Chereads / Tailing Taiga Rosseau (BXB) / Chapter 2 - Kabanata 1 (Magkaibigan)

Chapter 2 - Kabanata 1 (Magkaibigan)

"Bro! Ako 'to! Si Taiga! It's been what? Five years since the last time I've seen you! How's life?" masiglang bati niya sakin bago umupo sa kaliwa ko.

Huminga muna ako nang malalim bago siya sagutin.

"T-Taiga? Ikaw b-ba yan?" tanong ko sa kanya na alam ko namang walang sense ang itinanong ko sa kanya. Pull yourself together, Theo. Ang tagal mo itong inintay. Do not waste time anymore.

"Of course! Ako lang naman siguro ang Taiga na kilala mo di ba? Or may iba pa?" pambabara niya sa akin. I do not know if there's a hidden meaning from what he have said but I do want to raise a false hope.

"Baliw! Ikaw lang naman ang may weird na pangalan na kilala ko." ang sabi ko na lamang. Galing kasi ang kanyang pangalan sa isang vegetation cover na ang tawag ay Taiga. Ibig sabihin ay snowy forest sa wikang Ruso. Tinitigan ko na lamang siya sa kanyang mga mata at hindi ko maiwasang maalala ang aming mga pinagsamahan.

Grade seven pa lamang kami ni Taiga, magkaklase na kami. Nang tumagal, naging magkaibigan. Kilala siya ng marami sa angkin niyang kaguwapuhan. Grade 7 pa lamang ay maloko na talaga ang gag*. Kabi-kabila ang mga nag-aaway na babae nang dahil sa kanya. Linggo-linggo ay papalit-palit siya ng mga babae. Walang kasawaan. Kahit hanggang ngayong Senior High School na kami ay ganoon pa rin siya.

"Hindi ka ba nagsasawa na paiba-iba ka ng mga babae? Gag* ka, bro! Kapag nakahanap ka ng katapat mo, iiyak ka na lang. Para kang walang nanay. Tandaan mo, babae din ang nanay mo." sabi ko sa kanya nang nasa basketball court kami ng aming paaralan. Sinampal kasi siya ng babaeng kaka-break niya lang kaya naitanong ko sa kanya ito.

"Bro, baka nakakalimutan mong wala na akong nanay?" paala niya sa akin.

"Nasa England lang siya, hindi pa siya patay." katwiran ko.

"Kahit na. Iniwan na niya kami ni papa. Kaya nga naging miserable ang buhay ng kupal kong tatay." sabi nito na nakahalukipkip at nakakunot ang noo.

Ganoon kasi ang nangyari sa kanyang mga magulang. Nagpunta ang mama niya para magkaroon daw si Taiga ng magandang buhay. Para maibigay ang edukasyon na nararapat para sa kanya. Aniya, hindi daw dapat siya matulad sa kanyang mga magulang na walang natapos kaya hirap sa buhay. Nakakapag-aral lamang si Taiga sa naturang pribadong eskuwelahan na ito sapagkat matalino naman talaga ang kaibigan kong ito. May scholarship siya, yun nga lang, apektado ang kanyang conduct grades sapagkat lagi siyang pinag-aawayan ng mga babae. Matangkad, moreno, maganda ang mga mata, at lalaking-lalaki ang itsura.

Balita ko sa kanya, hindi na daw babalik sa Pilipinas ang kanyang ina dahil sa ikinasal na ito sa isang Briton. Hindi kasi kasal ang mga magulang ni Taiga. Tuluyan na silang iniwan. Gayunpaman, nagpapadala pa rin ito ng pera sa kanya para may maipangtustos siya sa kanyang pag-aaral. Aniya, kung di lang para sa pag-aaral hindi daw niya ito tatanggapin. Masama ang loob ng aking kaibigan sa kanyang ina.

"Ang sa akin lang naman, huwag mong paglaruan ang damdamin ng ibang tao. Afterall, emotional pain is worse than physical pain. Do not inflict pain to other people just because you have been hurt before." pangaral ko sa kanya.

