Kabanata 2
Init
"Kumusta ka na?" tanong niya sakin. Napatingin ako sa kanya habang siya ay napataas-baba ng tingin sa kabuuan ko. "Mukhang big time na big time ka na aa?!" masigla niyang dagdag.
"Gag*! Mukha lang." sagot ko sa kanya.
"Uyyy, pareng Taiga! Nandyan ka na pala! Kumain ka na ba? Ang daming pagkain sa buffet table, kumuha ka na lang bago kayo maglasing dalawa diyan ni Theo. Alam ko namang miss na miss ka ni The—este miss na miss niyo na ang isa't isa!" singit ni Leo habang natatawang nakatingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin na para bang sinasabing manahimik nga siya sapagkat halata masiyado ang kanyang sinabi.
"No need! I have eaten already in my hotel room before I went here. I was tired because of almost 15 hours flight from England." balik ni Taiga.
"Oh sige, iwan ko muna kayong dalawa diyan aa! Mag-entertain lang ako ng ibang bisita. Enjoy lang kayo aa. Huwag masyadong mapusok!" paalala ni Leo habang natatawa pa.
Napailing na lang ako sa kanyang sinabi at napatitig sa pangatlong baso ng tequila na hawak ko na tila ba tinatangay ako upang alalahanin muli ang mapusok at mainit na nakaraan.
Nagkakasiyahan ang lahat sa isang hotel party room sapagkat ito ang araw ng kanilang Graduation Ball. Dalawang linggo na lamang kasi ay magtatapos na kami ng Senior High School. Nasa isang table lang ako sapagkat inaantay ko pa si Taiga na dumating. Mayroon namang ibang kumakausap sa akin ngunit hindi ko masyadong kinakausap. Puro tango at iling lang ang tugon ko sa kanila.
"Theo! Nasan na bestfriend mong si Taiga? A-attend ba yun? Sayang naman ambag niya kung hindi pupunta yun! Siya na lang ang wala sa attendance ko rito." pahayag ni Leonidas o mas kilala ng lahat bilang si Leo na student council president at siyang namahala upang maganap ang Graduation Ball na ito.
"Parating na raw siya. May inasikaso lang daw siya." banggit ko naman na itinaas pa ang aking cellphone upang sabihin na ti-next ko na ang aking kaibigan.
"Ganoon ba? Sige, iwan na muna kita rito. Kuha ka na lang ng food sa buffet table kung hindi mo na maintay si Taiga. Enjoy the party!" ngiti nito sa akin at tuluyan nang umalis.
Dama ko ang lamig ng lugar kaya naman pinunasan ko ng panyo ang salamin ko sa mata. Nasa dulo malapit sa pintuan ng malaking hotel function room na ito ang buffet table. Samantalang ang mga table naman na nakakalat ay nakapaikot sa dance floor sa gitna para sa gaganaping party mamaya. Aabutin yata kami ng madaling araw dito. Hindi naman ako sanay dumalo sa ganitong party. Kung hindi lang ako pinilit ni Taiga, hindi ako dadalo rito. Pinag-book na nga rin ako ni mama ng isang hotel room dito sakaling hindi na ako makakauwi. Aniya, mas maganda nang manatili ako sa hotel kaysa bumiyahe nang gabing gabi na. Delikado raw.
Napaigtad ako sa aking upuan nang may tumapik sa aking likuran. Sinuot kong muli ang aking salamin at nakita si Taiga suot-suot ang pinahiram kong dami. Guwapo talaga ang loko kaya maraming naloloko.
"Bro! Kain na tayo, ginugutom na ako, epal kasi si papa. May pinuntahan pa kami." aya nito sa akin. Sinipat pa niya ang itsura ko nang ako ay tumayo at napakagat sa labi.
"Guwapo natin aa. Baka agawan mo ako ng chicks mamaya." natatawa nitong sabi sakin.
"Ewan ko sa'yo! Halika na! Akala ko ba gutom ka na?" paalala ko sa kanya.
Nagtungo na kami sa buffet table habang binabati naman kami ng mga ka-batch namin. Ewan ko ba. Palaging sinasabi sa akin ni Taiga na kung tutuusin daw ay mas guwapo daw ako sa kanya. Isinasawalang bahala ko na lang ito sapagkat alam ko naman ang totoo. Siguro may itsura lang ako. Hindi katulad niya na puno ng kumpiyansa sa sarili kaya nadadala niya ang kanyang itsura. Siguro iyon ang wala ako na mayroon siya. Confidence.
