Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Journey Of The Elemental God (Tagalog)

🇵🇭Haruki_Suzuki
--
chs / week
--
NOT RATINGS
39.6k
Views
Synopsis
SA HINDI INAASAHANG INSIDENTE NAMATAY ANG BINATA NA SI EMMANUEL. DAHIL SA INSIDENTENG IYON AY MAY NAKAUSAP SIYANG ISANG MISTERYOSONG NILALANG NA NAGBIGAY SA KANYA NG KAPANGYARIHAN AT MISYON NA ILIGTAS ANG KABILANG MUNDO. MAGTATAGUMPAY KAYA SYA SA KANYANG MISYON?.
VIEW MORE

Chapter 1 - Kabanata:1 Ang Simula

Kamusta ako nga pala si Emman ako ay Labingpitong taong gulang ako ay nakatira sa Tondo Manila. Ako ay isang mabuting binata na tumutulung sa kapwa ng walang anumang kapalit. At ako ay isang Atheist oo isa kong Atheist sino banaman kasing maniniwala nama'y Diyos para sakin isa yung kalukohan kung totoong may Diyos edi. Sana hindi nya pinapabayaan ang mga tao na nahihiripan i mean marami nakong tao na nakikita na hihirapan dahil sa hirap  ng buhay kung totoong may Diyos edi sana hindi nag hihirap ang mga tao ngayon edi sana naririnig nya ang mga daing ng mga tao sa kanya. Wala ng kasamaan at ibapa hanggang sa isang araw ay nag bago ang lahat ako si Emmanuel  at ito ang istorya ko.

Salaysay: Mapayapang  naglalakad si Divisoria hanggang sa ndi inaasang pangyayare.

Ale: Tulong! Tulong! May mag nanakaw nako nandon panaman sa bag na yon yung pera ko pang opera sa kanang paa ko pakiusap tulong.

Salaysay: Agad na narinig ni Emmanuel ang sigaw ng ale.

Emmanuel: Ale anu hung nangyare?

Ale: Tumawag ka ng pulis iho kinuha ng magnanakaw yung bag ko kailangan na kailangan ko ang bag na yon dahil nandoon ang pera na pang pa opera sakanang paa ko.

Emmanuel: Naku ale siyam siyam pa ang aabutin bago makarating ang mga pulis mabuti pa habulin ko nlng tutal wala namang tutulong sayo.

Ale: Salamat naman sa Diyos kung ganon mag iingat ka iho ha.

Emmanuel: Ale ako ho ang dapat ninyong pasalamatan hindi ang Diyos kasi kung totoong may Diyos edi sana tinulungan kana nya ngayon.

Ale: Tinutulungan na nya ko pinadala ka nya dito para tulungan ako.

Emmanuel: Hmm kalokohan o sige na nga po hahabulin ko na yung magnanakaw saan banda puba sya pumunta.

Ale: Doon sa kaliwa iho.

Emmanuel: Sige ho.

Salaysay: Agad agad na kumaripas si Emmanuel upang habulin ang magnanakaw. Ilang minuto ang lumipas ay nakita nya ang mag nanakaw at nahuli ito.

Emmanuel: Hoy! Kayong mga nakaraang tabe hindi nyo ba nakikita may hinahabol akong magnanakaw.

Salaysay: Agad agad na tumabe ang mga tao na nakaharang sa daraanan ni Emmanuel Ilang sandale lang ay nahulu nya na ito.

Emmanuel: Hehe huli ka manong aki nayang bag na nanikaw mo hindi ka manlang nahiya ang lake lake ng katawan mo nakuha mu pang magnakaw!. Kung gamitin mo kaya yang laki ng katawan mo para mag trabaho edi sana hindi ka nagannakaw ngayon.

Magnanakaw: Pasensya na kinakailangan ku lang talaga ng pera pambili ng gamot ng anak ko may sakit kasi sya tsaka isa pa elementarya lang ang natapos ko kaya wala akong desenteng trabaho.

Emmanuel: So edi kasalanan ko pa ngayon?  Ang damin mong paliwanag dun ka sa police station magpaliwanag.

Salaysay: Agad agad na pumunta ang dalawa sa police station ng nakapunta na ang dalawa sa police station ay nandoon narin ang biktima.

