Kabanata 12
Hawak
Matulin na nagdaan ang mga araw. Namalayan ko na lang ang aking sarili na nasa isang eye care center para magpa-lasik o eye correction. Nakakasawa na rin kasi ang magsuot ng salamin kaya sinubukan ko ito. Nagpumilit pa si Taiga na samahan ako kaya heto, medyo lumakas ang loob sa operasyon.
Naging matagumpay naman ang operasyon na kinatuwa ko ng husto. Nanibago pa nga ang mga taong nakapaligid sa akin na wala na akong salamin. Aniya, mas bagay daw sa akin ito. Ganoon din ang sinabi sakin ni Taiga. Mas malaya niya raw nakikita at natititigan ang mga mata ko. Tinatawanan ko na lang siya tuwing sinasabi niyang nakikita na niya ang kaluluwa ko kapag tumititig siya sa mata ko.
Naalala ko pa nang kinausap ako ni Christiana sa classroom isang araw. Nasaksihan niya kasi ang nangyari sa parking lot kung saan tinanggihan ni Taiga si Phoemela.
"Buti nga kay Phoemela na 'yan. Akala mo kasi kung sino, napakalandi!" paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na hindi ko ikinakatuwa kaya hindi na lang ako nagsasalita.
Paano siya natutuwa na may taong nasaktan ang damdamin? Kung sa kanya nangyari iyon, ano'ng mararamdaman niya? We need to be careful on what we are saying. We need to be sensitive to the feelings of the people around us. There are things we need to be left unsaid to ourself. Being kind is just free and it matters nowadays.
Natawa ako sa kadaldalan ng kapatid ko. Ibinulong sa akin ni Sierra na balak daw akong bigyan ng mga magulang ko ng condo sa birthday ko sa January, malapit sa Katipunan. Nang sa gayon daw ay hindi na raw ako mahirapan na mag-commute araw-araw.
Binatukan ko siya at sinabihan na hindi na iyon sorpresa at kinumbinse pa niya akong huwag sabihin sa mga magulang namin ang sinabi niya at baka daw mapagalitan siya. Tinakot ko siya na isusumbong sa mga magulang namin at blinackmail ko siya. Palagi tuloy siyang sumusunod sa mga utos ko na siyang tinatawanan ko na lang.
Iniisip ko pa kung tutuluyan ko ba yung condo o hindi. Paano si Taiga? Baka hindi na siya makasabay sa akin sa pagpasok. Puwede rin naman siyang tumuloy sa condo ko kapag may pasok kami at uuwi lang sa kanya-kanyang bahay kapag weekends. Anyway, matagal pa naman iyon at baka hindi rin ibigay sa akin ng mga magulang ko. Mahigpit pa naman ang bilin ni papa na dapat magkakasama ang magkakapamilya.
Nobyembre 19, araw ng Biyernes, huling araw ng pasok para sa unang semester nang mag-aya ako kay Taiga na pumunta sa isang lugar. Akala niya nakalimutan kong birthday niya ngayon kaya hindi ko pa siya binabati. Wala kasing nakakaalam na birthday niya ngayon kasi binago niya ang birthday niya sa Facebook kaya walang nagpost ng pagbati sa kanya. Disabled din ang pag-post ng pagbati sa kanyang profile.
"Taena, Theo! Saan tayo pupunta? SLEX na itong dinadaanan natin!" 'di makapaniwalang sabi niya sa akin.
Tinawanan ko muna siya bago nagsalita. "Sa Tagaytay lang tayo pupunta."
"Tagaytay?! Wala akong dalang gamit, loko ka!"
"Don't worry, ako rin naman. Bili na lang tayo sa mga tiangge. Isang araw lang naman tayo, subukan ko lang kung kaya ko na bang mag-drive papuntang Tagaytay. Kapag, successful ehdi Baguio naman ang isunod natin." Paliwanag ko.
"You planned it without telling me? Paano kung may importante pala akong gagawin. Paano kung may lakad pala ako?" tanong niya.
"Ehdi ako lang mag-isa. Ano kaya imbitahan ko si Leo na samahan ako."
Kumunot ang kanyang noo nang balingan ko siya habang nagmamaneho.
"Tsss... Huwag mo na siyang abalahin. Kakanselahin ko lakad ko para sa iyo."
