Kabanata 11
Komprontasyon
"Sinubukan ko naman eh. Pinigilan ko pero sa'yo pa rin ako bumabagsak." sambit niyang nanghihina habang sumandal na siya sa passenger seat at nakatingin sa harapan. "Alam kong hindi tayo puwede dahil straight ka at pareho tayong lalaki. Alam mo bang ang tagal kong itinanggi sa sarili ko na gusto kita? Hindi ako lumaking nagkakagusto sa lalaki pero bakit pagdating sa'yo, hindi kita kayang ibigay sa iba na bagay na ginagawa mo sa akin? You're cruel, baby! Mahal kita at ayaw kitang ibigay sa iba pero bakit pagdating sa'yo, kayang kaya mo akong ipamigay at bitawan? Why you can't hold me tighter and never let me give to Christiana and Phoemela?" sumbat niya sa akin.
Nanghihina lang akong nakatingin sa harapan. Bakit ba humantong sa ganito ang palitan namin ng mga salita? Ayoko ng ganito! Mas gusto ko ang safe at kalkulado ko ang mga pangyayari.
"I-I d-don't know what to say, Taiga." bulong ko.
"You don't need to say or do anything, baby. All I'm asking is for you to let me show how I feel about you. How much I love you..." lumapit siya sa akin at humawak sa pisngi ko.
He's looking at my eyes lovingly. While looking at him too, it feels like I am in a deep trance. Hindi nakatulong ang salamin na suot ko para hindi makita ang ganda ng kanyang mga mata. Lumapit pa siyang lalo sa akin at idinikit niya ang kanyang katawan sa akin.
"Will you let me love you?" tanong niya sa akin na nakapagpakaba sa akin. Ramdam ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko at rinig ko rin ang sa kanya.
Wala na sa sistema ng katawan ko ang alak pero bakit parang nalasing ako sa mga sinabi ni Taiga? Bakit nagugustuhan ko ang mga sinabi niya? Ang pagtututol ng isipan ko kanina ay bakit parang naglaho na lamang na parang bula?
Namalayan ko na lang ang sarili kong tumango sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata. Nabigla ako sa pagyakap niya sa akin na para bang ayaw na niya akong pakawalan pa. Mahigpit niya akong niyakap at dinama ko na lang ito sa pamamagitan ng pagyakap din sa kanya.
"I love you! I love you so damn much, baby!" paulit ulit niyang bulong sa akin.
Bumalot lang ang katahimikan sa aming dalawa. Nakapatong lang ang noo ko sa balikat niya habang dama ang init ng yakap niya. Somehow, his embrace brings comfort in me. It feels like I am safe and I do not need to worry about what may happen tomorrow. Ayoko munang mag-isip pa ng kung ano-ano. Ang pagdaan lang ng mangilan-ngilan na sasakyan ang maririnig sa paligid.
"Are you still up, baby?" tanong niya at kumalas siya sa yakapan namin. "Are you tired?" tanong niya sa akin.
Tumango ako sa kanya at pagod na ngumiti. Tumingin ako sa relo ko at nakita kong ala una na ng madaling araw. Napagod ako sa mga nangyari ngayong araw. Para bang ang daming naganap sa loob lang ng isang araw.
"Huwag ka nang bumiyahe pauwi. Dito ka na lang matulog. Text mo na lang si Tita na makikitulog ka at mukhang pagod na pagod ka na." suhestiyon niya sa akin.
Inayos ko ang pagkaka-park ng kotse ko sa harap ng bahay nila Taiga at tinext na rin si mama. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa loob ng banyo na naghihilamos at nagbibihis. Pinahiram ako ng damit na maisusuot ni Taiga at ng extrang sipilyo.
Pagkatapos kong maghilamos, tumingin sa akin si Taiga habang siya ay nakahiga. Hindi ko na lang pinansin ang mga titig niya habang pinupunasan ko ang aking mukha ng towel. Ilang sandali pa ay pumasok na rin siya ng banyo para mag-ayos.