Emmanuel: Eto na ho yung bag nyo ale at ito narin yung magnanakaw dinala kuna dito para diretso kulong na.

Magnanakaw: Pakiusap nagawa ko lang talaga yan dahil wala nakong maisip na ibang paraan kailangan na kailangan kuna ng pera para a gamot ng anak ko!. Pakiusap wag nyokong ikulong wala lang talaga kong magawa pakiusap pakiusap!.

Salaysay: Mangiyak ngiyak na nakiusap ang magnanakaw sa biktima na iiatras ang kaso.

Ale: Sa tingin ko nagsasabi siya ng too o sige iaatras ko ang kaso. At oo nga pala dalhin mo narin ang perang ito para makauwi kana sana naman ay sapat na iyan para pambili ng gamot ng anak mo.

Magnanakaw: Salamat sa Diyos at mag pambili nakong gamot kahit na ninakawan ko kayo tunay ngang may awa ang Diyos.

Emmanuel: Manong kay ale kayo magpasalamat tutal sya naman yung nagbigay ng pera at hindi natuloy yung kaso hindi yang Diyos na sinabi mo kung toong may Diyos edi sana hindi ka napipilang gawin iyan.

Magnanakaw/Manong: Iho may dahilan ang Diyos kung bakit nangyari ito.

Emmanuel: Hmm ewan ko ba sa inyo.

Ale: O siya sige sige manahimik na nga kayong dalawa dyan at umalis na tayo at ikaw iho ililibre kita ng meryenda.

Emmanuel: Salamat nalng po ale at nakalimutan ko inuutusan nga pala ko ni mama na bumili ng toyo naku lagot o siya sige mauuna na po ako.

Ale: Salamat iho at magiingat ka ha.

Salaysay: Nagmamadaling pumunta sa bilihan si Emmanuel upang bumuli ng toyo ngunit isang insidente ang nagyare.

Emmanuel: Hay salamat naka bili rin tatakbo na nga ko para makauwi agad panigurading hindi maniniwala si mama sa nangyare pag kwinento ko ang dahilan kung bat siyam siyam ang inabot ko para lang bumili ng tayo.  Nako batok ang aabutin ko dito.

Salaysay: Kumaripas ng takbo si Emmanuel hanggang sa may tumawag sa kanya.

Fred: Emmanuel hoy Emmanuel.

Emmanuel:Huh? Sino naman kaya yung tumatawag saken ah ikaw pala Fred. Ano ang kailangan mo kung makatawag ka aabot na sa kabilang brgy. yang bunganga mo ah! Alam kuna kokopya ka sa assignment no hay nako hindi kita pakokopyahen o siya sige sige uuwi nako at nagmamadali nako kanina pa.

salaysay: Tinawag sya uli nito at pagkalingon nya ay nangyare na ang insidente.

Fred: Emmanuel pumunta ka sa bahay mamaya may ipapakita ako sayo.

Emmanuel: O sige.

Fred: Emmanuel!!!  Masasagasaan ka!!!.

Emmanuel: Huh?

Salaysay: Nangyare na nga ang hindi inaasang insidente.

Fred: Emmanuelllllllllllll!!!!

Salaysay: Nakabulagta si Emmanuel sa pinangyarihan ng krimen at duguan samangtalang naririnig nya ang sigaw ni Fred sa kanya.

Fred:Emman! Emman! Emman!

Emmanuel: Ang ingay naman ng lalakeng to hindi bako pwedeng mamatay ng tahimik.

Fred: Emman pano nako wala nakong kokopyahan ng assignment  wala ng tutulong sakin sa mga activities  hindi ka pwedeng mamatay hanggat hindi lako nakaka graduate.

Emmanuel: Punyeta! Kala ko naman malulungkot ka pero hindi pala mamatay na ngalang ako may lakas ng loob kalang sabihin yan. Hay nako bakit nga ba ako nag karoon ng kaibigan na abnormal.

Salaysay: Makalipas ang ilang sandali ay nagkamalay na si Emmanuel mula  sa insidente. At sa hindi inaasan ay may kakaibang nangyare.

Emmanuel: Huh? Akala ku ba patay nako pero bakit nakakatayo pako?

Misteryosong boses: Hindi ka nagkakamale patay ka na at nandito ka sa kabilang buhay.