Tinawanan ko siya sa sinabi niya sa akin.
"Mas maganda nga yung mga ganitong lakad, biglaan. Mas natutuloy ang mga biglaang lakad kaysa sa mga pinagpaplanuhan."
Hindi na siya nakipagtalo pa sa akin at napunta na sa iba ang usapan namin. Pareho kaming kabado sa mga marka namin sa unang semestre. Syempre, ayokong bumagsak sa pangarap kong unibersidad.
Dumaan muna kami sa isang stopover sa SLEX para bumili ng pagkain. Ginutom na kami sa haba ng biyahe. Matapos makuha ang pagkain sa isang drive-thru, tumulak na kami papuntang Tagaytay.
Sinubuan na lang ako ni Taiga ng fries at burger dahil nagmamaneho ako. Salitan ang pagkain namin. Pagkatapos niyang sumubo, ako naman ang susubuan niya.
Alas singko nang makapanik kami sa Tagaytay. Medyo traffic kasi kaya inabot kami ng mahigit dalawang oras. Nag-check in muna kami sa Taal Vista Hotel at bumili na rin ng pamalit na damit sa isang tiangge na nadaanan. Plano ko kasing pumunta kami sa Sky Ranch. Gusto ko kasing makita ang sunset doon.
"Ako na, sagot ko na ito." Sabi niya sa akin sabay abot sa counter ng pera pambayad sa entrance at ride all you can.
Hindi na ako nakipagtalo lalo pa nang ikinatwiran niya sa akin na ako na ang nagpa-gas, nag-drive at nagbayad ng Hotel.
Nang makapagbayad, agad kong hinila si Taiga sa spot na kita ang Taal at ang sunset. Napansin ko pa ang impit na sigaw ng ilang babae habang nakatingin kay Taiga. Sabagay, guwapong guwapo nga ang loko kahit naka-tshirt at pantalon lang. Simple pero bagay na bagay sa hindi simpleng tindig at mukha ni Taiga.
Idinantay ko ang siko ko sa railings habang nakatanaw sa Taal at sa papalubog na araw. Hilig ko talaga ang pagmasdan ang sunset. Nakakatuwa kasi ang ganda ng papalubog na araw. Na kahit na iniwan ka ng araw at nawala ang liwanag sa paligid, papalitan naman ito ng kagandahan ng buwan at kadiliman.
"Happy birthday..." bati ko sa kanya sabay ngiti ng sinsero.
Halata ang gulat sa kanyang mukha at niyakap niya ako sa aking likuran. Hindi namin inalintana ang mga sigaw ng mga tao sa paligid habang sakay ng iba't ibang rides. Yakap niya ako sa likuran habang nakatanaw sa kadiliman ng Taal at sa itaas ay mga nagliliwanagang bituin at buwan.
"Akala mo, nakalimutan ko no?" biro ko sa kanya sabay tawa.
Napatigil ako sa pagtawa nang dumampi sa batok ko ang kanyang mainit na hininga. Ang init nito ay pumawi sa lamig ng Tagaytay.
"Hmm..." tanging reaksyon niya.
Napatulala na lang ako at pilit na 'di pinapansin ang mabilis at malakas na pintig ng puso ko. Mas malakas pa ang tibok nito kumpara sa mga sigawan ng mga nasa paligid. Naramdaman ko ang papahigpit niyang yakap sa akin at ang pagdampi ng kanyang labi sa likurang buhok ko.
Ilang sandali pa, inaya ko na siya na mag-ikot ikot sa Sky Ranch. Napapatingin pa nga ang ibang tao na nakakita pala sa amin sa madilim na bahagi ng lugar.
Sumakay kami ng iba't ibang rides pero ang pinakanagustuhan ko ay ang Ferris Wheel. Kitang-kita ko ang mga nagkikilaspang mga bituin at mga kabahayan sa paligid ng Tagaytay. Somehow, it relaxed me and I forget everything that is happening in my life, things that confused me and frightened me. My inhibitions and uncertainties.
I don't know but I think darkness calmed me. Kung ang ibang tao ay ayaw ng kadiliman, iba ang sa akin. It feels like I really belong to the dark even though my life as of now is filled with happiness. Mayroong kakaiba sa kadiliman na tanging buwan at bituin lang ang makikita mo ang nagbibigay haplos sa puso ko.