Humiga ako sa kama at nakatingin lang sa kisame. Hindi naman ito ang unang beses na magtatabi kami sa pagtulog pero bakit kinakabahan ako? Iba na ngayon dahil may nararamdaman sa akin si Taiga at gusto ko na rin siya. Hindi ko alam kung kailan ko naramdaman ito pero hindi ko na rin maitanggi sa sarili ko na nagugustuhan ko na siya.
Itulak ko man siya kay Christiana o kay Phoemela, hindi ko maikakaila ang pagtutol sa bahagi ng puso at isipan ko. Tinutulak ko siya sa iba dahil natatakot ako sa nararamdaman ko. Natatakot akong lumalim at masayang ang pagkakaibigan namin. Paano kung hindi namin mapanindigan ang nararamdaman namin sa isa't isa?
Kung mananatili kaming magkaibigan, panghabambuhay ito. Kapag sinunod namin ang nararamdaman namin, maaaring mawala at masira ang pagkakaibigan namin lalo na at marami kaming masasaktan, ang pamilya namin. Ang mga taong nakapaligid sa amin. Handa ba kami sa iisipin ng lipunan?
Nawala ako sa lalim ng iniisip ko nang lumabas siya sa banyo. Nakasando at naka-boxers shorts din siya tulad ko. Napalunok ako nang makita ko ang katawan niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil kung ano-ano na ang pumapasok na imahe sa isip ko. Ang tagal na rin ng huling may nangyari sa amin.
Tumabi siya sa akin sa kama at yumakap. Tumagilid ako para makita ko ang kanyang mukha. Marahan niyang hinawakan ang mukha ko bago nagsalita.
"Nasukahan ako ni Phoemela noong nasa elevator na kami sa sobrang pagkalasing niya. Her mom offered me clothes kaya nagtagal ako sa condo nila. Nakipagkwentuhan din siya sa akin kaya nahiya rin akong umalis agad." paliwanag niya sa akin habang nakatingin sa aking mga mata.
He put his thumb to my lips before he continue what he is saying. "I'm sorry for having kept you waiting. Promise me you will not drive again when you are still drunk, baby. Papatayin mo ako sa pag-aalala. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa'yo."
Pumikit lang ako at marahang tumango. Hinihila na ako ng antok dahil sa pagod. Amoy ko ang mabango niyang katawan dulot na rin ng body wash na gamit niya. I am also wearing the scent of his body wash as I used it in the shower. As I fell into deep slumber, I felt his warm embrace and his kiss into my forehead. Somehow, it makes me sleep faster and at peace.
Kinabukasan ay nagising ako sa boses ni Taiga. May kausap siya. Idinilat ko ang mga mata ko at nakayakap pa pala ako sa katawan ni Taiga. Agad akong umalis sa pagkakalingkis sa kanya at nagkusot ng mata.
"Good morning po!" bati ko agad sa papa ni Taiga.
"Good morning din, Theo!" sagot na pagbati ni Tito.
"Ang ingay mo, Pa! Nagising tuloy si Theo." saway ni Taiga sa kanyang ama.
"Ikaw ang malakas ang boses dyan eh, ako pa ang sinisi mo. Tatawagin lang sana kita para sabayan na akong mag-almusal. Malay ko bang nandito rin si Theo." katwiran ni Tito Rosbert habang may kuryosong ngiti sa amin dahil nga nahuli niyang magkayakap kami ni Taiga na natutulog.
"Oh siya, bumaba na lang kayong dalawa at mag aalas diyes na. Aalis tayo Taiga, yung usapan natin noong nakaraan?" paalala ni Tito.
"Shit! Nakalimutan ko, Pa. Sige po, bababa na kami. Mag-aayos lang kami ng kwarto." sagot ni Taiga.