Lalong kumunot ang kanyang noo at halos magdikit ang kanyang kilay sa aking sinabi.

"I am not using other people to get revenge from my mother. That's foul. I am just enjoying my youth. Collecting women, then select which one I want to be in my bed." katwiran nito. Tumingin siya sa aking mga mata at dinugtungan ang sinabi. "Saka bakit ba? I am still a man afterall. Normal lang sa atin ang tumikim ng iba't ibang putahe para hindi magsawa."

"That's toxic masculinity. 2010 na at ganyan pa rin pag-iisip mo?" I said while looking in his eyes.

Itinaas niya lang ang kanyang mga kamay sa sinabi ko. Waring ayaw nang makipagdebate sa akin.

"Bakit ba nasa akin ang usapan? Ikaw ba? Wala ka bang planong mag-girlfriend? Kung hindi lang kita kilala, paghihinalaan kitang bakla diyan." lihis niya sa pinag-uusapan namin.

"Gag*! Anong pinagsasabi mo diyan?" natatawang sabi ko sa kanya sabay batok sa kanya.

"Hindi nga pare! Tanggap pa rin naman kita kung bading ka man. Anim na taon na tayong magkasama kaya hindi ko ipagpapalit ang pagkakaibigan natin dahil sa nalaman ko lang ang kasarian mo."

"Ulol! Pakyu ka talaga!" batok ko ulit sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Mas straight pa kaya ako kaysa sa ruler.

"Pero seryoso, bakit wala kang nililigawan?" tanong niya sa akin.

"Why will I court someone when I know my parents especially my Dad won't like it. He already arranged my marriage to someone I do not know. You know, Chinese culture. Making connections, making sure of the family's wealth till next generation." paliwanag ko.

"What? Papayag ka sa ganoon? You will marry someone because of money?"

"Hindi naman sa ganoon. It's just that, maybe I am still finding that someone who will make me break that rule. Antayin ko na lang sigurong dumating yung panahon na iyon. Kapag wala, then why not di ba? Hitting two birds with one stone, I will be having a wife then money." katwiran ko.

Tumingin siya sa itaas na para bang nag-iisip sa sinabi ko. "Kung ganoon, ikakasal ka sa hindi mo mahal? What the fuck dude!"

"Really? Sayo pa nanggaling yan? Sino ba sa atin ang babaero dito?" sabi ko habang natatawa pa sa kanyang sinabi.

"Kungsabagay." natatawa niya na ring sinabi sa akin. "Hayaan mo, hahanapan kita ng babae. Para atleast, makatikim ka man lang ng ibang babae bago ka ikasal sa hindi mo naman gusto."

"Gag*! Ginaya mo pa ako sa'yo na malibog." Kinutusan ko pa siya habang sinabi ko ito sa kanya.

"What? Wala ka bang kalibugan sa katawan? Are you not fantasizing someone? Do you masturbate?" maanghang na tanong niya sa akin.

"Baliw ka talaga! Of course I am masturbating! It's just that I just want to protect myself from future accidental pregnancy. Kaya ikaw, ingat ka. Kahit naka-condom ka pa, may tendency na mabutas yun at makabuntis ka." pananakot ko sa kanya.

"Hindi yan, I know how to handle it. I'm an expert to bed! Last question na bro before we go home."

"Ano yun?" tanong ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya na nagungunot ang noo.

"Totoo bang maliliit ang etits ng mga may dugong-Chinese?"

Nalaglag ang panga ko sa kanyang tanong kaya naman napatawa kami nang malakas na dalawa. Sabagay, kami na lang naman ang tao ang tao sa gymnasium ng aming paaralan.

"Puro ka kalokohan. Size does not matter, performance does. Halika na, puro ka kakupalan. Shower na ako. May event pa tayo bukas. Baka nakakalimutan mong Grad Ball natin bukas?" paalala ko sa kanya.