Kumuha na ako ng kakainin ko. May iba't ibang mga putahe na nakahanda. Parang nasa Vikings Luxury Buffet lang kami sa dami ng mga pagkain. Binilinan pa ako ni Taiga na sakto lamang ang kainin sapagkat magpa-party pa raw kami mamaya. Hindi ko siya sinunod sapagkat hindi naman ako palainom. Occasionally lang.
Nagsimula na ang programa para sa aming Graduation Ball. Nagsalita na ang principal ng aming paaralan at isinagawa na ang iba't ibang mga seremonya. Pinanood pa nga sa amin ang video na ipinakita ang mga larawan na naganap sa buhay namin ngayong Senior High School. Those happy moments. Hindi ko rin mapigilan na mapangiti habang ito ay nakikita. Ang bilis lang ng panahon. Magtatapos na pala kami ng Senior High School.
Nagkaroon pa nga ng programa kung saan may ibinigay sa aming lahat na tatlong roses na may iba't ibang kulay: red, yellow at pink. Pinatayo kaming lahat ng host at ipinaliwanag sa amin kung ano ang gagawin namin sa tatlong rosas na hawak namin.
"Hindi ba kayo nagtataka kung bakit may hawak kayong tatlong rosas na may iba't ibang kulay? Simple lang ang gagawin ninyo. Ibibigay niyo ang tatlong rosas na iyan sa unang taong pumasok sa inyong isipan. Maaaring sa iba't ibang tao niyo ibigay ang rosas, pwede rin naman na sa isang tao lang." paliwanag ng host. Nagbulong-bulungan ang mga ka-batch ko sa sinabi ng host.
"Pink roses symbolize gratitude, grace, and joy. It means to say, you will give the pink roses to that person who you wants to say "Thank You" for the things that they have done to you." nagpalakpakan naman ang mga ka-batch ko sa sinabi ng host.
"On the other hand, yellow roses symbolize friendship and caring. You will give your yellow rose to your one memorable friend or bestfriend." paliwanag pa ng host. Napatingin ako kay Taiga na napangiti rin. Actually, siya lang naman ang maituturing kong bestfriend. Hindi ko lang alam kung ako ba ang pagbibigyan niya ng kulay dilaw na rosas. May iba rin kasi siyang kaibigan hindi tulad ko na siya lang talaga ang itinuturing na malapit na kaibigan.
"You may also give the yellow rose to your friend who you wants to say sorry and make up for the mistakes you have done." nagbulungan muli ang mga ka-batch ko. Mukhang mapupuno yata ng iyakan ang Graduation Ball na ito.
"Lastly, red roses symbolize love and romance. You may give it to your love of your life or to your crush as a symbol of your confession." nagtilian ang lahat sa sinabi ng host. Natigilan ako sa sinabi ng host. Kanino ko naman ibibigay ang red rose na ito? Siguro itago ko na lang. Wala namang makakapansin na hindi ako nagbigay.
"Everyone, you may now give those roses!" masiglang wika ng host.
Nagpuntahan naman na ang mga ka-batch ko sa mga taong nais nilang pagbigyan ng roses. Umupo ako sa table namin ni Taiga at iyon din ang kanyang ginawa. Marami sa mga ka-batch ko ang nag-iyakan lalo na yung mga nagkaroon ng kaunting away sa magkakaibigan. Mayroon namang mga nagtilian lalo na yung mga nag-confess sa mga taong gusto nila.
Iniabot ko kay Taiga ang yellow rose at kanya naman itong tinanggap.
"T-thanks!" pasalamat niya sa akin. Nawala ang atensyon niya sa akin sa mga naglapitan sa amin.
May mga lumapit sa akin para magbigay ng rosas. Nagulat pa ako dahil hindi ko inasahan na may mga babaeng mag-aabot sa akin ng red rose. Umabot din ng sampu ang naglakas loob na magbigay sa akin ng pulang rosas. Napailing na lang ako at napatingin kay Taiga. Abala siya sa pagtanggap ng mga rosas. Palibhasa'y palakaibigan at guwapo, marami siyang natanggap na rosas. One-fourth lang yata ng rosas na natanggap ko ang kanya.
Nagtama ang paningin naming dalawa. Bibiruin ko sana siya ngunit naunahan niya ako sa pagsasalita.
