"Eyes here, baby." Binaliwala ko ang sigawan at sipol ng apat niyang pinsan. Humarap ako sa camera at ngumuti. "Done."
"Thank you." Ngiti kong sabi at pumunta sa gilid niya at tinignan ang picture ko. "Miya, ikaw na." Inirapan ni Miya si Rance bago pumwesto sa harapan namin.
"Whoo! Ang ganda!" Sigaw ni Rance na ikinairap ni Miya at umayos ng pwesto at ngumiti ulit.
"Done." Pumunta ako sa kinauupuan ko kanina at binigay kay Miya ang sa kanya. "Kain muna tayo, Miya." Tumango siya sa akin.
"By first day of school. Ibibigay ng guard sa gate ang I.D niyo." Sabi ni Kyron. Ngumuti ako sa kanya.
"Thank you ulit. Una na kami." Paalam ko at lumabas ng Photography Club. Sumunod si Miya sa akin na tahimik pa rin.
"Miya? May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Mukhang nasa malayo ang iniisip niya dahil nagulat siya sa tanong ko at kumurap-kurap siya sa akin.
"Wala. May iniisip lang ako."
"Si Rance?" Ngisi kong tanong sa kanya. Tumigil siya at masama akong tinignan bago nagpatuloy sa paglakad.
"Hindi 'no! Anong connect ni Timang baliw sa iniisip ko? Siya ba ang iniisip ko?" Tanong niya sa sarili niya. Umiling lang ako sa kanya.
"Naaalala ko si Kolin sayo," Ngumiti ako sa kanya. "Crush niya iyong pinsan ko na maldito. Lutang siya at nag-aalibay na may iniisip siya hanggang sa nahuli siya sa sarili niyang bibig."
"Hindi. Hindi ko talaga siya iniisip. Kahit mahuli pa ako ng sarili kong bibig." Sabi niya habang pababa kami ng hagdan. "Kain muna tayo sa cafeteria." Tumango ako sa kanya at sinundan siya sa patungo sa cafeteria.
"Ate, pabili po ng dalawang kare-kare at dalawang kanin. Dalawang plato po at dalawa ring coke." Sabi ni Miya at pumunta sa bakanteng umupuan.
"'Yung pagkain natin?" Tanong ko sa kanya at tinignan ang mga estudyante na abala sa kanya-kanyang pagkain at usap sa kaharap o katabi nila.
"Ihahatid ng waiter. May waiter ang rito at iyong bayarin sa unang semester natin, one-fourth no'n ang bayad ng pagkain at suweldo ng waiter." Sagot ni Miya.
"Ah. Hindi ba at apat iyong semester ng kolehiyo?" Tanong ko ulit sa kanya na ikinatango niya.
"Oo at bago pa magsimula ang pasok natin. Nakahanap na tayo ng trabaho para sa extra natin." Tumango-tango ako sa kanya at dumating na iyong waiter dala ang pagkain namin.
"Gusto ko sana mag-sales lady, sabi kasi ni Ate ni Kolin na pwedi ka rin mag leave o day-off kapag sales lady." Sabi ko habang ngumuya-nguya ng pagkain.
"Ako rin. Baka may bakante iyong pinagtratrabahuan ni Kuya na café. Waiter si Kuya roon noong gusto niyang maging independent na pinayagan naman nila Mama at Papa." Malungkot niyang sabi.
"Huwag mong isipin na sinasakal ka ng mga magulang mo, Miya. Alam kong malakas ka pero may malakas ring madaling maging mahina kapag problema na ng pamilya ang pinag-usapan." Ngiti kong sabi sa kanya at kumagat sa hita ng manok.
"Eh, ikaw? Anong problema mo sa pamilya niyo?" Tanong niya na ikinagulat ko saglit at nagpatuloy sa pagnguya ng kanin at ulam.