Agad naman kaming iniwan ni Tito Rosbert. Tumingin ako kay Taiga at ngumiti siya sa akin.
"Good morning!" bati niya sa akin.
"Morning!" tipid kong sagot at humikab pa. Bagong gising kami pero bakit hindi patas ang Diyos? His bedroom looks in the morning is so unfair!
"Ok na kayo ng papa mo?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya sa akin at ngumiti. Nag-ayos kami ng kama habang nag-uusap.
"Oo. Mukhang nakakamove-on na siya kay mama. Ilang taon ang dumaan bago niya na-realize na hindi na talaga kami mabubuo. Na pinagpalit na kami sa iba ni mama. Ganoon siguro talaga. Time heals all wounds." sagot niya na kita ang tuwa sa mukha.
"How about you? Nakamove-one ka na ba sa nagawa ng mama mo?" usisa ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Wala naman akong choice kung hindi ang magmove on din. Kaya kong magpatawad, pero ang makalimot?"
Tumango ako sa kanya habang isinasalansan ang mga unan sa pagkakaayos nito. Naiintindihan ko siya.
"By the way, nakuwento ko na ba sa'yo na may bagong nagpapasaya na kay papa?" tanong niya na sinagot ko naman ng iling. "He found someone else that he can pour his love with. Pupunta nga kami ngayon sa kanya eh. Ipapakilala ako ni papa." saad niya.
"I'm happy for you!" ngumiti ako sa kanya.
Taiga is a good person. He deserves to be happy. Sa tagal naming nagsama bilang magkaibigan, wala siyang ginawang makapananakit sa akin. Kapakanan ko lagi ang iniisip niya. If he deserves to be happy, am I willing to make him happy by being with him? Kaya ko bang pasukin ang pakiipagrelasyon sa kanya?
Bumaba na rin kami ni Taiga pagkatapos naming magligpit. Nag-almusal lang kami at pagkatapos ay nag-ayos na rin ako para makauwi. Ihahatid pa sana ako ni Taiga pero ang weird lang dahil ako ang may kotse at aalis pa sila ni Tito Rosbert.
Mabilis dumaan ang oras at dumating ang araw na may klase na ulit kami sa UP. Isang linggo na naman ang daraan para sa pagsusunog ng kilay. Nitong Sabado at Linggo ng gabi ay magkausap kami ni Taiga sa cellphone kaya medyo puyat ako ngayon. Puyat man pero nakadama naman ako ng kasiyahan.
Kung ano-ano lang ang mga pinag-usapan namin. Even though I felt that something has changed the way Taiga treated me now, he becomes extra sweet to me, somehow I do not feel awkward about it. As long as it's only between us and no one can see and hear us. He did not open the topic at what happened the night after the party.
Tulad ng dati, magkasabay kaming pumasok sa UP. Sa klase noong hapon kung saan kaklase namin nina Taiga si Christiana at Phoemela ay napapansin ko ang pag-iwas ni Taiga kay Phoemela. He will excuse himself and make himself busy so that Phoemela can't go near to him.
Katulad ngayon, magkatabi kami sa upuan ni Taiga habang hinihintay ang propesor at nang akmang uupo si Phoemela sa katabing upuan ni Taiga, biglang nagpaalam si Taiga na pupuntang comfort room. Hindi ko alam pero nakadama ako ng tuwa sa ginawa niya kahit pa kita ko sa mukha ni Phoemela ang pagkabusangot ng mukha.
Natatawang pumalit naman sa pwesto ni Phoemela si Christiana. Tiningnan nito si Phoemela mula ulo hanggang sa paa.
"Sabi na nga ba, hindi tatalab ang mga panglalandi mo kay Taiga. Disente kasing lalaki si Taiga. He deserves someone better than you." pag-irap pa ni Christiana.