Iniabot niya sa akin ang tatlong kulay ng rosas, yellow, pink at red. Kumunot ang noo ko waring nagtatanong sa kanya kung bakit iniaabot niya sa akin yung tatlong rosas na iyon.
"S-sayo na lang yan, bro! Ayoko nang tumayo at para mabawasan na rin yung hawak-hawak kong mga rosas. Magmumukha akong nagtitinda ng bulaklak kung iuuwi ko pa yan." Paliwanag niya sa akin habang natatawa pa.
"Okay! Salamat na rin!" sabi ko sa kanya.
Nakatitig siya sa akin waring may tinitingnan sa aking likuran bitbit ang hindi ko maunawaang emosyon sa kanyang mga mata. Napabaling naman ang aking paningin sa kanyang tinitingnan sa aking likuran.
"T-Theo, for you nga pala!" wika ni Leo habang iniaabot sa akin ang pulang rosas.
"H-ha? S-sigurado kang para sa akin yan?" tanong ko sa kanya habang nakaturo ang aking daliri sa akin.
"Yes! T-take it as a sign na I like you... as a person." napatango na lang ako sa kanyang sinabi at nagdalawang isip pa na kuhanin ang rosas ngunit siya na mismo ang kumuha ng aking kamay para matanggap ang pulang rosas.
Mabuti na lamang at abala ang lahat kaya tingin ko ay walang nakapansin sa kanyang ibinigay sa akin.
"Thank you!" pasalamat ko sa kanya. Napadako ang aking paningin kay Taiga na nakakunoot ang noo.
"A-are you gay, Leo?!" nagulat ako sa tanong ni Taiga kay Leo na ngayon ay nakahalukipkip na at nakaupo.
"Hmmm. Let's just say I'm attracted to anyone regardless of their gender. I'm pansexual." katwiran ni Leo na hindi ko naman naintindihan. Pwede ba yun? Magkakagusto ka kahit ano pa man ang kasarian ng isang tao. Naguguluhan ako sa kanyang sinabi.
Napatango si Taiga sa sinabi ni Leo. Di bale, pagkaalis ni Leo saka ko itatanong kay Taiga ang mga sinabi ni Leo.
"Anyway, I have to go na. Pasalamatan ko lang mga teachers saka admin sa pagpunta nila sa Graduation Ball nang sa gayon ay makauwi na sila. Any minute, we will be starting the highlight of this Grad Ball! It's time to party!" masaya nitong wika at ngiti sa akin. Nahawa na rin ako sa kanyang ngiti kaya napa-smile na lang ako sa kanyang sinabi. Ang daming enerhiya sa katawan. Hindi kaya siya napapagod?
Umalis na si Leo sa aming harapan kaya kinalabit ko si Taiga. "A-ano yung sinabi ni Leo kanina? Hindi ko naintindihan."
"Don't mind it too much. Hindi naman importante." masungit nitong sabi sa akin. "Huwag kang aalis dito mamaya kapag nagsayawan na sa party aa. Tanggihan mo na yung mga mag-aaya sa'yo ng sayaw dahil alam ko naman hindi ka komportableng sumayaw at kumausap ng iba." istriktong sabi nito sa akin.
"I thought you said that I should be experiencing this? Come on, college na tayo sa pasukan. I think I should start exploring our youth just like what you are always saying to me." pangongontra ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto kong kinokontra siya lagi. Lagi kasi siyang nakakunot ng noo at laging sumusuko sa argumento naming dalawa kaya natatawa na lang ako.
"Bahala ka!" inis nitong sabi. Hindi ko maunawaan kung bakit naiinis ang mokong na ito. Siya ang nagpupumulit sa akin lagi na huwag masyadong mailap at mag-explore, ngayon ayaw niya? Baliw ba itong kaibigan ko?
Ilang minuto lang ay napalitan ang musika ng pang-party na tugtugin, namatay ang ilaw at pumailanlang sa buong lugar ang party lights. Ang mga waiter kanina ay iba't ibang uri na ng alak ang iniaalok. Hindi ko alam kung paano nagawan ng paraan ni Leo na magkaroon ng iba't ibang alak sa Grad ball. Siguro dahil sa wala naman kami sa vicinity ng school kaya allowed ito ngayon. Ang Student Council naman kasi ang nag-organize nito at magaling si Leo bilang lider kaya pinagkatiwala sa kanya ang Grad Ball nang malaki.
"Umiinom ka ba, Theo?" tanong sa akin ni Taiga.
"Oo naman! Pero more on wine."
