuloy mo iyang Nihongo-Nihongo mo, uuwi na mapapangasawa mong made in Japan.]

"Watashi wa gesyuku ni ittemasu, kon yaku sha." Sabi ng babae na nag-Japanese ulit. Napa-kamot nalang ako ng ulo ko dahil hindi ko siya naiintindihan.

[Hoy, Ford! Ang made in Japan, nag-Nihongo!—Hai, kon yaku sha?—Ford, naging alien ka na ba? Itatapon ka na naman sa Mars?]

"Hajimemashite, kon yaku sha. Watashi wa heya wo yoyakushitemasu. Gomennasai, kon yaku sha." Japanese ulit ng babae sa telepono kung saan nasa kabilang linya ang magpinsang Millioniare.

[Ano? Gagawa siya ng ramen?— Stupid. Uso translate sa google, Rance.— Ang sabi niya, "Nice to meet you, fiancé. I have a room reservation. I'm sorry, fiancé."—Mga moreno kong pinsan, alien na si Ford! Itapon na ito sa Japan!]

"Wakarimasen." Sabay patay niya ng tawag at unang lumabas ng club ni Ate Liana. "I'm sorry about that and sa narinig niyo sa kabilang linya." Ngumiti lang kami sa kanya at sinundan siya ng tingin palabas ng club.

"Linar, tulog na tayo. Sumakit ulo ko sa sinasabi kanina nong yaku-yaku ni Clifford ba iyon?" Tumango ako sa kanya. "Pinsan niya ata si Baliw'ng timang dahil narinig ko sa kabilang linya ang boses ng hinayupak."

"Easy, Miya. Bubuntisin kita— Aray! Nagjojoke lang ako e." Reklamo ni Mark habang hinihimas ang brasong hinampas ni Miya.

"Nagjojoke ka ba? Talaga, Mark Santiago?" Nuyang tanong ni Miya habang naka-mewang na hinarap si Mark na naumaarteng iiyak. "Oh, akala ko ba hindi umiiyak ang mga babaero?"

Nawala ang arte ni Mark at napalitan ng seryusong tinignan si Miya. "Babaero agad? Hindi pweding, marami lang akong manliligaw at sinagot ko silang lahat?" Tanong ni Mark habang naka-mewang na ring hinarap si Miya.

"Che! Manliligaw ka riyan. Baka naligaw ng direksyon na dapat sa matinong tao, hindi sa mukhang supot na tao." Sabi ni Miya na ikinalaki ng mga mata ni Mark.

"Hugot ba iyan o insulto, Miya? Nakakasakit ka na! Ipakita ko pa sayo itong sinasabi mong supot e." Sabi ni Mark sabay hawak ng belt ng pantalon niya. "Kakasuhan kita ng lebel kapag napatunayan kong hindi supot to!"

"Nyenye. Wala akong pakialam." Sabi ni Miya at hinawakan ang kamay ko. "Wawa. Supot, Mark. Magpatuli ka na, daming daw girlfriends pero supot naman." Sabi ni Miya at tuluyan na kaming pumunta sa back door kung saan kaharap ang building na tinutuluyan namin.

"Miya, sa tingin ko. May gusto si Mark sayo." Bigla siyang napatigil pahakbang sa hagdan patungong ikalawang palapag at tinignan ako.

"Ha? Anong sinasabi mo riyan." Umiwas suya ng tingin at dahan-dahang umakyat ng hagdan. "Hindi iyon magkagusto sa akin, Linar—"

"Alam natin ang totoo, Miya. Hindi na ako nagpapanggap na walang alam sa mundo at galaw ng mga tao at sa sinasabi nila. Alam ko na nararamdaman mo ang galaw ni Mark kapag kausap ka niya." Sabi ko at sinabayan siya sa pag-akyat.

"Hindi. Nag-aasume ka lang, Linar. Oo, nararamdaman ko ang kakaiba niyang galaw tuwing ako kausap niya pero hindi ang nararamdaman niya sa akin. Alam kong kaibigan ang turing niya sa akin at ganon rin ako." Sabi niya at binuksan ang pintuan ng kwarto namin.

"Dalawang buwan na tayong magkasama rito kasama na roon si Mark, Miya. Alam kong magkaibigan kayong dalawa pero nararamdaman ko din na may ibang turing si Mark sayo maliban sa kaibigan." Sabi ko at umupo sa aking kama.

"Wala siyang nararamdaman para sa akin, Linar."