Kinuha ko na ang aking mga gamit at sabay na kaming nagtungo sa shower room. Nakababad na ako sa shower at nakapikit na dinadama ang buhos ng tubig mula rito nang makarinig ako ng mahihinang tawa. Napatingin ako kay Taiga na nasa katabing shower at pinipigilan ang sarili na matawa.

"Bakit? Anong nakakatawa?" tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita pero nakatingin siya sa aking katawan na tanging brief lang ang suot. Pataas-baba ang kanyang tingin sa akin kaya naman binato ko siya ng sabon na hawak ko. Nakaiwas naman siya rito at pinulot ang aking binato sa kanya. Nakita kong sinabunan niya rin ang kanyang katawan.

"I think I already know the answer to my question awhile ago." pahayag niya.

Inalala ko ang mga napag-usapan namin kanina. Inisip ko nang mabuti hanggang sa mapagtanto ko ang nais niyang sabihin. Ipinulupot ko ang aking kamay sa kanyang ulo at pinagkukutusan habang pareho kaming natatawa.

"Gag* ka talaga!" mura ko sa kanya. Tinigilan ko na ang pagkutos sa kanya pero pareho pa rin kaming natatawa. "I am not a shower, mine is a grower." angil ko sa kanya.

Tinapos na namin ang aming pagligo nang sa gayon ay makauwi na rin kami. Sabay na kaming lumabas ni Taiga. Nakaabang na ang aming driver sa gate ng aming paaralan kaya naman pumasok na ako at si Taiga. Madadaanan lang din naman namin ang bahay nila kaya parati ko na siyang isinasabay sa pag-uwi. Palagi rin siyang nasa bahay kaya naman kilala na siya ng aking mga magulang bilang kaibigan ko. Kapatid na nga ang turingan namin sa isa't isa at anak na rin ang turing sa kanya ng aking mga magulang.

"Seriously, bro..." wika niya na nakapagpatingin sa kanya habang nasa likod kami ng sasakyan. "Without you and your family, I think I will be insane from what's happening in my life. Thank you for you and your family."

"Wala yun. Hindi ka naman na iba sa akin. Afterall, that's what friends are for di ba?" napatingin pa ako sa kanya nang nakangiti.

Hindi ko mawari kung anong emosyon ang bumalot sa kanya at kung ano ang ipinahihiwatig ng kanyang mga mata. Napangiti na rin siya sa aking sinabi. Malapit na ang kanilang bahay nang magtanong siya sakin.

"Ready ka na sa Grad Ball bukas?"

"Oo naman, bakit?" tanong ko sa kanya.

"Hmmm... Theo, baka naman." sabi niya sakin.

"What? Anong baka naman?" tanong ko sa kanya.

"Well, pareho lang naman tayo ng built ng katawan. Baka naman kako pwedeng makihiram ng damit."

"Walang problema. Gusto mo kunin mo na ngayon ee. Diretso ka na sa bahay."

Tumango na lamang siya sa akin. Ganito na kalapit sa isa't isa kaya naman hindi na malaking bagay ang hinihingi niyang pabor. Tutal kinokopyahan ko rin naman siya ng mga sagot sa klase, running for Valedictorian ang loko.

Nakarating kami sa aming bahay at dumiretso na kami sa aking kwarto. Inilapag lang namin ang aming gamit samantalang siya ay komportableng humiga na sa aking kama habang nakapikit pa.

"Hoy, Taiga! Damit ang ipinunta mo dito, hindi pagtulog." sabi ko sa kanya habang naghuhubad ng sapatos.

Iminulat niya ang kanyang mga mata at waring may gustong sabihin sa akin.

Nakatitig siya sa akin. "P-pinetisyon ako ni mama. Gusto niyang sa England na ako mag-aral ng College." sabi niya.

Nabigla ako sa kanyang sinabi kaya napatabi ako ng higa sa kanyang tabi. Nakatingin lang ako sa kisame ng aking kwarto habang pinag-iisipan ang mga sasabihin.

