Kasalukuyan silang nasa isang malawak na field. Lahat ng mga bilanggo ay nakaupo sa mahahabang upuan. Ang mga pulis naman ay nakatayo sa iba't-ibang sulok liban na lamang sa dalawang pulis at ang warden na ngayon ay nasa harapan ng lahat ng mga bilanggo
"Sa mga baguhan dito, ako ang Warden dito. Tawagin niyo na lamang ang akong Warden. Ang pangalan ko ay SPO2 Alexander Scott. Al, boss Alex or Boss Xander ang dapat niyong itawag sa akin. Ang dapat niyo lang gawin ay sumunod sa pinag-uutos ko. Ang maliligayang araw niyo ng wala ako ay tapos na. Ngayon ay mayroon na akong magandang naisip upang mas maging maganda ang araw natin dito hehe...!" Nakangising wika nito na siyang ikinapangingilabot ng lahat ng mga preso dito maging ng mga pulis na naririto. Sila ang nakasaksi at nakakaalam kung anong klaseng warden itong si Alexander Scott.
Ang labas na anyo nito ay napaamo o mas sabihing napakagwapo lalo na't may lahi itong amerikano at halata sa mestizo nitong balat at pagmumukha. Pero huwag kang palilinlang sa panlabas na anyo dahil kilala ito sa pinakabayolente at siga sa buong seldang ito maging sa iba pang mga kulungan at District Jails dahil sa pagiging disiplinado nito at sa kakaiba nitong istilo ng paghahawak sa mga bilanggo.
"Uulitin ko ang s---- hoy ikaw na mukhang saging! Anong ginagawa mo, kay bago bago mo palang ay hindi ka nakikinig sa sinasabi ko. Pumunta ka mamaya mag-isa sa opisina ko!" Galit na pagkakasabi ni Alexander Scott sabay turo kay Lex.
Nang marinig ito ni Lex ay hindi siya makapagsalita man lang. Lahat ng mata ay nasa kanya, nagulat siya sa pangyayaring ito. Sina Vhon, Chris at Leo naman ay halos makikitaan ng takot ang kanilang mata. Gusto nilang tulungan si Lex pero ayaw nilang makigulo pa dahil baka idamay pa sila.
"Pipi ka ba? Ihanda mo ang sarili mo dahil walang nakakatakas sakin kahit saan ka pa magpunta!" Mapagbantang sambit ni Alexander.
Agad namang nakuha ni Lex ang tugon ng tatlong kasamahan niya. Nalaman niya na kani-kanina pa na dinadamay nito ang sinumang papagitna sa pangyayaring katulad ngayon.
"Sige kung yan ang gusto mo Alexander!" Matapang na sambit ni Lex habang walang makikitang anumang pangamba ang mukha nito bagkus ay nakangiti pa ito.
Napasinghap naman ng malakas ang mga bilanggo at mga pulis. Hindi nila inaasahan ang naging tugon ng lalaking baguhang preso. Halos laglag panga at nanlalaki ang mga mata nila habang paulit-ulit na naglalaro sa utak nila ang naging tugon ng baguhang bilanggo na parang wala lang.
"Haha, kay bago-bago pa lamang pero sinusubukan na ang ating Warden na si Boss Al!" Singhal ng isang lalaking bilanggo na puro tattoo sa katawan.
"Gusto nito sigurong makatikim ng hagupit ng ating Boss!" Sambit ng isang sigang kalbo.
"Hahaha, naghahanap siguro ng sakit sa katawan itong batang to!" Sambit ng may edad na lalaki habang iniikot-ikot nito ang kanyang ulo. Halatang inaasahan nitong mabubugbog ng malupit si Lex.
Alam na ng lahat ang mangyayari dahil lahat ng pumunta sa opisina nito ay maraming pasa ang mga itong umuuwi sa loob ng selda nito.
"Tahimik!" Sambit ng isang pulis na kasama ni Alexander Scott na agad namang ikinatahimik ng lahat.
Nakangisi lamang si SPO2 Alexander habang nakatindig ng maayos. Hindi hangal o mangmang ang maraming bilanggo at pulis kung ano ang nasa isip ng Warden na si Alxander. Tahimik lamang silang nakikinig habang kasuwal namang nakikinig si Lex na para walang anuamang eksemang nangyari kanina o sa mangyayari mamaya.
...
"Pasok!" Sambit ng boses ni SPO2 alexander sa labas ng opisina nito.
Agad namang kinalagan si Lex ng dalawang pulis. Walang ano-ano'y pumasok na si Lex sa loob ng sinasabing opisina ng Warden.
Pagkapasok niya pa lamang ay agad na sinikmuraan siya ni Alexander.
"Arrgghhh!" Daing ni Lex ng maramdaman niya ang sakit dulot ng pagsikmura sa kanya ni Alexander.