"You are really fascinated by the moon, huh?" tanong sa akin ni Taiga na umusog papalapit sa akin.
Tumango ako sa kanya at tipid na ngumiti. Ibinalik ko ang tinging pagkamangha sa kalangitan habang naraaramdaman ko ang pag-akbay at unti-unti niyang pagyakap sa akin. His embrace warmed my heart and I don't know why but it also gives chills to my body. Naghahalo-halo talaga ang nararamdaman ko kapag kasama ko si Taiga.
"You can just look at the moon if you feel lonely. Maaalala mo ako at ang mga pinagsamahan natin." wika ko at napatingin ako sa kanyang mga mata na nakatitig sa akin. Nakaawang ang kanyang labi at nakakunot ang noo na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Why would I do that? I can just be with you all the damn time so that I can see your face. It's just easy..." paliwanag niya.
"Clingy..." bulong ko na alam kong narinig niya dahil humigpit ang yakap niya sa akin at naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg.
"You don't want me being clingy?" tanong niya habang unti-unti ko nang nararamdaman ang labi niya sa balat ko.
I just shrug my shoulders because I do not know if I like him that way or not. Pumunta ang labi niya sa gilid ng labi ko na para bang inaakit ako na ako ang unang humalik ng todo. Hinayaan ko siya sa papatak-patak niyang paghalik hanggang sa siya na mismo ang humalik sa akin nang todo.
At first, the kiss is just sensual. But after a few minutes, it becomes wilder that I didn't notice that we need to get out of the cart of the Ferris Wheel.
Namumula akong lumabas ng cart habang nasa likod ko si Taiga. Buti na lang at walang nakapila at konti lang ang tao sa Sky Ranch ngayong araw. Ang lalaking operator lang ng Ferris Wheel ang nakakita sa kahalayang ginawa namin sa ere.
Inaya ako ni Taiga na pumunta ng iba't ibang booth para makakuha raw kami ng mga prizes. I told him that it is a gamble and he insisted that we should try it. I am really not a fan of gambling. Most of the times, you will lose and until you know it, you gambled even your whole life and it is not worth it. Hindi sa pagiging duwag pero mahirap talagang sumugal. Walang kasiguraduhan.
Iritableng kinuha ni Taiga ang dalawang bola sa nagbabantay ng booth kung saan may nakatagilid na timba at kailangang dalawang beses mong magkasunod na maipasok ang mga bola. Nakaka-shoot siya ng isang bola ngunit kapag pangalawang beses na ay hindi na ito pumapasok.
"Nakamagkano ka na?" tanong ko sa kanya na mas lalong lumukot sa kanyang mukha.
"I lost count..." sagot niya.
"Iba ang basketball sa larong ito. You need to control your hand when you shoot the ball. You can also use the pail so that the ball will bounce back to it." paliwanag ko sa kanya.
"Ako naman nga. I'll try..." awat ko sa kanya.
Nagbayad ako ng pera sa tagabantay at sinubukang i-shoot ang bola. Mahirap pala ito sa inaasahan ko. Tulad ni Taiga, ganoon din ang nangyayari sa akin. Nakakapasok ang isa ngunit sa pangalawa ay hindi na.
"Oh, ako naman!" pang-asar niya sa akin. "Akala mo madali, ha!" dagdag pa niya sabay bunggo at pagdila sa akin.
"Kuya, scammer ka yata, eh! Bakit kapag ikaw ang gumagawa parang ang dali-dali lang." biro ko sa tagabantay habang pinapanood ang paghahanda ni Taiga na maipasok ang bola.
"Kung ako lang may-ari nito boss, binigyan ko na kayo ng consolation prize. Naka-isang libo na si Sir, ee." sagot ng tagabantay.
Tinawanan ko na lang si kuyang tagabantay. Ilang sandali pa, napayakap ako kay Taiga nang mai-shoot niya ang bola.
"Isa na lang, bro! Makakuha ka na ng prize. Nakamagkano ka na rin dyan." pagpapalakas ko ng loob sa kanya.
"Isa na lang! Pa-kiss, bro! Pampasuwerte!" tukso niya sabay tawa sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. "Bilisan mo na d'yan. Gutom na ako! Dami mo pang sinasabi, eh!"