"Ano ka ba! Pangmatatanda lang ang wine na hindi kaya ang matataas na alcohol content! Bata pa naman tayo kaya try something new!" wika niya sa akin.
May sinabi siya sa waiter at ilang minuto lamang ay may inilapag na baso ang waiter na may likidong kulay pomelo.
"Ano yan, bro?" tanong ko kay Taiga. Kinuha ko ang baso at tinikman ang inumin. Lumukot ang mukha ko nang matikman ito.
"Vodka yan, bro." wika niya sabay tawa nang makita ang lukot kong mukha. "Sa simula lang yan, masasanay ka rin mamaya sa lasa. Masarap yan." wika niya.
Tinikman ko ulit ang vodka at habang tumatagal ay totoo nga ang sinabi ni Taiga. Masarap naman pala ito. Nagkukuwentuhan pa kami ni Taiga tungkol sa papasukan naming kolehiyo nang sumingit si Leo sa aming usapan.
"Mind if I join you, guys?" napatingin ako sa kanya. He's smiling from ear to ear and I could say that he can pass as a toothpaste model. Tumango ako sa kanya at ngumiti rin.
"I heard na sa UP kayo mag-aaral? What's your degree program?" tanong niya sa amin ni Taiga.
"Architecture, we both choose architecture. Well, bestfriends! Since grade 7 pareho kami nang gusto sa buhay ni Theo." sagot ni Taiga.
"Well, good for the both of you."
"Ikaw ba pare, ano'ng degree program mo at saan ka mag-aaral? Don't say na mag-UP ka rin?" tanong ni Taiga.
"Hmmm... I'm planning to take Business Management. My Dad wants me to take over our small business. For the school, actually I am still thinking about it." tugon ni Leo. Lumingon sa akin si Leo at ngumiti. "I think I have decided now on what school should I pick."
"Try to take an entrance examination in Enderun College. I heard that Business Management is their forte. They are well-known as a business college. Try your luck there." suhestiyon ni Taiga.
"Hmmm.. Nah! I have decided to study in UP. Besides, it's a free campus. I want to fully exercise my freedom. I heard also that UP is one of the best universities here in the Philippines." balik ni Leo.
Tumango naman ako sa sinabi ni Leo. Yun din naman ang dahilan ko kung bakit sa UP ko nais mag-aral sa kolehiyo.
"Anyway, guys! Let's party! Sayaw tayo doon!" masiglang aya ni Leo habang nakanguso sa dance floor na puno na ng mga estudyanteng nasasayawan. Buti na lamang at medyo nasa gilid kami kaya naman nagkakarinigan pa kami sa aming pagkukwentuhan.
"Thanks. Wala ako sa mood makiparty. Napagod yata ako today." tanggi ni Taiga.
"Ikaw, Theo? Tara, sayaw tayo doon! Let's have some fun!" aya ni Leo.
Hindi na ako nakaangal sa kanya dahil hinatak na niya ako patayo. Lumingon ako kay Taiga at sinenyasan siyang sandali lang ako. Hindi naman maipinta ang kanyang mukha. Siguro naaasar dahil naiwan siyang mag-isa sa table.
Pumailanlang ang masayang musika sa dance floor. Nagkakasiyahan ang lahat na para bang wala nang bukas. May iba na may tama na yata sa alak na iniinom ngunit nakikisabay pa rin sa musika. Kaharap ko ngayon si Leo sa dance floor. Wala na rin akong nagawa kung hindi ang makisayaw na rin. Ayoko namang magmukhang tanga roon na nakatayo lamang.
Nagulat ako sapagkat may humila sa akin paharap. Namumukhaan ko siya. Siya si Morgana na isa sa nagbigay sa akin ng pulang rosas. Magandang babae si Morgana kung tutuusin. Maputi, makinis, hindi nga lang katangkaran ngunit kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan sa suot niyang maikling dress. Sumayaw siya sa aking harapan. Humawak siya sa aking balikat at tumalikod sa akin habang gumigiling-giling. Naramdaman ko ang kanyang pang-upo na kumikiskis sa aking harapan. Wala namang nakapansin sa kanyang ginagawa sapagkat abala ang lahat sa pakikipagsayaw at madilim ang paligid. Tanging party lights lamang ang nangingibabaw sa paligid.
Hindi naman nagpatalo ang kasayaw ko kanina na si Leo at nakisayaw na sa amin. Nailing na lang ako sa mga nangyayari. Huminto ako sa pagsasayaw at hinawakan sa balikat si Morgana. Nagsalita ako sa kanyang tenga.
