Chereads / A Writer / Chapter 9 - That Night

Chapter 9 - That Night

Nang gumabi ay hindi pa rin umaalis yung girlfriend ni kuya kaya nag stay muna ako sa kwarto ko. Dumiretso ako sa aking study table sa kung saan dito ako gumagawa ng mga assignments, activities at pati pagsusulat ng mga istorya dito ko ginagawa. Naalala ko pa dati nung bata ako na sabi ko pangarap kong maging manunulat na kung saan maibabahagi ko sa iba ang mga ideya ko, mga bagay na nararanasan ko. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakamit yon. Wala nga ata talaga akong pag-asa na maging manunulat. Hindi siguro para sakin yon.

Kaya ang ginawa ko ay ilipat ang aking mga nasulat na istorya sa laptop ko at ipupublish ko na lang. Kung may magbasa man o wala atleast nag try ako. Sa totoo lang ang dami ko ng naisulat ang kaso lang ang hirap mag sulat tapos walang babasa. Nag effort ka na magsulat pero walang makaka appreciate ng effort mo. Nakakalungkot lang kapag ganon, kaya this time itratry ko lang. Magbabaka sakali muna ako sa ngayon.

Habang nag titipa ako sa aking keyboard ay sinasabay ko na rin na alalahanin mula nung bata ako. Ilang taon pa lang ako dati nong iniwan kami ni papa. Sumama siya sa ibang babae. Gustuhin ko man na pigilan siya pero hindi ko magawa dahil nga desisyon at kagustuhan niya na iwan kami. Akala ko hindi ko kaya nung mga panahon na yon ng walang ama. Mahirap din lumaki ng walang ama sa tabi mo lalo na kapag may mga problema ako na hindi ko masabi sa mother ko.

Kaya iniisip ko na ang swerte pa din talaga ng mga anak na may ama sila hanggang sa lumaki sila. Pero sa ngayon ayos na sakin yon kasi never naman niya kaming kinamusta kaya binaon ko na sa limot yon naalala ko lang bigla.

Nang matapos ko ng ilipat lahat ng chapter ng istorya na ginawa ko ay huminga muna ako ng malalim at pinindot ang publish. Sana ngayon gumana mga effort ko, sana talaga. Humiga na lang ako pagkatapos nun at pumikit hindi naman ako gutom kaya bukas na lang ako kakain.