Chereads / Tailing Taiga Rosseau (BXB) / Chapter 7 - Kabanata 6 (Pabor)

Chapter 7 - Kabanata 6 (Pabor)

Kabanata 6

Pabor

Kasalukuyan akong humihithit ng sigarilyo sa garden ng hotel na pinagdarausan ng reunion. Nagpapahangin at nagmumuni kung itutuloy ko ba ang planong habulin si Taiga.

Paano kung may karelasyon na siya? Ayoko namang maging third party. Base sa sinabi ni Taiga kanina, mukhang mayroon siyang karelasyon. Bakit mo naman sasabihing "it's complicated" kung wala.

Napahinga ako nang malalim. I think I will just renew my friendship to him. Uunti-untiin ko munang ibalik katulad ng dati. Kung mayroon na siyang karelasyon, ehdi hanggang pagkakaibigan na lang talaga kami. Hindi ko ipipilit. Tutal, sa mga nagawa ko sa kanya noon, deserve niyang mahalin at maging masaya. Kahit na hindi ako ang karelasyon. Tatanggapin ko dahil ganoon ko siya kamahal. Ang kasiyahan niya ang mahalaga para sa akin.

Kung wala naman siyang karelasyon, panahon na siguro para ako naman ang manuyo sa aming dalawa. Kung pagbibigyan niya akong ligawan siya, gagawin ko. Lahat ng panunuyo gagawin ko manumbalik lang ang pagmamahal niya sa akin.

Wala lang akong lakas nang loob ngayon na kumpirmahin sa kanya kung mayroon na ba siyang iba. Natatakot ako sa magiging sagot niya. Siguro sa ibang araw ko na lang itatanong. Mag-iipon lang ako ng lakas ng loob.

"My God, Theo! Nandito ka lang pala!" tili ni Joena sa akin.

Kaklase namin siya noon nila Taiga. Karga-karga niya ang tingin ko'y anim na buwang sanggol sa kanyang bisig. Lumapit siya sa akin kaya naman itinapon ko agad ang bitbit kong sigarilyo.

"Hi, Joena! Musta?" tipid kong pagbati.

"Kumusta your face! Kanina pa kita hinahanap at dito lang pala kita makikita." Wika niya. Pinalo niya pa ako sa braso bago magsalita. "Well, hindi ka pa rin nagbabago, guwapong-guwapo at seryosong-seryoso pa rin. Mukhang bigtime ka na ngayon aa."

Ngumiti ako sa kanya bago sumagot. "Hindi naman. Huwag kang papaloko sa itsura ko. Mukha lang pero ang totoo struggling din ako sa workplace." Pagdadahilan ko.

"Pa-humble ka pa. By the way kaya kita hinahanap, you know naman nauna pa akong magka-anak bago ikasal 'di ba? Invite sana kita sa kasal ko next month. Sa Puerto Galera lang naman ang venue kaya malapit-lapit lang. Asahan kita aa." Pag-iimbita niya.

"I'll check my sched first and if may work, mag-leave na lang ako. Send me the details of your wedding so I can plan it ahead of time." Tugon ko.

"Yehey! Akala ko hindi ka pupunta ee. Magtatampo na sana ako. By the way, ito nga pala ang anak ko. Meet my beautiful daughter, Krishna. Gusto mong kargahin?"

"Puwede ba?" tanong ko.

"Sure!" masayang wika niya.

Ibinigay naman sa akin ni Joena si Krishna. Kinarga ko ang bata habang tila hinehele pa ito. Tulog kasi ito.

"Oh, dahil kinarga mo na rin naman siya, kukuhanin na rin kitang ninong niya. Sabay ng kasal namin ni Mateo ang binyag ni Baby Krishna. Touch move, bawal tumanggi bilang ninong!" magiliw niyang sambit.

Natawa ako sa sinabi ni Joena. Sumagot na lang ako ng oo sa kanya at tutal pagsisimula na rin ito ng pagbubukas ko ng buhay sa iba.

Kinakausap ko si Baby Joena na para bang naiintindihan niya ako. Napangiti ako sa bata. Magkakaanak kaya ako? Pwedeng-pwede naman kaming mag-ampon ni Taiga o ang magpasurrogacy para magkaanak. Natawa ako sa naiisip ko.

