Chereads / Tailing Taiga Rosseau (BXB) / Chapter 4 - Kabanata 3 (Pangarap)

Chapter 4 - Kabanata 3 (Pangarap)

Kabanata 3

Pangarap

"By the way Theo, natupad mo ba pangarap mo? Arkitekto ka na?" tanong ni Taiga.

Napabalik ako sa realidad sa kanyang tanong. Huminga ako nang malalim at matamlay na ngumiti. Nakatitig lamang ako sa baso ng alak na hawak ko sa kamay bago tumugon sa kanya.

"Oo naman. I'm a licensed architecture now. I passed the licensure exam 2 years ago. So technically, nag-uumpisa pa lang ako sa career bilang architect." sagot ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya upang magtanong. "How about you? Arkitekto ka na rin ba? What a question! Of course sa talino mong yan nakatapos—"

"No! I am not an architect." pagsingit niya sa akin. Napakunot ang noo ko dahil di ko inasahan ang sinabi niya. "Nagshift ako ng degree program noong nasa England na ako. I pursued Culinary Arts."

"Culinary Arts? Ang layo naman nun sa Architecture. Anong nangyari?" kuryoso kong tanong.

"Let's just say, hindi pala iyon ang calling ko. Hindi iyon ang pangarap ko. Siguro nabulag lang ako na pangarap ko ang Architecture pero mas matimbang pala ang Culinary Arts. Hindi pala Architecture pangarap ko that time, iba pinapangarap kong makuha that time." aniya na napaklang nakangiting nakatingin sa akin.

Humingi siya ng alak sa bartender kaya nawala ang atensyon niya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya na puno pa rin ng mga katanungan sa utak. What the hell happened? Ang dami kong hindi alam.

Masakit at kumikirot ang ulo ko. Napabaling ako sa kanang bahagi ng kama na hinihigaan ko. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi.

Ano bang nangyari? Bakit ang sakit ng ulo ko? Ang dami ko bang nainom na alak?

Pagharap ko sa kanan. Napayakap ako sa bulto ng isang tao. Si Taiga yata ito. Naaalala kong nakisuyo siyang makitulog sa hotel room ko dahil lasing na lasing na kami. Sanay naman na akong magkatabi kami sa kama minsan. Palagi siyang nasa bahay at madalas ay nakiki-overnight.

Nabigla ako sa aking kinahihigaan nang bigla siyang yumakap sa akin habang natatakpan pa rin kami ng kumot. Dumikit ang kanyang ilong sa leeg ko na para bang may inaamoy. Naiilang ako sa nangyayari. Tinulak ko siya para makaalis sa yakap niya sapagkat hindi ko mapigilan ang kiliti na bumabalot sa akin sa pagtama ng kanyang hininga sa leeg ko ngunit hindi siya nagpatinag. Mas lalo lamang humigpit ang yakap niya.

Nanigas ako sa aking kinahihigaan. Napansin kong wala kaming damit sa katawan. May kung anong matigas na bagay sa hita ko ang nararamdaman ko. Matigas. Mahaba. Mataba. Mainit.

Tuluyan na akong nanigas nang unti-unting bumalik sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. Para itong sunod-sunod na nag-flash sa aking utak.

Nalasing, pumasok ng hotel room.

Natumba sa pinto, nagtawanan.

Naghubad ng coat, hinila pahiga.

Napatingin kay Taiga, nadala sa mga titig.

Halik, mapanuksong mga halik.

Ang mga dila na hinahalukay ang kabuuan ng aking bibig.

Mga pag-ungol at pagyakap naming dalawa.

Nakalalasing na mga halik.

Masarap na paghagod ng kanyang mga kamay sa aking sandata.

Mainit na pakiramdam na inilabas.

P*tang ina! Anong nangyari?

Sumabay sa sakit ng ulo ko ang halo-halong emosyon, ang halo-halong pumapasok sa isip ko.

P*utang ina! Totoo bang nangyayari ito?

"F*ck! Taiga!" sigaw ko sa kanya at itinulak siya para magising. Napasandal pa ako sa headboard ng kama at napasapo sa ulo kong masakit.

Ayoko nang uminom ng alak, p*ta!

"Ano ba yun? Ang aga-aga pa!" balik nito sa pag-istorbo ko sa kanyang tulog.

"T*ang ina! T*ng ina! T*ang ina! Hindi pwede ito! Anong nangyari sa atin!" galit kong sigaw sa kanya.

Napabangon na rin si Taiga mula sa pagkakahiga. Gulat siyang napatingin sa akin at sa sarili niya. Pumikit ito na para bang inaalala ang mga pangyayari.