"Balik na ako! Thank you for the dance!" sigaw ko sa kanya para marinig niya ako.
"Mamaya ka na bumalik! Let's enjoy the moment!" balik nito sa akin.
Nasa gilid ko pa rin si Leo na patuloy pa rin sa pagsayaw. Hinatak ko siya para siya na ang maging kaharap ni Morgana.
"Kayo na lang dalawa ang magsayaw! I'm not into dancing! Enjoy!" sabi ko sa kanila. Hindi ko na sila nilingon at baka mapilit pa nila akong huwag nang umalis.
Bumalik ako sa table namin ni Taiga. Napabagal pa ang aking paglalakad dahil may ilan-ilang taong lumalapit sa kanya ngunit sinusungitan niya lang. Inaaya yata siyang sumayaw.
"Ayaw mong sumayaw, bro? Chance mo nang mambabae!" sabi ko sa kanya.
"I'm not in the mood! Tara, inom na lang tayo! Pakalunod tayo sa alak dahil sa pag-aaral naman tayo magpapakalunod after nito!" anyaya sa akin ni Taiga.
"Nakakailang baso ka na?" tanong ko.
"Pangatlo pa lang naman."
"Ang daya! Pangalawa ko pa lang ito. Lasenggo ka masyado, bro." biro ko.
Nagkatawanan na lang kami sa sinabi ko at nagtawag kami ng waiter.
Lumipas pa ang ilang oras at tingin ko ay may tama na rin ako ng alak. Gayundin si Taiga. Vodka ba naman ang inumin namin. Mataas-taas din ang alcohol content ng vodka.
"Sunduin ka ba, bro? Mukhang di ko na kayang umuwi sa sobrang lasing." wika niya na namumungay na ang mga mata.
Kumurap-kurap pa ako ng aking mata. May tama na ako ng alak. Feeling ko anomang oras ay tutumba ako. Umiikot na rin ang aking paningin. Hindi rin nakakatulong ang pag-ikot ng mga ilaw.
"Hindi ee. Naka-book ako sa isang room dito sa hotel."
"Yes! Tara na, bro. Lasing na ako. Pahinga na tayo. Baka mapagsamantalahan pa ako kapag nakatulog ako rito." biro niya.
Natawa rin ako sa kanyang sinabi. Tumayo na kami at umalis sa pinagdadausan ng party. Magkahawak pa kami ng balikat nang pumunta sa reception. Binigay naman sa amin ng receptionist ang susi ng hotel room namin at sumakay na kami sa elevator. Lasing na talaga si Taiga. Kung ano-ano na ang mga sinasabi. Natatawa pa nga ang mga kasabay namin sa elevator dahil sa sintunado niyang pagkanta.
Nakarating na kami sa harap ng pinto ng hotel room. Binuksan ko ang pinto at natumba pa kami pareho. Nagtawanan lang kaming dalawa sa sobra naming kalasingan. Tumayo kami at sinarado ang pinto. Nang makapasok, hinubad lang namin ang aming tuxedo at sapatos, at itinira ang pantalon at polo. Binuksan ko ang bedside lamp upang may maaninag akong liwanag. Napahiga naman ako dahil sa kakulitan ni Taiga. Hinilia niya ako pahiga.
Napatawa kami sa nangyari. Ilang minuto lang, napatingin ako sa kanya kung nakatulog na ba siya. Hindi kasi siya nagsasalita. Nakita kong nakatitig siya sa akin at hindi ko malaman kung anong ipinahihiwatig ng kanyang mga titig. Tila ba tinatangay ako nito papunta sa ibang dimensiyon. Napakagat pa siya ng labi bago magsalita.
"B-bro!" sabi niya sa akin.
Nakatitig lang ako sa kulay tsokolate niyang mga mata. Naghuhuramentado ang aking dibdib sa hindi malamang dahilan. Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari. Hindi ko alam kung epekto ba ito ng ininom naming alak. Anong nangyayari?
Unti-unting lumalapit ang kanyang mga mukha sa akin habang pareho na kaming nakatagilid paharap sa isa't isa. Inalis niya ang aking salamin at muling tumitig. Pumikit ang kanyang mga mata at tila ba nahipnotismo ako sa pagtitig sa kanya. Napasunod ako nang pikit at naramdaman ko ang pagdikit ng kanyang mga labi sa akin. Malambot ito.