"Ayieee! Marunong ka palang ngumiti nang ganyan." Pang-aasar ni Joena na siyang nginitian ko lang. "By the way kung may dadalhin kang date, keri lang. Magpapasobra naman ako sa guest list ee."

"Wala akong dadalhing date, Joena." Sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Hayaan mo kapag mayroon na at pumayag siya, isasama ko siya. Malay mo makahabol." Biro ko sabay tawa sa kanya.

"Hindi nga? May jowabels ka ba ngayon, Theo? Nililigawan?" tanong niya.

"Wala, binibiro lang kita. Wala akong madadalang date sa kasal mo at sa binyag ng anak mo."

Tumawa lang siya sa akin. Kinuha na niya si Baby Krishna at nagpaalam na sa akin dahil papalitan pa niya ang diaper ng kanyang baby. Ngumiti ako sa kanya at tumalikod.

Nagmamaneho ako ng kotse at patungo na sa bahay nina Taiga. Kaka-text ko lang sa kanya na papunta na ako sa kanila para sabay na kaming pumasok sa UP. Palagi naman kaming sabay at sinusundo ko siya kaya nakasanayan na namin. Halos isang linggo din pala kaming hindi nakapag-usap matapos naming mag-usap nang masinsinan na itigil na namin ang ginagawa naming mahalay. Nagkaroon kasi ng malakas na bagyo at halos isang linggong walang klase.

Natanaw ko na siya na nakasuot ng itim na rubber shoes, dark blue na maong at polo shirt na puti na hapit sa kanyang pangangatawan. Simple ngunit nagpalakas ng kanyang appeal.

Binusinahan ko siya at binuksan naman niya ang pintuan ng kotse.

"Hey..." tanging bati ko lamang.

Tango lang ang naisukli niya sa akin. Pinaandar ko na ulit ang kotse ko. Huminto ako sa intersection at napasulyap sa kanya. Kumunot ang noo ko at lumapit sa kanya habang kinukuha ang seatbelt para isuot sa kanya. Napalingon siya sa akin at ngayon ko lang napagtanto na ang awkward ng sitwasyon. Napatingin na rin ako sa kanya at nadama ko ang kaba sa aking dibdib.

"We-Wear your seatbelt." Utal kong sabi at hinayaan na lang na siya na ang magsuot nito.

Napahinga ako ng malalim at pinagpatuloy na ang pagmamaneho. Hindi ako sanay sa katahimikan kaya naman ako na ang nagsimulang makipag-usap.

"Musta?" tanong ko sa kanya.

"Okay lang... Kakagaling lang sa sakit." Sagot niya sa akin.

"Nagkasakit ka pala? Dapat ipinahinga mo muna bago ka pumasok." Sabi ko at hinipo ang kanyang noo. Malamig naman ang kanyang balat kaya tingin ko ay magaling naman na siya.

"Wala 'to. Naparami lang ng inom dahil nag-heart to heart talk kami ni papa. Nagkaayos at nagkasundo na kami." Sagot niya nang may tipid na ngiti. "Saka kapag umabsent ako, wala kang kasama sa mga klase."

"Tsss..." tanging naging reaksyon ko at napangiti na rin sa kanyang sinabi. "I'm not a child anymore."

"Yes, you are. Bata ka na nasa katawan ng matanda." Pang-aasar niya sabay tawa.

"Gusto mong masipa palabas ng kotse?" tanong ko na ikinatawa na lang naming dalawa.

Kasalukuyan kaming nasa UP Town Center ni Taiga. Bumili kami ng mga materyales para sa pinapagawang proyekto ng propesor namin sa isang subject. Kumakain kami ng lunch sa isang restaurant na ang hain ay buffalo wings. Dito na namin naisipang kumain, tutal nandito na rin naman na kami. Pagkatapos nito ay babalik kaming UP para sa klase.

Habang nag-uusap kami ni Taiga tungkol sa ipinapagawang project ng aming propesor, nabaling ang atensyon ko sa mga taga-Ateneo na nagbubulungan sa kabilang table. Nagbubungisngisan pa ang limang babae na patingin-tingin sa amin. May itinutulak silang kaklase nila sa upuan na para bang gusto itong patayuin. Mga Senior High School yata ng Ateneo ang mga babae base na rin sa kanilang uniporme.

