Love Chains [BL] (Filipino/Tagalog)

Pzyon
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 51.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

The suspect named Lex Haden Guevarra is said to be guilty under the sin of murdering a victim named ***** ******

Guilty

Guilty

Guilty

Guilty

Guilty...

Paulit-ulit na umalingawngaw ng boses habang papalakas ito ng papalakas.

"Ahhhhh!" Sigaw ni Lex Guevarra habang napabangon ito ng mabilis. Dito niya napansin na nakasuot siya ng kulay kahel na damit maging ang kanyang suot na pantalon.  Halos mapalamukos niya ang kanyang sarili dulot ng kanyang kasalukuyang kalagayan. Akala niya ay panaginip ang lahat ngunit heto siya ngayon, nakakulong sa isang bilangguan. Halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman lalo na ng isiping paano na ang kanyang anak na si Daisy? Alam niyang hindi siya naging perpektong magulang rito lalo pa ngayon na nakakulong siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Halos hindi niya alam ang kanyang gagawin. Napuno ng negatibong emosyon at pag-iisip si Lex sa kanyang naging kapalaran.

"Ito na ba ang parusa niyo sakin panginoon? Alam kong naging makasalanan ako at hindi naging perpektong anak, kapatid o magulang pero bakit naging ganito ang inabot ko? Humihingi ako ng pasensya sa aking nagawang kasalanan. Kasalanan po ba ang tumulong? Hindi ko na alam ang aking gagawin." Nagsusumamong panalangin ni Lex habang mayroong tumutulong mga patak ng luha sa kanyang pisngi. Maya-maya pa ay mahina itong humahagulgol hanggang sa lumalakas ito.

"Ano ba yan, ang ingay mo ha! Kung ayaw mong matulog pwes patulugin mo yung mga tao sa paligid mo!" Sambit ng isang galit na boses ng lalaki sa kaliwang pader na katabi ng kulungan ni Lex.

"Pasensya na boss, na-miss ko lang kasi yung anak ko eh!" Sambit ni Lex sa pasensyusong tono at puno ito ng senseridad.

"Ah ganun bah? Masasanay ka rin. Alam mo ang buhay na pinasok mo kaya masasanay ka rin hahaha!" Sambit ng lalaki habang natatawa.

"Anong ibig mong sabihin boss? Masasanay? Lalaya rin ako dito dahil inosente ako!" Sambit ni Lex habang may hinanakit sa boses nito at may kaunting pag-asa siyang nararamdaman.

"Inosente? Inosentehin mo mukha mo! Kapag nakulong at nahatulan kang guilty ay alam mo na ang magiging kapalaran mo o natin. Ang mabulok sa kulungang bakal na ito hahaha!" Sambit ng lalaki habang nakangisi at humahalakhak sa dulong parte.

Hindi na nagsalita pa si Lex dahil parang natamaan siya sa sinabi ng lalaking kapwa niya rin bilanggo. Hindi niya lubos maisip pero tama nga ang kapwa niya preso dito na siya lamang ang nagsasabing inosente siya. Halatang parang namamatay na ang pag-asang kanyang naiipon noon pa na ngayon ay halos lumalabo at nawawasak ang kanyang mga magagandang pangarap para sa kanya at ng kaniyang anak.

Hindi niya namalayang nakatulog siyang muli dulot ng kanyang maraming iniisip na malabo niya na sa kanyang hinagap ay malabo niya ng matupad pa.

...

"Gising! Wag kang tutulog-tulog diyan. Ililipat ka na ng bilangguan!" Sambit ng isang pulis habang kinakalampag ng malakas ang kulungang gawa sa matibay at makapal na bakal. Halos lumikha ito ng nakakabinging ingay na siyang nagpagising kay Lex.

Ang pulis na ito ay mayroong ordinaryong itsura at medyo may katabaan. Moreno ito na halatang bilad sa araw at halatang nagtatrabaho sa field o sa mga bilanggo.