Hindi ako nakakilos sa mga nangyari. Nagulat ako sa pagdampi ng kanyang mga labi sa akin. Tila ba naestatwa ako habang nakapikit samantalang siya ay tila ba naninimbang pa.
Gumalaw ang kanyang mga labi samantalang ang sa akin ay hindi ko ikinikilos. Naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga dila sa entrada ng aking bibig. Tila ba nais nitong pumasok sa aking bibig. Hindi ako gumalaw. Hindi ako makapag-isip. Hindi ako makatanggi. Nalalasing sa kanyang mga halik. Nag-iinit ang aking katawan. Nanunuyo ang aking lalamunan.
Gumalaw ang kanyang mga kamay papunta sa aking mga mukha. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakatanggi sa kanyang mga halik. Nakisabay na rin ako sa kanyang mga halik. Hindi nagpatalo, tiyak walang mananalo. Halos maubos na ang aming hininga sa mapupusok naming halikan. Wari'y sabik na sabik sa isa't isa.
Ilang minuto lang ay natapos na rin kami sa aming halikan. Hingal na hingal sa naganap. Magkadikit ang aming mga noo at nakapikit. Hindi ko yata kayang tumingin sa kanyang mga mata sa nangyari. Natatakot akong sa pagdilat ko ay matangay akong muli ng kanyang mga mata at maulit muli ang pag-iisa ng aming mga labi.
"B-Bro." tanging nasabi niya.
Napadilat ako ng mata waring nagtatanong kung bakit. Nang hindi siya magsalita, naglakas loob akong magsalita.
"A-Are w-we g-gay?" nauutal kong tanong sa kanya.
Nagtagal ang titig niya sa akin bago tumugon sa aking tanong.
"D-Dont overthink too much! T-Trip lang ito. We are just enjoying each other. Masarap naman di ba?"
Hindi ako nakatugon sa kanyang sinabi. Aaminin ko, nalasing ako sa kanyang mga halik. Magaling siyang humalik. May nahalikan naman na ako noon ngunit hindi katulad ng paghalik ni Taiga na para bang mahihimatay ako sa bawat dampi ng kanyang mga labi. Nakalulunod.
"W-We're friends right?" tanong ko sa kanya.
"Yeah." pagod niyang tugon sa akin.
Nagulat ako sapagkat sinunggaban niya akong muli ng kanyang nakalalasing na halik. Hindi ko inasahan na mauulit muli. Hindi ko alam kung paanong nangyaring nakahawak na rin ako sa kanyang mga mukha at nakapatong na sa kanyang katawan. Sinasabayan ko ang kanyang galaw. Ang init ng aming katawan ay hindi matumbasan ng lamig na lumalabas sa aircon. Ang mabagal na galaw ng kanyang halik ay tila ba may nais iparating sa akin. Hindi ko maunawaan.
Nagpatangay na lang ako sa init na aming inilalabas sa pamamagitan ng halik. Tila ba na sa pamamagitan ng mga halik ay mabawasan ang init na aming nararamdaman. Ngunit nagkamali ako. Mas lalo lamang tumindi ang init na aming nararamdaman.
Hindi ko alam kung paanong nangyaring pareho na kaming walang saplot sa katawan. Hawak-hawak ang ipinagmamalaking ari ng bawat isa. May ipagmamalaki rin naman ang aking anim na pulgada. Mas mahaba lang nang kaunti ang kanya ngunit mataba. May kakinisan ang akin dahil na rin siguro sa kaputian, ang sa kanya naman ay maugat.
Patuloy pa rin kami sa walang sawang pagpapalitan ng mga halik habang nagtataas-baba ang aming mga kamay sa ari ng bawat isa habang nakahiga. Bumilis nang bumilis ang kanyang paggalaw sa aking ari kaya naman ginaya ko rin siya. Hingal na hingal kami. Tumigil siya sa paghalik sa akin at pinagdikit ang aming mga noo. Ilang sandali pa ay nagsalita siya.
"F*ck! M-malapit na ako! S-sabay na tayo!" sigaw niya na parang nahihirapan.
Napatango na lamang ako at sabay naming inilabas ang init ng aming mga katawan. Iniabot ko ang panyo ko upang punasan ang mga likidong nagkalat sa aming mga katawan. Hinalikan niya akong muli at hindi ko na matandaan kung paano ako nakatulog matapos ang mga nangyari. Nagpatangay kami sa init na nararamdaman.