Ilang sandali pa, tumawa ang isang maliit, chinita at maputing babae. Nahihiya itong lumapit sa table namin base na rin sa pagpula ng mukha nito.

"H-Hello po!" bati niyang nakapagkuha ng atensyon namin. Huminga muna ito ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. "I'm Helisse Reine Chua... You know, I get lose kasi sa pustahan naming magpi-friends. We was just thinking lang if we can get your name sana? The both of you... Yeah. That's tama." Conyo nitong sabi sa amin.

"How old are you? And your friends also?" tanong ni Taiga.

"S-Seventeen..."

"Tsss..." pagsusungit ni Taiga. "Child abuse pa'to... I am John Luna and my friend's name is Luis De Castro."

Napatingin ako sa babae nang makita ko ang tingin nito sa akin. Tumango ako sa sinabi ni Taiga bilang pagsang-ayon. Dakilang sinungaling.

Tinitigan ni Taiga nang mariin ang babae kaya naman nakuha niya ang atensyon nito.

"Owww... T-Thank you See you next time...!" pagpapasalamat niya sabay pagmamadaling nagpunta sa mga kaibigan niya. Narinig pa namin ang pagpapaluan at mahihinang tili ng mga ito.

Natapos na kaming kumain nang marinig namin ang pagrereklamo ng magkakaibigan sa kabilang table. Hindi daw nila kami mahanap sa Facebook. Ang dami daw lumalabas sa search bar. Napatawa na lang kami nang mahina ni Taiga.

Nasa klase kami ni Propesor Buenaventura para sa Landscape Design I. Gumagawa kami ng plates na ipinapagawa niya. Ipinahinga ko ang kamay kong nangawit na yata sa kaka-drawing.

Napalingon ako sa drawing table ni Taiga. Kasalukuyan niyang katawanan ang isa sa mga kaklase naming babae na hindi ko tanda ang pangalan. Pasimple kong sinipat sa peripheral view ko ang babae. Maganda ang mukha at pangangatawan. Matangkad at mapupula ang labi. Kitang-kita na may ipinagmamalaki itong dibdib batay na rin sa pagkakahapit ng damit nito. Napalingon ako kay Taiga at nakita kong mataman itong nakatingin sa akin. Nagpaalam siya sa kausap at lumingon sa akin.

"Type mo?" tanong ko agad sa kanya habang pinagpapatuloy ko ang paggawa ng plates ko. Kumunot ang noo niya paglingon ko kaya naman pinagpatuloy ko ang pagsasalita. "Yung kausap mo kanina, tanong ko kung type mo ba?"

"Tsss..." reaksyon niya na napapailing pa sa akin na tila bang hindi siya makapaniwala sa tanong ko. Bumalik siya sa kanyang mesa at pinagpatuloy na rin ang ginagawa dahil bumalik na ulit ang propesor namin galing sa cr.

Tama lang na maghanap siya ng magugustuhan. Doon niya na lang ilabas ang init ng katawan niya. Mag-ingat lang siya na hindi mabuntis ang lalandiin niya. Baka hindi pa siya makapagtapos ng pag-aaral.

Iwinaksi ko ang mga naiisip ko. Kung babagal-bagal siya sa paghahanap, ako ang maghahanap para sa kanya.

Nawala ako sa mga pinag-iisip ko nang nahihiyang lumapit sa akin si Christiana.

"Theo... Can I talk to you later?" tanong nito sa akin.

"About what?"

"I'll tell it to you na lang later. My treat!" masayang aya nito.

"No need to treat me. Don't taint my ego. I won't let a woman pay for me." Sagot ko at itinuon na ang pansin sa pakikipag-usap sa kanya. "Treat na lang kita ng merienda mamaya sa baba habang sinasabi mo yung gusto mong sabihin sa akin. Is that alright with you? Medyo busy kasi today ee."

"Of course, no problem! Thank you, Theo. I owe you a lot for this." Masayang pasasalamat niya nang nakangiti at yumakap pa sa akin. Bumalik na rin siya sa kanyang sariling table at nagbigay muli ng kanyang matamis na ngiti nang makabalik sa mesa.

Napatingin ako sa nakakunot noong si Taiga. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagguhit para maipasa ko na ito kay Sir Beunaventura.

