Chereads / A Writer / Chapter 7 - Way Home

Chapter 7 - Way Home

Bumalik na ako ng room dahil sa 4pm na din pero hanggang 5 pa naman ang klase. Eh ayon nga wala naman ng gagawin. Bumalik ako sa ulirat ng maramdaman ko na nag vavibrate ang aking selpon. Yes selpon! At nang tingnan ko ito ay napangiti ako at napapadyak sa inis alam niyo pa yong ngiting naiinis huh?! Tumatawag lang naman ang aking kapatid na si kuya Shawn as if naman na may sasabihin tong importante eh puro kabulastugan ang alam. tsk!

Hindi ko na lang pinansin at inayos ko na ang aking bag at nagsimula ng tumayo at maglakad alangan naman na gumapang ako palabas ng room diba? Tsaka namimiss ko na ang aking motor mag iistroll nalang muna ako mwehehehe wala namang assignment na binigay eh.

Habang naglalakad ako sa parking lot ay dinadama ko ang hangin dahil ang sarap ng simoy ng hangin mapapa kanta ka nalang talaga ng "masarap ang simoy ng hanginnnnn" well kung di niyo alam yang kanta na yan search niyo nalang sa youtube mga marecakes ha? Hanapin niyo nalang din kung sino kumanta kasi diko rin alam eh hehe. Bigla akong nagukat dahil may bumusina bigla at ng magmulat ako tsaka ko lang nalaman na nasa gitna ako ng daan hehehe sorry naman kapag nakapikit kayo edi malamang di niyo alam daan hahahahaha.

At humingi nalang ako ng pasensya sakanila. Dumiretso na ako sa aking motor at isusuot na ang helmet ko ng...

"Sierra!" rinig kong pagtawag sakin kaya lumingon lingon ako sa paligid para makita kung sino yon at nakita ko si seph pala yung lalaking estatwa hahaha.

"Bakit?" tanong ko sakanya at hindi na muna itinuloy ang pagsuot ko ng aking helmet.

"Nagmomotor ka?" tanong niya sakin

"Ay eto ba? ay hindi eescortan ko lang to hanggang sa umuwi ako" ngiti kong pilit

"Ah? Hehehe" sabi niya at nagkamot ng batok. Sana ol cute diba?

"Sige alis na ako" sabi ko sakanya at isinuot ang helmet ko

"Teka sabay na ako sayo" pagkasabi niyang yon ay tumakbo siya sa kabilang lot at nagsuot ng helmet. Naka motor din pala ang isang to. Inatras ko na ang aking motor at papaharurutin na sana ng inatras niya din yung sakanya at nagsabay kaming magpaharurot na para bang may race na nangyayari kaya lahat ng madaanan namin ay kung hindi tataas ang palda, ililipad ang mga buhok nila haha kawawa naman.

Mas binilisan ko pa hanggang sa makalabas ako ng gate dumiretso na ako pauwi pero habang nagmamaneho ako ay nakita kong sumusunod padin siya. Pareho ba kami ng daan pauwi? O sadyang gusto lang niya sumunod. Bahala ka sa buhay mo binilisan ko na lang ang pagpapatakbo ko dahil gusto ko na mahiga. Sabi ko na mag iistroll ako hindi ko na nagawa hays.