Dumilat siya at tumitig sa akin. Naninimbang. "B-Bro." bulong niya.

Lumapit si Taiga at sumandal din sa headboard ng kama. Lumayo naman ako sa kanya para di magdikit ang mga balat namin.

"F*ck! Para naman akong may nakakahawang sakit kung makalayo ka sakin!" singhal niya sa akin.

"B-Bakla na ba tayo, bro?" nag-aalangan kong tanong sa kanya habang nakatingin sa kanya.

Nagkatitigan na naman muli kami ng mga mata. Para na naman akong dinadala sa kung saan man ng kulay tsokolate niyang mga mata. Huminga siya nang malalim bago nagsalita.

"Nasarapan naman tayo kagabi di ba? Nasarapan ka naman di ba?" tanong niya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. "Look at me, Theo!" sabi niya at iniharap ang mukha ko sa kanya gamit ang kanyang kamay.

Seryoso ang kanyang mga mukha nang muli siyang magsalita. "Stop overthinking. It will not make you less as a person because of what happened to us last night..." sabi niya at hinawakan pa ng kanyang kanang hinlalaki ang labi ko. "And besides, what matters most is what you have felt last night. Huwag kang mag-deny, ramdam kong nasarapan ka at nag-enjoy sa ginawa natin." pagpapaalala niya at napakagat pa siya sa kanyang mga labi. Hindi ako komportable sa ginagawa niya.

Para bang anong oras matatangay na naman ako ng init.

"P-Pero hin--..." hindi ko na natapos ang aking sinabi dahil sinakop na muli ng kanyang mga labi ang aking labi.

Gumalaw ang kanyang mga labi ngunit nanatiling tikom ang akin. Hinawakan niya ang mukha ko at mas lalo pang pinalalim ang mga halik.

Tang ina, ganito niya ba kinukuha ang puso ng mga babae niya? Ang sarap niyang humalik.

"S-Stop!" tulak ko sa mukha niya. "M-May morning breath pa ako. B-Baka mabaho." utal kong sabi at napaiwas nang tingin sa kanya.

"So kapag naka-toothbrush na tayo, puwede na ulit kitang halikan?" tanong niyang ikinalaglag ng panga ko. "Tara na sa cr, maghilamos at mag-toothbrush na tayo nang makarami!" hatak niya sa kamay ko.

"G*ago!" mura ko sa kanya sabay kutos sa kanyang ulo.

Nagtawanan na lang kami sa nangyari para mawala ang awkward atmosphere sa paligid.

"Pero seryoso, Theo. Kung straight ka sa tingin mo, ehdi yun ang paniwalaan mo. Kung iyon ang nararamdaman mo... Let's just explore our sexuality and enjoy everything. Wala namang mawawala di ba? Masasarapan pa tayo, masasarapan ka. Hindi mo na kailangang maghanap ng paglalabasan mo ng init. Hindi na rin ako maghahanap ng paglalabasan ko ng libog. Let's pleasure each other!" aniya at tumaas pa ang kanyang kilay.

"Ewan ko sa'yo!" sabi ko at tumayo.

Nakalimutan kong wala nga pala akong suot na kahit na anong damit kaya dali-dali kong kinuha ang mga nagkalat kong damit para makapunta sa cr. Sinusundan lang ako ng tingin ni Taiga habang nakangisi.

"Bro, ang sexy mo pala kapag nakahubad. You should do that in front of me more often." wika niya na nakapagpula sa mukha ko.

"G*ago!" sigaw ko sabay bato ng mga pinulot kong damit para itago ang pamumula ko. Tumakbo ako agad ng cr at isinara ang pinto habang rinig ko pa ang mga tawa ni Taiga.

Napailing na lang ako sa mga nangyari.

Hayaan na nga, huwag na ngang mag-isip nang kung ano-ano. Tutal, masarap naman talaga!

Naligo ako at nagtoothbrush. Ipinulupot ko sa bewang ko ang tuwalya at lumabas na ng cr.

Tumayo na rin si Taiga sa kama nang makitang tapos na rin ako. Iniiwasan ko ang mapanuring tingin niya.

"Nice ass! Ligo na nga ako, baka ano pang mangyari." aniya habang natatawa pa.

"T*ang ina mo ka, kupal ka! Napakalibog mo!" mura ko sa kanya.

Nagtungo na siya sa cr. Pinulot ko ang mga nagkalat na gamit sa sahig at iniayos ito. Kinuha ko rin sa bedside table ang salamin ko para itago. Nakita ko pa nga ang panyo na pinagpunasan ng tamod namin kaninang madaling araw. Kinuha ko ang panyo at inilapit sa ilong.