Sinubukan muli ni Taiga na ipasok ang bola. Pagkahagis niya, pumasok ang bola sa nakatagilid na timba at nagpa-ikot ikot ito sa loob. Nalaglag ang panga namin nang iluwa ng timba ang bola.
"Puta! Pasok na dapat iyon, bro!" panghihinayang ni Taiga.
Tinawanan ko siya at tinapik sa balikat.
"Halika na! Tama na iyan. Mauubos na pera mo. Kung hindi para sa iyo, tanggapin mo na lang. Marami pa namang ibang pagkakataon. Yung ginastos mo sa booth na ito, katumbas na iyan ng teddy bear na malaki sa mga mall." paliwanag ko sa kanya sabay hila sa kanya paalis.
"Kahit na! Gusto ko kasing makuha yung mga bagay na alam kong pinaghirapan ko..." pangangatwiran niya na bakas ang panghihinayang.
"Bakit ba kasi ang eager mo na makuha yung premyo?" tanong ko.
"Kung nanalo ako, ibibigay ko sana sa iyo iyon, eh." paliwanag niya.
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Napahinto ako sa paglalakad.
"Taiga, baka nakakalimutan mong ikaw ang may birthday ngayon. Bakit sa akin mo ibibigay iyon kung sakali?" tanong ko.
"Alam ko. But I just want to give something for you. Something na pinaghirapan ko. I can give you my world if you want to..." sagot niya habang sinserong nakatingin sa aking mga mata.
"Halika na! Gutom lang iyan." putol ko sa kanya sabay naunang naglakad na sa kanya.
Nakalabas na kami ng entrance ng Sky Ranch nang hinila ako ni Taiga sa kaliwang kamay ko. Muntik ko na siyang masapak sa gulat ko sa kanya.
"Bakit ba?" tanong ko sa kanya.
Pinagsalikop niya ang aming mga kamay habang siya ay patuloy pa ring naglalakad.
"Why are you holding my hands like this? Baka may makakita sa atin?" tanong ko sa kanya habang kabadong palinga-linga sa paligid.
"Madilim na part na ito at hindi na pansin ng lahat. Saka, will you please do not mind what they are thinking about us? They don't even know us. We don't even know them also..."
Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya at sinabayan na lang ang kanyang paglalakad. I don't know why my heart is beating faster now. Is this feeling what they are saying? Hell no! Maybe I am just nervous if people might notice that two men are holding their hands like this!
Why the world is like this? If two people are holding their hands, man and a woman, it's not a big deal. On the other hand, if two females are holding their hands, they are just sweet friends. But, if two men are holding their hands on the street, it's a big deal! There might be bromance happening between them. Everyone maliciously looks at both guys! Maybe it's just me thinking that way? Or we are just living in a judgmental world?! Am I judgmental?
Palabas na kami ng parking gamit ang kotse ko nang makita ko ang nakalahad na mga kamay ni Taiga. Hinarap ko siya at ipinakita ang nagtatanong kong mukha.
"Akin na kanang kamay mo." Utos niya.
"Bakit? Nagda-drive ako! Gusto mong maaksidente tayo?" babala ko sa kanya.
"Let me hold your hands while you are driving, please..." pakiusap niya. "Nahahawakan ko lang naman mga kamay mo kapag madilim. Ano kaya sa mga pagkakataong ganito na tayong dalawa lang. I just don't want to miss my chance holding you the way I want to..."
"Taiga, the sad boy..." pang-aasar ko sa kanya para mawala ang hindi ko malamang nararamdaman sa mga sinasabi niya.
Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya at nag-drive. Minsanan kong binibitiwan ang kanyang kamay kapag gagamitin ko ang kambyo ng sasakyan ngunit agad niya ring kinukuha ang kanang kamay ko pagkatapos kong ikambyo ito.
After my short drive, we are already here in Mahogany Market, famous in Tagaytay for their affordable and mouthwatering Bulalo and Tawilis. I love eating Bulalo and I think eating this food with the cold weather here in Tagaytay is a good idea. Especially if you are with someone special to you.
Pagkatapos mag-park, pumanhik kami sa hagdan patungo sa itaas kung saan makikita ang mga hilerang kainan sa Mahogany Market. Itong lugar na ito ang dahilan kung bakit madalas akong pumunta sa Tagaytay. Kapag masarap, babalik-balikan mo talaga.