Naisip ko ang itsura ni Christiana. Matangkad, maputi, maayos at presentable manamit, maliit ang mukha at matangos ang ilong. Karamihan ng mga lalaki sa departamento namin ay nagagandahan sa kanya.

Kung aayain niya ako ng date, pagbibigyan ko siya. Tutal hindi ko pa naman kilala ang nirereto ni papa. Baka magustuhan ko rin si Christiana kapag nag-date kami. Mas maganda kung may pagpipilian ako sa kanila ng irereto ni papa. Natawa ako sa naiisip ko. Para akong si Taiga na. Really? Collect then select na rin ba?

Nang magpaalam ang propesor, inaya ko na sa labas si Christiana. Wala pa naman ang sunod naming propesor at doon din naman ang kwarto sa sunod naming klase. Bumili ako ng burger at C2 para sa aming dalawa. Binilhan ko na rin Taiga at iaabot ko na lang mamaya. Hindi pala ako nagsabi na bababa saglit.

"Thanks, Theo." Pasasalamat ni Christiana.

"Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?" tanong ko.

"I want to ask question and favor sana..." pambibitin niya. Pumula ang kanyang pisngi bago nagpatuloy. "Shocks, nakakahiya!"

"Ngayon ka pa talaga nahiya? Spill it."

Tumingin siya sa akin nang seryoso bago nagsalita.

"Ni-Nililigawan na ba ni Taiga si Phoemela?" tanong niyang nagpakunot ng noo ko.

"Sino si Phoemela?"

"Yung kausap kanina ni Taiga! Pinagkakalat kasi ni Phoemela na may something sa kanila ni Taiga." Sambit niyang may lungkot sa boses.

"Don't tell me may gusto ka kay Taiga?" tanong ko. Hindi na ako nagtaka rito. Sa guwapo ba naman at talino ng kaibigan ko. Tiyak ay marami ang hahanga rito. Akala ko pa naman ay ako ang gusto niya.

Nahihiyang tumango si Christiana at nagulat pa ako nang hinawakan nito ang dalawang kamay ko para makiusap.

"Please... Don't tell it to Taiga muna. I know you are very close friends kaya nga ikaw ang pinagtatanungan ko. I heard you were in the same school in High School. Shocks, nakakahiya kasi ee. Ako pa ang gagawa ng paraan para magpapansin."

Tumango ako sa kanya. Binitiwan din naman niya ang kamay ko bago muling nagsalita.

"So ano na nga? May something ba sila ni Phoemela?"

"As far as I know wala naman. Hindi naman nagkukwento sa akin si Taiga na may namamagitan sa kanila. Usually, he will tell me stories about girls who caught his interest."

"Talaga? Sabi na nga ba ilusyonada lang yang Phoemela na yan ee. Shems! May pag-asa pa ako!" aniya na may kislap pa sa mga mata.

Kung tutuusin, mas gusto ko itong si Christiana kumpara kay Phoemela para sa kaibigan ko. Matalino si Christiana at hindi maarte. Hindi katulad ni Phoemela na unang tingin mo pa lang ay alam mo ng may kaartehan sa katawan. I'm not being judgmental, I'm just stating a fact.

"Isa pa pala, Theo..." wika niya sabay pout. "Puwedeng humingi ng favor?"

"Ano iyon? As long as I can do it aa."

"Ilakad mo naman ako kay Taiga! Make him date me..." hinawakan niya ulit ang kamay ko. "Please... Hindi kasi siya sumasagot sa mga text ko. Ikaw na lang pag-asa ko! Help me win his heart!" pagsusumamo niya.

Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang kanyang mukha at mata nang sinabi niya ito sa akin. It's just time for Taiga to find a woman who can warm his heart. It's been months since nung huling nagkwento siya sa akin na may babae siyang gusto. Noong Senior High School pa yata iyon. And I think Christiana can make him fall in love.

At isa pa, it's also time for him to find someone who can warm his bed so that we cannot do sex anymore. Sa iba niya na lang ilabas ang init, wag na sa akin. Isinantabi ko na lang yung emosyong hindi ko maintindihan na bigla na lang sumulpot.

"S-Sige, I'll try..." sagot ko na nagpakislap ng kanyang mata. "I'll arrange a date for the both of you. I'll text you kapag pumayag siya."