P*ta! Napakabaho! Amoy tinamuran nga!

Itinapon ko ang panyo sa basurahan at napailing na lang. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto ng cr. Nakasilip ang ulo ni Taiga sa pinto.

"Bro! Di ka pa nakabihis? Pakikuha naman ng sinuot ko kagabi para dito na ako magbihis. Wala akong dalang damit. Ang lamig naman kasi kung diyan pa ako magbibihis." pagpapaliwanag ni Taiga.

"Nautusan pa nga!" naiiling ko na lang na sabi.

Kinuha ko ang bag ko. Buti na lang may extra akong mga damit. Hindi ko na kinuha ang sinuot niya kagabi. Iniabot ko na lang sa kanya ang extrang t-shirt at short ko.

"Wala ka bang extrang brief diyan? Okay lang naman sakin kahit gamit na, basta nalabhan naman." sabi niya.

"Brief ko talaga? Kadiri ka, Taiga!" sabi ko.

"Kadiri pala ha! Halika nga!" wika niya sabay hila sa kamay ko.

Isinandal niya ako sa pader ng cr habang nakangisi.

"Nakapag-toothbrush na ako, Theo." aniya habang nakatitig sa aking mata. Bumaba ang kanyang mga mata sa aking labi.

Umiwas ako ng tingin. "So? Ikauunlad ba yan ng Pili—" sabi ko ngunit di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinakop na ng kanyang labi ang aking bibig.

Gumalaw ang kanyang labi at kumakatok sa aking labi ang kanyang mainit na dila. Ilang sandali ay huminto siya at idinikit ang kanyang noo sa akin. Magkatitigan kami ng mga mata habang siya ay nakahawak sa pisngi ko. "Shut up and kiss me! Let's pleasure each other..." sabi niya.

Hindi ko na hinayaang madugtungan pa niya ang kanyang sinabi at ako na mismo ang humalik sa kanya. Hinawakan ko rin ang kanyang mukha.

Parang huminto ang mundo sa ginagawa namin. Hindi namin alintana ang mga nangyayari sa paligid. Sariling mga ungol lang namin ang siyang naririnig sa bawat halik na aming ginagawa sa isa't isa.

Lumakbay ang kamay ni Taiga sa iba't ibang parte ng aking katawan. Hinablot niya ang tuwalyang nakapalibot sa aking bewang at itinapon kung saan. Tatanggalin ko rin sana ang kanya ngunit wala akong telang nakuha sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Ang kanyang mainit na sandata ang aking nahawakan. Uminit ang aking pakiramdam at pisngi sa nahawakan ko at agad din namang binitiwan.

"Ang bilis naman ng kamay mo, bro. Malibog ka din pala!" tukso niya sa akin.

"G*ago!" mura ko. "Dun ka na nga!" tulak ko sa kanya dahil baka kung saan pa mapunta ang lahat kung hindi ko siya pipigilan.

Tumalikod na ako sa kanya para kunin sana ang tuwalya ngunit mabilis niya akong naipaharap sa kanya.

"Not so fast, bro!" aniya at inatake niya akong muli ng kanyang masarap na mga halik.

Tumugon na rin ako sa kanyang mga halik. Inaatake niya ako ng mga halik habang itinutulak papasok ng shower. Binuksan niya ang shower at napabitaw sa mga halik niya.

"Kakaligo ka lang!" angal ko.

"Masarap maligo kapag may kasama." katwiran niya sabay halik muli sa akin.

Hindi na ako nakaangal pa dahil nabaling ang atensyon ko sa nakalalasing niyang halik. Masarap humalik si Taiga. Madadala ka talaga sa mga halik niya. Unti-unti na rin akong nababalot sa init ng mga pangyayari. Hindi kayang patayin ng tubig na lumalabas sa shower ang init na dala ng aming halikan.

Naglakbay ang mainit na kamay ni Taiga sa iba't ibang parte ng aking katawan. Mula ulo, leeg, balikat, braso, bewang, at maging ang aking pang-upo ay hindi niya pinalampas na hawakan. Nailang ako sa kanyang ginagawa ngunit mas pinarahas niya pa ang paghalik sa akin nang maramdaman ang aking pag-aalinlangan.

Ilang sandali pa, naramdaman ko ang kanyang kanang kamay sa akin, sa sandata ko. Kanina pa pala ito nakatayo. Mistulang yelo na pala sa tigas ang aking ari. Gayundin ang sa kanya.

