Chereads / A Writer / Chapter 5 - Pair Project

Chapter 5 - Pair Project

Chineck ko ang selpon ko para tignan ang oras oo selpon ang tawag sa cellphone napaka arte naman kasi pwede namang selpon nalang eh. Dahil wala akong relo sa selpon ako tumitingin ng oras. It's 2 pm palang wala naman ata kaming klase eh bat pa kami pinapasok jusmiyo! Pumunta muna ako sa gubat para magpahinga JOK! Sa room lang kasi nanakit binti ko sa kakatayo kanina. Papadyak padyak pa ako dahil sa sakit at inis! Grr bat ba kasi ako tumayo tayo dun kaumay! Pagdating ko sa room dumiretso na ako sa upuan ko para umob-ob gusto ko muna matulog dahil wala namang klase. Matutulog muna ako ha? Wag kayo maingay.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong ballpen at isang libro pinulot ko iyon dahil baka may nakahulog lang. Nang tingnan ko ang libro ay wala namang nakasulat na pamagat? ayos ah. Nang buklatin ko naman ay wala ding mga nakasulat eto ba yung napapanood ko sa tv na kapag gabi eh liliwanag tapos magkakaroon ng sulat? Habang nag iisip ay nabangga ako.....ng tao. Luh siya wag mag isip ng kung ano.

"Ano bang ginagawa mo? Bat hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" pagalit na tanong sakin nung lalaki na nakabangga ko.

Bigla akong nagising dahil may kalabog akong narinig. Piste!

"Ano ba! Bat ang ingay niyo!" Sigaw na tanong ko habang nakapikit pa at ng pagmulat ko ay napatingin ako sa lalaking nasa harap. Teka siya yung kaninang estatwa dun sa daan ah. Nakatingin lang din siya sakin na may seryosong mukha.

"As I was saying, Magkakaroon tayo ng research project of the month by pair and it's a contest at kung sino ang mananalo ay may matatanggap na rewards" sabi niya habang seryoso pa din ako mukha.

"Pres. Ikaw ba sasali din?" tanong ng isa kong kaklase sakanya nakatingin lang kami lahat sakanya at nag aantay ng isasagot niya ng bigla siyang mapatingin sakin. Oh? ano nanamang kasalanan ko bat parang ako may kasalanan ng mga problemang meron siya? Tsk. Tsaka pres? President ba siya? tagal ko ng pumapasok sa school na to pero diko kilala mga officers ng school mwehehehe di kasi ako interesado.

"Yes i'm on it" seryoso niyang sabi ay wow si kuyang pres! Galit ka ba sakin wahahahaha

Biglang naging maingay ang room dahil sa kanya kanyang reklamo na kesyo matatalo daw sila kasi matalino yung pres. Amp! Kaya niyo yan tiwala lang sa sarili. Nagsalita ako pero hindi talaga ako mahilig sa research nakakabaliw kaya!

"Miss Sierra come to the dean's office" sabi niya sakin at umalis na. Ha? wala naman akong record since tumapak ako sa school na to ah. Bat ngayon papapuntahin ako dun? Aish!