"Para sa akin. Wala akong problema sa mga magulang ko pero iyong nga kapitbahay namin, tingin nila problema ang pamilya namin dahil si Ina sugal ang inaatupang at si Ama naman, lasing ng lasing. Hindi naman magsusugal si Ina kung kailangan niya ng pera para pambili ng pagkain namin at si Ama, hindi iyon maglalasing kung may problema siya na gusto niyang kalimutan." Sagot ko sa kanya.
"Ha? Hindi iyan problema para sa iyo?" Tumango ako sa kanya. "What the— Ako nga mukhang walang sense ang dahilan ng pagrerebelde ko at sayo hindi mo iniisip na problema iyan?"
"Oo nga. Hindi iyon problema para sa akin. Binibigyan rin ako ni Ina minsan kung maayos ang sugal niya at may pasalubong si Ama galing sa bakery kung wala siyang kainuman. Hindi nila ako pinabayaan pero tingin ng mga kapitbahay namin, pinabayaan ako at kawawa dahil sila ang naging mga magulang ko." Sagot ko sa kanya.
Uminom siya ng coke sa baso, iyon rin ang ginawa ko at binaba ang baso sa mesa. "Ganyan ang gawain ng mga magulang mo sa probinsya niyo?" Tumango ako sa kanya. "God. Bakit ganyan ang ginagawa nila? Instead na alagaan ka at papaaralin ka?"
Pinaglaruan ko ang baba ng baso ko. "Dahil sa akin. Sabi ni Ina, hindi maayos ang pagsasama nila ni Ama dahil binutis si Ina ng asawa ng amo ko at ako ang bunga." Mahinang sagot ko kay Miya.
"Sorry, Linar. Hindi ko alam—"
"Okay lang. Noong graduation ko lang din 'yun nalaman." Ngiti kong sabi sa kanya.
"Tara na. Pupunta pa tayo sa Dean at kukunin ang locker at section natin." Tumango ako kay Miya at sabay na tumayo at lumabas ng cafeteria.
Sinundan ko lang siyang pumunta sa tabi ng room ng Admission Office. May mga estudyante ring nasa loob ng Dean Office.
"Miss Mayordoma, anong kurso ang gusto mong kukunin?" Tanong ng Dean sa akin noong nasa table na niya ako.
"Ahm... Fine Arts po." Sagot ko sa kanya at agad niyang binigay ang susi at form na kailangan kong i-fill up at ipapasa sa unang araw ng klase.
Lumabas ako ng opisina ng Dean at inantay si Miya. Umayos ako ng tayo nang lumabas na si Miya.
"Anong kinakuha mo?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin.
"Business Management. Ikaw?"
"Fine Arts." Ngiti kong tugon sa kanya.
"Ay. Bakit Fine Arts kinuha mo? Akala ko, business management ang kukunin mo?" Tanong niya. Sumabay ako sa kanya palabas ng building.
"Sabi ni Ate Grace at mga kaibigan ko na, related sa drawing ang kukunin kong kurso dahil magaling raw ako magpinta at drawing at mahahasa ang talent ko kapag iyon ang kukunin ko."
Tumango-tango siya. "At saka, iyon ang pangarap ni Ama at Ina na iyon ang kursong kukunin ko. Magaling rin si Ama magpinta at si Ina, mag ukit ng mga kahoy." Dagdag ko.
"Pero dahil sa ginawa ng asawa ng amo mo, hindi maganda ang pagsamahan ng Ina at Ama niyo bilang mag-asawa."
-
Iba na ulit ang gagawin namin, ayon kay Ate Maria. Hindi na kami uupo at ang titable aa amin ang pipili kung sino sa amin ang gusto niyang itable.
Ngayon, sasayaw lang kami. Para akong nakahubad sa suot ko dahil sa iksi ng shorts na isang maling galaw ko lang ay makikita ang gitna ng hita ko at pwet.
At ang pag-itaas kong damit ay halos lumuwa ang dibdib ko na hindi kalakihan gaya kay Miya na mukhang hindi rin komportable sa kanyang suot.
