Chereads / A Writer / Chapter 8 - Way Home (Part 2)

Chapter 8 - Way Home (Part 2)

Habang nasa daan padin at nagmamaneho biglang nag vibrate ang phone ko kaya naman huminto muna ako sa isang tabi para sagutin yon.

"Hi my sister sierra" napairap na lang ako sa kawalan dahil tumawag tawag pa talaga ang kapatid ko para lang batiin ako? My Goodness!

"Pauwi na ako kuya jusko bat ka ba tumawag?" tanong ko sakanya ng naiinis.

"Pakidaanan naman ako ng pizza dyan at coke na din yung 1.5 ha? Salamat andito kasi girlfriend ko di na ako nakabili. Bye" tsaka na niya pinatay. Huwaw! Pizza pa talaga gusto? Grabe! Tsaka girlfriend? Ngayon lang pupunta dun ang girlfriend niya kung sakali well let's see. Isusuot ko na sana ang helmet ko ulit ng may humintong motor sa gilid ko. Tinignan ko pa pataas at pababa kung sino yon.

"Hi Sierra" ngiting bati sakin ni estatwa boy. Hanggang ngayon andito padin siya nakasunod sakin.

Ngumiti lang ako at sinuot na helmet ko tsaka na pinaharurot ang motor ko. Anong oras na bibili pa ako pizza hay nako.

Pagdating ko sa Pizza Store ay bumili na lang ako ng pinaka masarap at mahal dahil babayaran naman ni kuya mwahahaha. Nang makabili na ako ng coke at pizza ay umuwi na ako. Habang nasa gate ako ay bumusina muna ako dahil gusto ko buksan ni kuya haha pinabili bili ako ng meryenda ng girlfriend tapos di niya ako pagbubuksan? ABA! mali yon. Kaya nung pinagbuksan niya ako ay dumiretso na ako sa garahe at ipinark na ang motor ko at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Pagpasok ko ay inilapag ko na ang pizza at coke

"Kuyaaaaaaa!" tawag ko sakanya at pumunta ako sa sala at nagulat ako dahil...

"Hi Sierra" ngiting sabi sakin nung dean namin. Siya ba ang girlfriend ni kuya? Hay nako ang gulo ko diba malamang siya ano gagawin niya dito kung hindi siya.

"Ah hello dean" sagot ko sakanya at yumuko at unti unting umatras para maka akyat na sa hagdan papuntang kwarto ko.