Ano?! Naospital ang anak ko?! Bakit niyo lamang itong sinabi?" Sambit ni Lex sa kaniyang kausap sa telepono sa histerikal na boses. Halong pag-alala at galit ang kanyang nararamdaman ngayon. Pag-aalala para sa kanyang anak na si Daisy at galit para sa taong kausap niya.
Sa ngayon ay napagtanto ni Lex na nagsisisi siyang ipaubaya ang kanyang anak sa isang bahay ampunan. Ngunit wala siyang pagpipilian dahil walang mag-aalaga sa kanyang anak.
Hello?! Hello? Hello?!" Sigaw ni Lex habang hawak hawak pa ng kamay nito ang telepono habang nakalagay sa tenga nito.
"Toot toot!" Tunog ng telepono habang nagpahiwatig na tapos na ang oras niya sa paggamit ng telepono.
"Buwiset!" Sambit ni Lex sa malakas na boses.
Agad niyang nilapitan ang isang pulis na in-charge sa telepono.
"Boss, pwede bang makatawag muli sa telepono?!" Malumanay na sambit ni Lex habang kakikitaan ng pakikiusap.
"Hindi na puwede eh, sa susunod na schedule mo pa pwedeng gumamit mula ng telepono." Sambit ng pulis na in-charge sa telepono habang ini-explain nito ang bagay-bagay.
Sasalita pa sana si Lex ng bigla siyang bulyawan ng isang boses sa likod niya.
"Wag kang paharang-harang diyan! Tapos na ang oras mo kaya puwede ka ng umalis dito!" Sambit ng boses lalaki.
Agad namang hinarap ni Lex ang bumulyaw sa kanya. Nang makita niya ang lalaking medyo siga ang itsura at parang masama ang timpla ng mukha.
"Pwede ba wag kang mangbulyaw dahil importanteng bagay ang aking ipinakikiusap dito!" Sambit ni Lex habang mabilis niyang sinuntok sa mukha ang lalaking bumulya sa kanya.
Dito ay nagkasuntukan sila dito. Huli na nang inawat sila na halos magkarambola na dito.
Sa isang sulok ay nakatayo lamang si Warden Al o si Alexander habang nakangisi.
"Hindi ko na kailangan pang lumapit sa'yo dahil ikaw mismo ang lalapit at luluhod sa harap ko mismo Lex Haden Guevarra!" Sambit ni Alxander haabng hindi mawala-wala ang malademonyong ngisi sa kanyang maamong mukha.
Agad nmaan nitong nilisan ang lugar na ito. Naglakad na siya kasama ang dalawa pang pulis na kasama nito.
Flashback...
"Ito na po Boss Al ang hinahanap niyong impormasyon ng lalaking hindi gumalang sa inyo!" Sambit ng isang pulis na siyang in-charge sa information ng bawat bilanggo sa district jail na ito.
Agad namang kinuha ni Alexander James Scott ang impormasyon ng lalaking walang galang sa kaniyang presensya kani-kanina lamang.
Nakita niya ang mga pictures nito sa iba't-ibang views maging ang mga personal na impormasyon nito. Pinag-aralan niysng mabuti ito.
"Lex Haden Guevarra. Nice name so I'll give you a nice game inside this jail!" Sambit ni Alxexander habang makikitaan ng nakakakilabot na ngisi ang gwapo nitong mukha.
Ito na ang oras ng kanilang paglalaro.
...
"Hoy! Ano na naman ang nangyaro sa'yo Lex? Okay ka lang ba?!" Nag-aalalang sabi ni Vhon habang nakikita ang namamagang mukha ni Lex.
"Hays, lapitin ka talaga ng gulo. Kahapon ay nagkapasa ka na nga pero ngayon dinagdagan mo pa!" Sambit ni Leo habang sinusubukan nitong hawakan ang mga pasa ni Lex sa mukha.
"Aray, aa-aray naman!" Sambit ni Lex ng maramdaman ang kamay ni Leo sa mukha niya.
Agad namang tinampal ni Chris ang kamay ni Leo sa mukha ni Lex.
"Hoy, anong ginagawa mo Leo. Para kang abnormal eh, alam mo namang sariwa pa ang mga pasa,nito lalo na yung blackeye ni Lex eh!" Sambit ni Chris habang masama itong nakatingin sa kaibigan niyang si Leo.
"Ahehe... Kala ko kasi peke lang eh. Grabe pala si Lex, palaging napapasabak sa labanan eh." Sambit ni Leo habang namamangha sabay tapik niya sa braso ni Lex.
"Aray naman Leo, kita mo ngang bugbog-sarado na ko, nakuha mo pa kong tapikin." Maktol ni Lex habang makikita ang nakangiwing ekspresyon nito.
"Oh siya, umalis muna tayo lalo na ikaw Leo, mukhang mapapalala mo pa mga pasa ni Lex eh!" Sambit ni Vhon habang inakbayan si Leo palayo kay Lex.
Napakamot na lamang si Leo habang makikita sa mata nito ang pagpapaumanhin kay Lex na agad namang tinanguan ni Lex. Hindi naman niya sinasadya ito kaya napatawad niya na ito. Hindi niya maatim na magalit sa kanyang kaibigan dito.
Agad namang nilinis ni Lex ang kanyang sarili upang makatulog na. Para sa kanya, masyadong napagod siya sa araw na ito. Matutulog siya habang iniisip ang kanyang anak. Ang kulungang ito ang naging hadlang upang makapiling niya muli ang kanyang anak.
Hindi niya namalayang nakatulog siya dahil sa mga problemang kanyang kinakaharap.