"Argh. Ayaw ko nito pero wala akong magagawa." Inis na bulong ni Miya sa tabi ko. Nasa backstage kami at hinihintay ang cue galing sa emcee na entertainer sa club ni Ate Liana.
"Sabi naman ni Ate Liana, kung hindi tayo komportable sa suot natin, huwag gagalaw masyado para hindi makita ang dapat hindi makita." Bulong ko rin sa kanya. Tinignan niya ako.
"Kahit naman hindi ako gagalaw masyado, makikita ang panty ko sa loob." Simangot niyang tugon. "Bakit ba kasi nakalimutan kong mag-cycling!" Inis niyang sigaw.
Ininat ko ang shorts ko pababa at inangat ang tube na kulay pula pataas. "Hindi naman masyado makikita ang dibdib mo, Miya. Naka-damit ka naman." Sabi ko at inangat uli ang tube pataas.
"Heh! Anong damit, Linar? Ito," Sabay angat niya ng haba ng damit niya. "Damit? Nag-mamall ako noon, Linar. Alam kong hindi 'to damit. May damit bang makikita ang takip ng dibdib mo? Ha?" Nagkibit-balikat lang ako sa kanya at tinignan ang intablado.
Tinignan ko siya ulit, nakasimangot pa rin siya habang naka-ikis ang braso niya sa kanyang dibdib. Kumpara sa akin, hindi masyado makikita talaga ang tiyan at bewang ni Miya dahil may damit siyang ikis-ikis na kulay itim at sa loob roon ay tube na kulay itim at naka-pumps.
At sa akin naman, tube na kulay pula at shorts na parang panty shorts sabi ni Miya sa akin noong una niya akong nakitang ganito ang suot kanina paglabas ko ng cr.
At sa practice namin kaninang hapon pagkatapos kong mag-review, nasa bandang hulihan kaming dalawa dahil kami ang mas mataas ng konti sa kasama namin.
Limang minuto lang kaming sasayaw at ieexit na dahil yung lumang bounce's ni Ate Liana ang sasayaw sa limang poles na nasa harapan ng intablado.
"Gentlemen! Please welcome the XBounce's dancers for tonight!" Agad nag palak-pakan ang mga kalalakihan at may sumisigaw pa bago kami lumabas galing sa backstage.
Agad kaming pumunta sa aming pwesto. Nakatalikod kami sa mga audience ng club ni Ate Liana at humarap noong nagsimula na ang music.
Oh
Oh baby
Yeah, oh yeah
Ha, listen to this
Spy on me baby, you a satellite
Infrared to see me move through the night
Aim, gonna fire, shoot me right
I'm gonna like the way you fight (and I love the way you fight)
Agad nagsigawan ang mga kalalakihan noong nagsimula na kaming sumayaw. Hindi ako masyadong gumalaw dahil makikita ako dahil nasa pinaka-kanan ako at katabi ko lang si Miya na hindi komportable sumayaw.
Sexbomb, sexbomb you're a sexbomb (yeah)
You can give it to me, when I need to come along (gimme something)
Sexbomb, sexbomb you're my sexbomb
And baby you can turn me on
Pagkatapos naming sumayaw ay agad kaming pumunta sa backstage. Tinaggap ko ang apron na inabot ni Miya sa akin at sinout ang apron, lima kaming maging waitress ngayong gabi.
"Sige na! Bilisan niyo kilos niyo! Madami tayong customer ngayon!" Sigaw ni Ate Maria sabay palakpak sa amin. Sabay kaming lumabas ni Miya at pumunta sa bartender.
"Linar," Lumingon ako sa bartender na tumawag sa akin, si Mark. "Pakihatid to sa table 5." Sabi niya at nilagay sa steel bucket na may yelo ang tatlong bote ng alak.