Halos mapalundag naman si Lex sa kanyang higaan. Napahawak naman siya sa kanyang mata.

Agad na binuksan ng mamang pulis ang selda at hinablot ang mga braso ni Lex. Aksidenteng naitulak niya ang nasabing pulis.

"Aba, masyado kang matapang bata ah!" Sambit ng matabang pulis habang mas marahas na nitong hinablot sa mga braso si Lex.

"Pasensya na po boss, alam niyo namang bagong gising lang ako at hindi ako sanay na ginigising agad ako." Mahinahong sambit ni Lex habang hinahawakan pa rin siya ng matabang pulis na ito.

"Puwes, sanayin mo na ang sarili mo dahil hindi na ito kagaya ng sinasabi mong buhay mo. Buhay-kulungan ka na at utak kriminal ka baka nakakalimutan mo!" Sambit ng mamang pulis dahil sa hindi nito nagustuhan ang pananalita ni Lex. Parang ipinahihiwatig nitong inosente siya at wala siyang ginawang krimen.

"Hoy pare, kalma lang. Kay aga-aga eh ang init ng ulo mo!" Sambit ng isang kapwa pulis niya ng makita ang tensyong namumuo sa lugar namin. Halatang mabait ito at pasensyusong tao lalo na sa tungkulin o propesyon niya bilang pulis. Mayroong nakatatak na apelyidong Dela Cruz sa bulsa ng damit nito. Ito yung apelyido ng pulis.

"Oh siya, pareng Raul, ako nalang maghahatid sa binatng ito sa kulungan. Iwasan mo na kasi yang pagkakape mo, siguro ay nag-away naman kayo ng misis mo noh?!" Dagdag na sambit ng lalaking pulis na Dela Cruz yung apelyido.

Agad naman siyang hinarap ng pulis na nagngangalang Raul at nagwika.

"Eh ano pa ba, napakaselosa kasi ni Misis eh palagi niya nalang akong pinagbibintangang nambabae ako. Kaya ayon pinuno ako ng sermon buong magdamag.

"Ay pare naman eh. Ilang beses ka ng pinagsabihan ni Chief na wag mong pairalin ang init ng ulo mo at ibunton sa mga preso ditk. Chill ka lang okay baka wala na akong makasamang kaibigan dito at sa ibang lugar ka ipadestino." Sambit ni Dela Cruz habang inaakbayan ang kaibigan. Mas pinalungkot pa nito ang boses nito.

"Oh siya, alis muna ako. Magpapalamig muna ako tsaka ayokong malipat sa malayo noh." Sambit ni Raul habang umalis na agad upang magpalamig ng ulo.

Agad naman akong hinarap ng pulis na siyang tumulong sakin. Medyo kaedad ko lang ito at masasabi kong mabait rin. Medyo maputi rin ang balat nito na siyang bumagay sa kanyang tindig at itsura.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa mga pasilyo. Mabuti na lamang at hindi ako nilagyan ng posas sa kamay dahil feeling ko bilanggo na talaga ako eh.

"Pare pagpasensyahan mo na yung si Pareng Raul ha. May problema kasi yun eh, sa daming babae eh ba't selosa pa napili niya hahaha!" Malokong sambit ng pulis habang kaharap niya ako..

Maya-maya pa ay napahito at napatawa na lamang ako. Naalala ko yung kapitbahay namin na panay selos sa asawa niya. Mayroong binabato niya ito ng mga paninda niyang gulay na okra, sitaw, talong at masaklap pa ay noong binato niya ang asawa niya ng durian at langka. Nasapol yung mukha ng asawa niya na siyang nagkandahulog sa kanilang hagdanan. Buti na lamang at pasa lang inabot nun.

"Hahahahahaha!" Halakhak ko habang natatawa sa aking naiisip.