Hindi naman siya inatrasan ni Phoemela. "Pinapalabas mo ba na he deserves you? Nagpapatawa ka ba? Para sabihin ko sa'yo, pareho lang tayong bokya kay Taiga. Makapagsalita ka akala mo nakalalamang ka na sa akin?"
"Lamang naman talaga ako sa'yo sa maraming aspeto and I do not need to elaborate it." sagot ni Phoemela habang nakahalukipkip pa.
"Non-sense talaga ang makipag-usap sa'yo, diyan ka na nga!" sabi ni Phoemela sabay tayo at irap kay Christiana. "Mag-uusap tayo mamaya, Theo." sabi niya bago umalis.
"Bakit ka niya kakausapin?" tanong ni Christiana. I just shrug my shoulder telling her that I do not have an idea about it.
Umalis na rin naman agad si Christiana nang dumating na ang propesor namin at si Taiga. Isa-isa kaming nagpasa ng plates sa propesor namin. Nauna akong nagpasa kaysa kay Taiga kaya naman lumabas na ako ng classroom. Agad na tumayo nang tuwid si Phoemela pagkakita sa akin at hinila niya ako papunta sa sulok ng gusali ng College of Architecture na walang gaanong tao.
"Ano'ng sinabi mo kay Taiga at kung bakit iniiwasan niya ako ngayon?" tanong niya sa akin matapos niyang huminto sa paglalakad at harapin ako.
Kumunot ang noo ko sa kanya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Huwag ka nang magmaang-maangan pa, Theo! Kung wala kang sinabi sa kanya, bakit niya ako iniiwasan?!" sigaw niya sa akin.
"Hindi ko alam. Why don't you ask him instead? Mali ka ng taong kinakausap ngayon." sagot ko sa kanya at hindi ako nagpatalo sa pagtitig sa kanya.
"Paano ko siya tataunungin kung iniiwasan nga niya ako? Nagsimula lang naman ito noong birthday ni Leo! Noong sinabi mo na may gusto ka sa akin!" balik niya sa akin.
"As far as I know I did not say that I like you. It was Steffi who said that and it isn't me." kalmaado kong pagpapaalala sa kanya.
"Ganoon din 'yun, Theo! Gusto mo ako kaya naman iniiwasan ako ni Taiga dahil nirerespeto niya ang pagkakaibigan niyo!" sagot niya at lumapit siya sa akin para hawakan ang kamay ko. Tumingin pa siya nang mariin sa mata ko na para bang nagmamakaawa. "Please, Theo! Kausapin mo naman siya. Ikaw na lang ang lumayo sa amin, kaysa siya pa ang lumayo sa akin!"
Napanganga ako sa sinabi niya. Ano daw? Mas gugustuhin pa niyang ako ang lumayo sa aming tatlo? Naririnig ba niya ang sinasabi niya?
"Hindi kailangang lumayo ni Theo dahil hindi ako makapapayag!" pagsingit ni Taiga.
Inalis niya ang kamay ni Phoemela sa kamay ko at mabilis niyang hinarap ang babae. Napaatras naman ako dahil pakiramdam ko ay wala dapat ako rito.
"I'm sorry kung umasa ka sa akin pero Phoemela, hindi kita gusto..." paghingi ng paumanhin ni Taiga.
Bakas naman ang sakit sa mukha ni Phoemela pero agad siyang nakabawi. Humawak siya sa balikat ni Taiga.
"B-But you become s-sweet to me, babe! You let me kiss you. You let me hold you! You took care of me when I'm drunk!" katwiran niya ngunit pasimpleng inalis ni Taiga ang kamay niya sa balikat nito.
"I let you because I do not want to be rude to you. I took care of you because I'm your friend. You are a good friend to me, Phoemela." deklara ni Taiga.