Katabi ko si Taiga habang naglalakad kami para maghanap ng kainan na may bakanteng mesa. Maingay ang paligid at napakaraming tao. Dinner time na kasi kaya talagang dagsa ang mga tao rito. Everyone around is minding their own business. Mga may sari-sariling mundo habang kumakain at panaka-nakang nagtatawanan habang ine-enjoy ang lamig ng gabi sa Tagaytay.
"Mga pogi, dito na po kayo kumain. Singsarap ko ang luto naming bulalo rito. Babalik-balikan niyo po ito, promise!" engganyo sa amin ng isang binabae na tingin ko ay matanda lang sa amin ng kaunti.
Maikli ang shorts nito at lantad ang mga hita. Putok na putok ang mukha nito marahil ay dahil sa foundation na nilagay nito sa mukha. Foundation Day ba ngayon ng Mahogany Market?
Wala na kaming nagawa ni Taiga nang hinila niya kami sa mesa at pinaupo. Nagkatinginan na lang kaming dalawa at para bang nag-usap na rito na lang kumain. Sabagay, gutom na rin kami at mukhang wala na ring bakanteng mesa sa ibang kainan.
"Ano'ng order mo?" tanong ko kay Taiga nang iabot sa amin ng serbidorang bading ang menu.
"It's on me. This is part of my birthday treat to you..." dagdag ko kay Taiga.
Napatingin ako sa serbidora at nakita ko ang manghang titig niya kay Taiga. Well, sanay na akong kasama si Taiga na palaging tinititigan ng mga babae at binabae.
"Birthday mo po? Tamang-tama may special offer po kami sa mga may birthday..." alok ng serbidora.
"Anong promo iyon?" tanong ni Taiga.
"May 10% discount po sa bulalo at syempre may isa pang libreng bagay..." tumango si Taiga at naghintay sa idudugtong ng serbidorang tuwang tuwa at manghang-mangha sa kanya. "May libreng kiss sa akin, pogi!" dugtong niya sabay tili ng malakas.
Nakuha niya tuloy ang atensyon ng mga nandoon. Napakunot ang noo ko samantalang tumawa lang nang malakas si Taiga.
"Hindi ka na po lugi doon, no! Maraming lalaki sa lugar namin ang nais mahalikan ang nakahahalina kong mga labi." sabi niya sabay hampas ng mahina sa braso ni Taiga.
Kung marami palang may gusto, bakit gusto mo pang i-offer?
Tumawa muli si Taiga at bumaling sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanya na para bang inip na inip na. Gutom na gutom na kasi ako, ang layo ng biniyahe namin.
"I think yung 10% lang na offer mo ang iga-grab namin. About sa kiss mo naman, I'm sorry hindi ko puwedeng kunin iyon..." sabi ni Taiga.
Ipinatong ko sa mesa ang dalawa kong kamay at tinapik-tapik ng mga daliri ko na para bang nagpa-piano.
"Sayang naman, grab mo na po pogi!" pangungumbinsi ulet ng serbidora.
"Magagalit boyfriend ko sa akin! At isa pa, hawak niya ang puso ko. Hinding-hindi na makakawala sa kanyang pagkakahawak..." sagot ni Taiga at nagulat ako nang ipinatong niya ang kanang kamay niya sa kaliwang kamay kong nasa mesa.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi at ginawa niya. Namumula ang mukha ko sa sobrang hiya at kaba na baka may iba pang nakarinig sa sinabi niya.
"Kyaaah! Sana all na lang talaga! Mga kapwa guwapo na lang talaga nagkakatuluyan. Paano naman akong hindi nabiyayaan ng ganda..." sabi ng serbidora.
Itatanggi ko sana ang sinabi ni Taiga sa serbidora pero hindi ko alam kung bakit tila mas gusto kong isipin ng serbidora na boyfriend ko nga si Taiga. Somehow, it feels rights. Even the touch of his right hand on top of my left hand. Ang marahang paghaplos niya sa kamay ko ang nagpakalma sa akin. Ang init ng kanyang hawak ang nagpawala sa pagkailang ko sa mga matang maaaring makakita sa aming dalawa.