Chereads / A Writer / Chapter 12 - He's Going To Come

Chapter 12 - He's Going To Come

Nang humapon ay nag uusap usap pa rin sila kuya pero sa loob na ng bahay. Tatlo na lang silang nag uusap usap umalis na yong mga lalaki kanina na hindi ko naman kilala. Nang wala ng halos nagsasalita ay sumingit ako.

"Ma? Overnight daw kami dun sa bahay nila ynah" sabi ko habang diretsong naka tingin kay mama

"Aba diba tatlo kuya nun? Baka naman mamaya kung anong gawin niyo dun?" parang nag dadalawang isip pa tsk

"Ma kasama pang pupunta si shyra" sabi ko naman para payagan ako kasi totoo naman eh namimiss ko na sila

"Sasama nalang ako MY" aba! sino ba siya para tawagin na mommy ang nanay ko? at bakit siya sasama boyfriend ko ba siya?

Tinignan ko si mama at ngumiti siya. Teka! alam ko yang ngiti na yan pumapayag na siya na mag overnight ako pero kasama tong kumag na to.

"Sige seph sama ka na lang mas mabuti pa paki bantayan yang babaeng yan dahil magulo yan" naka ngiti at proud na sabi ni mama. WOW! hindi ako magulooooooo. Grr! Buti nalang love kita mama.

"Kuha ka na lang ng damit mo sa bahay ngayon seph at umalis na kayo" sabi ng ate niya na natatawa

Sumimangot ako at umalis para pumuntang kwarto ko. Magbibihis ako at kukuha ng isang pares ng damit in case na mabasa ako.

Nag short lang ako at white shirt kasi dun lang naman matutulog lang eh.

Tinext ko naman saglit si shyra para sabihin na may kasabay ako at mauna na siya.

To: Shyra

Sis mauna ka na kila ynah ha? May kasabay kasi ako

**sent**

Kumuha din ako ng jacket kasi in case na malamig diba hehe girl scout to.

Tinext ko na rin si ynah na papunta na ako

Lumabas na ako sa kwarto na may dalang maliit na paperbag dahil andun ang extra damit ko at jacket.

"Ma asan na si seph" tanong ko kay mama dahil gusto ko na umalis

"Andun na sa labas. Shoo! Alis na" taboy pa sakin ni mama. Grabe ma parang di mo ako anak ha!

Nagpaalam na ako kila mama at sa ate ni kumag bago lumabas ng pinto.

Nang makalabas ako sa pinto ay dumiretso na ako sa gate.

Pagbukas ko ng gate may nakatayong estatwa habang naka sandal sa kotse niya

"Tara na" nakasimangot kong sabi sakanya pero di siya gumagalaw. Tinignan ko siya pero tinignan lang din niya ako mula ulo hanggang paa. Ano ba! Kakairita

"Ano ba yang suot mo para kang rarampa sa harap ng mga kuya nung kaibigan mo" irita niyang sabi. Hindi ako rarampa matutulog at makikipag kwentuhan ang gagawin ko.

"Tara na ang dami mo pang sinasabi eh" sabi ko sabay pasok sa kotse niya. Nakita ko din na umikot na siya para pumunta sa driver seat.