"Really, Taiga? Am I stuck in friendzone?" hindi makapaniwalang anas ni Phoemela at humawak siya sa kamay ni Taiga. "Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako! Ano ba ang gusto mo? Magpaka-Maria Clara ako? Magpakamahinhin? I can do that! But let me love you, Taiga! I really want you in my life, so please!" pagmamakaawa niya. Kita ko pa ang pagdaloy ng luha nito sa mga mata.
"I'm sorry, Phoemela! Hanggang pakikipagkaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa'yo." sagot ni Taiga na halata sa mukha ang guilt.
Umiling si Taiga kay Phoemela. "I'm really sorry! You can find someone better than me who will love you completely, Phoemela."
"But you are the best, Taiga!"
Umiling muli si Taiga at tumalikod na sa kausap. Tumingin naman siya sa akin at halata sa kanya na hirap din siya sa naging sitwasyon nila ni Phoemela.
"Hindi ako naniniwala sa'yo, Taiga! Siguro may iba kang gusto? Nagsisinungaling ka lang! Hindi kita titigilan hanggang hindi nakikita ng dalawa kong mga mata na masaya ka na sa iba! Tandaan mo iyan!" pagbabanta niya bago mabilis na umalis habang pinapahid ang mga luha.
Inaya ko na si Taiga at tahimik lang naman siya sa akin na sumunod sa paglalakad. Hindi ko na siya sinermunan dahil alam ko namang matalino siya at mapoproseso niya ang mga nangyari. Kung gusto niya pag-usapan, makikinig lang ako sa kanya.
Minsan kasi sa mga dumarating na problema sa buhay natin, sapat na na may taong nakikinig sa atin. Hindi natin kailangan ng mga salitang makapagpapababa pa ng ating moral.
"Okay ka na?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho ako.
Tumango siya sa akin at payak na ngumiti. Ilang sandali pa bago siya nagsalita.
"I felt guilty..." anas niya.
Tumango ako sa kanya na para bang sinasabi na magpatuloy pa siya sa sinasabi niya. Tulad ng sabi ko kanina, handa akong makinig sa kanya.
"I admit, ginamit ko si Phoemela para pagselosin ka. I just want you ta feel that you are not the only one but the truth is you're the only one for me, baby..." paliwanag niya.
Putek! Akala ko ba tungkol sa nangyari kanina ang sasabihin niya? Bakit napunta sa amin? Hindi ko tuloy alam kung ano na ang itsura ng mukha ko pero dama ko ang pamumula nito. Ibinaling ko na lang sa pagmamaneho ang ikinukubli kong kiliti sa tiyan at pagkabog ng dibdib.
"Nakakakonsensiya lang na sinabihan kita na heartbreaker ka noong nakaraan dahil nasaktan ako noong tinutulak mo ako sa iba. I'm sorry baby..." madamdamin niyang sagot at hinawakan pa niya ang kamay kong nasa gear shift at tumingin sa akin.
Buti na lang at nasa stoplight kami kung hindi ay kanina ko pa marahas na naapakan ang preno sa mga sinasabi at ginagawa ni Taiga.
"Please do not get tired for someone like me. For someone who is a heartbreaker like me. I cannot promise you that I won't be a heartbreaker to some people. But one thing is for sure that I can promise. I won't break your heart..." seryoso niyang sabi sa akin.
Tila ba uminit ang puso ko sa mga sinabi niya. Pasimple akong tumawa nang marahan bago nagsalita.
"Gutom lang 'yan! Tara, kain muna tayo bago pumuntang gym!" masiglang aya ko sa kanya.
Tumawa lang siya sa akin sa naging sagot ko. Hindi pa rin talaga ako sanay na ganito si Taiga sa akin.
Kumain nga muna kami at nagkwentuhan habang nagpapababa ng kinain. Mabilis din naman naming tinapos ang workout session dahil sineryoso namin ang pagbubuhat. Nasa parking building kami ng mall ngayon at pauwi na. Hindi na siguro ako magdidinner ngayon. Busog pa ako at siguro magda-diet na rin.
