Tinitignan ko lang siya dahil nakatingin lang din siya sakin. Kanina pa ako nini-nerbyos kasi baka may sakit pala to kaya hindi naimik. Sinubukan ko pang kumaway kaway sa harap ng mukha niya para malaman kung anong nangyayari andami ng nakatingin samin nakakahiya ano ba tong ginagawa ko. Nagmukhang estatwa yung lalaki dahil di man lang kumukurap at gumagalaw pati ata pag hinga ay di niya ginagawa. Kaloka!
Habang nakatingin lang ako sakanya biglang may narinig akong nagtatawag ng pangalan at ng lingunin ko isa pa ulit na lalaki? Uh-oh! Baka matulala din to hala. Pero kahit ganon hindi pa din ako umalis sa kinatatayuan ko kahit nakakangawit na.
"Seph! Ayan ka nanaman ano bang nnagyayari sayo" Naiinis na sabi netong lalaki na kakarating lang. Seph pangalan? Sephseph? hala mahilig ba siya sumepseph ng straw kaya yon tawag sakanya?
"Ah hello miss kanina pa ba to ganto?" tanong niya sakin dahilan para mabalik ako sa ulirat. Tignan mo nga pati ako natutulala na rin ng dahil sa kanina pa kami nakatayo rito.
"Y-Yeah. May sakit ba ang isang tao?" tanong ko naman ulit sakanya para malinawan mamaya pala may sakit eh.
"Nagkakasakit siya kapag may nakikita siyang maganda. Pangalawang beses na nga niya na maging ganto eh" paliwanag niya.
"Btw, I'm Carlo and my bestfriend Joseph" pakilala sakin nung lalaki at inakbayan yung seph daw at inilahad sakin ang kamay niya para makipag shakehands.
"Ah? I'm Sierra" ngiting abot ko nalang sa kamay niya para naman di mapahiya diba ang bait ko namang maganda. Nakakaloka! Umalis na ako sa harapan nila at naglakad na papuntang umiling iling nalang dahil sa nangyari kanina. Sana sa susunod wag na mangyari yon.