Prologo
Inaabangan ko ng tingin ang entrance ng High School Reunion na ito. Ang sabi ni Leo imbitado daw siya kaya naman panay ang tingin ko sa entrance kung nakarating na ba siya. It's been what? Five years nang iwan niya ang Pilipinas, nang iwan niya ang lahat... nang iwan niya ako.
I still do not know how to approach him. I still do not know if we are still friends. Pinutol niya lahat ng komunikasyon namin noon. Should I say sorry to him kahit na alam ko namang matagal na ang mga nangyari at nakalipas na ito? Dapat ko bang sabihin sa kanya na mahal ko siya at handa na ako sa anumang gusto niyang mangyari sa amin?
Regret. That is one word that usually comes to my mind. I am regretting for the things that I did not do, for the things I did not say, and for the feelings I did not show for him. I have many issues in life I do not know to handle that time. Masisisi niya ba ako? I am straight as a ruler... that time.
Alam kong wala akong karapatang magalit sa pag-iwan niya sakin dahil kasalanan ko naman ang lahat. Sinisisi ko ang sarili ko noon pa man sa mga nangyari.
Maybe we are studying History in school so that we can learn something from what happened in the past and we can refrain from doing the same mistakes. That's why I am here waiting for him. We need to talk. I am ready to fix for what happened five years ago. I do not want to live my life blaming myself from losing him. I hope that he can still accept me in his life... in his heart, again.
Dalawang oras na akong abang nang abang sa entrance ngunit wala pa rin ang taong iniintay ko. Niloloko lang yata ako nang gag*ng Leo na ito. Napagdesisyunan kong magtungo sa bar section ng hotel na pinagdadausan ng reunion. Umupo ako sa bar stool at nanghingi ng tequila sa bartender. Ininom ko ito na hindi alintana ang pagguhit nito sa aking lalamunan. Manhid na ako. Sanay na ako sa mga pasakit ng buhay.
Sometimes, heartbreaks make us stronger. Pain makes us who we are today. It shapes us for the things we might encounter more in life, for future failure and heartbreaks.
Naibaba ko na ang baso nang ininom kong alak nang may pamilyar na boses na magsalita sa kaliwang bahagi ko.
"I did not know that you are this one hell of a drunkard. Really? Drinking tequila emotionless?"
Nagulat ako sa taong nagsalita. Naghumerantado ang dibdib ko sa nagmamay-ari ng boses na ito. Hindi ako maaring magkamali. Ang taong kanina ko pa iniintay ito. Si Taiga.
Humarap ako sa kanya nang kinakabahan. Hindi ko napaghandaan kung ano ba ang sasabihin sa kanya. Napakurap pa ako ng tatlong beses para kumpirmahing siya ba talaga ang nagsalita. Isang baso ng tequila pa lang naman ang naiinom ko kaya sigurado akong hindi ako nagha-hallucinate.
This is it. Nandito na siya, Theo. If your past choices make you miserable, this is the right time to make up for it. Tama na ang limang taong kalungkutang iyong naramdaman. Fate wants the both of you to be happy with each other. Ayoko nang mabuhay nang puno nang kalungkutan.