Sh*t! Is this really happening? Kung kaninang madaling araw lasing lang kami, ngayon ay hindi na. Mas masarap pala sa pakiramdam kapag nasa tama kang pag-iisip!

Gumalaw paatras abante ang kanyang kamay sa akin. Kinuha niya ang kamay ko para hawakan din ang kanya. Napaso ako sa init ng kanya kaya naman binawi ko ang kamay ko. Pero hindi siya nagpatalo. Kinuha niya muli ang kamay ko at dinala sa mainit niyang ari habang mas lalo niya pang ginalingan ang paghalik sa akin.

Ginaya ko ang ginagawa niya.

Atras. Abante. Atras. Abante

"Oh sh*t! Ang sarap mo, Theo! Aaaggh!" ungol niya. "Dapat pala dati pa natin to ginawa! Aaaggh!" ungol niyang muli na nakapagpaungol din sa akin.

"May susubukan ako na alam kong mae-enjoy mo." sabi niya.

Huminto siya sa paghalik sa akin. Pinatay niya ang shower at nagulat ako sapagkat lumuhod siya sa aking harapan.

Hindi na ako nakaangal at nakapag-isip pa sapagkat inatake ng kanyang mga labi ang hita ko at singit. Napahalinghing ako sa kiliting bumabalot sa akin. Napahawak na ako sa kanyang mukha at minsan ay napapasabunot na rin sa kanyang buhok. Inilalayo ko ang katawan ko sa mukha niya minsan dahil hindi ko mapigilan ang kiliting nararamdaman. Napasandal ako sa pader habang dumako na ang kanyang labi sa ari ko.

"S-Sh*t! Ang init ng bibig mo! I-It feels so good, aaaggh!" tanging nasabi ko na lamang.

Nahirapan siya noong una. Halatang unang beses niya pa lang ginawa sapagkat sumasabit pa minsan ang kanyang ngipin. Kalaunan, nasanay na rin siya sa paggalaw ng kanyang bibig at nakuha na niya ang tamang ritmo. Sumasabay na rin ang aking bewang sa kanyang ginagawa.

Ilang minuto lang ay hindi na ako nakapagpigil. Nailabas ko ang dapat na ilabas. Mabilis na tumayo si Taiga at iniluwa ang inilabas ko sa kanyang bibig.

"F*ck! Hindi mo sinabi na lalabas na! Ang pakla ng lasa!" sabi niya na masama ang tingin sa akin.

Pagod lang akong nakasandal sa pader. "S-Sorry! Hindi ko napigilan." pagod na nasabi ko na lang.

"Next time uminom muna tayong pineapple juice bago sumabak." wika ni Taiga sabay kindat.

Magtatanong pa sana ako ngunit mabilis niyang binuksan ang shower at sinabunan ang aking katawan. Ganoon na rin ang ginawa ko sa kanya.

Dumating na ang araw ng Graduation namin sa Senior High School at naulit nang naulit ang mga nangyayari sa amin ni Taiga. Hindi ako makatanggi sa sarap na dulot ng ginagawa namin. Nasubukan ko na rin na isubo ang kanya. Nahirapan ako sapagkat may kalakihan at katabaan ang kanya. Ngunit, sabi niya'y natuto na rin ako habag tumatagal kaya mas ginanahan ako sa pagsubo. Mas magaling pa daw ako kaysa sa mga naging babae niya. Bagay na tinawanan ko na lang.

May mga pagkakataon na sa amin namin ginagawa ang make out session namin, mayroong pagkakataon na sa kanila. Nanaig na sa amin ang makamundong pagnanasa sa isa't isa.

Minsan pa nga kahit sa mga pampublikong lugar ay nagawa na rin namin. Kahit ang kotse na bigay sa akin ni papa bilang graduation gift ay nabinyagan na namin. Nakadadagdag sa excitement ang gawin ang mga bagay na iyon sa mga lugar maliban sa kwarto. Nakadadagdag sa init ang kaisipan na anumang oras ay pwedeng may makakita at makahuli sa amin.

Dumating ang panahon na hindi na kami nakuntento sa make out session at pasubo-subo lang. Nag-eksperimento kami ng iba.

"Bro, f*ck mo ko. Nag-search ako sa Google kung anong gagawin. Bilis! Hangga't wala pang tao sa bahay!" pagmamadali niya.

Walang tao sa bahay at kaming dalawa lang dahil bakasyon pa. Si papa ay nasa hardware store namin na negosyo samantalang si mama ay kasama ang kapatid kong babae para magpa-enroll.

