Chereads / A Writer / Chapter 17 - He's Gone Crazy

Chapter 17 - He's Gone Crazy

Pagdating ng professor namin ay inalis ko na ang earphone sa tenga ko at hinila yon sa tenga niya. Tulog ang loko. Balak kong lumipat ng upuan dahil sobrang lapit ng kumag sakin at baka pag initan pa ako ng mga fan girls niya at hindi rin ako komportable na habang nagka klase may sobrang lapit na tao sakin na halos sumandal na sa balikat ko.

Nang makalipat ako ay nakinig na ako sa professor at nagsulat ng notes para kapag may nakalimutan ako syempre babasahin ko na lang. Habang tutok ako sa board at tutok din sa notebook ay biglang tumigil sa pag discuss si sir at nakatingin lang sakin. Huh? Ano bang ginawa ko? nakikinig naman ako sa discussion ah. Inilibot ko ang paningin ko sa buong klase at nakatingin din sila sakin. Napako ang tingin ko kay seph ng makita kong nakatitig siya sakin habang nakapalumbaba sa may desk ng upuan niya. Ano bang ginagawa ng isang to? Nababaliw na ba siya? Kumaway ako sa harap ng mukha niya kasi tulala talaga siya pero ngumiti lang siya na parang baliw. Pumitik ako sa harap niya at bigla siyang natauhan at umayos ng upo. Nang makita niyang nakatingin ang lahat samin ay sumeryoso ang mukha niya. Tinignan ko ang prof para sana ituloy niya na ang discussion dahil nakakahiya yung atmosphere kanina pero biglang tumunog ang bell na nagsasabing next sub na.

"Okay Goodbye class see you next month" nagulat kami dahil sa sinabi ni sir. Next month? anong meron ba? Umalis na siya at biglang nag ingay ang buong klase at usap usapan ang sinabi ni sir kanina.

Nilabas ko na lang ulit ang earphone at nakinig ng music iidlip muna ako wala pa namang next sub eh. Nakatagilid lang ang pwesto ko at tinakpan ng panyo ang mukha ko dahil baka may mang trip sakin at bigla akong picturan.

Nagising ako dahil may gumagalaw sa may tabi ko at may maingay sa may harapan ko. Ano bang mga tao to ang gulo naman gusto ko pang matulog. Nang alisin ko ang panyo sa mukha ko ay nagulat ako dahil nasa harapan ko ang pinsan ko na si jacob.

"Kagwapo mong lalaki pero ang ingay mo" inis na sabi ko sakanya pero ngumiti lang siya

"At ikaw kaganda mong babae ang sungit mo" ganti niyang sabi sakin kaya naman inirapan ko siya at humarap sa kabilang side kung saan walang tao in short nakaharap ako sa may bintana.

May naramdaman ako sa batok ko na hangin. Tumataas balahibo ko ghad!

"Ang ganda mo kahit tulog" bulong sakin ng nasa likuran ko

Lumingon ako sa harapan ko at umiiling iling na ang kumag kong pinsan at natatawang sabi habang naglalakad palabas ng pinto ng room.

"tsk tsk he's gone crazy"