"Talaga! Thank you, thank you!" pasasalamat niya habang nagtatalon pang yumakap sa akin. Bumitiw na rin siya bago muling nagsalita. "Sabi na nga ba matutulungan mo ako! I owe you for this one, Theo! Hayaan mo, isasama ko yung pinsan kong isa para double date tayo. Maganda yung pinsan kong iyon, Theo! Malay mo siya na pala ang 'The One' mo." Pag-iimbita niya.

"No need for you to do that, Christiana. I'm glad that I can help you and my friend to find love." Tanggi ko na may hilaw na ngiti sa kanya.

"Ah basta, isasama ko ang pinsan ko at magdo-double date tayo! I can also help you to find love, no!"

Magsasalita pa sana ako ngunit naagaw na ang atensyon ko ng tindera. Inabot ko na ang bayad ko at ibinigay kay Christiana ang kanya. Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harap namin si Taiga. Napasinghap pa ang katabi kong si Christiana na para bang mahihimatay anomang oras nang masilayan ang kaibigan ko.

"Bro, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Sabi niya sabay baling kay Christiana. Tinanguan niya ang kasama ko bago ko inabot sa kanya ang burger at C2 na para sa kanya. Nagpasalamat si Taiga sa akin.

"Christiana, panik na kami sa taas. Parating na si Prof. Dela Merced." Sabi ni Taiga.

"Si-Sige una na kayo. Magre-retouch pa ako sa cr. Na-haggard ako sa paggawa ng plates." Sagot ni Christiana na halata ang pagpula ng mukha. "Theo, salamat ulit ha."

Nakangiti akong tumango sa kanya at naglakad na kami ni Taiga. Tinanong pa ako ni Taiga kung ano ang pinag-usapan namin ni Christiana pero sinabi ko na lang na mamaya na lang pag-uwi sa kotse. Natanaw ko na kasi ang propesor namin at tinulungan namin sa pagdadala ng mga dalang gamit.

Mabilis na tumakbo ang oras at natapos na agad ang klase namin sa araw na ito. Binulungan pa ako ni Christiana at pinaalala sa akin ang pabor niya. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Lumapit sa akin si Taiga at nag-aya nang umalis. Diretso kami papunta sa gym mamaya.

Nakasakay na kami ni Taiga sa kotse ko at tanging tugtog lang sa radyo ang maririnig. Huminga ako nang malalim bago inumpisahang sabihin sa kanya ang pabor sa akin ni Christiana.

"Taiga, can you do me a favor?" tanong kong nagpakuha ng atensyon niya. Bumaling siya sa akin at ako naman ay nakatingin lang sa kalsada habang nagmamaneho.

"Ano iyon? Alam mo namang basta ikaw ay hindi ko matatanggihan." Sagot niya.

"Date Christiana." Mabilis kong sagot. Hindi ko na siya tiningnan para hindi ko makita ang reaksyon niya.

"Ano'ng sabi mo?"

"I said date Christiana. That's the favor I want to ask from you. Date her."

"Iyan ba ang pinag-usapan niyo kanina?" tanong niya sa akin. Napatingin ako sa kanya sandali bago tumango.

"Maganda siya, matalino saka mabait. I like her for you."

"But I do not like her!" sagot niya na bakas ang inis sa boses.

"Magugustuhan mo rin siya. You will thank me for this once na magustuhan mo rin siya."

"Wow aa. Thank you for this, Theo. Thank you for being my... bestfriend." Sarkastiko niyang sabi.

"Date her! Kung hindi mo siya magustuhan ehdi i-reject mo siya nang maayos. Atleast sinubukan mo siyang mas kilalanin. Do it for me, Taiga." Pagpilit ko sa kanya.

"Why are you doing it?" tanong niya.

"Christiana ask for my help and I do not see any valid reason to say no to her, for you not to date her. At isa pa, it's time for you to find a woman that you will love. Be serious in this one, Taiga. Mabuting tao si Christiana. She's a good catch for you."

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Napalingon ako sa kanya nang malakas siyang nagbuga ng hangin.

"Is that what you really want? For me to date Christiana?"

"Yes."

"Do you want her for me?"

"Y-Yes, of course." Utal kong sagot. "Hindi ako papayag sa pabor niyang mag-ayos ng date niyo kung hindi ko siya gusto para sa'yo."

"Will it make you happy?"

"Yes!" matapang kong sagot sa kanya.