Wala na kaming sinayang na pagkakataon. Tutal gusto naman niyang subukang magpapasok. Unang beses ko itong mararanasan. Sa lalaki pa, sa kanya pa.

Nagsimula na kami ng foreplay. Walang puknat sa pakikipaghalikan. Himas dito, himas doon. Subo dito, subo doon. Hanggang sa tinuruan niya ako kung ano ang gagawin.

Putsa! Kaya pala ang tagal niya sa cr. Naglinis daw siya kanina gaya nang sabi sa Google.

Pinasok ko ang isang daliri sa butas niya gamit ang lubricant na binili niya. Nang masanay siya ay dalawa na hanggang sa naging tatlo. Hanggang sa ipalit ko na ang sandata ko na pumapasok sa kanya.

Noong una ay napaluha pa siya ngunit kanyang tiniis. Namura pa nga niya ako dahil binigla ko raw. Dahan-dahan daw muna. Ngunit hinalikan ko siya para mawala ang konsentrasyon niya sa sakit.

Nang masanay siya, tinapik niya ako para gumalaw, na siya ko namang sinunod. Noong una ay swabe ang paggalaw ko ngunit pagtagal ay walang habas na akong gumalaw. Kung ano-anong mga posisyon ang aming ginawa. Mayroong nakapatong siya sakin nakaharap at nakatalikod. Mayroong nakadapa siya at ako ang nasa likuran niya.

Ngunit ang paborito ko sa lahat ay ang nakahiga siya't nakahawak sa kanyang mga hita habang nakadapa ako sa kanyang harapan. Nahahalikan ko kasi siya habang gumagalaw.

"Aaaggh! Ang sarap mo, Theo. F-Faster!" hiyaw niya sa akin na sinunod ko naman.

"M-Malapit na ako!" sigaw ko at lumabas na nga sa kanyang loob ang dapat ilabas.

Pawis na pawis kami sa nangyari kahit aircon naman ang aking kwarto. Umalis ako sa pagkakadapa sa kanya at nahiga sa kanyang tabi habang nakapikit pa.

"That was great! Next time ikaw naman magpapa-f*ck. Ikaw naman pasukin ko." sabi niya na nakapagpalingon sa akin.

"F*ck mo mukha mo!" tugon ko sabay tulak sa mukha niya.

"Sige na! Promise masarap siya, sa una lang masakit pero pag tumagal masarap na." sabi niya sabay lingon sa akin.

"Eh masarap naman pala ehdi ikaw na lang lagi papasukin ko!" sabi ko sabay tawa sa kanya.

"Napakadaya! Ikaw rin, hindi mo matitikman kung paano ako mangromansa kapag may pinapasok." sabi niya.

"Kahit hindi na, salamat na lang sa lahat." tugon ko na ikinatawa na lang naming dalawa.

Matulin na tumakbo ang mga araw. Pasukan na namin sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang pangarap naming unibersidad para makamit ang pangarap naming maging magaling na arkitekto.

"Taiga! Ito na talaga! Galingan nating dalawa para matupad mga pangarap natin. Friendship goals!" masigla kong sabi sa kanya.

"Well, ako magaling naman na talaga. Ewan ko lang sa'yo." banat niya.

"Pakayabang mo naman po! Ikaw na! Ikaw na talaga, master!" balik ko sa kanya.

"Anyway, maliban sa pagiging arkitekto, alam mo naman na kung ano pa pangarap ko di ba?" tanong niya sakin?

Napaisip pa ako kung ano ibig niyang sabihin. Wala na akong maalala na nabanggit niyang pangarap pa sa buhay.

"Ano yun? Balak mong mag-double degree?" tanong ko.

"Hindi iyon. Halika, ibubulong ko." tugon niya.

Lumapit naman ako sa kanya para marinig ko ang kanyang sasabihin.

"Ang pangarap ko pa talaga ay..." pambibitin niya pa. "mapasok kita."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin na siya naman niyang ikinatawa. Tumingin pa ako sa paligid kung mayroong nakarinig ngunit mukhang wala naman.

Kinutusan ko na lang siya sa kanyang sinabi at inaya na siya na pumunta sa una naming subject na nasa UP College of Architecture pa. Napakalawak ng unibersidad na ito.

Naglakad na kami mula sa parking lot at nagtungo na sa aming unang klase sa araw na ito. Handang handa na akong tuparin ang pangarap ko, ang pangarap namin ni Taiga. Lahat kayang-kaya naming lagpasan nang magkasama bilang magkaibigan. Para sa pangarap!