Chereads / A Writer / Chapter 10 - Another Day

Chapter 10 - Another Day

Paggising ko ay naisipan kong mag fb muna sa aking laptop kaya diretso muna ako sa lamesa ko at pagbukas ko may mga notification na mga comment sa pinublish kong story. Totoo ba talaga to? O panaginip lang? Kinurot ko ang sarili ko para malaman kung totoo at totoo nga! ANG SAYA KOOOOOO! Sa sobrang saya ko bumaba na ako sa kusina at nagbrush at naghilamos tapos bigla kong hinanap si mama. Kasi ibabalita ko sakanya ang magandang balita wahahaha!

"Maaaa! May sasabihin ako" pasigaw na sabi ko para marinig niya

"Ano yon?" tanong niya at ngumiti ako dahil nakita ko siya sa may balkonahe ng bahay habang nagkakape.

"Nagpublish ako kagabi ma ng story na ginawa ko. At ngayong umaga nakita ko na sumabog sa komento yung ginawa ko!!!" masaya kong sabi

"Wow! Talaga ba anak? Proud na proud talaga ako sayo sainyo ng kuya mo" masayang sabi niya sakin. Swerte ko din talaga at may nanay akong kahit maingay sa umaga talagang maalaga naman siya samin ni kuya.

"Nasan ba si kuya ma?" Tanong ko naman dahil hindi ko siya nakita ngayong umaga

"Nasa garden siya may mga bisita siya ngayong umaga eh" sabi naman ni mama kaya nagtaka ako. Sino naman ang magiging bisita niya? Tinignan ko suot ko naka shorts ako na maong at naka tshirt ayos lang to.

Binalak ko na pumunta sa garden para tignan kung sino yung mga bisita kuno kaya pag labas ko at dumiretso sa garden ay napatalikod agad ako dahil nakita ko si estatwa at yung ate niya na girlfriend ni kuya at yung isa pang babae na kapatid pa ata nila kasi ang bata pa.

"Oh! Sierra andyan ka pala halika dito ipapakilala kita sakanila" Teka ano ba ngayon? Sabado pala ngayon hala kaya pala andito tong mga to. Taga san ba sila at parang aaraw arawin naman ata nila ang pag punta dito? Grr

"Uyy sierra" bumalik ako sa ulirat ng marinig kong nasa tabi ko si kuya at naramdaman ko ang pagbangga niya sa braso ko ng unti. Ngumiti ako sakanya kaya pumunta na kami kung nasan ang mga bisita nila ngumiti ako isa isa sakanila pero etong estatwa na to nakatingin lang sakin.

Bigla nalang siyang lumunok at tinignan ako pababa ano bang tinitingin tingin neto alam kong maputi ako jusko naman parang di maputi yung ate niya para tumingin siya ng ganyan.

Hinayaan ko nalang siyang tumitig sakin at bigla akong nagutom. Naalala ko hindi nga pala ako kumain kagabi hay nako. Makakain nga muna.