"Fine! Tell me the details of the date. I want you to personally arrange it and you will be there." Sigaw niya.

"Bakit ka nakasigaw? Don't worry, nandoon naman talaga ako. Isasama raw ni Christiana ang pinsan niya para double date raw tayo."

"How nice. Planado na pala ang lahat. Si Cupid ka na pala ngayon." Sarkastikong sagot ni Taiga.

"Thank you, Taiga." Tanging nasagot ko.

"I just said yes to your favor. Ako naman ang hihingi ng pabor sa'yo."

Napabaling ako sa kanya. "Ano 'yun?"

"Ilibre mo ako sa fine dining restaurant na bagong bukas malapit sa atin. I want to eat there the day after our date with Christiana and her cousin. I heard masarap daw ang food doon."

"Mahal ba doon?" kuryoso kong tanong.

"Of course, fine dining restaurant ee." He said as a matter of fact.

"Galit ka ba? Uubusin mo yata allowance ko, Taiga."

"Do you think I can get mad at you for a long time?"

"Maybe."

"At hindi lang 'yun ang pabor ko. May isa pa akong hihingin sa'yo pero saka ko na sasabihin." Sagot niya.

"Bakit pakiramdam ko ay ako ang naiipit sa inyong dalawa ni Christiana? Pareho kayong may pabor na hinihingi. Nadamay pa ako aa."

"That's what you get from giving me easily to anyone." Sagot niya.

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya dahil naging abala ako sa pag-park ng kotse. Nagtungo na kami agad sa gym at ginawa ang aming workout plan. Nagsalitan na kaming dalawa sa paggamit ng mga equipment at dumb bell para mabilis. Tumatagal ang resting time namin kapag magkaiba kami ng program. Kapag salitan, ang pahinga ko lang ay kapag si Taiga ang nagbubuhat.

Idinaan ko na rin siya sa kanilang bahay at umuwi na rin ako agad sa amin. Kumain ako at nag-ayos ng sarili pagkatapos. Nakahiga na ako sa kama nang maisipan kong balitaan si Christiana.

To: Christiana

Hey, pumayag na si Taiga sa date niyo.

Ilang minuto pa ay nagliwanag ang cellphone ko.

From: Christiana

Really! I'm so excited! Thank you for this, Theo! Ako na ang mag-arrange ng double date natin. Sabihan ko na rin pinsan ko.

To: Christiana

You don't need to arrange the double date for us. Ako na ang mag-aasikaso.

From: Christiana

Ako na, Theo. Please... Kailangan kong magpa-impress kay Taiga ee. Pleaseee!

Napahinga ako nang malalim nang matanggap ko ang text sa kanya.

To: Christiana

Sigurado ka? Nakakahiya. Ikaw mag-asikaso pero kami ang magbabayad sa bill. We won't let a woman pay for us.

From: Christiana

Oo na, sige na. Kung hindi lang si Taiga ang una kong nagustuhan, baka nagkagusto ako sa'yo. You really are a gentleman, Taiga. Suwerte ng cousin ko sa'yo.

Napailing na lang ako sa reply niya. Tatapusin ko na pagte-text namin at matutulog na ako.

To: Christiana

I'll sleep na, Christiana. See you tomorrow sa school for our class. Goodnight!

From: Christiana

Goodnight din! Thanks again, Theo.

Pinatay ko na agad ang cellphone ko matapos i-set ang alarm para maaga akong magising para sa klase bukas. Pinatay ko na rin ang ilaw sa kwarto. Nakatingin lang ako sa kisame habang nag-iisip kung tama ba ang mga ginagawa kong ito para sa amin ni Taiga.

This is the best thing that I can do for the both of us. If I need to push him to someone for us not to do sexual activity anymore, I will do it. Without hesitation.

Nagkamali na ako noon nang hinayaan kong mangyari ang mga ganoong bagay sa amin ni Taiga. Mali iyon. Saan mang anggulo mo tingnan. I admit, nasarapan ako. Pero ang panandaliang sarap na iyon ay hindi mapapalitan ang katotohanang mali ang ginagawa naming dalawa. Pareho kaming lalaki at ayaw kong dumating sa puntong masira kaming dalawa.

Tinangay na ako ng antok sa pagkukumbinsi sa sarili na ito ang gusto ko at ito ang tama.