"Sige." Sabi ko at kinuha iyon. Nilingon ko si Miya at tinanguan niya, ganon rin siya sa akin bago ako pumunta sa table 5 na sinasabi ni Mark.
"Here's your order, Sir." Sabi ko at nilagay ang steel bucket sa mesa. Inalis ko ang pagtataka ng tingin ko sa customer na naka-upo mng mag isa sa table seven na naka-tingin sa akin.
Binalig ko ang tingin ko sa customer ng table 5 at umalis papunta sa counter ng club. Pumunta ako sa kinaruruonan ni Mark.
"Mark, na saan si Miya?" Tanong ko sa kanya habang nagmimix siya ng inomin sa dalawang baso at pinaikot-ikot sa kamay niya.
"Hindi ko alam pero nakita ko siyang kinausap ng isang lalaki na mukhang lasing na." Nilagay niya ang inumin sa baso at nilagyan ng maliit na payong at orange bago bingay sa babae na naka-upo sa harapan niya. "Hinatid niya siguro palabas."
Tumango-tango lang ako ang sagot ko sa kanya. Apat nalang kaming naghahatid ng inumin sa mga table ng mga customer ng club na wala si Miya na ipinagtaka ko.
"Linar, Table 7." Tumango ako kay Mark at kinuha ang tray na may lamang dalawang baso na may lamang alak na magkaibang kulay.
Dito naka-upo ang lalaking nakatingin sa direkyon ko kanina sa table 5.
Inalala ko ang mga sinabi ni Mark kanina, itong dala kong dalawang inumin para sa table 7. Ang kulay light blue na likido, isang cocktail na pwedi sa kababaihan na hindi masyadong gusto ng alcohol, may disenyo siya ng kulay green na maliit na payong.
Sa kulay puti naman na likido, parang siyang tubig pero alak pala ito. Mataas ang alcohol nito at tamang-tama para sa lalaki at babae na may gustong kalimutan sandali, sabi ni Mark.
"Here's your order, Sir." Sabi ko at nilapag ang dalawang baso sa mesa at aalis na sana nag hinawakan ng lalaking naka-upo kanina na kanina pa akong tinitignan.
"Can you seat beside me?" Tanong niya na halos hindi ko marinig dahil sa lakas ng beat ng tugtug galing sa box ng club. Nilapit ko ang mukha ko sa tenga niya.
"Sorry, Sir. Hindi po ako pwedi, waitress lang po ako—"
"But, you seat on my table on your first day." Putol niya saa sasabihin ko at hinawakan ang pisnge ko pero agad kong nilayo ang pisnge ko sa kanya.
"Sorry, Sir. Baka hindi po ako iyon. Marami po akong kasama rito kaya baka ang isa sa mga kasama ko ang katabi niyo sa unang araw ko rito." Sabi ko sa kanta kahit kinakabahan ako dahil sa sinabi niya kanina.
Baka— baka si Kyron Millioniare ang kaharap ko ngayon. Tago rin kasi ang table 7 at dim lights pa ang lahat ng lights sa intablado.
Tinignan ko ang counter, nakita ko si Mark na naghahalo ng inumin at nagpakitang gilas sa mga kababehan. Ang tatlong kasama ko naman, naghahatid ng inumin sa ikalawang palapag ng club.
Napatingin ako sa kanya dahil bigla niyang hinawakan ang bewang ko at pinalapit sa kanya. "A-ah, Sir." Tawag ko sa kanya. Bumuga siya ng hangin na ikinupirma kong lasing na nga siya.
"Sir, upo po muna kayo. Mukhang lasing na po kayo." Sabi ko at inalyanang upo sa gilid namin. "May kasama po ba kayo, Sir? Kailangan niyo na po atang umuwi dahil lasing na kayo at mukhang kanina pa kayo rito." Sabi ko at inayos ang strap ng apron.
"Argh... Samantha—" Nagulat akong hagitin niya ang pulsohan ko at niyakap ako. "Don't leave me. I miss you damn much— be mine again."