"A-anong sabi mo? H-hindi ba sasamahan mo ako sa UP? S-sabay tayong ga-graduate ng architecture di ba?" utal kong sabi sa kanya habang nakalingon na sa kanya. Nakaplano na kasi ang lahat para sa aming kinabukasan. Napatingin na rin siya sa akin na para bang sinusuri ang aking reaksyon.

"S-sabi ko ayoko. Binantaan niya pa akong ititigil ang pagpapadala ng pampaaral sakin. Tang ina, matapos niya kaming iwan ni papa at magpakasal sa iba, balak niya akong kunin? Wala ba siyang awa kay papa? Nawalan na ng asawa, mawawalan pa ng anak? Kahit lublob na sa alak si papa, mahal ko yun. Nasaktan lang siya sa pag-iwan ni mama samin." maramdamin niyang wika sakin waring pinipigilan ang emosyon.

"C-can I hug you, bro? K-kahit sandali lang?" hingi niya ng pabor sa akin.

Nagpaubaya ako sa kanyang sinabi at ako na mismo ang lumapit sa kanya para yakapin. Tinatapik-tapik ko pa ang kanyang likod upang siya ay kumalma.

Ganoon naman talaga. Kahit lalaki ka pa, darating sa punto ng iyong buhay na magiging mahina ka. Hindi naman nakakabawas ng pagkalalaki mo ito. Kung kailangang umiyak, ilabas mo.

Habang yakap ko siya, naisip kong masuwerte ang buhay ko. Mayroon akong mga magulang at nakababatang kapatid. Maykaya sa buhay sapagkat maayos naman ang negosyo ni papa. Nabibili ang gusto sa buhay.

"S-salamat. Ok na ako, bro. Para akong tanga." wika niya habang natatawa pa. Kumalas siya sa yakap ko at bumalik kami sa pagkakahiga.

"If you would like bro, I can ask my parents to sponsor you for our studies. Tutal state university naman ang UP kaya mababa lang mga gastusin. Lalo ka na."

Napakunot ang kanyang noo sa aking sinabi. "Hindi na, bro. Salamat na lang. Kakausapin ko ulit si mama. Siguro naman kung may konsensya siya sa ginawa niya samin, maiintindihan niya na hindi ko kayang iwan si papa dito."

"Ok. But if you need help, do not hesitate to ask for it." aniko.

"Salamat. Tama na drama, bro. Maggagabi na, nasaan na hinihiram ko." natawa na lang ako sa kanyang sinabi.

Pumunta na kami sa aking closet at naghanap ng damit na kanyang hihiramin. Mabuti na lamang at palagi akong sinasama ni papa sa mga business event kaya naman marami akong pang-pormal na kasuotan. Napili ni Taiga ang dark blue na tuxedo. Pati pantalon ay kaniya na ring hiniram. Buti na lamang, mas matangkad lang siya ng isa't kalahating pulgada sa akin. Matangkad kami pareho. Halos anim na talampakan na ang kanyang tangkad, tingin ko ay tatangkad pa kami sa edad naming disiotso.

May mga nagkakagusto din naman sa akin. Maputi ako dahil na rin sa may dugo akong Chinese, singkit ang mata, matangkad at sakto lamang ang pangagatawan bunga na rin na mahilig ako sa mga sports. Medyo may kalabuan ang mata kaya lagi akong nakasuot ng salamin. Iyon nga lang masyado daw akong tahimik at mailap. Silent type at good boy looking kumbaga. I just don't trust people easily. Kaya kapag pinagkatiwalaan kita at komportable ako sayo, nagiging madaldal din ako. Katulad na lamang ng pagkakaibigan namin ni Taiga.

Matagal na kaming magkaibigan kaya alam kong nandiyan kami para sa isa't isa. Napagkasunduan naming dalawa na anoman ang mangyari, mananatili ang aming pagkakaibigang pinanday at sinubok na ng panahon. Magkaibigan.