"Grabe makatawa pare ah... oh siya sige, andito na tayo sa selda mo, enjoy!" Mapaagbirong sabi ng pulis na ito na hindi ko alam ang ranggo at pangalan nito. Tanging apelyido lamang.

Sa labis na pag-iisip ko ay hindi ko namalayang nakakandado at nakaalis na ito.

"Salamat Pare!!!" Malakas kong sa binatang pulis habang abot-tanaw ko pa ang likurang pigura nito.

Napakaway na lamang ito ng kamay na siyang simpleng tugon nito.

"Masasanay rin ako!" Sambit ko sa aking isipan habang pilit na pinatatatag ang aking sarili.

...

Naging maayos rin naman ang aking lagay sa loob ng kulungang aking kinalalagyan. Dito ay nakilala ko ang mga kapwa ko preso dito. Hindi naman sila mga sobrang samang mga tao. Siguro ay sinuwerte ako dahil makwela pala ang mga kasamahan ko. Palaging nagbabatuhan ng biro maging ng mga mapaglarong bulyawan sa isa't-isa siyempre kasali din ako minsan noh.

Ang mga bago kong kaibigan sito ay sina Vhon, Chris at Leo na siyang tumulong sakin upang maibsan rin ang aking mga problema sa labas ng seldang ito, ng totoo kong buhay sa labas.

Doon ay nasabi kong hindi naman pala masamang maging preso lalo pa't marami akong nakasalumang tao na may iba't-ibang personalidad maging ng sariling kwento.

...

"Gumising na kayo! Ayusin niyo ang mga sarili ninyo dahil darating na ang boss namin!" Rinig kong sigaw ng isang pulis na siyang nagbabantay sa amin.

Agad akong napabangon ng higa kahit na antok na antok pa ko. Isang linggo na akong naririto tsaka masyado yata akong napuyat dahil sa maingay na paghilik ni Vhon. Ewan ko ba, may pagkaantukin talaga si Vhon at malakas humilik. Kaya palagi kaming natutulog kay Vhon.

Napansin ko ring gising na rin sina Vhon, Chris at Leo.

Dahil sa kuryusidad ay napatanong na rin ako kay Chris na siyang medyo matagal na rin dito sa kulungan kaysa sa aming tatlo.

"Chris, sino yung tinutukoy nilang boss?" Curious kong tanong habang nagkukuskos ako ng aking dalawang mata.

"Haha, edi walang iba kundi ang warden na ubod ng sungit. Grabe mangparusa iyon lalo na kapag tingin niya ay nagkamali ka. Kinatatakutan ito ng halos lahat ng mga preso dito lalo na ng mga kapwa pulis nito.

Halos magtayuan naman ang mga balahibo sa buong kong katawan. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Warden lamang siya pero kinakatakutan? Ito ang nasa isip ko ngunit ayokong isaboses ito.

"Bakit naman siya kinakatakutan tsaka hindi ko alam na ngayon lamang siya dumating eh halos isang linggo na ko rito ah." Sabi ko ng labis na pagtataka.

"Eh balita ko eh nagkaroon ng vacation leave ang Warden natin dito. Ayaw ngang magbakasyon yun eh tsaka buti na lang ay pinagbakasyon siya nitong nakaraan ng Senior nito ng dalawang buwan kung hindi ay baka nangangayayat na kami!" Sambit ni Chris habang mayroong takot sa boses nito.

Ibang-iba ito sa masayahing Chris na nakilala ko maging ang dalawang kasmahan ko na sina Vhon at Leo ay namutla rin sa kanilang narinig. Halatang mahirap ang dinanas nila mula sa misteryosong warden na ito.

"Kung gayon ay gustong makilala ang warden na ito, titingnan kokung gaano siya kasiga at kalupit bilang warden dito!" Sambit ko habang halos ngumanga ang aking tatlong kasamahan. Makikita sa kanilang mata ang kuryusidad at labis na takot.