Kahit na sakit na sakit si Lex ay pinilit niya pa ring ngumiti ng nakakaloko.
Biglang inundayan siyang muli ng suntok ni Alexander ng makaiwas siya rito. Agad namang sinuntok ni Lex ang tagiliran ni Alexander.
"Hahaha... Hindi ko alam na marunong ka palang sumuntok!" Sambit ni Alexander habang nakangisi. Nakahawak ito sa may gilid ng kanyang tiyan kung saan sinuntok ni Lex.
"Oo naman, hindi parehas sa'yo na nanununtok ng walang pasabi!" Sarkastikong sambit ni Lex kay Alexander.
"Hmmp! Puwes tikman mo ang kamao ko!" Galit na pagkakasabi ni Alexander habang sinuntok ni Alexander ang mukha ni Lex.
Agad namang natumba si Lex dulot ng malakas na suntok na iyon.
Hindi pa nakontento si Alxander ng bigla niyang itayo ng marahas si Lex at hinawakan niya ito sa kuwelyo upang iharap sa kanya. Susuntukin niya pa sana ito ngunit biglang nagwika si Lex.
"Sige, ituloy mo! Hindi lahat ng tao ay matatakot sa'yo at isa na ako dun!" Malakas na sigaw ni Lex sa mukha mismo ni Alexander. Tumutulo pa sa gilid ng bibig nito ang sariwang dugo niya mismo.
Hindi naman natuloy ni Alexander ang kanyang pagsuntok. Pinagmasdan niya ng mabuti ang maamong mukha ni Lex at ang nakakaawa nitong itsura. Rinig na rinig niya ang paghinga nito. Ilang espasyo lamang ang layo ng kanilang mukha sa isa't-isa. Hindi siya nakapagsalita at niluwagan nito ang hawak sa kuwelyo ni Lex. Agad niya itong tinulak palayo sa kanya.
"Huwag mo kong subukan boy dahil sa oras na subukan mo ulit ang aking pasensya ay hindi lamang iyan ang iyong matatamo!" Puno ng pagbabantang sabi ni Alexander. Namumula rin ito dulot ng sobrang inis at galit.
"Hahaha, tinatakot mo ba ko? Hindi kita uurungan! Pweee!" Sambit ni Lex habang sinuka nito ang sariwang dugong nasa kanyang bibig.
"Palalampasin kita sa ngayon pero sasabihin ko sa'yong gagawin kong impyerno ang buhay mo dito!" Sambit ni Alexander habang madilim ang ekspresyon nito sa mukha. Hindi niya aakalaing mayroong maglalakas ng loob na kalabanin siya at harap-harapan pa mismo. Ang mas ikinaiinis at ikinagagalit niya ay ang bagong bilanggong lalaking ito na kaedad niya, tuturuan niya ito ng leksiyon sa marahas na paraan.
"Gagawin mong impyerno ang buhay ko? Ang pumasok sa bilangguan ay impyerno para sakin, kung may ikakalala pa ng impyernong kulungan na ito ay handa akong harapin iyon at hindi kita rerespetuhin!" Galit na pagkakasabi ni Lex habang nakaharap kay Alexander. Walang makikitang takot sa mga nito. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang mga bossy na tao maging ng mga siga. Hindi niya nirerespeto ang mga ito sa anumang paraan. Para sa kanya ay sila ang tunay na mga kriminal.
"Umalis ka na ngayon din baka hindi ako makapagpipigil!" Pagbabanta ni Alexander habang nakakuyom ang kanyang dalawang kamao. Halatang nagpipigil ito sa galit.
"Hahaha, kung yan ang gusto mo Alexander pangit!" Masayang sambit ni Lex na animo'y walang nangyaring masama sa pamamagitan nila.
Agad na umalis si Lex habang sumisipol-sipol pa. Ayaw niya talagang pinagbabantaan siya pero ayaw niyang matalo sa tingin niyang hambog at bossy na si Alexander.
"Tatandaan talaga kita boy!" Sigaw ni Alexander habang nakikita niyang lumalayo na ang lalaking hindi rumespeto sa kanya.
"Tatandaan din kita SPO2 Alexander James Scott!" Sambit ni Lex sa mapaglarong boses na halatang di niya sineseryoso ang banta ni Alexander na warden ng kulungang ito. Hindi na ito lumingon pa na siyang ikinainis pa lalo ni Alexander.
Nagtataka pa rin si Lex kung bakit ganon na lamang ang galit ni Alexander sa kanya. Kung palaging ganon na lamang ang asta palagi ng Alexander na iyon at sa marahas nitong pagpaparusa sa pamamagitan ng pagbugbog ay hindi niya ito papayagang mangyari ito sa kanya. Hindi niya hahayaang mangyari ito kahit kailan.