"Sa inyo na lang ako bababa, huwag mo na akong ibaba sa amin. Magko-commute na lang ako pauwi. Then bukas, maaga akong pupunta sa inyo para sabay tayong pumasok at hindi mo na ako daanan sa amin." mabilis niyang sabi sa akin.
"Sigurado ka? Mas convenient na daanan kita papunta sa school then sa inyo kita i-drop pauwi. What's with the sudden changes?" tanong ko.
"No buts, please!" tutol niya agad sa akin. "Hindi lang kasi tamang tingnan na ikaw ang nag-eeffort sa atin."
"What?!" reaksyon ko sa kanya.
"As much as I would like to feel kilig because of your effort to us, sa mga pagsundo at paghatid mo sa akin, I would like to remind you that I am the one who's courting you." sagot niya na nakapagpatameme sa akin. Nang makabawi, itinuon ko na lang ang pansin sa pagmamaneho.
"Bahala ka..." sukong sagot ko na lang na napapailing pa para itago ang pagkatuwa sa narinig ko sa kanya.
Nakarating din kami sa subdivision. Sinabihan ko pa siya na sa guard house ko na lang siya ibababa para hindi na siya mahirapan palabas ng subdivision pero nagpumilit pa siya. Ayoko na ring makipagtalo kaya naman hinayaan ko na siya sa trip niya. At some point, natutuwa ako sa pagiging persistent niya.
"Mag-ingat ka sa pag-uwi! Text mo ako kapag nakauwi ka na." sabi ko sa kanya.
"Ang sweet naman ng baby ko! Sige po, ite-text kita pagkauwi ko." masaya niyang sagot sa akin at nagulat pa ako nang dumampi nang mabilisan ang labi niya sa akin.
Natatawa siyang lumabas ng kotse samantalang ako naman ay kinakabahang tumingin sa paligid kung may nakakita ba. Napahinga ako nang malalim noong mukhang wala namang nakakita. Tinted nga pala ang kotse ko.
Kinuha ko ang gamit ko sa kotse at lumabas na rin at bakas pa ang pagkapula ng mukha.
"Pasok ka na sa bahay niyo. Hindi na ako papasok. Hintayin ko lang na makapasok ka sa loob bago ako umalis." aniya sa akin nang nakangiti.
Tumango ako sa kanya at ganoon nga ang nangyari. Nag-ayos ako ng gamit at naghanda bago matulog. Nakahiga ako sa kama habang hawak ang cellphone. Nagpapalitan kami ng mensahe ni Taiga sa text nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Steffi.
Steffi:
Good evening, Theo! Nakwento sa akin ni Christiana yung eksena niyo kanina sa UP. Narinig niya kasi yung eksena niyo kanina after class malapit sa parking area ng College of Archi. Oh my God! May progress na ba kayo ni Taiga? Magiging totoo na ba ang TheoTai?
Ako:
Tsismosa
Steffi:
Sino? Ako o yung pinsan ko?
Ako:
Pareho kayo.
Steffi:
Ang bad mo! Boto lang talaga ako sa inyo ni Taiga kaya nakikitsismis ako! Imagine, para ko nang binabackstab pinsan ko para lang magkatotoo ang sa inyo ni Taiga!
Sasagot pa sana ako sa kanya nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Taiga kaya naman mabilis ko itong sinagot habang tumagilid pa ng higa sa kama.
"Bakit?" tanong ko.
"I just want to hear your voice before we go to sleep. Tulog na tayo, baby. Goodnight! I love you..." malambing niyang sagot sa akin na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
Ngumiti ako kahit ba hindi niya nakikita ang mukha ko. "Goodnight!" tipid kong sagot at ibanaba ko na rin ang tawag niya.
Itinabi ko ang cellphone ko sa bedside table at ipinatong ang unan sa mukha ko. Mariin akong pumikit at nakatulog nang may ngiti sa mga labi.